2
DEI POV
Kung kailan nagmamadali ang tao saka naman may mababangga ka pa. Kanina pa ko minamalas pero alam kong may kapalit ang lahat ng ito. Kaninang umaga nakita ko si Richard at sinira nanaman niya ang araw ko. Kung di lang kita...nevermind.
"Shet. Tignan mo yang ginawa mo sa kotse ko!" reklamo niya.
Unti unti kong binaba ang bintana ng kotse ko. Natulala siya na parang ngayon lang siya nakakita ng tao.
"Kasalanan mo to. Tignan mo nagasgas ang kotse ko. Kung hindi ka nag overtake sana hindi nangyari ito." pagdadabog niya with his Australian accent.
"Excuse me Kuya. Kung tumitingin ka sa linilikuan mo hindi sana magagasgas yang kotse mo. Umalis ka sa harap ko. Nagmamadali rin ako!" kampante kong sabi.
Akala niya ako lang ang malelate sa pupuntahan? Binalikwas ko ang kotse ko ngunit agad niya itong hinarang.
"What are you doing?" sigaw niya habang hinahampas ang bintana ng kotse ko.
"Hey Lady!"
"Aalis ako. May problema?"sabi ko sa kanya.. Tinanggal ko ang shades ko at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.
"Wow Miss. Ikaw na tong nakabangga ikaw pa ang may ganang magalit?"reklamo niya.
"So?" pang-aasar ko. It's his fault not mine. Binalik ko ang shades ko ngunit natigilan ako sa sinabi niya.
"Maganda ka sana eh. Kaso pangit ang ugali mo." biglang nag-iba ang aura niya. Nagkaroon ng kulay ang kaninang itim na pagmumukha niya. Kinindatan niya ako at sumandal sa bintana ko.
Gusto mo pala ng goodtime ha?
Unti-unti kong nilabas ang mukha ko na akmang hahalikan siya. Hindi ako umuurong sa ganitong mga bagay. Inilapit ko ang mukha ko at hinawakan ang baba niya. Kung makangiti ang mokong akala mo wala ng bukas.
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko. One inch na lang mahahalikan ko na siya. Pero siyempre hindi ko gagawin yun. Ibwinelo ko ang kamay ko at binigyan siya ng isang malakas na upper cut.
Oucccchhh
"What the hell!" pagmumura niya.
Agad kong pinaandar ang kotse ko at iniwan siyang tulala. Kasing gwapo niya si Richard pero mas may dating si Kuya. Well, iba pa rin si Richard.
Sinulyapan ko siya sa side mirror at patuloy pa rin niyang hinihimas ang baba niya.
Yan ang napapala ng mga feelingero. After a minute para na siyang nakakita ng isang anghel. Natulala ito at unti unting lumapit sa babae. Hindi na niya ininda ang suntok ko sa kanya. Mga lalaki talaga, makakita lang ng maganda nag-iiba na. Pare-pareho talaga kayo.
Wait, what?
Tama siya si Hope. Ang pinakasikat na teen actress ngayon. Ano kayang problema niya? Nilapitan siya ni feelingero at mukhang nagpapacute ito kay Hope.
Hindi ko alam kung bakit na curious akong lapitan sila. Siguro dahil kay Hope. Kung naging tomboy lang ako, gagawin ko lahat maging girlfriend lang siya. Bumaba ako sa kotse ko at nagtago sa gilid ng nakaharang na van.
"Can I help you?" nakangiting sabi ni feelingero.
"Nasiraan kasi ako. Nagmamadali pa naman ako." she said calmly.
Nakakatomboy.
"Ipasundo mo na lang yang kotse mo. Hatid na kita. San ba punta mo Miss?" Nagpapaka gentleman. I'm sure pa impress lang to kay Hope.
"Sa Brightford" Really? Pareho pa pala kami ng school?
"Doon din ako. Teka hindi mo na itutuloy ang pag-aartista mo?" Teka nga? Sa Brightford din mag-aaral tong feelingero na to? Huwag kang magkakamaling magpakita sakin. Naku.
"Pangarap kong makapasok sa Brightford. Makakapaghintay ang pag-aartista."
Nakapa humble niya pala. No wonder sumikat siya. Kinuha na ni feelingero ang gamit nito at isinakay sa kotse niya.
Pagkaalis nila, agad akong sumakay sa kotse ko at nagtungo na sa Brightford. Nakatakas na ako sa kahambugan ni Richard ngunit pumalit naman 'tong lalaking 'to.
Nang makarating ako sa Brightford ay kinuha ko ang mga gamit ko at binigay ko na ang susi ng kotse ko sa guard. Sila na daw ang bahala maghatid sa bahay.
Hindi ko namalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang mga libro ko. Isang lalaki ang lumuhod sa harapan ko at tinulungan akong pulutin ang mga gamit ko.
Kahit nasira ang araw ko sa kanina, may isang tao pa ring tutulong sa akin which is good.
"Salamat."matipid kong sabi.
"Walang anuman. Ako nga pala si Quen."pakilala niya.
"Dei"pakilala ko.
X
HOPE POV
"Pwede ba mamaya na tayo bumaba? Andami pang tao eh. Baka pagkaguluhan nila ako."sabi ko kay Wolf.
"Sure" sagot niya. Habang nasa biyahe kami, marami kaming napagkwentuhan about sa pag-aartista ko. Hindi ko alam na crush niya pala ako. Inamin niya yon kaya medyo nahihiya siya sa akin.
Habang naghihintay, naisipan kong tawagan si Direk para makapagpaalam ng maayos. Siya ang dahilan kung bakit nasa tuktok ako ng kasikatan. masakit man para sa kanya ang desisyon ko, alam kong maiintindihan niya ako. Bata pa lang ako, pangarap ko nang makapasok sa Brightford.
"Hello Direk!" nagsisigawan sila sa set. Ngayon kasi ang victory party dahil naging successful ang teleserye ko. Sadly, kailangan ko nang mawala sa programa. Nakapagshooting na rin ako ng episode para sa pagkamatay ng character ko. Nagwala ang twitter world sa balitang yon pero alam kong nandiyan pa rin sila para sa akin at sasalubungin ako sa pagbabalik ko.
"Nandiyan ka na ba Hope? Sayang wala ka dito. Alam mo ba malungkot si Kendrick?"I stopped for a moment sa narinig ko.
Isa rin siya sa dahilan kung bakit gusto ko munang lumayo.
"Opo nandito na po ako. Salamat po uli. Sana sa pagbabalik ko andiyan pa rin kayo para suportahan ako." Binaba ko na ang cellphone ko dahil alam kong anytime tutulo na ang luha ko. Naging pamilya ko na sila at labis akong nalulungkot na iwan sila. Hindi ko pinahalata kay Wolf na naluluha ako.
Agad ko itong pinunasan at niyaya ko na siya na umupo muna sa tabi ng puno since marami pang tao sa labas. Nagshades na lang ako para hindi ako mahalata habang naghihintay sa registrar.
X
THIRD PERSON POV
Nakaupo sina Ford, Alexis, Chandria at Richard sa kabilang parte ng round table na may puno sa gitna. Hindi napansin ni Alexis na katabi ng kapatid niyang si Chandria si Richard dahil natatakpan ito ng puno. Ganoon din naman si Chandria. Hindi niya napansin na katabi ng kapatid niya si Ford, ang umagaw ng upuan niya.
Pasimpleng umupo sina Hope at Wolf sa round table at nakatabi nila si Richard na busy nagbabasa ng libro.
Matapos ang limang minuto, dumating naman sina Dei at Quen at tumabi sila kay Ford. Wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila at dahil pare-parehong nasira ang araw nila, umupo na lang sila at kinuha ang mga earphones nila pampalipas oras.
Nasa isang round table silang walo at hinihintay ang opisyal na pagbubukas ng Brightford.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro