Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

DANIEL

Nakaupo lang si Daniel sa swivel chair ng study room ni Diego. Nasa bahay siya nila Diego sa panahong iyon dahil nababagot na siya sa condo niya. Wala siyang magawang matino kasi si Kathryn lang ang naiisip niya.

Hindi nga niya alam kung bakit niyaya niya itong makipag-date sa kanya. Hindi ito ang mga tipong dine-date niya. At tsaka, lantaran namang pinapakita ni Kath na wala itong interest pagdating sa kanya. Sabi pa nga nito, hindi siya type nito. Pero sino naman ang niloloko nito? Lahat yata ng babae, siya ang type.

"Aaah! Kathryn Bernardo, ba't di ka maalis sa isip ko?" nasabi niya sa sarili.

"Talaga?" narinig niyang tanong ni Diego. Kakapasok lang nito sa study room.

"Ha? Wala, pare. Kalimutan mo iyong sinabi ko."

Tumawa lang ito. "FInally! May babae na rin ang hindi maalis-alis sa isip mo."

"Wala nga sabi eh. Ba't ba napaka-ano mo?"

"Anong ano? Tingnan mo nga, hindi ka na makaisip ng tama kasi si Kathryn nalang ang tama na nasa isip mo."

"Ano ba iyang pinagsasabi mo, Diego? Isumbong kita kay Julia, eh."

Natahimik ito bigla. Si Julia lang pala ang katapat.

"Maiba nga, saan ka pala napunta noong party? Bigla ka lang nawala, eh."

Napatingin lang siya dito. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito kasi bumabalik sa alaala niya ang nangyari noong gabi.

"Wait, don't tell me? Magkasama kayo ni Kath ano?"

"Ha?" maang-maangan niya.

"Huwag ka nang mag-deny. Halatang-halata oh. Nagba-blush ka."

Napahawak siya sa pisngi niya. Tumawa lang nang malakas si Diego.

"Damn! Diego, huwag mo nga akong biruin diyan. Wala ako sa mood. Kaya kung ayaw mong masapak, tumahimik ka nalang diyan."

"Okay, bro. Whatever you say." Pero halatang-halata pa rin na natatawa ito sa kanya.

Hay! Ang sakit sa ulo!

__________
KATHRYN

"Oh, ayan. Ready ka na," ang sabi kay Kathryn ni Julia.

Napatingin siya sa salamin and she had to be amazed. Ang ganda niya. Ang ganda-ganda ng feeling niya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya dito.

"You'll see. Oh, halika na. Tara na," anito at lumabas na ng kwarto niya. Sumunod naman siya dito.

Dinala siya ni Julia sa isang mamahaling restaurant. Panay ang tanong niya dito kung ano ang ginagawa nila doon pero tahimik lang ito at hindi sumasagot.

Nang nakapasok na sila sa restaurant, may nakita siyang isang lalaki sa isang mesa. Napatingin siya kay Julia at nakita itong nakangiti lang sa lalaki. Napunta naman ang tingin nito sa kanya at ngumiti. Doon lang niya napagtanto kung ano nga ang pakay nila doon. Julia was setting her up on a blind date.

"Julia, ba't hindi mo sinabi sa akin that you're setting me up on a date?" pigil niya dito bago pa man nila narating ang table kung nasaan ang lalaki.

"Well, I was afraid you might not agree to it. Kaya hindi ko nalang sinabi."

"But Julia, sana sinabi mo nalang. Hindi iyong parang ganito."

"Sorry Kath but I have no choice. This is for your own good naman. Diba gusto mong makalimutan si Daniel? Ito na ang way para magawa mo iyon."

"Papayag naman ako eh."

Nagtaas lang ito ng kilay. "Really?"

"Oo.. E-ewan." Nagdadalawang-isip rin siya.

"See?" as-a-matter-of-fact na sabi nito.

"Oo na, oo na. Ikaw na ang tama."

"Tama! Kaya let's go na. Naghihintay na iyong date mo," sabi nito at hinila na siya sa table kung saan naghihintay ang date niya.

__________
DANIEL

Napagpasyahan nila Daniel at Diego na sa isang restaurant nalang malapit sa bahay nila Diego sila kakain. Wala naman kasi ang parents ni Diego at ayaw nitong sila lang dalawa ang kakain sa bahay. Sa haba pa naman ng dining table ng mga ito, nakakaasiwa ang kumain nang silang dalawa lang.

Nakaupo na sila sa table na ibinigay ng receptionist sa kanila nang may nakita siyang pamilyar na mukha sa katabi nilang table. Si Kath.

Napakaganda nito. Natural pa rin ang dating pero naka-light make-up ito kaya mas lalong tumingkad ang kagandahan nito. Tamang-tama lang para ma-emphasize ang features ng mukha nito.

"Bro," tawag ni Diego sa kanya. Napatingin siya dito. Kanina pa pala siya tinatawag nito.

"Bakit?" tanong niya dito.

"Anong bakit? Kanina pa kita tinatanong diyan kung anong order mo para maka-order na tayo. Hindi ka naman pala nakikinig."

"Ah, same nalang sa order mo Diegs."

Nagtatakang tumingin ito sa kanya.

"What?" tanong niya dito.

"Nothing." At nag-order na ito ng pagkain nila.

Napatingin na naman siya kay Kath. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ito. Ang ganda pa rin nito kahit nakatanga lang ito. Mukhang bored na ito. May kasama itong lalaki. Hindi niya alam kung bakit parang naiinis siya sa isiping may kasamang ibang lalaki.

"Hoy!" tawag-pansin ni Diego sa kanya.

"Ha?"

"Ano ba ang nangyayari sa iyo?"

"Bakit ba?"

"Kanina ka pa mukhang baliw diyan. One moment you're smiling, the next ay nakasimangot ka na diyan."

"Ha? Ah. Wala, wala. Mind your own business nga," pagtaboy niya dito.

Napatingin ito sa kabilang table at napangiti nang nakita nito ang taong parati niyang sinusulyapan.

"Tsk, kaya naman pala," ngingiti-ngiting tugon nito.

Hindi nalang niya pinansin ang pang-asar nito. Patuloy lang siya sa pagmasid kay Kath. Bored na bored pa rin ito samantalang ang kasama nito ay engrossed sa pag-uusap. Nakita pa nga niyang bumuntong-hininga ito at lihim na sumusulyap sa relos nito. Bigla siyang napatawa.

"Hay, mga baliw nga naman. Baliw sa pag-ibig," narinig niyang asar ni Diego pero binale-wala lang iyon.

Biglang may tumawag sa cellphone ng lalaking kasama nito kaya nag-excuse ito saglit at umalis.

"DJ, saan ka pupunta?" tanong ni Diego nang tumayo siya bigla sa kinauupuan.

Nasa harapan na siya ni Kath nang lumingon ito sa kanya. Halatang nagulat ito pagkakita niya.

"DJ, ba't nandito ka?" tanong nito nang naka-recover ito sa gulat.

Natawa siya. "Grabe ka naman kung magulat, Kath. Parang nakakita ka ng multo, ha."

"Ah, hindi naman. Kasi, nagulat lang talaga ako kung bakit ka nandito," biglang bawi naman nito.

"Okay. Ikaw, ano pala ang ginagawa mo dito?" tanong niya dito.

"Ah, kasi - "

"I'm sorry medyo natagalan ako." Biglang sumulpot ang lalaking kasama nito.

"Ah, okay lang," tipid na sagot ni Kath. Umupo lang ang lalaki sa upuan nito at tumingin naman sa kanya.

"Ah, yes? May kailangan ka?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Wala naman - "

"Ah, ano - ano nga iyong pangalan mo?" biglang sabad ni Kath.

"Roy," sagot nito.

"Yes, Roy. I really have to go, eh. Hinahanap na ako sa amin. Medyo strict ang parents ko," ang sabi ni Kath dito.

"What? Pero ang sabi ni Julia na wala ka nang parents."

"Ah, iyong tita at tito ko, kapatid ng mama ko. Oo, sila. Pangalawang parents ko na sila. Kaya iyon," palusot nito.

Lihim lang siyang napatawa. Ang galing magsinungaling.

"Ah, sige. Ihatid na kita," anito at tumayo na.

"Hindi! I mean, huwag na. Nakakahiya naman. A-and besides," tumingin si Kath sa kanya. "Nandito na ang driver ko."

Pinanlakihan siya ng mata nito. Parang sinasabi nito na makisakay nalang siya sa trip nito. Gets naman niya na gusto lang nitong makatakas sa lalaki.

"Oo. Nandito na ako. Iyong driver niya," sabi nalang niya. Mukhang nabunutan ito ng tinik. Tumingin lang ang lalaki sa kanya.

"Ah. Driver ka talaga niya? Ang gwapo mo naman para maging driver."

Tumawa lang siya habang si Kath ay halatang-halatang peke ang tawa.

"Sige pare, mauna na kami," tinapik niya pa sa balikat ang lalaki. Hinila na siya ni Kath palabas ng restaurant.

"Hay, sa wakas!" Para itong nakalabas sa kulungan.

"Ano ba kasi iyon?" tanong niya dito.

"Sinet-up kami ni Julia sa isang date."

"Talaga? Teka, kaano-ano kayo ni Julia?"

"Magkaibigan kami. Nakatira lang kami sa isang bahay kasi mag-bestfriends naman iyong mama niya at mama ko."

"Ah, ganun ba? Siya ba iyong sinasabi mong kaibigan mo na may gusto kay Diego?"

"Ha? Ah, wala akong sinabing ganyan ha?"

Natawa lang siya. "Okay. Wala akong alam."

"Hindi naman talaga."

Natatawa pa rin siya.

"Ewan ko sa iyo. Sige, una na ako. Salamat sa pagtulong kanina." Paalis na ito nang tawagin niya ito.

"Saan ka pupunta?" tanong niya dito.

"Uuwi na. Bakit?"

"Hatid na kita."

"Ha? Huwag na. Natulungan mo na ako kanina doon eh. Salamat nalang. Tsaka, parang hinihintay ka na ng kasama mo. Si Diego ba iyon?"

"Oo. At tsaka, I insist. Ako iyong driver mo di ba?"

"Ha? Palabas lang naman iyon. Papaano si Diego?"

"Don't worry. Tatawagan ko lang siya."

May naisip siyang plano. tinawagan nga niya si Diego. Ilang ring lang bago ito sumagot.

"Bro, saan ka ba pupunta? Magmo-motel kayo ni Kath?" bungad ni Diego sa kanya.

"Gago. Hindi, ihahatid ko lang siya. Take-out mo nalang ang orders natin. Samahan mo ako."

"Saan tayo pupunta?"

"Basta. Tara na." At binaba na ang cellphone niya. Napangiti lang siya.

"Anong ningiti-ngiti mo diyan?" tanong ni Kath sa kanya.

"Wala lang. Ang sarap talagang maging kupido ano?"

"Ha? Ah, ewan ko sa iyo. Ang weird mo minsan," anito at lumakad na palayo.

Nakangiti lang siya at pinagmamasdan ito habang papalayo.

Ikaw rin. Ang cute mo minsan. Kadalasan kasi, ang ganda-ganda mo.

Teka, ano na ang nangyayari sa kanya?

__________

KATHRYN

"Salamat sa paghatid, DJ," paalam ni Kath nang nakalabas na siya nang kotse ni Daniel. Lumabas rin pala ito at si Diego.

"No problem. Idamay ba naman ako sa kasinungalingan mo," sagot nito.

"Hindi naman. Sorry pala doon. Talagang bored na bored na ako sa ka-date ko eh."

"Kung ako sana naka-date mo, hindi ka mabo-bored. Hindi mo kasi tinatanggap ang alok kong date eh. Tingnan mo, kinarma ka tuloy. Iyong bisexual pa na iyon ang naka-date mo."

Tumawa lang siya. "Oo na. Pag-iisipan ko pa iyon."

"Bakit pa kailangang pag-isipan? Para namang ang hirap-hirap kung tanggapin mo ang alok na date ko?"

Hay, kung hindi mo lang alam kung gaano kahirap Daniel Padilla. Ang hirap makipag-date sa iyo at baka mahulog na ako nang tuluyan.

"Basta, pag-iisipan ko," sabi nalang niya dito.

Biglang tumikhim si Diego. Napatingin siya dito.

"Ah, sige na. Uwi na kayo. Salamat uli sa paghatid, DJ. Sige, Diego," paalam niya uli sa mga ito.

"Sige."

"Bye Kath," sabi ni Diego at lumipat sa front seat.

"Kath," biglang tawag ni Julia sa kanya. Nakalabas ito ng gate bago paman nakaalis sila Daniel.

Napatingin si Julia sa kotse ni Daniel. Binaba kasi ni Daniel ang bintana ng kotse nito kaya makikita ang nasa loob.

"Hi Julia," bati lang ni Daniel.

"H-Hi Julia," nauutal naman na sabi ni Diego.

Namula naman agad ang pisngi ni Julia. "Hi."

Nakita niyang napatawa si Daniel. Hindi na rin niya maiwasan ang ma-ngiti.

"Sige, una na kami," paalam ni Daniel at pinaharurot na ang sasakyan nito.

Tiningnan naman siya ni Julia at pinanlakihan ng mata. "Ba't hindi mo sinabi sa akin?"

"Eh, hindi mo rin sinabi sa akin na bisexual iyong ka-date na sinet-up mo."

Natawa lang ito. "Hindi ko naman alam iyon eh. Basta, magkuwento ka sa akin mamaya."

"Bukas na."

"Ha? Sige na nga. Bukas ha?"

"Oo na," papasok na siya sa gate. Nakasunod lang si Julia.

"Huwag mo ring kalimutan ikuwento sa akin tungkol kay Diego ha?"

Natawa lang siya. "Ikaw na Julia Montes. Ikaw na talaga."

Tumawa na rin ito habang halatang kinikilig.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro