Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

KATHRYN

"So... Ano na? Sige na! Sabihin mo na sa akin kung anong nangyari kahapon at kung anong kinalaman ng pagtanong mo tungkol kay Daniel Padilla!" demand na naman ni Julia.

Nakarating na sila nang bahay ay iyon pa rin ang bukam-bibig nito.

"Oo na! Sasabihin ko na. Huwag kang atat, okay? Chill ka lang," aniya habang padapang humiga sa bed niya. Umupo naman ito katabi niya.

"So? So? What na?" Excited na excited talaga ito.

"Magkasama kami kahapon."

"Talaga? Oh-em-geee!" tili nito. Para itong bata kung kiligin.

Pero teka, ano ba ang nakakakilig doon?

"Ba't kayo magkasama? Give me details!" anito sabay yugyog pa ng balikat niya.

"Aksidente. We were both in the wrong place at the wrong time. Ay mali, ako lang pala ang in the wrong place at the wrong time," sagot niya dito.

"Ano?" naguguluhang tanong nito.

Ikinuwento naman niya dito ang buong nangyari sa kanila ni Daniel kahapon. Kasama na doon ang pagsama niya kay Daniel sa botanical garden ng mama niya.

"Wow, at talagang isinama mo na siya doon sa garden ng mama mo. Di ba sabi mo, ang una at tanging lalakeng dadalhin mo doon ay iyong pinaka-espesyal sa buhay mo? Meaning, espesyal si Daniel sa iyo? Eh kahit nga si Albie, hindi mo pa nadala doon eh. Samantalang hindi mo nga boyfriend itong si Daniel," sabi nito.

Oo nga. Nangako siya sa mama niyang ang lalakeng dadalhin niya doon ay iyong espesyal sa puso niya. Kasi espesyal ang lugar na iyon para sa kanya. Kaya ang dadalhin lang niya doon ay iyong malapit lang sa puso niya. Pero si Daniel, kahapon lang naman sila nagkakilala pero hindi siya nagdalawang-isip na isama niya ito doon.

"Ah, hindi ko rin alam, Juls. Basta, parang bigla-bigla naisip kong dalhin siya doon."

"Hindi kaya -"

"Huwag kang mag-isip nang kung ano-ano diyan. Isusumbong kita kay Diego, eh. Sige ka," banta niya dito. Kasi kapag nag-iisip na ito ng mga reason sa bagay-bagay, hindi na ito hihinto. Talagang mag-iisip ito ng mga theories at wala siyang balak makinig sa mga theories nitong wala namang kwenta kasi hindi totoo.

Tumahimik naman ito at nakasimangot. Alam niyang pangalan lang ni Diego ay titiklop na ito. Matagal na nitong gusto si Diego. Ito namang si Diego, alam naman niyang napapansin nito si Julia pero parang ewan. Hindi dumadamoves eh. Nahuhuli lang niyang nakatitig parati. Meaning may something talaga pero parang natatakot lang itong manligaw.

"Natahimik ka na diyan?" natatawang tanong niya dito. Nakakatawa kasi ang hitsura nito.

"Ikaw naman kasi, eh. Sinali-sali mo pa si Diego sa usapan. Ayan tuloy, hindi ako maka-concentrate. Hindi ako makaisip ng magandang theory about ninyo ni Daniel," pairap na sagot nito.

"Hay nako, Juls. Ang mabuti pa, pumunta ka na sa kwarto mo at magpalit ng pambahay. Mayamaya, maghahanda na tayo para sa hapunan natin," pagtataboy niya dito.

"What? Anong hapunan? May party tayong dadaluhin."

"Ha? Anong party? Wala naman akong alam diyan, eh. At kung may party nga, ikaw nalang ang dumalo. Nakakapagod eh," aniya dito.

"Kath naman. Kailangan kong pumunta doon kasi magsusulat ako ng article featuring ang party na iyon. At wala akong ibang kasama, ikaw lang. Kaya please, samahan mo na ako?" pagmamakaawa nito. Lifestyle writer kasi ito ng school paper org nila.

Nagbuntong-hininga siya. Ano pa ba ang magagawa niya kundi ang samahan ito?

Tumango lang siya.

"Yay!" anito sabay yakap sa kanya. "Sige ha, maghahanda na ako. Maghanda ka na rin. Formal party ang dadaluhin natin at may mga alumni na darating. Iyong kadalasan ay bigatin na ngayon sa bansa. Kaya mag-ayos ka talaga," sabi pa nito bago tuluyang umalis ng kwarto niya.

Muli, napabuntong-hininga siya.

__________

Isinuot ni Kathryn ang silver and pink one shoulder elegant pageant gown na ibinigay ng mama niya sa kanya noon. Pang-prom sana iyon pero hindi siya dumalo. Kasi nga, wala siyang hilig sa mga ganoong party. Buti nalang at kasya pa rin sa kanya ang gown. Hindi naman kasi siya tumaba, o pumayat. Ang buhok niyang laging naka-ponytail ay inilugay niya at ikinulot ang dulo. Light lang ang make-up na inilagay niya kasi ayaw niya ng heavy make-up.

Lumabas na siya ng kwarto niya at nadatnan si Julia na kalalabas lang din ng kwarto nito. Nakasuot ito ng light blue strapless pleated gown. Napakaganda talaga nito. Ang puti-puti at ang kinis ng balat. She has long eyelashes and full lips. Half-American din kasi ito. Mas lalo pang tumingkad ang beauty nito dahil sa make-up nito. Tamang-tama lang ang touch.

"O, Kath, tara na. Baka mahuli pa tayo," anito at hinila na siya pababa ng hagdanan.

Inayos muna niya ang laylayan ng gown niya para hindi niya maapakan ito pagbaba niya ng hagdan. Biglang napatigil si Julia sa paglakad at hinarap siya.

"Kathryn Bernardo, ba't ka lang naka-chucks?" tanong nito sa kanya.

"Ano?" Napatingin siya sa suot niyang sapatos. Naka-pink chucks lang siya kasi hindi talaga siya komportableng magsuot ng heels. Baka masira lang ang poise niya kapag nagkataon.

"Julia Montes, alam mo, grabe na itong pagpapasama mo sa akin sa party gayong alam mo naman na wala akong hilig sa mga ganito. Eto na nga oh, naka-gown na ako, nakamake-up pa. Huwag mo nalang pakialaman ang chucks ko. Please? Kahit iyon lang," pakiusap niya dito.

Nag-sigh lang ito. "Sige na, sige na. Hindi rin naman iyan makikita. Basta ha, umayos ka nalang."

Napatawa siya. "Ano ka ba? Siyempre naman! Para namang gusto kong ipahiya ang sarili ko 'no? Tara na nga!"

At nagpatuloy na sila sa pag-alis at baka ma-late na sila sa party.

__________

Tamang-tama lang ang pagdating nila Kathryn at Julia sa party. Hindi pa inihanda ang buffet dinner at ang program pero marami-rami na ang tao. Nagso-socialize pa ang mga guests.

"Kath, maiwan muna kita ha? I need to do my job. Sige, mag-enjoy ka lang," sabi ni Julia sa kanya.

"Ano? Julia, huwag mo akong iwan," aniya dito pero hindi na niya ito napigilang umalis. Iniwan talaga siya nito.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala siyang kakilala ni isa. Samantalang lahat ng taong nakapaligid niya ay kilala yata ang isa't-isa. Parang siya lang ang naa-out of place dito.

Dahil wala naman siyang alam gawin, nagpasya nalang siyang umupo sa isa sa mga upuan. Wala na siyang pakialam kung sa kaninong table iyon naka-reserve. Gusto lang niyang makaupo.

"Hay, Julia! Ang sakit mo sa ulo!" nasabi nalang niya sa sarili.

__________

DANIEL

"Bro, dalian mo! Male-late na tayo sa party," tawag kay Daniel ni Diego. Lumabas siya ng banyo at hinarap ito. Nakaupo lang ito sa couch ng condo niya.

Oo, nakatira siya sa condo at mag-isa lang siya. Hindi siya nakatira sa parents niya kasi gusto niyang maging independent. Iyong mama lang niya ang tumutol sa pagbakod niya ng tinitirhan, samantalang full support lang ang papa niya.

"Hindi naman kasi ako dapat kasama. Bigla-bigla ka nalang pupunta rito tapos idadali sa party na iyan," sabi niya dito. Inaayos niya ang kwelyo ng itim na polo shirt niya, pagkatapos ay pinatungan ng black american overcoat niya. Naka-Vans lang siya at naka-skinny jeans. Ibinaba niya ang buhok niyang laging naka-updo.

"Bro, para kang si Justin Bieber," natatawang sabi ni Diego.

"Ha-ha. Funny bro," asar niya dito. Tiningnan niya ang suot nito. Naka-tuxedo talaga ang gago. Manang-mana talaga sa daddy nito.

"Hindi ka magne-neck tie?" tanong naman nito.

"Kailan pa ako nagne-neck tie ha?" sagot niya naman dito.

"Ah, oo nga pala. Takot ka palang gamitin ng mga babae ang necktie mo para sakalin ka," tatawa-tawang sabi nito.

Binatok lang niya ito sa ulo. "Tara na nga. Nakakainis ka, eh."

Lumakad na rin sila at sakto naman ang dating nila sa party. Hindi pa nag-uumpisa ang program.

"Hay, nakakapagod ito. Bakit mo pa kasi ako dinadala dito?" naiinis na sabi niya kay Diego.

"Damayan mo na ako. Para ka namang hindi pinsan, eh," nasabi lang nito.

"Bakit ba kasi kailangan mong pumunta dito?"

"Hindi ko rin alam. Pinapapunta lang ako ni Daddy."

"Alam mo, Diego, masyado kang masunuring bata. Magsuwail ka nga paminsan-minsan."

"Hoy, Daniel. Huwag mo akong itulad sa iyo."

Natawa nalang siya dito. Iba talaga ito. Kapag ang tatay na nito ang nag-utos, para itong asong laging sumusunod sa gusto ng ama. Hindi naman sa hindi siya sumusunod sa papa niya, pero talagang ipinapakita lang niya sa papa niya na mayroong mga bagay na mas importante sa kanya kesa sa mga gusto nito. Ang pagkaiba nga lang, napaka-strikto ng papa ni Diego. Ang papa naman niya, hindi gaano. Kapag nare-realize nitong tama siya, hinahayaan lang siya nitong gawin ang gusto niya. Kumbaga, supportive ang role ng papa niya. Pero malaki pa rin ang respeto niya dito. Ito yata ang idolo niya.

"DJ, si Kathryn oh," narinig niyang sabi ni Diego sabay turo sa isang sulok.

Tama nga ito, nandoon si Kathryn. Nakaupo ito sa isang mesa sa may sulok. Halatang bored na ito kasi mag-isa lang ito at nakatunganga lang sa kawalan. Mayamaya ay inilabas nito ang iPhone nito at naglaro yata ng games.

"Mukhang papasalamatan mo pa pala ako sa pagdamay sa iyo rito," siko ni Diego sa kanya.

"Huwag ka ngang makulit. Gago."

Tumawa lang ito. Sakto naman dumaan si Julia sa harapan nila at nakita niyang napasunod ng tingin si Diego dito. Klarong-klaro sa mga mata nito ang paghanga sa dalaga.

"Mukhang alam ko na kung bakit napapayag ka ng papa mong pumunta dito, bukod sa takot kang mapalo nito."

Binatukan siya nito. "Sira. Anong mapalo? Ano ako bata?"

Ngayon, it was his time to laugh. "Si Julia iyon, di ba?"

"Bakit? Anong nasa isip mo ha?" Tumalim ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Nagtaas siya ng kamay. "Bro, chill ka lang. Wala naman akong naiisip, eh."

"Dapat lang. Kundi, ako ang makakalaban mo."

Tumawa na naman siya. "Korny mo, bro."

"Ha-ha. Funny."

Napailing na naman siya. Muli, napatingin siya kay Kathryn. Naglalaro pa rin ito sa iPhone nito. Hindi niya namalayang napangiti na pala siya habang nakatingin dito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro