Chapter 9
KATHRYN
Nahihilo na si Kathryn sa kakasayaw sa gitna ng dance floor. Nasa isang club siya at nagwawaliwaliw. Gusto talaga niyang makalimutan si Daniel at sa kagagahan niya dito. Napag-isipan niya baka umepekto ito sa kanya at makalimutan, kung hindi man panghabambuhay pero kahit sa saglit lang, ang komplikasyong dinadala ni Daniel sa kanya.
"Kath, tama na iyan. Halika na. Let's go. Gabi na," biglang hila ni Julia sa kanya mula sa gitna ng dance floor.
"What? Nag-eenjoy pa ako," kontra niya dito.
"Kath, if this is your way of forgetting Daniel, trust me, hindi ito eepekto. Kaya please lang, sa halip na magsunog ka ng atay mo, hanap nalang tayo ng ibang paraan para makalimutan mo si Daniel. Let's go, uwi na tayo."
"No, nag-eenjoy pa ako. Kung gusto mo, mauna ka nang umuwi. Magta-taxi nalang ako."
"Kath, ano ba? Hindi ako uuwi hangga't hindi kita kasama."
"Julia, you go ahead. I'm still enjoying my night. Minsan lang ako nagkakaganito. Pagbigyan mo na ako." At umalis na siya at tumungo na sa dance floor.
Nakita niyang nagbuntong-hininga si Julia at lumabas ng club. Ipinagpatuloy na niya ang kanyang naudlot na pagsasayaw.
__________
JULIA
Lumabas si Julia sa club kung saan pumunta sila ni Kathryn para sana maaliw ito at makalimutan kahit saglit lang ang Daniel nito. Nagulat lang siya nang bigla itong nag-imbitang magclubbing. Dahil game naman talaga siya sa mga ganoong bagay, pumayag siya. Nakakailang shots lang sila ng tequila ay nahilo na ito. Kaya ayun, wild na wild na nagsasayaw sa dance floor. Hindi niya ito mapilit umuwi at hindi rin naman niya ito maiwan.
Naisipan niya bigla si Daniel.
Kung tawagan ko kaya si Daniel at sabihin dito ang nangyayari kay Kath? Papuntahin ko kaya siya sa club para maawat si Kath? Mga tanong sa isip niya ngunit walang kasiguraduhan kung tama ba kung gagawin niya ito. Kasi naman, ayaw din naman niyang ilaglag si Kath kay Daniel. Pero ito kasi ang problema nito, kaya malamang ito rin ang magiging solusyon.
Bahala na nga.
Napagpasyahan niyang tawagin si Diego. Dahil wala naman talaga siyang number ni Daniel ay kay Diego nalang siya tatawag.
Nagbilang muna siya hanggang tatlo bago idinial ang number nito.Kabado siya kasi tatawagan niya si Diego.
"Hello?"
Ilang minuto siyang tulig bago nasagot ito. "Ah, D-Diego. Si J-Julia ito."
Ilang minuto ding natahimik ang kabilang linya bago niya narinig itong tumikhim. "Ah, hi Julia."
"Hello rin."
"Hi din."
"Hi."
"Hello."
Ano ba iyan? Parang mga baliw. Napatawa nalang siya. "Diego."
"Julia."
"May number ka ba kay Daniel?"
May narinig siyang tumawa sa kabilang linya. Bigla namang nag-iba ang mood ng boses nito. "Bakit mo kailangan ang number niya?"
"Si Kath kasi eh."
Natahimik nang ilang saglit bago ito nagbuntong-hininga. "Ah, Iyon lang ba? Akala ko kung ano na eh."
Tumawa siya nang mahina. "Hindi 'no. Si Kath talaga ang sadya ko sa kanya kaya kailangan ko ang number niya. Pwedeng pahingi?"
"Julia..." Parang nag-iba yata ang boses ni Diego?
"Diego?"
"Si Daniel ito."
"Ano?" Paano nangyari iyon?
"Ah, Julia, si Diego ito. Naka-loudspeaker ka kasi. Nandito ako sa condo ni Daniel."
"Ah, ganoon ba?" Kaya naman pala.
"So, ano na about ni Kath?" tanong ni Daniel.
"Ah, kasi. Busy ba kayo? Pwede niyo ba ako puntahan dito sa may bar malapit doon sa Mirage Hotel? Nandito kasi kami ni Kath eh."
"Bakit? Anong nangyari kay Kath?" Teka, pag-aalala ba ang narinig niya sa boses ni Daniel?
"She's drunk and - "
"Sige, we're on our way."
"Ha?"
"Ah, Julia, si Diego ito. Papunta na kami. Ui, DJ, wait up! Sige ha? Baba ko na ang phone, Julia. Bye!"
At ibinaba na nito ang phone. Napaisip siya bigla. May feeling siya na iba. Para kasing may something, eh. Pero mahirap naman kasing magconclude ng something na hindi pa talaga sure. Baka ganoon lang talaga si Daniel mag-alala. Kaya siguro maraming babae ang nagkakandarapa dito.
Hay, no wonder baliw na baliw ang kaibigan ko sa Daniel na ito. Ang hirap naman pala ng pinasukan ni Kath. Napailing nalang siya sa ulo.
__________
DANIEL
Pinaharurot ni Daniel ang sasakyan sa hi-way. Halos hindi na siya pumepreno sa bilis ng kanyang pagpapatakbo.
"Bro, dahan-dahan lang," paalala ni Diego sa kanya. Kumakapit na nga ito sa dashboard sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Pero hindi pa rin siya nakinig. Ang iniisip niya ay si Kath at kung ano nang nangyari dito.
"Daniel! Dahan-dahan nga!" nagpa-panic na sabi ni Diego. Lumampas na siya ng 120km/s sa highway. Mabuti nalang at gabi na at wala nang pulis na nagsa-stambay sa kalsada.
Sa wakas ay narating na rin nila ang club na sinasabi ni Julia. Malakas ang pinakawalan na hininga ni Diego.
"Pare, grabe. Sa susunod talaga, I'll bring my own car nalang. Grabe, mamatay ako sa niyerbos," reklamo ni Diego.
Hindi na niya pinansin ito at tuloy-tuloy ang pagpasok sa club. Nakita agad niya si Julia na nakaupo sa bar table.
"Julia, si Kath?" tanong niya dito.
Tumingin lang ito sa may dance floor. Napasunod ang tingin niya doon at nakita si Kath na sumasayaw sa gitna doon. Wild na wild na ito, halatang tinamaan na sa epekto ng alak.
Ito ba ang epekto ni Albie kay Kath? Huminga siya ng malalim bago tinungo ang dance floor.
__________
KATHRYN
Lutang na lutang na ang feeling ni Kath. Hindi na niya alam kung paano pa niya nagawang magsayaw sa dance floor. Nahihilo na siya. Feeling niya, umiikot ang mundo niya ng mabilis. Ang kisame, ang sahig, lahat-lahat ay umiikot ng mabilis. Pilit niyang nilalabanan ang hilo. Tiningnan niya ang mga tao sa paligid at nagulat nang makita ang mukha ni Daniel. Lumingon-lingon siya pero kahit anong gawin niya, isang mukha lang ang nakikita niya. Kahit saan siya tumingin, mukha lang ni Daniel ang nakikita niya.
Daniel! Ba't di ka maalis sa isip ko?
"Kath!"
Napalingon siya sa tumawag at nakita ang mukha ni Daniel. Pilit niyang kinusot-kusot ang mata niya para kahit papaano'y mawala na sa isip niya ang mukha ni Daniel.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagbilang hanggang sampu. Nagbabaka-sakaling makalimutan si Daniel. Perf pagdilat niya ng mga mata ay mukha pa rin ni Daniel ang nakikita niya.
"Ba't di ka mawala sa isip ko?" tanong niya sa mukha nito.
"Kath, you're drunk. Halika na, uwi na tayo," nagsalita ito.
Teka, totoong Daniel ba ito?
"DJ?" Hinawakan pa niya ang mukha nito para matiyak kung talagang nandoon ito.
"Kath, halika na," anito sabay hila sa kanya.
Nagpahila lang siya dito. Para siyang baliw na ewan. Nadidismaya siya kasi kahit anong pilit gawin niya upang makalimutan ito, parati pa rin niya itong nakikita. Pero masaya naman siya kasi nakita niya pa rin ito.
Baliw ka na talaga, Kath!
Nakalabas na sila ng bar nang bigla itong huminto.
"Ano bang napasok sa kukote mo at nagpapakalasing ka?"
"DJ..."
"Nahihibang ka na ba talaga? Dahil sa Albie na iyan, hinahayaan mong maging ganito ka? Kath! I know you can do far more better than this!"
"DJ."
"Kath, alam ko naman na mahirap eh. Mahirap ang sitwasyon na ganoon. Trust me, I know how it really feels. Pero knowing you, alam kong kaya mo ito."
"Hmm."
"Kath, nakikinig ka ba sa akin?"
Napapangiti lang siyang nakatanaw sa mukha nito. Nahihilo na talaga siya at hindi na kaya ng katawan niya. Any minute now ay babagsak na siya sa lupa. Nakita pa niyang lumapit ito sa kanya at inalalayan siya. Hindi na niya matandaan ang lahat ng nangyari. Basta't nawalan na siya ng malay.
__________
DANIEL
Inihiga ni Daniel si Kath sa kama nito. Nawalan ito ng malay kanina dala na marahil sa kalasingan. Napabuntong-hininga siya.
"Ah, DJ, salamat sa pag-alalay kay Kath, ha? At sorry na rin sa istorbo," narinig niyang sabi ni Julia sa may likuran niya.
"Okay lang iyon, Julia. Mabuti pa nga iyon at ako ang tinawagan mo."
"Sige, DJ. Maiwan muna kita dito. Ikaw muna ang bahala kay Kath, ha? Kukuha lang ako ng mainit na tubig pampunas kay Kath."
Umalis na ito. Siya nalang mag-isa ang naiwan sa kwarto ni Kath. Hinahawi niya ang buhok nitong magulo. Amoy alak na ito at pawisan pa. Kumuha siya ng bimpo galing sa cabinet nito at pinunasan ang pawis sa noo nito. Bigla siyang napahinto at napatingin sa mukha nito.
Ang ganda talaga.
Pinagmamasdan niya ang mukha nito. Napakagandang babae talaga. He had never seen this beauty elsewhere. Kay Kathryn lang talaga. Hindi niya alam pero every moment na mae-encounter niya ito, whether good or bad, paves way that would really attract him more to her. Para itong magnet. Hindi niya mapigilan ang mahila dito ng husto.
"Hmmm." Naalimpungatan ito. Ito na nga siguro ang epekto ng alak sa sistema nito.
Nagbuntong-hininga na naman siya. Kung hindi lang masama ang pumatay, talagang pinatay na niya ang Albie na iyon. Hindi marunong mag-alaga ng babae. Sinasaktan lang nito ang mga babaeng katulad ni Kath na hindi naman talaga karapat-dapat para sa lalaking iyon.
Pero di ba ganoon ka rin naman Daniel?
Napatigil siya doon. Oo nga, ganoon din siya. Nanunumbat siya ng ibang tao gayong gawain rin naman niya iyon. Pero iniisip niya, mas nakakalamang pa rin siya kay Albie kasi nagsasabi siya ng totoo kapag nakikipagsuyuan siya sa isang babae. Hindi katulad nito na pati ang isang inosenteng anghel ay papatulan at sasaktan.
"Daniel," narinig niyang tawag ni Kath. Akala niya gising na ito pero nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito.
Naghintay pa siya ng ilang sandali at tinatantiya kung baka gising na talaga ito. Pero pagkatapos ng ilang segundo ay nanatili itong nakapikit at hindi gumagalaw. Pantay lang ang paghinga nito, indikasyon na tulog pa rin ito. Ang sarap nga ng tulog nito. Narinig pa nga niya ang mahinang hilik nito. Napangiti lang siya.
"You never fail to amaze me, Kath. Never," mahinang sabi niya sa natutulog na si Kath. Hindi naman siguro nito maririnig ang sasabihin niya kasi tulog ito.
"DJ. Bakit?" sabi naman nito. Parang nananaginip yata ito at nagsasalita sa tulog nito.
Tiningnan lang niya ito. Alam niya, guilty siya dahil siya ang nakasira sa relasyon nito at ni Albie. Pero mas mabuti na nga iyong ganoon. Mas maaga nitong nalaman ang kataksilan ni Albie, mas hindi ito masasaktan. Kasi somehow, kapag nakita niya itong nasasaktan ay nasasaktan rin siya. HIndi niya alam kung bakit.
"DJ, may sasabihin ako sa iyo," patuloy ang pagsalita nito sa tulog.
"Ano iyon, Kath?" sinakyan niya ang trip nito.
"I think... DJ, I think I'm falling for you..."
Biglang tumigil ang pahinga niya. Pati tibok ng puso niya'y tumigil din. Nakatulala lang siya habang pinoproseso ang sinabi ni Kath.
DJ, I think I'm falling for you...
Totoo kaya ang sinabi nito o dala lang ito sa epekto ng alak.
Napailing siya. Hindi maaari.
Napatingin na naman siya sa maamong mukha nito. He gently caressed her cheeks. Bakit ganito ang nararamdaman niya ngayon? Hindi niya ma-explain. Ang hirap talaga e-explain.
Bakit ganito ang epekto mo sa akin, Kathryn?
Kung ano man ang ibig sabihin ng sinabi nito, hindi nalang niya aalamin. Papalampasin nalang niya iyon at hindi bibigyan ng hulugan.
"Oh, DJ. Ako na diyan. Umuwi na kayo ni Diego. Masyado ko na kayong naabala," narinig niya si Julia. Hindi niya namalayang nandoon na pala si Julia. Dala-dala na nito ang lukewarm water at bimpo na pampunas kay Kath.
"Ah, sige Julia. Mag-ingat kayo ha? Una na kami ni Diego."
"Nakapagpaalam na ako sa kanya. Ingat din kayo."
At tuluyan na siyang umalis sa kwarto ni Kath. Pero bago paman siya nakalabas ng pintuan ay muli niyang tiningnan si Kath. Hindi niya pa rin nakalimutan ang sinabi nito sa kanya kanina.
DJ, I think I'm falling for you...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro