Chapter 23
KATHRYN
Alam mo iyong taong sobrang nasasaktan na, pero pinili pa rin ang masaktan para lang sa ikaliligaya ng taong mahal niya? Siya iyon, eh. Siya, si Kathryn Chandria Bernardo, ang taong iyon. Ang napaka-gagang babaeng nagpapaka-martyr sa isang pagmamahal na walang kasiguraduhan.
Masisisi ko ba ang sarili ko? Minahal ko siya, eh.
At totoo naman talaga. Pinilit nga niyang pigilan ang nararamdaman niya but to no avail. Kasi sa huli, nahulog pa rin siya kahit na maigi na siyang kumapit sa dulo ng bangin para huwag tuluyang mahulog.
"Huwag kang mag-alala, Kath. Kilala namin si DJ, eh. Alam naming ikaw ang pipiliin niya dahil mahal ka niya," pagko-comfort ni Seth sa kanya.
"Oo nga naman, Kath. Ikaw lang ang mahal ni DJ. Wala nang iba," pagsang-ayon ni Katsumi dito.
"Alam mo Kath, hindi mo lang pansin eh pero pansin namin kung gaano kasaya si DJ kapag kasama ka. Kaya sure na sure kami na mahal ka talaga no'n. At kapag mahal na mahal ni DJ iyong isang tao, hinding-hindi niya ito sasaktan at iiwan," pampalubag-loob din ni Diego dito.
"Pero guys, let's not keep Kath's hope up too much. Baka masaktan lang ang kaibigan ko. Kayo talaga ang mananagot sa akin," ang sabi ni Julia sa mga ito dahilan para tumawa ang mga ito.
Nagku-kuwentuhan nalang ang lahat at pilit na pinapasaya siya. Kaya lang, kahit na siguro gawin nilang clown si Lester ay hindi pa rin ito eepekto. Mabigat pa rin ang nararamdaman niya.
"Kath," tawag sa kanya ni Yen. Napalingon siya dito at nakita sa mukha nito ang pag-aalala.
"Okay lang talaga ako, Yen," sabi niya dito.
"No, you're not. Alam kong nasasaktan ka ng sobra. I'm sorry," sabi nito sa kanya.
"What are you saying sorry for?"
"Pwede tayong mag-usap saglit? Saglit lang talaga?" asked Yen.
"Ano iyon?" nagtatakang tanong niya dito.
"I think it's best if we talk in private."
Sumang-ayon naman siya dito. Lumayo muna sila sa grupo para makapag-usap. Nakita niyang nakatingin lang si Julia sa kanya habang nasa kabilang dulo sila sa garden.
"Kath, may ipagtatapat sana ako," panimula ni Yen.
"Naku-curious na talaga ako, Yen. Ano ba kasi iyan? Kinakabahan na ako ha?" patawang sabi niya just to brush off the indifference she was feeling at the moment.
"Sana, makinig kang mabuti. At tsaka, maintindihan mo sana ako."
Yen's eyes were pleading for her approval. She just nodded.
"Kath, may malaking kasalanan ako kay DJ. Malaking-malaking kasalanan," sabi nito.
"Ha? Anong kasalanan iyang pinagsasabi mo?"
"Remember Neil Coleta? Iyong pinsan ni Julia?"
"Yes. Nagtanong pa nga si Kylie kay Julia."
"Well... Neil was the guy."
"Ha?"
"Neil was the guy Zharm chose over DJ."
Nagulat siya sa ipinagtapat nito. She was rendered speechless.
"And... I - I tried to seduce Neil para magkahiwalay sila ni Zharm. And well, napaghiwalay ko nga sila."
Hindi pa rin nakapagsalita si Kath. Pinoproseso pa niya sa utak ang mga sinabi ni Yen.
"We were just trying to help DJ. Alam kasi naming sobra siyang nasaktan sa ginawa ni Zharm sa kanya. Gusto lang naming gumanti kay Zharm sa ginawa niya sa pinsan ko. Hindi na namin naisipan ang consequences ng ginagawa namin."
"Consequences?" she asked when she finally found her voice.
"Yeah. You were the consequence, Kath. Nasasaktan ka nang sobra dahil sa ginawa namin. Kung hindi ko lang ginawan ng paraan para mahulog ang loob ni Neil sa akin, hindi sana sila nagkahiwalay ni Zharm. Wala sanang chance na magkabalikan si Zharm at DJ. Ang tanga ko kasi! Sana hindi nalang ako nagpadala sa galit. Hindi ko na rin sana sila pinakinggan."
"Teka lang. Sino ba ang sila na itinutukoy mo?"
"Sila Diego, Seth and the rest of the gang. Pati na rin sila JC and Kylie kasama."
"At ikaw pa talaga ang nag-seduce kay Neil?"
"Well, hindi naman pwedeng si Diego, di ba? And Kylie won't do it kasi magkakilala na sila ni Neil. So it was up to me to get revenge for DJ's sake."
"And now, nakaganti na nga kayo."
"Yes. Kaya nga bumalik si Zharm dito, eh. Dahil sa ginawa ko, bumalik na si Zharm dito. Pwede na silang magkabalikan ni DJ. Well... Iyon naman talaga ang plano namin, eh. Iyon ang gusto namin. But ngayon, nag-iba na."
"Nag-iba?"
Tumango ito. "Dumating ka na, eh. Now, ang gusto na namin ay kayo ni DJ ang magkatuluyan. Kasi alam namin na magiging masaya kayo sa isa't-isa."
Napahugot siya ng hininga. "Yen, kahit ako, gustong-gusto ko rin iyon. I would do anything for that to happen. Pero kahit ganoon, we can't dictate DJ's feelings. Sa huli, siya pa rin ang magde-decide. Kasi feelings niya ang pinag-uusapan dito, eh."
"Alam naman namin iyon, Kath. Pero sa nakikita kasi namin ngayon, mukhang ikaw na ang tinitibok ng puso niya."
"Yen, let's not hope too much. Masasaktan lang ako. Kasi kung hindi totoo iyong sinasabi niyo, aasa lang ako sa wala. Kayo rin. Baka masaktan lang din kayo. Ayaw ko ring mangyari iyon. Lalong-lalo na si DJ. Alam kong he's trying his best para walang masaktan. Naiintindihan ko naman iyon. Pero wala, eh. Nasaktan pa rin ako. Gaga kasi ako. Kasi kahit alam kong mahirap dahil fifty-fifty ang chance na ako ang manalo sa laban, sugod pa rin ako ng sugod."
"But, Kath - "
"At ano naman ang kasiguraduhan ninyong kung malaman man ni Zharm ang katotohanan ay hindi na talaga niya iiwan pa si DJ? Malay niyo, kapag malaman ni Zharm na ginawan niyo lang ng paraan ang paghihiwalay nila ni Neil ay bumalik pa rin ito sa lalake at gumawa rin ng paraan para magkabalikan ulit sila. Hindi niyo ba naisip na baka mas lalong masaktan lang si DJ kapag nalaman niya iyon?"
Natahimik naman ito. She knew that Yen could do nothing but agree to what she said.
"Baka umasa na naman si DJ sa wala. Masasaktan na naman siya. Kaya niyo ba siyang nakikitang masaktan sa pangalawang pagkakataon?"
"Alam naman naming mali ang ginawa namin, eh. We were just trying to help. Sana maintindihan mo naman kung bakit nagawa namin iyon. Mahal namin si DJ, Kath. Gusto namin siyang makitang masaya. Ikaw ba? Ayaw mo bang makitang masaya si DJ?"
"Siyempre naman, gusto kong makitang masaya si DJ. Kaya nga ayaw kong ipilit ang sarili ko sa kanya kahit na gustong-gusto ko. Kasi gusto ko siyang maging masaya. Hindi bale na't masaktan ako basta masaya lang siya." Hindi na naman niya napigilan ang sariling umiyak.
"Kath - "
"Yen, alam kong mahirap magmahal. Alam kong marami kang dapat ipaglaban at isuko. Naiintindihan ko na iyon ngayon. Sobrang mahal ko na si DJ, Yen. Kahit na sabihin mo pa o ng ibang tao na napakabaliw ko kasi nagpapaka-martyr ako, okay lang. Tanggap ko naman, eh. Ang importante lang sa akin, si DJ. Siya lang naman, eh. Wala nang iba."
"Kath, alam ko naman iyang nararamdaman mo. Kaya nga nandito kami, di ba? Nandito kami para damayan ka. Kaibigan mo ako, di ba? Kaibigan mo na rin ang mga kaibigan ni DJ. At kahit ganoon ang mga iyon, mga tunay silang kaibigan. Kaya kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, huwag mong pagdaanan nang mag-isa. Kasi willing kaming samahan ka."
Niyakap siya ni Yen. Napahagulhol lang siya ng iyak. Hindi niya aakalaing bukod kay Julia ay magkakaroon siya ng iba pang kaibigang pinahahalagahan siya.
"Tahan na, Kath. Napapaiyak naman ako, eh," natatawa't naiiyak na sabi ni Yen.
Napatawa na rin siya at pinunasan ang mga luha niya sa mukha. "Para naman tayong baliw nito."
"Oo nga. Mga baliw kasi sa pag-ibig."
"Teka lang, curious talaga ako, eh. At gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo, ha?"
"Sige, ano iyon?"
"You're in love with Neil Coleta, aren't you?"
Biglang nanlaki ang mga mata nito. Her cheeks were flushed kaya halatang-halata na sa kanya ang magiging sagot nito.
"Hoy, Kath ah. Kung anu-ano talaga iyang naiisip mo."
"Huwag ka nang mag-deny, Yen. Halatang-halata ka na, oh. You're undeniably in love with Neil Coleta - "
Tinakpan nito ang bibig niya. "Huwag ka ngang maingay diyan, Kath. Mamaya niyan, may makarinig pa sa atin."
Natawa nalang siya dito.
Pag-ibig nga naman. Nakakabaliw, nakakaaliw.
__________
Pagkatapos mag-usap ay bumalik na sila ni Yen sa grupo nila Julia. Nagtatakang tumingin naman ang mga ito nang dumating sila.
"Hoy, kayo ha? Ba't kayo lang ang nagtsikahan doon? Ba't hindi niyo ako sinali?" tanong agad ni Julia sa kanila.
"Juls, wala lang iyon. Ikukuwento ko nalang sa iyo mamaya," sagot niya kay Julia.
"Oo nga, Juls. Kailangan lang talagang malaman ni Kath, eh. Ikukuwento nalang namin sa iyo," segunda ni Yen.
"Hoy, ba't si Julia lang? Sali rin kami," sabad ni Diego.
"Huwag ka nalang nga mangialam, Diegs. Babae ka ba? Girl talk kasi ito, 'no," saway ni Yen dito. Inirapan lang ito ni Diego. Natawa naman ang barkada kasi nagmukha itong bakla sa ginawa.
They were laughing and having fun to the point na muntik na niyang makalimutan ang problema niya sa puso.
"Uh - oh," biglang sabi ni Lester habang nakatingin sa patio ng mansiyon. Nakatalikod siya sa mansiyon kaya hindi niya nakita ang nakikita nito.
Tatalikod na sana siya upang tumingin din pero pinigilan siya ni Julia. And then she saw that something in her eyes that made her understood why she stopped her from seeing what they were seeing. Alam na niya kung bakit ayaw ni Julia ang makita kung ano man ang nakita ni Lester. Naaawa ito sa kanya kasi alam nitong talo na siya. Alam nitong masasaktan lang siya.
"It's okay, Juls. I can manage," sabi niya dito. She tried to refrain her voice from shaking para makumbinsi ito na okay lang talaga sa kanya kahit na deep inside, alam niyang hindi.
Mukhang hindi pa rin ito diskumpiyado dahil hindi pa rin siya nito pinapakawalan.
"Okay nga lang, Juls. Let me see," paulit na sabi niya dito.
Wala na rin itong nagawa but to let her be. And the moment she found out what everyone was looking at, she instantly regretted she told Julia she would be okay. Kasi kahit na paulit-ulit na sabihin niya at ipilit sa sarili niya na magiging okay lang siya, alam niyang hindi. Kasi hindi okay ang puso niya.
Why? Kung makita mo man ang lalaking mahal na mahal mo na kayakap ang babaeng mahal na mahal niya, hindi ka rin ba masasaktan?
"Baka nagbati lang sila," narinig niyang sabi ni Seth.
"Oo nga. Hindi naman siguro sila nagkabalikan. Kung nagkabalikan na sila, hindi lang sana sila nagyayakapan. Naghahalikan na rin sila - " hindi na natapos ni Lester and sasabihin kasi binatukan na ito ni Katsumi.
"Lester," saway pa ni Katsumi.
"Kath, okay ka lang?" tanong ni Diego.
Napatingin siya kay Diego. Gusto niyang sabihin dito na okay lang siya pero hindi na niya mapigilan ang kanyang mga luha. Nararamdaman niyang babagsak na ang mga ito.
"Guys, sorry. Excuse lang," sabi niya sa mga ito habang nagmamadaling umalis doon. Talagang nagbabadya na ang mga luha niya na tumulo. Ayaw niyang makita ng mga itong nasasaktan siya kasi alam niyang masasaktan din ang mga ito.
Dumiretso na siya sa kwarto. Nang nakapasok na siya'y doon lang pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Sobra-sobra siyang nasasaktan. Paulit-ulit nalang pero talagang totoo. Masakit pala talaga lalong-lalo na kapag nandoon na at nakikita mo nang wala ka na talagang panlaban sa nararamdaman mo. Kasi kahit sinabi niya kay Daniel, sa mga kaibigan niya, at pati sa sarili niya na magiging okay lang siya, ang dali lang sabihin pero ang hirap pala talagang gawin.
Oo, alam niya. Aminado siya. Hindi siya okay. Hinding-hindi siya magiging okay. Kasi nagmahal siya nang sobra, pero ang kapalit ay sobra rin siyang nadudurog.
Pero ito ang pinili mo, Kath. Di ba? Ito ang pinili mo.
Pinili niyang masaktan para sa taong mahal niya. Mas pinili niya ang kaligayahan ni Daniel kaysa sa kaligayahan niya. Iyon kasi ang tama. Kasi nga sa pag-ibig, may mga bagay na kailangang ipaglaban at isuko. At isinusuko niya ang sariling kaligayahan para sa kaligayahan ng taong pinakamamahal niya. Dapat masaya siya, eh. Pero bakit hindi?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro