Chapter 25
DANIEL
Hinahanap ni DJ si Kath kasi nang pinuntahan niya si Kath sa room nito ay wala ito. He had a strong feeling that something is wrong. Kaya hindi siya mapakali habang naghahanap dito.
"Diego!" Nakita niya si Diego sa may lanai ng mansiyon. Nag-iisa lang ito at tila malalim ang iniisip.
Lumingon naman ito nang narinig nito ang tawag niya.
"Pare, may problema ka?" tanong niya dito.
Bumuntong-hininga ito.
May problema nga ito. "What's the problem, bro?"
"Si Julia kasi..."
"Nag-LQ kayo?"
"Hindi. Wala. Let's not talk about it. It's my mess. Aayusin ko rin iyon."
Nagtataka man ay pinabayaan nalang niya ito sa gusto nito. "Ah, teka. Nakita mo ba si Kath?"
"Ah, iyon na rin ang problema natin, DJ."
"Problema? Bakit? May nangyari bang masama sa kanya?" pagpa-panic na tanong niya dito.
"No. No. Nothing's wrong with her, physically. But emotionally, she's broken."
"Bakit?"
"Anong bakit? Kung makita ka niya at si Zharm na nagkabalikan, hindi kaya iyon masasaktan? Gago ka rin, bro eh. Sana sinabihan mo nalang muna siya. Kaysa iyong makita niya mismo. Ang sakit kaya noon."
"Wait, anong nakipagbalikan? Ako? Kay Zharm?"
"Yeah. Kitang-kita namin kayo na nagyayakapan. So we assumed na nagkabalikan na kayo. Nagkabalikan na nga ba kayo?"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. "Damn! Kaya maraming namamatay sa akala, eh. No, hindi kami nagkabalikan ni Zharm. Nagkaayos lang kami. We're just friends now. Hanggang doon lang iyon. Si Kath ang mahal ko. And that's why I'm looking for her kasi gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya."
"What?" nagulat na tanong ni Diego.
"Yes, Diego. I love her," pagmamalaking pahayag niya dito.
"Damn! Kung ganoon, mali ang akala namin. Mali ang akala ni Kath. Paano na iyan, bro?"
"I have to talk to her. Kailangan ko siyang puntahan."
"She went home. Kakaalis lang nila Julia."
"Kanina pa ba sila umalis?"
"Hindi masyado. Maaabutan pa natin sila."
"Tulungan mo naman ako, bro."
"Sige. Tatawagin ko lang sina Seth," anito at kumaripas ng takbo sa kwarto nila Seth.
__________
KATHRYN
Madaling araw na nang dumating na rin sila Kath at Julia sa Yen.
"Yen, dito ka nalang muna. Bukas ka na umuwi sa inyo. Madaling araw na kasi at alam kong pagod ka na," sabi niya kay Yen.
Tumingin naman si Yen kay Julia.
"Yen, tama si Kath. At tsaka, ano ka ba? Hindi kita aawayin. Sorry sa nagawa ko kanina. Nadala lang ako. Pero, yeah. Dito ka nalang muna para makapagpahinga ka," ngiting sabi ni Julia.
Mukhang na-relieved naman si Yen. "Sige. Salamat."
Sabay na pumasok silang tatlo sa bahay. May susi naman sila kaya hindi na kailangan pang gisingin ang katulong nila. Nakapasok na rin sila sa bahay. Nang binuksan na ni Julia ang ilaw ay laking gulat nalang nilang makita ang isang lalakeng nakahiga sa sofa sa living room.
"Neil?" gulat na tanong ni Yen.
Saktong nagising naman ito. "Julia - wait, Yen?"
Nagkatinginan lang sila Kath at Julia.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Yen kay Neil.
__________
Pumasok na si Kath sa kwarto niya. Gusto na niyang magpahinga. She was exhausted, not only physically but emotionally too. Tulog lang ang katapat ng problema niya. At least, in her sleep, she would dream of happy memories and not the sad ones.
Napahiga na siya sa kama. She didn't bother changing her clothes. Wala siyang ganang kumilos. Ang gusto lang talaga niya ay ang matulog na at kumawala sa realidad na mundo. Gusto niyang makalimot at mawala sa pamamagitan ng panaginip. Because through dreams, alam niyang panandaliang mawawala muna ang sakit na nararamdaman niya.
Napatingin siya sa pintuan. Yen, Julia and Neil were at the living room talking. Yen and Neil had to fix things up between them at si Julia ang nagsisilbing referee ng dalawa. Hindi nalang siya nakisali sa mga ito. Malaking problema na nga ang hinaharap niya, dadagdag pa siya ng alalahaning problema ng iba.
She was already drifting off to sleep. Nararamdaman na niyang pinapasok na niya ang mundo ng panaginip. Bakit niya nasabi? Because she was dreaming of him. She was dreaming of moments with him. Nakatayo daw ito sa harapan niya habang nakahawak ng gitara. He was singing a song to her. He was serenading her.
I never understood before... I never knew what love was for... My heart was broke, my head was sore... What a feeling...
If this was a dream, it was a really good dream. Sana nga ay hindi na siya magising. Para kahit papaano'y kasama niya si Daniel.
Tied up in ancient history... I didnt believe in destiny... I look up you're standing next to me... What a feeling...
Sana nga ay may sinumpaan sila. Para kahit papaano'y may pinanghahawakan siyang mahal din siya ni DJ.
I never saw it happening... I'd given up and given in... I just couldn't take the hurt again... What a feeling...
Nakaramdam siyang unti-unti siyang niyuyugyog ng kung ano. She knew someone was waking her up pero ayaw pa niyang magmulat. Alam din niyang unti-unti nang gumigising ang tulog niyang diwa.
I didn't have the strength to fight... Suddenly you seemed so right... Me and you... What a feeling...
Wait, was she still dreaming? Or gising na siya? Ba't naririnig pa niya ang tinig ni Daniel?
Love will remain a mystery... But give me your hand and you will see... Your heart is keeping time with me...
She was really hearing him sing. Parang totoo ngang nandoon ito at kinakantahan siya. Automatically, napamulat siya ng mga mata.
"Kath, gising," bungad ni Julia sa kanya nang nagmulat siya ng mga mata.
She whined. "Julia naman, eh. Ang sarap na ng panaginip ko."
Pero hindi nito initindi ang reklamo niya. Instead, she pulled her to the windows.
"Julia, bakit?"
What a feeling in my soul... Love burns brighter than sunshine... It's brighter than sunshine...
It was DJ's voice again, playing in her head. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya si DJ, Diego, Katsumi, Seth at Lester. Si Seth at Katsumi ay may hawak na mga gitara habang si Lester ay may dalang beatbox. They were all playing the instruments habang si DJ ay kumakanta.
Hay, pati ba naman dito, namamalikmata ako. Nasobraan na yata ang tama ko kay Daniel.
Bigla namang tumili si Julia. "Ang sweet ni Daniel. Nakakaloka! Nangharana pa talaga!"
It was then that she was really fully aware of everything that was happening around her. At hindi na pala siya nananaginip. It was all really true.
"DJ?"
Let the rain fall, I don't care... I'm yours and suddenly you're mine...
Dali-dali siyang lumabas ng bahay kung nasaan ito. Lumabas siya ng gate kasama si Julia. Pati sila Yen at Neil ay lumabas na rin.
Suddenly you're mine... And it's brighter than sunshine...
He ended the song with a bow. Nagpalakpakan naman sila Julia, Yen at Neil habang siya'y nananatili pa ring nakatulala.
He was advancing towards her while tucking both his hands behind his back.
"DJ, anong ginagawa mo dito?" tanong niya dito bago pa ito tuluyang makalapit sa kanya.
"Hinaharanahan ka," matipid na sagot nito.
"Bakit?"
"Anong bakit? Umaakyat ako ng ligaw."
"Ha?"
"Nililigawan kita," he said while smiling that crooked smile of his that she would always love.
"Pero... Paano si Zharm?"
"Zharm and I are just friends. And sa inaakala mong nagkabalikan kami ni Zharm, ito lang ang masasabi ko. Hinding-hindi kami magkakabalikan ni Zharm kasi wala na sa kanya ang puso ko."
She just looked at him habang unti-unti na itong lumalapit sa kanya.
"Dala-dala mo na kasi ang puso ko, eh. Iyon tuloy, hindi ko na maibigay sa iba."
And at that, she couldn't help herself but to admit na mahihimatay na siya sa kilig.
"Uy, kinilig," tukso ni DJ sa kanya.
Sapak ang inabot nito sa kanya.
"Aray, ha? Iyan ba ang reward ko for serenading you? Nagpakapal ako ng mukha para haranahin ka sa gitna ng daan pero sapak lang ang matatanggap ko?" pagtatampo kuno nito sa kanya.
"Ang arte mo. At tsaka, akala ko ba nanliligaw ka? Ba't parang napaka-reklamador mo yata? Sinagot na ba kita? Baka palayasin kita ngayon, eh."
"Magagawa mo bang palayasin ang isang katulad kong gwapo?"
"Ang hangin. Grabe. Napi-feel mo ba iyon? Babagyo 'ata, eh," natatawang sabi niya.
Tumawa lang din ito and finally took the last distance between them.
"Kath, seryoso na ako." At sumeryoso talaga ang mukha nito.
She gulped. Ang lapit-lapit na kasi ng mukha nito sa kanya.
"Kath, I don't know where to start."
"Why don't you start with 'I love you'?" ngiting sabi niya dito.
Ngumiti din ito. "No, I'm saving it for the last."
Save the best for last, ika nga.
"Kath, unang-una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad. Kasi nasaktan kita. I knew what kind of pain you were going through kasi napagdaanan ko na rin iyon. Kaya talagang sorry. Sobra-sobrang sorry. At tsaka, sorry din kasi pinaghintay kita. Na siya namang hindi dapat. Because all along, I have already loved you. The first time I saw you doon sa parking lot ng school, I knew you already got me. Iyong smile mo palang, I almost couldn't catch my breath."
Napangisi siya sa sinabi nito. She could also remember the first time they met sa parking lot ng school. Kulang nalang talaga'y kamatis na ang mukha nito dahil sa pulang-pula na ito sa sampal ng mga babae dito.
"I also wanna say thank you. Nasabi ko na sa iyo noon pero gusto kong ulitin. Thank you dahil minahal mo ako nang walang kapalit. Kahit na alam mong hindi pa ako handa noon, you risked loving me. Kahit na alam mong may posibilidad na masaktan kita. I thought I wasn't emotionally stable pero nang nalaman kong umalis ka, nakalimutan ko na ang lahat. Hindi naging stable ang tibok ng puso ko. I knew then na wala na akong higit na kakailanganin pa kundi ikaw. Ikaw lang, Kath."
At ikaw lang din, DJ.
"Lastly, I wanna say this to you. Talagang totoong-totoo na ito. No pretenses. Hundred-and-one percent sure. Talagang sure na sure na. Wala nang lito-lito."
Humugot ito ng malalim na hininga.
"Kathryn Chandria Bernardo, I love you. I do. Kahit pagtagni-tagniin ko pa ang lahat ng 'I love you's' sa lahat ng lenggwahe sa mundo, kulang pa rin iyon para mapadama ko sa iyong grabe at sobra ang pagmamahal ko sa iyo. Akala ko, hindi pa ako ready, eh. But I was wrong. Because the moment I saw you, I knew ready na akong magmahal muli. As long as ikaw ang babaeng mamahalin ko."
Hindi niya namalayang naiyak na pala siya. And this time, not because of pain, but because of happiness.
"My love for you is brighter than sunshine. Kasi, sumikat ang araw sa buhay ko nang mahalin kita. Dahil ikaw lang ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko," natawang sabi nito. "I know gasgas na iyon na linya, but... it's true. Tagos sa puso."
Natawa na rin siya at napayakap dito. Hindi niya aakalaing ganito ang magiging happy-ever-after ng story niya with DJ. Hindi nga niya inaasahang may happy-ever-after pa nga sila. This was just too good to be true.
"Pinch me, DJ," sabi niya dito.
"Ha?" gulat na tanong nito sa kanya.
"I just have to make sure that all of this is not a dream. Na totoo ito. Na talagang mahal mo ako."
Ngumiti ito. "I have a much better idea."
Nagtatakang tiningnan niya ito. "What's that?"
"This." At buong pusong hinalikan siya nito. Yep. This was really too good to be true. Even too good to be a dream. Kaya't alam niyang hindi talaga siya nananaginip. Talagang mahal siya ni DJ.
"I love you, Kath," ang sabi nito pagkatapos ng kanilang halik.
She smiled at that. How long had she been waiting to hear that. "I love you too, DJ."
DJ was about to kiss her again nang biglang may tumikhim sa may likuran ni DJ. "Ahm, excuse me lang po, ano. Mawalang-galang lang po sa inyong dalawang nagmo-moment diyan."
"Ano na naman iyon, Lester?" inis na tanong ni DJ sa kasama.
"Pare, gutom na gutom na kami. Pakainin mo muna kami bago kayo magloving-loving diyan," reklamo ni Seth.
"Oo nga naman, tol. Kinaladkad mo pa kami dito para maging extra sa love story niyo. Hindi ka na ba nahiya sa amin?" pag-second-the-motion ni Katsumi.
"I'm fine. May reason din naman kung bakit ako pumunta dito," ani Diego saka ay sumulyap kay Julia na iniiwas naman ang tingin dito.
Natawa siya sa reaction ng mga ito. "Sige, guys. Halina nga kayo. Pumasok na kayo sa loob para makakain na rin kayo."
Mukhang natuwa naman ang mga ito. Isa-isa itong pumasok sa gate. Nakapasok na ang lahat at sila nalang ni DJ ang naiwan sa labas ng gate. Papasok na sana siya pero biglang hinila siya ni DJ sa bewang.
"Hoy, anong ginagawa mo?" nagulat na tanong niya dito.
"Pabayaan mo na sila. Hindi pa tayo tapos."
"Ha? Anong hindi pa tapos?"
Ininguso naman nito ang mga labi sa kanya.
"Ano iyan?"
"Kath naman. Napaka-slow mo."
"Ano ba kasi iyan?"
"Kiss," pa-cute na sabi nito.
Natawa naman siya dito. "Hoy, sinuswerte ka, ah. Di ba nanliligaw ka pa? Ligawan mo muna ako."
Kumunot naman ang noo nito. "Ha? Pero, sinabi mo na rin naman sa akin na mahal mo ako, ah."
"So? Hindi ba pwedeng declaration muna bago ang panliligaw?"
Natawa ito. "Sus. Ang dami pang arte, eh."
"Reklamador ka talaga."
"Okay lang. Mahal mo naman ang reklamador na ito, eh." He pulled her close and hugged her tight.
"True," aniya at hinalikan ito. Tumugon naman ito sa halik niya.
"Akala ko ba, liligawan muna kita?" tanong nito nang natapos ang halik.
"Napaka-reklamador!"
Natawa ito at niyakap siya ng mahigpit.
"Teka lang, DJ ha? Pero Kath, talagang nagugutom na kami, eh. Pwede bang mamaya nalang iyan?" Nagulat nalang sila kay Lester na nakaabang pala sa may pintuan ng gate nila.
Pinanlakihan ni DJ sa mata si Lester. "Lester naman, eh. Istorbo ka!"
Napakamot sa ulo si Lester. "Peace, bro. Kath, sunod ka na ha? Puhlease?"
Natawa siya dito pero tumango naman.
"Halika na! Mamaya, mag-wild pa ang mga iyon dahil sa gutom," sabi niya kay DJ habang hila-hila ang kamay nito papasok ng bahay.
"Kahit kailan talaga. Mga asungot ang mga iyon," reklamo nito.
"Kahit na asungot, tinulungan ka naman nila sa lovelife mo."
"True that." At biglang hinalikan na naman siya nito. Peck lang naman.
"Nakakarami ka na, ah."
Tumawa lang ito. "I know. I love you too. So much."
And for the nth time. Hindi niya mapigilan ang sariling makilig.
"Uy, kinilig," tukso na naman nito sa kanya.
Tatawa-tawa siyang niyakap ito. "I love you too, DJ."
Niyakap na rin siya nito.
"Kath!" Narinig nilang tawag ng mga kaibigan nito sa kanya mula sa loob ng bahay.
Pareho silang natawa pero pumasok na rin ng bahay. Habang pumapasok sila sa loob ng bahay ay hindi pa rin niya maiwasang hindi tumingin sa lalaking mahal niya. He was holding her hands and smiling as if he won a lotto.
She knew they would face many challenges in the future. She knew they would cherish many memories together. Pero hindi na niya iniintindi iyon. She won't dwell in the past, nor hope for the future. She would just be contented with now, him holding her hands and making her feel loved and special. Yeah, that would do.
"And we'll live happily-ever-after," hirit pa ni DJ sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi nito. "Happily-ever-after."
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro