Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17

"Ano bang nangyayari Richard? Ford?" tanong ni Hope. Nakarinig ng kaluskos sina Ford at Richard kaya agad nilang tinakpan ang bibig ng mga girls.

Kinuha ni Ford ang panyo niya at tinapal niya ito sa bibig ni Chandria. Binigyan lang siya ng dalaga ng "wala-ka-talang-puso" look.

Si Quen naman ay sinenyasan lang si Hope na manahimik at sina Wolf at Alexis ay nasa likod lang at nagtataka pa rin kung ano ang gagawin nila.

Saktong paglingon nila sa likod ay may security guard na nakatayo sa likod nila. Bigla namang tumunog ang phone ni Wolf at hindi nila akalain na mapapasayaw pa sila para lang makapagpalusot sa guard.

Boy you should know that
I've got you on my mind

"Let's dance.."bulong ni Wolf.

"What?"sigaw ng mga girls.

Your secret admirer
I've been watchin

"Sasayaw kayo o sa dean's office tayo magkikita-kita?"banta ni Quen.

They did the trending running man challenge dance.

♫♪At night, I think of you

I want, to be your lady, maybe♫♪

Naapakan ni Ford ang paa ni Chandria kaya galit na galit nanaman ang dalaga sa kanya.

Parang nagjojogging in place lang si Ford na ginagaya ang ginagawa ng mga kasama dahil wala siyang idea kung ano ang ginagawa ng mga kasama.

If your game is on, give me a call boo

If your lovin's strong, gonna give my all to you♫♪

Walang nagawa si Chandria kundi sumayaw habang nakatapal ang panyo ni Ford sa kanya. Sina Alexis at Hope ay sumunod na lang.

Maging sina Quen, Wolf at Richard ay parang tanga na sumasayaw ng running man. Lalo pang kinainis nila ang pagkuha sa kanila ng video ng security guard na makapanood sila.

"Damn.."bulong ni Ford habang pasimpleng tumatakbo sa pwesto niya.

"Para sa katorpehan ni Richard.."masungit na sabi ni Wolf habang sumasayaw.

"Sumalangit nawa ang katorpehan niya."bulong naman ni Quen.

Mabuti na lang at natapos na ang kanta kaya para silang nabunutan ng tinik at nagtinginan sila dahil sa mga hitsura nila.

"Salamat po. Iuupload ko 'to sa EpBi"masayang sabi ng guard at umalis na ito na ikinatuwa nila.

Nagtinginan na lang sila ng makaalis ang guard. Napansin din ni Wolf ang CCTV na malapit sa pwesto nila at itinuro niya ito kay Ford. Pumatong siya kay Richard at sinira niya ang CCTV upang walang makakita ng pag-alis nila.

"This won't work. I have a better idea"wika ni Richard habang nakatingin kay Ford na parang naintidihan ang nasa isip ni Richard.

"Ako na bahala kay Chandria. Wolf, dumaan kayo sa kabilang fire exit ni Alexis. Si Hope at Quen, maiiwan dito kasama si Richard. Magkita-kita tayo sa likod ng Academy. Kapag nakuha ko na yung van ni Daddy, double time tayo"utos ni Ford.

"Wait..Pwedeng i-orient niyo muna kami?"singit ni Alexis.

Tinignan ni Ford si Richard upang siya na ang magpaliwanag ng lahat.

"Istrikto ang parents ni Dei. Iba ang kutob ko kaya kailangan natin siyang tulungan"

"Kaya nating makalabas dito, pero alam natin ang kapalit nito"bulong ni Hope. Tinanggal ni Chandria ang nakatapal sa bibig niya at hingis niya ito kay Ford.

"I'm in.."sagot ni Chandria.

Tumango na lang ang lahat at hindi na inisip kung ano ang mangyayari sa kanila sa planong pagtakas ng Academy.

Nagtungo sina Wolf at Alexis sa kabilang fire exit at doon sila lumusot sa bintana dahil may guard na nakabantay doon.

"Wolf..sigurado ka ba? Mahal ko pa buhay ko"natatarantang sabi ni Alexis. Naunang bumaba si Wolf na tumalon sa bintana at naka-abang siya para saluhin si Alexis.

"Don't worry. Mahal ko rin buhay mo"he winked. Dahil sa narinig ay parang nawalan ng balance si Alexis ngunit nasalo siya ni Wolf.

"Ano ulit yung sabi mo?"mautal na tanong ni Alexis.

Ngumiti lang si Wolf at ibinaba niya ang dalaga. He hold her hand at sabay silang nagtungo sa likod.

Hindi naman matigil ang bangayan nina Ford at Chandria habang palihim nilang kinukuha ang van ng Daddy ng binata.

'Pwede ba Chandria..ang arte arte mo!"seryosong sabi ni Ford habang hinihila si Chandria sa likod. Kanina pa ito halos madapa at kung ano-ano ang naapakan niya.

"Ford..pwedeng dahan-dahan lang? Ang sakit na kasi ng paa ko"bulong ni Chandria.

Huminto si Ford sa paglakad at umupo ito sa harapan ni Chandria at inayos niya ang sintas ni Chandria.

Napalunok si Chandria habang pinapanood niya si Ford na nasa harapan niya.

"May puso rin pala siya"she said on her mind.

"Kaya mo pa ba?"tanong ng binata.

Nakatulala lang si Chandria habang nakatingin kay Ford na umupo sa harapan niya.

"Sakay na"he commanded.

"Huh?"

"Sasakay ka ba o kakaladkarin kita palabas!?"banta ni Ford.

"Eto na po. Bawal magpabebe?"pagtataray ni Chandria.

Habang buhat siya ni Ford ay hindi maiwasang mapangiti ni Chandria. Napahinto ang binata nang makita niya si Julia na may hawak na bola at halatang sinadya niya itong ibato sa pwesto nila upang makapag-usap siya kay Ford.

"Oops sorry. Nakita niyo ba si Richard?"tanong ni Julia habang hawak ang bola ng volleyball. Nakasunod sa kanya si Ella na may dalang payong at Starbucks na inumin ni Julia.

Bumaba si Chandria at nakipagtitigan ito sa dalaga mula ulo hanggang paa.

"Nakikita mo ba siyang kasama namin? Hindi diba?"pagtataray ni Chandria.

"Sayang naman. Gusto ko sanang ipakita sa kanya kung paano ako maglaro di tulad ni Dei na lampa na shoshonga shonga pa.."pabebeng sabi ni Julia. Dahil sa sobrang paghanga ni Julia kay Richard ay napag-alaman niyang mahilig sa sporty na babae ang binata kaya gagawin niya ang lahat mapa sa kanya lang ang binata.

"Alam mo Julia, ang sporty mo no?"

"Hindi nemen meshede"sabi ng dalaga habang hinahawi ang buhok niya.

"Halata nga. Dahil sa dinami dami ng sports, social climbing pa ang pinili mo. Parang mas bagay ka sa Mental Academy "pagtatanggol ni Chandria.

Sasampalin na sana ni Julia si Chandria ngunit napigilan ito ni Ford. Nagkatinginan sila ni Chandria at unti-unti niyang ibinaba ang kamay ni Julia.

"Ako lang ang karapatang sumbatan ang babaeng ito. Nagmamadali kami Miss"seryosong sabi ni Ford sabay hilaa sa kamay ni Chandria.

Magsasalita na sana si Chandria upang magpasalamat siya ngunit naunahan siya ni Ford.

"Shut up ka na lang"bulong nito.

Tahimik lang si Richard habang tumatakas sila palabas ng Brightford. Hindi siya sigurado sa gagawin nila pero gusto niyang makasiguro na okay si Dei.

"Brad, hindi ka magkakaganyan kung wala kang nararamdaman para sa kanya..Bakit ayaw mo pang aminin kay Dei?"tanong ni Queb.

Hindi ito pinansin ni Richard at patuloy lang sila sa paglakad. Nagmadali sila ng makita ang puting van na papalapit sa kanila.

Bukas na ang pintuan at hinihintay ang pagpasok sila. Nasa front seat si Chandria at si Ford ang nagmamaneho.

Sa bandang dulo ay sina Alexis at Wolf ang nagtatago sa gilid ng puno at hinihintay ang pagdating ng mga kasama.

Agad na sumakay sina Wolf at Alexis at sila ang pumwesto sa likuran.

"Let's go.."sabi ni Wolf mula sa likuran.

Seryoso lang si Richard at hindi mapakali habang nakatingin sa labas.

"Richard. Maiba ako.. ano ba talaga kayo ni Dei?"tanong ni Chandria mula sa harapan.

"Pwede bang tumahimik ka na lang? Naririndi ako sa'yo"masungit na sabi ni Ford. Bigla itong prumeno at nawalan ng balance si Chandria.

"Ano ba Ford? Papatayin mo ba ako!?"sigaw ng dalaga.

"Malapit na.."bulong ng binata. Lumapit ito kay Chandria at isinuot ang seatbelt sa katawan niya.

Nagpatuloy sa pag drive si Ford habang tinatahak niya ang address na binigay ni Richard.

"Richard? Ano? You will not do this if you don't like her"pamimilit ni Hope.

"I don't know"he answered.

"Bakit ka nagkakaganyan?"pang-aasar ni Alexis.

Napasilip si Wolfd sa likod ng van nang may marinig siyang hilik.

"What the.."he whispered.

Kinalabit niya si Alexis at dumungaw naman ang dalaga sa likod at nakita nila si Dei na tulog.

Nagtinginan sina Wolf at Alexis na parang napagkasunduan na ilihim na nasa likod si Dei at paaminin si Richard sa tunay niya ang nararamdaman.

"I'll drive"sigaw ni Wolf mula sa likod dahil gusto niyng dalhin ang mga kasama sa isang lugar.

Biglang prumeno si Ford at tumabi ito kay Chandria.

"Tabi.."utos niya sa dalaga.

Magkatabi ang dalawa kahit masama ang tingin nila sa isa't isa.

Hindi pa rin nila alam kung ano ba ang ginagawa ni Dei sa likod ng van ngunit ang sigurado ay safe siya.

"Bakit ba pinapahirapan mo siya brad?"tanong ni Wolf kay Richard.

Tinapik niya ang balikat ni Richard at hinihintay ng lahat ang sagot niya.

"Baka naman nasa Academy lang pala siya"

"No. Malakas ang kutob ko wala siya sa Academy. Wait ibang way ata to Wolf"pag iiba ng usapan ni Richard.

"Kapag hindi mo sinabi ang totoong nararamdaman mo, hindi natin siya pupuntahan"pagkukumbinsi ni Alexis.

"Fine. I like her.. Pero nahihiya ako sa kanya"bulong ng binata.

After he said those words, biglang naalimpungatan si Dei at nanlaki ang mata nito nang makitng umaandar ang van na tinulugan niya kanina.

Ang buong akala niya ay makidnap na siya kaya nagsisigaw ito sa likod na ipinagtaka ng lahat.

"Tulungan niyo ako. Parang awa niyo na. Marami pa kong gustong gawin sa buhay. Richard.. tulungan mo ako!! Si Matteo Do nong tinawag siya ni Steffi, dumating siya at pinahinto niya yung kotse? Nasaan ka na? Si Dr.Kang noong mahuhulog sa cliff, dumating si Captain para sagipin siya.. Richard!!!"sigaw ni Dei habang nakapikit.

Natawa na lang sila sa sinabi ni Dei kaya pumwesto si Richard sa harapan ni Dei at saktong pagmulat niya ng mata niya, si Richard ang nakita niya.

"Hindi ako si Matteo Do na handang pahintuin ang oras at lalong hindi ako si Captain dahil ako si Richard Faulkerson.."nakangiting sabi ni Richard na nagpatulala kay Dei.

"Anong ginagawa mo dito!?"mautal na tanong ni Dei.

Napatingin ito sa mga kasama at nagtaka rin siya kung bakit kumpleto sila.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito Mendoza?"tanong ni Richard.

"Since nakalabas na tayo, simulan na ang road trip dahil ano mang mangyari, sa dean's office bagsak natin.."masayang sabi ni Wolf..


*****

A/N: Ohmeged. Akala niyo wala na ako?

I'm so sorry kung nabitin ko kayo sa mga stories. Sorry kung nawala ako ng matagal. Nawala sa sarili ang lola niyo. HAHAHA

Pangako, tatapusin ko ang mga stories ko. Just give me time kasi binabasa ko uli lahat para bumalik ang feels. Feels na binalewala niya. Charaught. HAHAHA

Ano nangyari sa akin? Well ayun. Na heartbroken at nagpabebe ng 3 months para makarecover. (Totoo ba?)HAHAHA Hindi man ngayon, pero sa tamang panahon. 💓

Namiss ko kayo. 💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro