Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12


Background song: With a Smile by Daniel Padilla

X

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang kasarapan ng tulog nina Dei at Richard na tanging tao sa bahay at hindi nila alam na sila lang ang magkasama.

Wala silang kaalam alam sa kaganapan sa mga kasama nila sa bahay.

Biglang naalimpungatan si Dei nang makaramdam siya ng uhaw. She slowly opened her eyes at nagulat siya nang wala siyang makita.

"Hala"agad niyang sabi. Bigla siyang napatayo at tumingin sa paligid.

Kinusot niya ang mga mata niya ngunit itim lang ang lahat kaya nakaramdam ito ng kaba.

Kinapa niya ang kama niya ngunit hindi niya mahanap ang cellphone niya dahil balak niyang tawagan ang Mommy niya.

She closed her eyes again but nothing changed.

Naglakad ito hanggang marating niya ang pintuan ng kwarto niya. Ang hindi alam ni Dei, nawala ang kuryente dahil sa malakas na pag-ulan sa labas at dahil sa panaginip niya na lalaking walang mukha ay na praning na rin siya.

Kinapa niya ito at bahagyang binuksan ngunit hindi siya lumabas dahil bigla siyang natakot na baka totoong naglaho na ang paningin niya.

Umupo siya sa tabi at pinakiramdaman ang paligid. Rinig ang pagpatak ng ulan sa bubong at malakas na hangin na humahampas sa bintana niya. Nakaramdam siya ng takot at niyakap ang sarili gamit ang kanyang kamay.

Unti-unting tumulo ang luha niya at ang magising mula sa masamang panaginip ang nasa isip niya.

Saktong papasok naman si Richard sa kwarto niya dahil hinahanap niya ang flashlight nang makaramdam siya ng init dahil ilang oras na palang naka off ang aircon. Dahil sa sobrang antok ay hindi na niya ito hinanap at bumalik siya sa kwarto niya ngunit napatigil siya nang may marinig siyang kakaiba.

Isang paghikbi ng babae sa kwarto na nasa harapan niya.

Nagdahan-dahan siyang naglakad at sumandal ito sa dingding ng kwarto ni Dei upang pakinggan kung si Dei ba talaga ang umiiyak sa gitna ng gabi.

"Alam ko ganito mundo ko kapag wala siya sa paningin ko pero unfair naman po. Bakit bigla bigla na lang akong walang makita"tarantang sabi ni Dei habang umiiyak.

Lift your head, baby, don't be scared
of all the things that could go along the way.

Pinipigilan ni Richard ang tawa niya dahil parang walang alam si Dei na brownout lang ngunit hinayaan niya ito dahil gusto niyang marinig ang mga sasabihin ng dalaga at magagamit niya ito para asarin si Dei.

You'll get by with a smile
you can't win at everything but you can try.

"Pasaway ka talaga Mendoza"sabi niya sa sarili. Sa halip na matulog ay pinapakinggan lang niya si Dei sa mga sinasabi nito.

Baby, you don't have to worry.
'Coz there ain't no need to hurry.

Patuloy lang sa pag iyak si Dei at kung ano ano na ang nasasabi kabilang ang pagtingin niya kay Richard na ikinagulat ng binata.

"Lord..kung tinanggalan mo ako ng paningin para hindi ko na makita ang lalaking nambibwisit sa akin sana nasabi ko muna sa kanya yung nararamdaman ko para minsanan ang pagsisi"nanlaki ang mata ni Richard at inilapit niya sa pader ang tenga niya.

No one ever said that there's an easy way.
When they're closing all the doors.

Pinunasan ni Dei ang luha niya at napansin ni Richard na nakaupo ito sa gilid ng pintuan niya kaya bahagya siyang nagtago upang hindi makahalata si Dei.

"Oo nagbubulag-bulagan ako sa panloloko niya sa akin pero huwag mo naman pong totohanin"she said again while crying.

And they don't want you anymore.
This sound funny but I'll say it anyway.

"Kahit binubully niya ako noon, mabait pa rin siya."

"Kahit inaaway niya ako, makita ko lang yung dimples niya, nawawala na ang galit ko. Kaso paano na ngayon? Ni anino niya hindi ko na makikita"pahikbi hikbing sabi ni Dei na parang bata. Gusto niyang lapitan ang dalaga ngunit baka may masabi pa si Dei kaya hinayaan niya ito.

Biglang napangiti si Richard at napahawak sa baba niya sa sumunod na rebelasyon mula kay Dei.

"Kaya lang naman ako nakikipag kumpetensya sa kanya para mapansin niya ako"

Girl I'll stay through the bad times.
Even if I have to fetch you everyday.
You'll get by with a smile.
You can never be too happy in this life.

"Kaso huli na ang lahat. Lalong walang dahilan para magustuhan niya rin ako. Paano niya mamahalin ang bulag na tulad ko?"dugtong ni Dei.

Yumuko ito at ipinatong niya ang ulo sa kanyang tuhod.

"Richard.."bulong ni Dei.

"Richard..."dugtong niyang muli na parang siya lang ang pangalan na naalala niya.

Saktong pag-angat niya ng ulo niya ang pagbukas ng ilaw sa kwarto niya.

Kinusot niya ang mga mata niya at pumikit pa ito ngunit mukhang nagkamali siya.

"Huh?"she whispered. Pinunasan niya ang luha niya at tinignan ang buong sarili. She's still on her room at makulay ang lahat.

Pagtayo niya ay agad siyang nagtungo sa salamin ngunit napatigil siya nang makita niya si Richard sa labas ng kwarto niya. Nakasandal sa gilid ng pinto at naka white sando at boxers lang ito.

Dahan-dahan na lumingon si Dei at napanganga ito.

In the world where everybody.
Hates a happy ending story.

"Should I walk out or wait for your explanation?"pang-aasar ni Richard. He runs his hand through his hair.

"Anong ginagawa mo diyan?"mautal na tanong ni Dei kasabay ng mga mata niyang parang nakakita ng multo.

"Nakikinig sa confession mo.. parang kulang ng Dear Richard, Love Dei "sagot ng binata.

Napahawak si Dei sa labi niya at tinakpan ang bibig niya. Para siyang nanigas sa narinig niya at hindi alam kung paano makakaalis sa kwarto nang hindi lumalapit sa binata dahil nahihiya siya rito.

Hinila ni Dei ang pintuan ngunit pinigilan ito ni Richard.

"Kayang pigilan ng biceps ko ang pintuan mo"biro niyang muli hanang ipinapakita kay Dei ang braso nito.

It's a wonder love can make the world go round.
But don't you let it bring you down.
And turn your face into frown.
You'll get along with a little prayer and a song.

"Nagkamali ka ata ng kwarto Richard."sagot ng dalaga.

"Bakit ka nagagalit?"

Lumapit siya kay Richard at hinarap ito.

"Hindi ako galit"

"Bakit namumula ka?"tanong ni Richard habang nakatingin sa mukha niya.

Binuksan ni Dei ang pintuan nang tuluyan at nakipagtitigan kay Richard. "Yan naman ang gusto mo 'diba? Ang magmukhang tanga ako sa harapan mo. Should I walk out or wait for your explanation?"seryosong sabi ni Dei na nagpatahimik kay Richatd.

Hinawakan ni Richard ang braso ni Dei ngunit nag walk out ang dalaga at lumabas ito ng bahay kahit nakapambahay lang ito.

Hindi rin niya ininda ang lakas ng buhos ng ulan dahil naiinis siya sa sarili niya at ang masaklap pa, narinig ni Richard ang mga sinabi niya.

Kahit maligo pa siya sa ulan, hindi maitstago ang katotohanan na narinig ni Richard ang confession niya sa panahong akala niya ay katapusan na niya.

Sinundan siya ni Richard ngunit hindi niya mahabol ang dalaga. Sa halip na si Dei ang hahabulin niya ay umiiyak na Alexis ang nakasalubong niya, basang basa sa ulan.

"Alexis?"inilawan ni Richard ang mukha nito at hindi siya maaaring magkamali.

"Richard.."bulong ng dalaga. Tanaw ng mga mata ni Richard si Dei na unti-unting lumalayo sa paningin niya.

"Come here.."pinayungan niya ang dalaga at sinamahan ito pabalik ng bahay.

Habang naglalakad si Dei ay tumigil ito sa isang bakanteng room sa Brightford.

Umupo siya sa gilid at nagtago. Malayo kay Richard at malayo sa kahihiyan na ginawa niya.

"Ah. Ang tanga-tanga mo Dei Mendoza. Sa dinami-dami ng sasabihin mo, yung feelings mo pa para kay Richard ang nasabi mo. Ano ka ngayon? Arrrggghhh"sigaw nito.

"Pwede mo namang sabihin na mahal mo parents mo at mga kaibigan mo pero bakit si Richard pa? Oo crush mo siya..mali.. oo mahal mo na nga yata siya pero lalo ka lang niyang gagamitin para mauto ka niya. Arrrggh nakakainis ka Richard Faulkerson!!! Kung hindi lang kita gusto arrrrgg"sigaw muli ni Dei.

Nanlaki ang mga mata nito nang may tumakip sa bibig niya at hinila siya palabas ng room. Nagpupumiglas siya ngunit malakas ang bisig ng lalaki na humila sa kanya

"Shut up."he commanded.

"Ano ba! Bitawan mo ako!"nang makalabas sila ng room ay binitawan siya ng binata at si Ford ang humila sa kanya palabas ng room.

"Hindi mo alam ang pinasukan mo"seryosong sabi ni Ford.

"Bakit? It's vacant room. Look!"turo ni Dei sa room.

Inilawan ni Ford ang room at parang binagsakan ng buong building si Dei sa nabasa niya.

"It's the confession room"matipid na sabi ni Ford.

In the world where everybody.
Hates a happy ending story.
It's a wonder love can make the world go round.
But don't you let it bring you down.
And turn your face into frown.
You'll get along with a little prayer and a song.

Ang room na ito ay ginagamit kung may special announcement sa buong school at rinig ito saan mang sulok ng Brightford. Kahit nasa banyo ka pa o nasa loob ng kwarto, maririnig ito ng lahat ng tao.

Biglang kinabahan si Dei at napahawak muli siya sa bibig niya.

Lahat ng tao sa auditorium ay napahinto sa narinig nila. Maging sina Hope at Quen ay nagulat sa narinig nila. Pati ilang professors ay nagising sa confession at nagkatinginan naman sina Alexis at Richard nang marinig nila ang sinabi ni Dei.

Biglang bumukas ang ilaw sa mga bahay na nasa paligid nila at nagsilabasan ang ibang estudyante.

"It means..."bulong niya habang nakatingin kay Ford.

"You just confessed your feelings for him. Goodluck Mendoza. You're now the talk of the town"tinapik ni Ford ang balikat ni Dei at iniwan na itong tulala at lumulubog sa kahihiyan.

"Totoo na 'to. Papanindigan ko ba ang mga sinabi ko o magiimpake na ako ng mga gamit ko?"sabi niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga taong nakatingin sa kanya, mga taong ginising niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro