Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

Chandria POV

"Chandria! Where are you going?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng kaibigan ko. Nasa bahay kami ng barkada ko at nagpa-pool party siya dahil aalis na siya ng bansa. I know I'm a little bit drunk at kailangan ko nang umuwi dahil bukas ang first day ko sa Brightford Academy. It sucks. Pero natutuwa ako kasi makakasama ko si Alexis.

I covered my ears at sinigawan ko na ang siya dahil sa lakas ng sounds sa bahay nila. "Got to go. First day ko sa impyerno bukas remember at misyon kong dalhin sa impyerno ang sister ko?!"

Nag wave siya sa akin bilang senyales. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at pumara ng taxi sa labas. Sa likod ng bahay ako dumaan dahil for sure, nasa sala si Daddy at magdamag nanaman niya akong sesermonan.

Papasok na sana ako ng kwarto ko ngunit bumukas ang ilaw at nakita ko si Alexis na nakatayo sa harapan ko at may dalang mga maleta.

"Excited ka na sister?"

"5:30 na. Alas siyete pasok natin."may point siya. Napatingin ako sa wall clock at mag uumaga na pala.

"Did you bring my things?"I asked. Sinagi ko ang balikat niya bilang pang-asar at kumuha ako ng tubig sa kusina.

That's my twin sister Alexis. Sisiguraduhin ko na gagantihan ko siya sa lahat ng mga kasalanan niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Para nanaman siyang Christmas tree sa dami ng accessories niya.

"Alexis and Chandria.. Ready na yung sasakyan."sigaw ni Mommy.

"We're coming!"sagotnaman ng kapatid ko.

"Thank you sis!"sabi ko sa kanya. Hinayaan ko siyang buhatin ang mga gamit ko tutal paepal din naman siya.

Nagpaalam na kami kina Dad at Mom at padabog akong sumakay sa kotse. Hindi kami nag-iimikan at pansin kong ngumingiti siya mag-isa. 

Crazy sister. Ugghh.

"Chandria..sana magkasama tayo sa bahay."

Nginitian ko lang ito. Hello Brightford Academy. Hello hell, malapit ka nang makilala ng kapatid ko.

Tumigil ito sa paglakad. Ano na naman Alexis? 

"Chandria.. bakit ba ang sungit mo sa akin?"

"Hindi ako galit sa'yo Alexis. Galit ako sa existence mo."

Sa halip na kausapin ko siya ay kinuha ko na lang ang bag ko at naglakad-lakad sa Academy.

I thought this is an exclusive University but I was wrong. Paano ako makakasingit sa dami ng tao? Ang iingay pa akala mo mga palengke. Ayoko pa naman ng nakikisingit. Hintayin ko na lang matapos ang pila saka ako magpaparegister. Nang maupo ako sa isang upuan ay inunahan ako ng isang lalaki.

"Umalis ka diyan ako ang nauna."masungit kong sabi. Hindi niya ako sinagot at nilagay niya ang earphones sa tenga niya.

"Wow!"

Aba kung magmayabang to akala mo kung sino. Hindi niya ata kilala ang kausap niya.

"Aalis ka diyan o kakaladkarin kita paalis?" pananakot ko sa kanya.

"Psh" inuubos nito ang pasensya ko. Ano to? Man of few words? Pipi? Bingi?

Umalis na lang ako at lumipat ng mauupuan ngunit napahinto ako nang tawagin niya ako.

"Miss umupo na ka. Kawawa ka naman."sabi niya.

"Huwag na, hindi ako nakikipagusap sa hindi gentleman."

Tinalikuran ko siya at umupo sa gilid. Sinusubukan ko kung pipilitin niya ako ngunit bumalik ito sa upuan at isinuot ang shades niya.

Huminga ako ng malalim nang makita si Alexis na papalapit. Parang masayang ipahiya siya ngayon. I was about to walk towards her ngunit parang huminto ang mundo ko nang makaramdam ako ng init sa katawan.

"WHAT THE HELL! TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!"nangigigil kong sabi.

Shet. Natapunan ako ng kape. Relax Chandria, isipin mo pumasok ka dito para sa kapatid mo. 

"HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KAMAHAL ITONG DAMIT KO!"sigaw ko. I don't care kung may pambayad siya. Paano ako magpapalit nito? Yung maleta ko nasa loob na for inspection.

"Name your price." kampante niyang sabi.

Anong tingin niya sa akin? The never of that guy!

"I don't need your money. Damit ang kailangan ko!"pagmamatigas ko.

Anong mga estudyante ba meron sa school na to. Ang lalakas ng hangin. Sinipa ko ito sa bandang ibaba. Buti nga sayo.

"Aray. Bakit mo ginawa yon!?"sigaw niya habang hawak ang maselang parte ng katawan niya.

Nginitian ko lang ito. Yan ang nararapat sayo.

"Miss, who are you?"tanong niya.

"Sabi ng parents ko, don't talk to strangers. I just answered your question."I said with a big smile.

"See you around. I'm Richard. "pahabol niya. Aalis na sana but then again, may naalala ako. He looks familiar. Nakita ko na ang lalaking ito ngunit hindi ko alam kung saan.

Nahagip ng mga mata ko si Alexis na nakatingin sa amin. I knew it. Ang lalaking ito ang dahilan kaya excited si Alexis pumasok sa Brightford.

Lumapit ako kay Richard at pinakita ko mismo sa kapatid ko ito.

"Chandria.."nakipagkamay ako sa kanya at nang mahawakan ko ang palad niya, tinagalan ko ang paghawak dito.

Habang hawak ko ang kamay niya, narealize ko kung bakit nagkagusto si Alexis sa kanya. Simpleng ngiti lang ang ibinigay niya ngunit naging espesyal ito dahil sa dimples niya.

Cute. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro