Chapter 21
KATHRYN
Halos mapatalon si Kath nang marinig niya ang katok ng pintuan ng kwarto niya. Kinakabahan na excited. Iyon ang feeling niya.
Huwag kang masyadong magpahalata, Kath.
Pilit niyang inayos ang sarili para hindi magmukhang tanga sa harap ni Daniel. Humarap muna siya sa salamin at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto. Ngiting-ngiti pa siya pero biglang nawala iyon nang nakita kung sino ang nakatayo sa may pintuan niya.
"Oh, anong problema mo? Ba't parang nasakluban ka yata ng langit at lupa?" ngingiti-ngiting tanong ni Julia.
Too much for expectations. "Wala."
"May hinihintay ka no?" Siniko pa siya nito.
"Ha? Wala, ah."
"Asus. Nag-deny pa ang gaga. Alam ko na oy. Hinihintay mo si Daniel."
Napasimangot nalang siya saka ay naglakad pababa ng hagdan. Narinig lang niyang tumawa si Julia.
"Ikaw, Kath ha? Iba na talaga iyang tama mo kay Daniel," asar nito sa kanya. Nakaagapay na ito sa kanyang paglalakad.
"Hindi 'no."
"Ba't nakasimangot ka diyan? Kasi hindi ka sinundo ni Daniel tulad ng sinabi nito?"
"Hindi rin. Huwag mo nga akong pakialaman. Sumbong kita kay Diego, eh."
Parang nataranta naman ito bigla. "Hoy, joke lang. Eto naman, hindi na mabiro."
Natawa lang siya sa reaksiyon nito. Basta't si Diego talaga ang pinag-uusapan, nag-iiba talaga ang timpla nito. Parang siya lang.
Sabay na pinasok nila Julia ang kitchen. Natagpuan nila doon sina Yen at Tita Karla.
"Hello," bati ni Tita Karla sa kanila.
"We're making meriendas para mamaya sa palaro," ang sabi naman ni Yen.
"Pwede po ba kaming tumulong?" tanong niya sa mga ito.
"Sure. Come, help yourself," pagsang-ayon ni Tita Karla.
Nakapuwesto na sila sa table at nagsimulang ibalot ang mga sandwich na nalagyan na ng palaman nila Yen at Tita Karla nang biglang dumating sina DJ sa kitchen. Nagulat ito nang makita siyang nakaupo doon.
Kumunot ang noo nito. "Anong ginagawa mo dito?"
Tumingin-tingin siya sa paligid. Sinisigurado niyang siya ang kinakausap nito. Nang mapagtantong wala nang iba pang tao sa likod niya ay sumagot siya, "Bakit?"
"I mean, shouldn't you supposed to be in your room right now?"
"Ha?"
"You should be relaxing."
"I am relaxing."
"No, you're tiring yourself," anito habang lumapit sa kanya at hinila siya sa pagkakaupo. Binalingan naman agad nito ang mama. "Ma, ba't ninyo pinapayagan si Kath na mapagod?"
"Aba, anak. Kung makaasta ka, daig mo pa ang asawa ah," komento ng mama nito. Naramdaman niyang tumaas lahat ng dugo niya papuntang pisngi niya.
"Oo nga, DJ," segunda ng mga kaibigan nito. Nakita niyang pinunasan nito ang pawis nito sa noo. Doon lang niya napagtantong pawis na pawis na pala ito. Out of nowhere, she got her hanky from her pocket at ipinunas iyon sa noo ni Daniel.
"Sa susunod ha, huwag kang masyadong magpapawis. Nanenermon kang mapapagod ako eh nakaupo lang naman ako. Tingnan mo nga ang sarili mo. Puno ka na ng pawis. Baka magkasakit ka pa niyan," litanya niya dito habang ipinupunas ang panyo niya sa mukha nito. Nakita niyang nakangiti ito ng konti.
"Tita, oh. Kung maglambingan ang dalawa, parang wala ka lang sa harapan nila," narinig niyang sumbong ni Yen kay Tita Karla. Dali-dali siyang umayos ng pagkatayo. Napakamot lang din si Daniel sa ulo nito habang pinipigilan ang pagtawa.
"Naku, kung hindi lang sana ako katulad ninyo noong dalaga pa ako, talagang sinita ko na kayo," natatawang sabi ni Tita Karla.
"Oh, sige na guys. Back to work!" anunsiyo ni Diego. Doon lang sila tila natauhan. Napaka-awkward nang magkatabi lang kayo pero pareho kayong natataranta sa gagawin.
"Ah..." sabay pang nasabi nila.
"Hey you, lovebirds. Mamaya na iyan. Magtrabaho muna kayo," narinig niyang sabi ni Tita Karla.
"Ma," pagmaktol ni Daniel dito na siyang ikinatawa lang ng mama nito.
"Sige, DJ. Magbabalot pa kami ng sandwich."
"Huwag kang masyadong magpapagod ha?"
"Opo."
"Sana hinintay mo nalang ako sa kwarto mo. Susunduin naman talaga kita."
BIglang sumikdo ng puso niya. "Hindi. Okay lang."
"Sige. Ingat ka."
"Ikaw rin."
"Hoy! Parang hindi na kayo magkikita mamaya, ah," tukso ni Yen sa kanila.
"Ikaw Yen, kahit kailan. Pasalamat ka talaga't - " hindi na natuloy ni Daniel ang sasabihin nito dahil nagsumbong na si Yen kay Tita Karla.
"Tita oh, inaaway ako ni DJ," parang batang sumbong nito.
"Ma, huwag kang magpadala diyan. Nako," anito sabay turo pa kay Yen.
Natawa lang siya sa mga ito. Binaling naman ni Daniel ang atesiyon sa kanya.
"Sige, alis na ako. Hindi pa kami tapos doon sa labas, eh. Ingat ka," anito. Laking gulat niya nang hinalikan siya nito. Sa pisngi nga lang.
Pero kahit na. Nandito ang mama niya, napapahiyang isip niya. Hinawakan agad nito ang pisngi niya at na-realize na halatang-halata ang pagba-blush niya. Binigyan pa siya nito ng nakakamatay na ngiti saka ay umalis na rin.
"Aguroy! Ang mga taong in love talaga," natatawang asar ni Julia.
Naging sunod-sunod na ang kantiyaw ng mga tao sa kanya doon. Pati na nga rin si Tita Karla ay tinutukso siya. Napapailing nalang siya at ipinagpatuloy na ang naudlot na gawain.
__________
Nang matapos ang pananghalian ay nagsimula na ang palaro sa hacienda. Kasama ni Kath ngayon sina Julia at Yen habang pinapanood ang mga taong tila excited na rin tulad nila sa palarong magaganap.
"Naku, mag-eenjoy talaga kayo sa mga palaro," sabi ni Yen sa kanila.
"Talaga?" tanong niya kay Yen.
"Oo. Matutuwa kayo kasi pati na rin ang Padilla clan ay sasali sa mga palaro. Tulad noon, si Tito Rommel, iyong papa ni DJ ang nanalo sa paghuli ni biik," natutuwang kwento nito.
"Paghuli ng biik?" si Julia ang nagtanong.
"Oo. Sa may putikan pa, ha? Naku, sigurado akong sasali si DJ ngayon."
Naisip niya ang sinabi ni Yen. Ano kaya ang hitsura ni DJ kapag sumali ito sa palarong iyon. Siguro hindi pa rin mababawasan ang kaguwapohan nito kahit na punong-puno na ito ng putik.
"Itong si Kath, oh. Kung anu-ano na ang iniisip. Siguro ini-imagine mo na si DJ na punong-puno ang putik sa katawan 'no?" tukso ni Julia sa kanya.
"Hoy, hindi ah. Ba't ba laging ako nalang ang nakikita ninyo? Huwag nga kayo," sita niya sa mga ito. Napatawa lang naman ang mga ito.
Indeed, tulad ng sinabi ni Yen, nag-enjoy nga silang panoorin ang mga palarong ginanap. May tumbang preso at patintero para sa mga bata. Para sa mga matatanda naman, may patintero din, sepak-takraw, palo sebo, sipa, tsato, at iyong paghuli ng biik. Napasali pa nga sila Julia at Yen sa patintero. Siyempre, sumali din sila Daniel at mga kabarkada nito. Nahuli nga niyang tatawa-tawa ito habang pilit na hindi siya pinapalusot sa linya. Pero sa huli, sila pa rin ang nanalo. Natalo ang grupo nila Daniel.
"Grabe, the best itong pa-fiesta niyo," sabi ni Julia kay Daniel.
Tumawa naman ito. "I'm glad nag-enjoy kayo."
"Next time, sama kayo ulit," sabi pa ni Diego.
"Ah, kung okay lang," sabi niya.
"Siyempre naman! Papaano bang hindi magiging okay? Hindi ba, DJ?" sabi ni Seth.
"Oo nga. Okay na iyon. Lakas mo kaya kay DJ," segunda pa ni Katsumi.
"Tama. Kath - " naputol na ang sasabihin ni Lester nang binatukan ito ni Daniel.
"Oh, tama na iyan, Lester," sabi pa nito.
"Ito talagang si DJ. Ang KJ mo," binelatan pa nito si Daniel.
DJ just made a face.
"Guys, magsisimula na ang paghuli ng biik!" anunsiyo sa kanila ni Yen.
Dumagsa naman ang karamihan ng tao sa isang espasyo ng maputik na lupa kung nasaan ang isang maliit at makulit na biik. Napatingin siya kay Daniel. Nai-imagine na naman niya ang hitsura nito na napupuno na ng putik ang katawan. Namumulang iniwas niya ang tingin dito nang makita niya itong nakangiti sa kanya nang nakakaloko.
Kath, ang lagkit ng imagination mo! Nakakahiya ka! sita niya sa sarili.
"Oh, sinong sasali?" tanong ni Yen.
Pumasok agad sina Seth, Katsumi at Lester sa binakuran na lupa. Sumali na rin si Diego at iba pang mga pinsan ni Daniel. Napatingin na naman siya dito.
"Daniel, halika na!" tawag ni Seth kay Daniel.
Ngumiti ulit si Daniel sa kanya bago ito pumasok sa bakod. Nag-high five pa ito at mga kaibigan nito. Ilang minuto na ay tumunog na ang pito na siyang hudyat ng pagsimula ng laro. Kumilos agad sila Daniel at pilit na hinuhuli ang biik. Natawa pa nga sila nang sumubsob si Lester sa putik. Nagkaputik tuloy ang mukha nito. Muntikan na sanang makuha ni Diego ang biik pero nagkabanggaan ito at si Seth kaya'y sa halip na ang biik ang mahuli nito ay si Seth ang nahuli nito. Tawa nang tawa naman si Julia at si Yen. Nahuli na rin sana ni Daniel ang biik nang lumikot ito at nakawala. Napagulong tuloy si Daniel sa putikan.
"Kawawang Daniel! Napaliguan na ng putik," kantiyaw ni Yen. Tatawa-tawa lang sila sa nangyari nang biglang hinubad nito ang shirt nito.
Oh la la. Napatigil ang kanyang pagtawa. Paano ba naman hindi? Muntik na siyang masamid ng laway niya. The guy in front of her possessed one of the hottest body in the planet. Nagtilian naman ang iba pang kababaehan sa pagkakita sa magandang katawan nito.
"Hoy, Kath. Tumutulo na ang laway mo. Ew," sabi ni Julia sa kanya na siyang nakapagbalik sa katinuan niya.
Wala sa sariling pinunasan niya ang baba niya nang ma-realize ang ginawa. Natawa naman sila Julia sa kanya.
Dang! Nawawala na ako sa sarili ko dahil lang sa katawan ni DJ, isip-isip niya.
Nang sa wakas ay may nakahuli na rin na biik. Isang trabahador ng hacienda ang nakahuli doon. Agad-agad namang lumapit sila Daniel, Diego, Seth, Lester at Katsumi sa kanila. Punong-puno ng putik ang lahat maliban kay Katsumi. Nakatayo lang kasi ito doon habang pinapanood ang mga kasamang busy sa paghuli sa biik.
"Nakakapagod iyon, ah," komento ni Katsumi.
"Oo nga, Kats. Sobrang pagod siguro ang kakatawa sa mga hitsura namin ano? Hindi ka man nga lang sumubok na hulihin ang biik," sabi ni Lester dito.
"Gago. Siyempre. Alam kong hinuhuli na ng lahat ang biik, eh. Ba't makikisali pa ako? Ang dami-dami niyo na," pangbatok ni Katsumi kay Lester.
"Gago ka rin. Kailangan talaga mang-batok?" sagot ni Lester dito.
"Hoy, huwag na kayong mag-away. Ang mabuti pa't maligo na tayo," sita ni Daniel sa mga ito. Hindi pa rin ito naka-shirt kaya kitang-kita ang perfect chest, abs at torso nito.
Yummy. Napailing siya sa naisip. Malaswa ka, Kath! Malaswa!
"Hoy, anong nangyari sa iyo?" bulong ni Julia sa kanya. Napapansin siguro nitong para siyang nababaliw.
"Wala, wala."
"Hmm, wala daw. If I know, si Daniel at ang yummy body niya ang iniisip mo ano?"
"Hoy, hindi ah! Ano ka ba? Hindi 'no. Hindi talaga. Huwag ka nga, Julia. Hindi naman talaga, eh," depensa niya sa sarili.
"Wala naman akong sinabi, ah. Exag kang mag-deny masyado, teh. Halata lang, eh," natatawang wika nito.
Inismiran lang niya ito saka ay hindi na pinansin. Sila Daniel naman ay pumasok na sa loob ng mansiyon para maligo at magpalit. Napagpasyahan nalang din nila Julia na pumunta na sa mansiyon.
__________
Katulad noong nagdaang gabi, inihanda ang hapunan sa malawak na bakuran sa likod ng mansiyon.
"Kath, hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Daniel sa kanya. Tapos na itong maligo at magpalit. Ang bango-bango pa nga nito, eh. Mas lalo siyang naaakit.
What? "Erase erase," pailing na sabi niya.
"Ha?" nagtatakang tanong ni Daniel.
"Ah, wala," nahihiyang sabi niya dito. "Mamaya na muna ako."
"Hindi ka gutom?"
"Medyo, pero okay pa naman."
"Ah, sige. Ano ang gusto mong kainin diyan?"
"Ahm... wala akong mapili, eh. Kung pwede lahat, lahat nalang kukunin ko," natatawang sagot niya dito.
Natawa din ito. "Sige. Teka ha? Babalik lang ako. Maupo ka lang diyan."
Nagtataka man pero tumango nalang siya. Ilang minuto lang at bumalik na rin ito. May dala pa itong dalawang platong puno ng pagkain na naihain. Parang kumuha ng one of every kind sa putahe na inihanda.
"Wow, DJ. Salamat talaga, pare ha? The best ka." Pakuha na nga si Lester sa plato nito nang tinapik nito ang kamay ni Lester.
"Huwag na huwag kang kukuha diyan," sita ni Daniel kay Lester.
"Grabe ka naman, DJ. Maliit lang naman ang ikukuha ko. Iyong balat lang ng lechon, eh. Damot talaga," reklamo ni Lester.
"Hindi akin ito, 'no."
"Eh, kanino?"
Nagulat na lamang siya nang ibinigay ni Daniel sa kanya ang plate nito.
Napaturo siya sa sarili niya. "Ako? Akin ito?"
Nakangiting tumango naman ito.
"Wow. Ang dami, ha?" natatawang tanong niya dito.
"Tinanong nga kita kung anong gusto mo, di ba? Eh, sabi mo lahat. Kumuha nalang ako sa lahat," natatawang sagot rin nito.
"Pero, hindi ko naman mauubos ito, eh."
"Kung ganoon, share nalang tayo," suggestion nito.
"Ha? Ah, okay lang ba sa iyong maki-share sa akin sa isang plato?"
"Oo naman. Bakit naman hindi? Okay lang ba sa iyo?"
"Ah... Oo, okay lang din."
"Sige, share nalang tayo," nakangiting sabi nito.
Akmang isusubo na sana niya ang pagkain nang namalayang iba ang pagkakatingin nila Julia, Yen, Diego, Seth, Lester, at Katsumi sa kanila.
"Hoy, anong meron?" tanong ni Daniel sa mga ito. Laking gulat nilang dalawa nang biglang tumawa ang mga ito.
Baliw-baliwan lang, ah.
"Tol, style mo bulok," asar ni Seth kay Daniel.
"Eto namang si Kath, nagpapa-chansing din," komento naman ni Yen.
"Asus. Kayo talaga. Gusto lang mag-share ng plato, eh. Ang dami pang drama," tukso din ni Katsumi.
"Kath, mag-ingat ka ha. At baka sa halip na ang pagkain ang langgamin, kayo nang dalawa ni DJ," sabi ni Julia.
"Bro, baka naman may gayuma iyang ibinibigay mo kay Kath, ha?" kantiyaw ni Diego.
"Mga baliw! Kumain na nga lang kayo," sabi ni Daniel sa mga ito. Nagpatuloy na rin ang mga ito sa pagkain pero hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngitin ng mga ito.
"Huwag mo na silang pansinin," narinig niyang bulong ni Daniel sa kanya.
"Ha?"
"Naiinggit lang sila sa atin. Gusto rin nilang lagyan ko ng gayuma ang mga pagkain nila. Sa gwapo ko pa namang ito, nako!" natatawang biro nito.
"Baliw ka talaga, DJ."
Hindi na nga niya pinansin pa ang mga ito. Patuloy lang siya sa pagkain kasama si Daniel. Pero habang kumakain sila, hindi talaga niya maiwasan ang sariling sumulyap dito.
Hay, Daniel Padilla! Pwede bang ikaw nalang ang kainin ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro