Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

KATHRYN

Dinala ni Kathryn si Daniel sa botanical garden na gawa ng mama niya. Maganda ang lugar kapag gusto mong makapag-isip nang mabuti. Tahimik kasi doon. Napapaligiran ka pa ng iba't-ibang klase ng mga halaman at puno. Magandang mag-unwind doon kapag maraming problemang hinaharap. Doon din kasi siya madalas tumatambay kapag nami-miss niya ang parents niya.

"So, this is your place?" tanong ni DJ sa kanya.

"This is my mom's," sagot niya dito.

"Siya ang may gawa ng lahat ng ito?" namamanghang tanong nito.

"Yup. This all her creation. Ah, well not her creation. Sa Panginoon ito galing, pero siya iyong nag-aalaga."

"Wow. Ang galing. Napaka-creative ng mama mo."

"Thank you," ningitian niya ito. Nami-miss na tuloy niya ang mama niya.

"So, where's your mom?" tanong nito.

"Ah, wala na siya."

"What do you mean?"

"My mom died in a car accident. Actually, sila ng dad ko."

Tumahimik lang ito. "Uhm, I'm sorry to pry. I didn't mean to - "

"Hindi. Huwag mo nang problemahin iyon. Okay naman ako. Matagal ko nang tanggap. Buti pa nga iyon, eh. They're happy with God sa langit. Kaya happy na rin ako to know that they're safe there," ngiting sabi niya dito.

Nakatingin lang ito sa kanya. Hindi niya alam pero parang iba ang pagkakatitig nito sa kanya. Parang may admiration na ewan. Ayaw naman niyang mag-assume. Baka sabihin nitong may gusto siya dito kaya ay assume na assume siyang humahanga ito sa kanya.

"Ahm, so. Kamusta ka na pala?" pag-iiba niya dito.

Humugot ito nang malalim na hininga, saka ay tumawa nang mapakla. "This is not my day."

Natawa siya sa sinabi nito. "Pansin ko nga. Five in a row iyon ha, all in one day. Ikaw na, Daniel Padilla. Ikaw na talaga."

"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Hindi iyon nakakatuwa ano."

"Eh, ano ba kasi ang ginawa mo at ganoon nalang sila lahat makapag-react? Parang susugod sa world war 3, napakabayolente."

"Ewan ko nga ba don. Sinabi ko naman sa kanila in the first place na talagang fling lang ang hinahanap ko, hindi iyong pang-seryoso. Ang titigas talaga ng mga ulo, eh. Hindi makaintindi. Ang lakas-lakas pa kung makasampal. Eh kung sila kaya ang sampalin ko para makaintindi sila? Papayag-payag sila sa set-up na gusto ko pero sa huli, ako pa ang sisisihin kung bakit sila nasasaktan," pagbuhos ng saloobin nito.

"Alam mo kasi, DJ, lahat talaga nang babae hinahangad ang happy ever after."

"Well, I don't want a happy ever after."

"Yes, hindi sa ngayon. Kasi hindi mo pa natatagpuan ang babaeng mahal mo. Pero darating din ang panahon na hindi mo rin mapigilang talagang mahalin ang isang tao. Iyong taong iyon ang makakapagpabago sa iyo. Maybe, kaya nag-eexpect ang mga babaeng dine-date mo, naghahangad silang sila na iyong babaeng mamahalin mo. Gets mo iyon?"

Tahimik lang ito.

"Hay nako kasi, DJ. Kung ayaw mo naman kasing masampal at makasakit nang ibang tao, bakit nalang kasi huwag ka nalang maghanap ng gulo, di ba? Iyon lang kasimple iyon. Huwag ka nalang makipag-date kung ayaw mong mangyari na naman sa iyo ang nangyari ngayon."

Tahimik pa rin ito. Maya-maya'y tumingin ito sa kanya.

"Ano bang mayroon ka at parang napakagaan ng loob ko sa iyo?" ang sabi nito. Pero mahina lang. Hindi nga niya alam kung iyon nga ba ang ibig sabihin nito.

Ngumiti lang siya dito. "Alam mo, sa halip na mamroblema ka diyan, mag-enjoy ka nalang sa buhay mo. Tama na muna iyang pagpapasakit mo sa mga babae. Mag-on leave ka muna sa pagiging playboy at heart breaker mo. Maa-appreciate mo ang mga bagay-bagay kapag nakapag-unwind ka na."

Ngumiti din ito. "Well, you're right. Salamat sa pag-advice at sa pagsama. Titingnan ko kung anong magagawa ko."

"No problem."

"Ah, sige. Mauuna nalang ako sa iyo. Baka nakaistorbo pa ako ,eh. Naabala na kita nang husto. Salamat talaga," pamaalam nito.

Ngumiti lang siya dito. "It was nice meeting you, DJ."

"Yeah, you too, Kath. See you," anito at umalis na. Naiwan siya sa garden nang nakasunod ang tingin dito.

__________

"Kathryn Bernardo, ano na naman ang nangyari at hindi ka nakapasa ng article mo?" bulyaw ni Yen, ang head editor ng school paper org.

"Uhm, sorry talaga. Hindi ko natapos, eh. Kasi ano, kasi... ah, nagbrown-out sa amin. Oo, iyon, tama. Nagbrown-out kaya hindi ako nakapagsulat," pagrarason niya dito. Napatingin siya kay Julia, ang kababata niya at nakita niyang nag-roll ito ng mata.

Bumuntong-hininga ito. "Pangatlong offense mo na ito, Kath. So for that, on probation ka muna. Kapag umulit pa talaga ito, sorry nalang, pero tanggal ka na sa org. Naiintindihan mo?"

"Oo. Sorry talaga."

"Huwag ka nang mag-sorry. Basta huwag mo nalang ulitin. Kung hindi ko lang alam na talagang magaling kang writer, ipapatalsik na talaga kita. Pero you have the talent, Kath, kaya huwag mong sayangin iyon. Huwag mong sayangin ang chance na ibinibigay sa iyo."

"Yes, Yen. Pasensya na talaga. I'll do my best," aniya tsaka ay umalis na.

Lumabas na siya ng office nila. Hindi niya namalayang nakasabay na pala niya si Julia.

"Nagbrown-out pala kahapon sa bahay."

TIningnan niya ito at ningitian. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

"Parang hindi ko naman namalayan kasi busy ako non sa panonood ng TV," anito na sumasabay pa rin sa kanya.

"Juls, atin-atin lang iyon. Huwag mo akong ibuking kay Yen. Shh ka lang." Napahinto siya at napaharap dito.

"Ano ba kasi ang nangyari kahapon, ha? Ba't ba late ka nang nakauwi?" tanong nito.

Nakatira lang sila sa iisang bahay kasi mag-bestfriends naman iyong mama niya at mama nito. Nasa States na ang mga magulang nito at nag-iisa nalang ito sa Pilipinas. Wala naman itong kapatid kasi nag-iisang anak lang ito, katulad niya. Kaya ay inampon siya ng mommy niya para naman magkasama nalang sila. Namatay naman ang parents niya kaya sila nalang ni Julia ang naiwan. Mabuti naman ang relationship nila Julia. Para lang silang mag-bestfriends-slash-magkapatid. Minsan ay hindi nagkakaintindihan, pero parati paring andiyan kapag may problema. Kasi wala na silang aasahan kundi ang isa't-isa.

"Kilala mo ba si Daniel Padilla?" tanong niya dito.

"Daniel Padilla? As in 'The Daniel Padilla'? Iyong engineering student na super ubod ng gwapo? Iyong tipong kapag titingnan ka lang niya ay matutunaw ka na? Iyong kahit alam ng maraming babae na playboy at heartbreaker siya, hindi pa rin nila maiwasan ang mahulog sa charm nito? Ohmyghad! Siya nga!" napapatiling sabi nito.

"Kilala mo nga siya," nasabi nalang niya dito. Patalon-talon pa nga ito. Nahulog rin ba ito sa karisma ng lalakeng iyon?

"Of course! Sikat na sikat kaya iyon!" ang sabi lang nito sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa paglakad. Sumunod naman ito sa kanya.

"Talaga? Ba't hindi ko naman kilala?"

"Eh, paano mo naman iyon makikilala? Anti-social ka kasi. Iyong si Albie na nga lang ang nakakakumbinsi sa iyong lumabas, eh. Kung hindi dahil kay Albie, hindi ka talaga lumalabas," sagot nito.

Oo, inaamin niya. Hindi siya iyong tipong lumalabas ng bahay. Mas gusto niya kasing nasa bahay lang at nagpapahinga. Hindi naman siya mahiyain pero talagang mas gusto niya ang simple at peaceful.

Sa halip na sagutin ito ay nagtungo nalang siya sa isang hotdog stand at umorder nalang ng pagkain.

"May chika ka pang utang sa akin, ha?" ang sabi ni Julia, saka ay umupo na sa isang mesa habang hinihintay siya.

__________

DANIEL

Nasa canteen lang si Daniel kasama si Diego, ang pinsan niya. Kumakain siya ng hotdog habang dito ay pancit canton.

"O, bro. Ba't parang lutaw ka ngayon?" biglang tanong nito sa kanya. Nahahalata na pala siya nitong lutaw ang isip niya.

"Ano kasi, bro, naba-bother lang ako," sagot niya dito.

Yes, naba-bother talaga siya. Wala na siyang ibang maisip kundi si Kathryn. Paano ba kasi, talagang nag-marka ito sa isipan niya. Hindi nga niya alam pero simula kahapon, ito na ang palaging naiisip niya.

"Bakit, bro? Babae?" natatawang sabi nito.

"Babae? Tsk. Kailan pa ba ako namomroblema sa babae?" balik niya dito.

Oo, kahit kailan, hinding-hindi pa siya namomroblema sa babae. Parang ito lang si Kathryn ang tanging babaeng pinoproblema niya. Hindi nga niya alam kung bakit. Basta parati nalang itong gumugulo sa isipan niya. Hindi nga niya ito naging girlfriend para magkaroon ito ng karapatang manggulo ng isip niya.

"Oo nga naman. Kailan ka pa ba namomroblema sa babae, DJ? I heard, nakatanggap ka daw ng apat na sampal kahapon at isang malamig na milk tea." Tatawa-tawa pa rin ito.

Teka, ikinalat na ba iyon ni Kathryn sa buong school?

"Sino ang may sabi sa iyon niyan? Sinong nagpakalat?" tanong niya ditong nakakunot ang noo.

"Pare, don't you forget that you are one hell of a popular person in school. Kaya hindi na talaga kataka-takang madaling kumalat ang anumang bagay at pangyayari sa buhay mo."

"Sino ba ang source ng lahat ng iyon?" tanong niya pa rin dito. Kung malalaman niyang si Kathryn ang may pakana ng lahat ng ito, ewan lang niya kung anong magawa niya dito.

"Sino pa ba? Eh, di si Carleen. Talagang sinisiraan ka na, tol. Gumaganti siguro sa pagbasted mo sa kanya."

Somehow, that made him felt relieved.

Relieved? Bakit naman? Dahil hindi si Kathryn ang nagkalat ng balita? Binalewala nalang niya ang naisip.

Speaking of the angel, dumaan ito sa harapan ng table nila. Mukhang hindi siya nito napansin kasi busy ito sa pakikipag-usap sa kasama nito.

"Diegs, kilala mo ba iyon?" tanong niya kay Diego.

"Ah, si Julia iyon. Bakit?" Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya habang nagtatanong. Ano ba ang mayroon?

"Hindi iyon, Iyong isang babae. Iyong morena, na mahaba ang buhok, at may bangs," pagkaklaro niya dito.

"Ah..." Parang nabunutan ito ng tunok pagkasabi niya doon. Parang may something fishy?

"So? Sino iyon?" Alam niyang si Kathryn iyon pero umaakto siyang hindi niya kilala. Hindi rin niya alam kung bakit umaakto siyang ganoon.

"Si Kathryn Bernardo. Fourth year commerce student. Marketing yata iyong course niya. Kasi parang magkaklase lang sila ni Julia. At saka, writer din siya sa school paper org. Magkasama din sila ni Julia doon."

"Ah, ganoon ba? May b-boyfriend na ba siya?" tanong niya pa rin. Hindi rin niya alam kung bakit natanong niya bigla iyon.

"Sa pagkakaalam ko, may boyfriend na iyon. Hindi ko lang alam kung sino. Teka, why the sudden interest bro?" tanong ni Diego sa kanya.

"Ah, wala. Nakita ko lang siya somewhere."

"So? Interested ka na agad? Parang di ikaw iyan bro? Anong nangyari?" tanong pa rin ni Diego.

"Wala nga sabi. Ang kulit." Iwas niya dito. Hindi na rin ito umimik at itinuloy ang pagkain ng pancit canton. Siya naman, patuloy pa rin ang pagkain ng hotdog niya. Pilit niyang pinipigilan, pero sa huli, hindi pa rin niya maiwasan ang mapasulyap sa kinaroroonan ni Kathryn.

Damn! What's wrong with me?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro