Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

KATHRYN

Dinala si Kathryn ni Daniel sa isang bar hindi kalayuan sa hotel kung saan ginanap ang party.

"DJ, anong ginagawa natin dito?" tanong niya dito.

Hila-hila pa rin siya ni Daniel papasok sa bar. Tuloy-tuloy lang sila sa loob. Hindi na nga sila pinigilan ng bouncer. Parang kakilala na nito si Daniel kasi sumaludo pa ito dito.

"Teka nga," pinigilan niya si Daniel. Nakapasok na sila sa bar.

"Ano?"

"Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong niya dito.

"Ha?"

"Alam mo, kung gusto mo akong damayan, huwag tayong pumunta dito. Hindi naman ako nag-eenjoy sa mga ganito, eh."

"What? Hindi kita dinala rito para damayan ka. Tinutulungan kita para makalimutan mo na ang problema mo," anito at patuloy siyang hinila na naman.

"Ano? Hindi kita maintindihan, DJ," sabi niya dito pero hindi lang ito umimik. Saglit lang ay huminto ito at napatingin siya dito.

"Kath, tinutulungan kitang kalimutan na ang problema mo," anito.

"Papaano naman?"

"Kalimutan mo na si Albie," seryosong sagot nito.

"Kalimutan? Bakit ko naman siya kakalimutan?" tanong niya dito.

"Kasi..." at bigla itong tumingin sa isang sulok sa bar. Napasunod siya sa tingin nito at nakita ang hindi niya aakalaing makikita niya.

"Albie?" Nasa isang table ito at nakikipaglumpungan sa isang napaka-sexy na babae. Nakaupo ang babae sa kandungan nito at panay ang kiss nito sa leeg ni Albie. Para namang narinig ni Albie ang pagbanggit niya ng pangalan nito dahil bigla itong napatingin sa kanya. And yes, he saw the guilt in his eyes.

Naiiyak na siya. Gusto na niyang umalis pero pinigilan siya ni Daniel.

"Bakit mo ito ginagawa sa akin?" tanong niya kay Daniel.

"Gusto ko lang imulat ang iyong mga mata. Huwag kang magpaka-gaga sa taong hindi ka naman pinapahalagahan.

"Kath!" narinig niyang tawag ni Albie. Napatingin siya dito at nakita itong papalapit sa kanila.

Bigla namang hinapit ni Daniel ang bewang niya.

"DJ, what are you doing?" gulat na tanong niya dito.

"Saving your pride," anito at walang dalawang-salitang hinalikan siya nito sa mga labi. Malalim ang halik na iyon at kung hindi ito nakahawak sa kanyang balikat ay malamang ay nalusaw na siya sa sahig. She never felt that way before. And it was Daniel's kiss that made her feel that way.

"Kathryn!"

Nagulat na lamang siya nang wala na sa kanyang mga labi ang labi ni Daniel. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakita niyang nagrarambulan na si Daniel at Albie. Inawat naman ang mga ito agad ng mga bouncer ng club.

"Kath, anong ibig sabihin nito?" pagalit na tanong ni Albie sa kanya.

Nakatulala lang siya dito. How dare he? Siya pa ang may ganang magalit gayong ito naman ang nakikipaglandian sa ibang babae. Busy daw ito dahil maraming ginagawa. Iyon naman pala, busy lang ito sa pakikipagharutan sa iba.

"Kath!" Galit na galit talaga ito.

"Albie..." Wala siyang masabi dito. Hindi niya masabi dito ang mga iniisip niya. Hindi rin niya alam kung bakit.

"Kath," tawag naman ni Daniel sa kanya. Napatingin siya dito. Biglang naalala niya ang halik na namagitan sa kanilang dalawa just moments ago. At hindi niya alam pero iba talaga ang epekto ng halik nito sa kanya. Nawindang ang sistema niya. Hindi niya alam kung papaano papakalmahin ang tibok ng puso niyang kanina pa nagrarambulan.

"Anong ibig sabihin nito?" sigaw pa rin ni Albie.

Lumapit naman si Albie sa kanya at ipinalibot ang braso nito sa bewang niya. "Tara na, Kath."

Dahil windang pa rin ang pakiramdam niya ay napasunod lang siya dito. Pero hindi pa sila nakaalis ay napigilan sila ni Albie. Hinawakan siya nito sa kanyang braso.

"Aray! Albie, nasasaktan ako!" sabi niya kay Albie habang pinipilit bawiin ang braso niya dito.

Sinuntok na naman ito ni Daniel kaya ngayon ay nakabulagta na ito sa sahig.

"Pare, don't you ever touch my girlfriend again, or I swear. Hindi mo gustong malaman kung anong gagawin ko sa iyo. Alam mo naman siguro kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin para maging miserable ang buhay mo," banta ni Daniel dito.

Hindi naman umimik si Albie at nanatili lang na nakabulagta sa sahig.

Hinila na siya ni Daniel palabas ng club.

__________

Hinampas-hampas ni Kathryn ang kamay sa dashboard ng sasakyan ni Daniel.

"Kath, hinay-hinay lang. Maawa ka naman sa sasakyan ko," asar ni Daniel.

Tiningnan niya ito ng masama. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat nang ito!"

Bigla nitong inihinto ang sasakyan at ipinarada sa gilid ng kalsada. Humarap ito sa kanya at seryoso ang mukha.

"Kath, kung hindi ko ginawa iyon, mananatili kang bulag sa relasyon ninyo ni Albie. Magiging unfair sa part mo dahil nananatili kang honest, loyal at sincere sa relasyon ninyo, gayong si Albie naman ay hindi. Pasalamat ka nga sa akin ngayon at tinulungan pa kita," sabi nito.

"Pasalamatan? Hah! Pasalamatan? Wow, thank you ha? Salamat talaga ng marami. Sinira mo ang relasyon namin! Maraming salamat!" sarkastikong sabi niya dito.

Parang nainis ito sa kanya. "Ganyan ka ba magpasalamat sa mga taong tumutulong sa iyo?"

"At ano naman ang gusto mong gawin ko?" Naiinis rin siya dito. Hindi lang dahil sa ginawa nito sa relasyon nila ni Albie. Pati na rin sa ginawa nito sa kanya kanina sa club.

"Okay, I know masyado ako naging pakialamero and I just caused a lot of trouble. I'm sorry for that. It's just that, noong nalaman kong si Albie pala ang boyfriend mo, hindi ko maiwasan ang magalit eh. Knowing that ikaw, dedicated ka sa relasyon ninyong dalawa at alam kong si Albie ay hindi. Matagal ko nang kaibigan si Albie kaya alam ko na kung anong baho noon. Pinaglalaruan ka lang niya, Kath," litanya nito.

Matagal bago nag-sink in sa isip niya ang sinabi nito. May point naman talaga ito. Kung hindi dahil sa ginawa nito, patuloy siyang magiging bulag sa relasyon nila ni Albie. At nakakapagtaka man, pero parang hindi na ganoon ka-big deal sa kanya ang ginawa ni Albie. Bakit? Kasi ang halik talaga nito ang pilit naaalala niya. Hindi niya mahanap ang dahilan kung bakit.

Tahimik lang siya. Hindi kasi niya alam kung anong sasabihin o gagawin. Hindi rin naman niya alam kung tatanungin ito kung bakit siya hinalikan nito kanina. Baka parte na iyon sa tulong na sinasabi nito. Baka sabihan siya nitong assuming dahil nagbibigay na siya ng ibang meaning sa halik nito. Ayaw niyang mapahiya.

"Kath, please talk to me? Tell me what's on your mind," sabi nito ilang saglit. Mukhang hindi nito nakayanan ang pagiging tahimik niya.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin."

"Kath, sorry na. Hindi ko sinasadyang makialam sa inyong dalawa. Nadala lang talaga ako sa galit. Pasensiya na."

Hindi pa rin niya alam ang sasabihin. Masama ang pakiramdam niya. Hindi dahil kay Albie, kundi dahil dito. Hindi man lamang nito nabanggit ang halik nito sa kanya.

Bakit? Kailangan ba talagang banggitin iyon?

"Kath, if it would make you feel better, let me make it up to you."

Doon lang siya napatingin dito. "What do you have in mind?"

"A date. With me."

Biglang huminto ang tibok ng puso niya. This is not good.

__________

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong nangyari sa club at sa pag-uusap ni Kathryn kay Daniel. Hindi niya lubos-maisip kung ano ang pumasok sa isip nito at naisip nitong makipag-date sa kanya. Naaalala pa niya ang kanilang pag-uusap...

"C'mon Kath, just one date. That's all I ask," anito pa.

"Iyan ang plano mo para makabawi ka sa akin?" tanong niya dito.

"Yeah. At least, mai-treat man lang kita."

"Hindi kaya dumadamoves ka lang?"

"What? Hindi. Talagang pambawi lang ito sa nagawa ko."

Matagal bago siya muling nagsalita. "Pag-iisipan ko."

At hanggang ngayon ay hindi pa niya naiisipan kung anong gagawin niya. Simula kasi noong nangyari sa club at sa paghalik nito sa kanya, bigla nalang bumaliktad ang mundo. Aminado siyang pamatay talaga ang charm nito, pero alam niya sa sarili na hindi niya pinapayagan ang sarili ang mahulog sa isang lalaking katulad ni Daniel. Pero ngayon, nag-iba na. Parang umiba ang tibok ng puso niya. Kasi ngayon, unti-unti nang bumubukas ang puso niya at sinasabing bigyan ng pagkakataon ang sariling main-love sa isang lalaking katulad ni Daniel.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang biglang may gumulat sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Julia.

"Julia naman! Huwag ka ngang manggulat!" saway niya dito.

"Ano ka ba, Kath? Huwag mo na ngang isipin ang Albie na iyon. Napakalaking gago niya para saktan ka ng ganyan," sabi nito.

"Hindi naman siya ang iniisip ko."

Biglang nanlaki ang mata nito. "Don't tell me? Si Daniel ang iniisip mo?"

Tumingin lang siya dito, saka ay iniwas ang tingin. Mukhang hindi na ito paaawat sa namumuong theories nito sa isip.

"Kathryn! Simula noong tinulungan ka ni Daniel ay hindi na siya mawalay sa isip mo. Siya nalang parati ang naiisip mo. Tama ako, di ba?" tanong nito.

Umiling siya.

"Huwag ka ngang denial queen diyan! Sabihin mo sa akin ang totoo! Tayo na nga lang ang magkaramay pero hindi mo pa ako sinasabihan," pagtatampo kuno nito.

Huminga siya ng malalim. "Oo na, Julia. SImula noong nangyari sa club two days ago. Simula noong halikan niya ako-" Tinakpan niya ang kanyang bibig.

Oh no! Dumulas!

Nanlaki ang mata ni Julia. "OH-EM-GEE! Daniel just kissed you?"

Tinakpan niya ang bibig nito. Ang lakas kasi ng boses nito.

"Huwag kang maingay, Julia. Baka may makarinig sa iyo."

Tumango naman ito. Inalis na niya ang kamay sa bibig nito.

"Ano ba kasi ang nangyari? Hindi mo ikinuwento sa akin ang lahat," tanong ni Julia.

Ikinuwento naman niya dito lahat ng nangyari, detail per detail. At nakita niyang talagang inuunawa nito ang mga sinasabi niya.

"So? Kung iyan ang nararamdaman mo at naguguluhan ka, anong balak mo?" tanong ni Julia sa kanya.

"Ako ba ang tanungin niyan eh naguguluhan nga ako di ba?"

"Oo nga naman, no? Well, ano ba, gusto mo bang sumabak sa isang katulad ni Daniel Padilla?"

"Hindi ko nga alam, Juls. Parang ayoko eh. Natatakot akong masaktan. Alam mo naman, certified playboy at heartbreaker iyon. Ako pa ang mabiktima."

"O eh, so ano na nga ang gagawin mo? Sa nakikita ko, there's no other way. Talagang nahuhulog ka na sa patibong ng isang Daniel Padilla."

Napatili siya. "Bakit pa kasi kailangan itong mangyari? Ayoko nang ganito!"

Pareho silang nakatingin lang sa kawalan. Bigla-bigla ay napangiti si Julia. Alam niyang may naisip na itong plano.

"Ano iyon?" tanong niya dito.

"Para makalimutan mo si Daniel, why don't you try to date other people instead?" suggest nito.

Napaisip niya ang suggestion nito. Pwede naman iyon. Baka nga sakaling makalimutan niya si Daniel.

Tama! Baka makalimutan kita Daniel. Sana.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro