Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

KATHRYN

Humugot muna nang malalim na hininga si Kath bago tuluyang lumabas ng bahay.

Kath, huwag kang kabahan. Mahahalata masyado eh. Napasang-ayon siya sa naisip.

Eh kasi naman, excited akong makasama si DJ, hindi na niya napigilan ang sariling makilig.

Aminado siyang hindi na niya kaya pang pigilan ang nararamdaman niya para kay Daniel. Kahit pilitin pa niya ang sariling kalimutan ang namumuong pagmamahal niya para dito, hindi siya magtatagumpay. Alam na niya iyon kaya ngayon ay tanggap na niya. Oo, tanggap niyang mahal niya si Daniel.

Muling humugot siya nang malalim na hininga saka ay tumungo sa kung nasaan naghihintay si Daniel. Nakatalikod lang ito sa kanya. May dala pa itong isang bisikleta.

"DJ," tawag-pansin niya dito. Lumingon naman ito sa kanya at ngumiti.

Ghad, hindi ko na talaga mapigilan!

"Let's go?"

"Okay," sabay lapit niya dito. Umangkas naman ito sa bisikleta kaya napaurong siya.

"What?" nagtatakang tanong nito nang napansin nitong huminto siya sa paglapit dito.

"Nasaan iyong bike na gagamitin ko?" tanong niya dito.

"Ito," simpleng sagot nito.

"Ano?"

"Umangkas ka lang sa akin. Okay na tayo."

"Ha? Pero, okay lang naman na mag-bike lang din ako. Para hindi ka na mahirapan pa. Ang bigat-bigat ko kasi."

Natawa ito. "I'm sure kaya kita. At tsaka, mas mabilis kapag isang bisikleta lang ang gamit natin. Hindi mo kabisado dito sa hacienda. Baka maligaw ka pa't gabi pa naman. Kaya halika na, umangkas ka na sa akin."

Nagdalawang-isip siya. Oh no, tadhana!

"Kath, angkas na. Dali," sabi nito. Wala na siyang nagawa kundi ang umangkas dito. Sa likod sana siya aangkas nang hinawakan nito ang kamay niya at hinila papuntang harapan.

"Ano?"

"Dito ka sa harapan umangkas, Kath. Para hindi ako mahirapan."

"Akala ko ba kaya mo?"

"Huwag na kasing matigas ang ulo. Kaya ko naman pero mas madali kapag dito ka, eh."

"Sus, chansing ka lang eh," bulong niya.

"Narinig ko iyon," sabi nito na ikinagulat niya. Namula agad ang mga pisngi niya. Buti nalang gabi na at hindi nito napansin iyon.

"Okay na ako," aniya dito nang nakaangkas na siya nang maayos.

"Kumapit ka nang mabuti," anito at nagsimula na silang umalis.

__________

Nahinto sila Kath at Daniel sa isang overviewing na lawa.

"Wow. Ang ganda," manghang sabi ni Kath nang nakababa na siya sa bisikleta. Talagang ang ganda-ganda ng sapa lalong-lalo na at ang liwanag ng bilog na buwan ay nagre-reflect sa tubig ng sapa.

"Sabi ko naman sa iyo, eh. Hindi ka magsisisi."

Ningitian lang niya ito. Hinding-hindi talaga siya magsisisi. Kasama niya ito, eh. Ano pa ba ang hihilingin niyang iba?

"Halika," aya nito sabay pumunta sa isang banka na nakastambay sa maliit na dock doon.

"Sasakay tayo niyan?" tanong niya dito nang mawari ang gagawin nito.

"Oo, para mas makita pa natin ang liwanag ng buwan."

Una na itong nakasakay sa banka. Pagkatapos ay inalalayan siya nitong sumakay doon. Pinaupo muna siya nito nang maayos saka ay inayos ang lubid na nakatali sa dock. Nang naayos na iyon ay nagsimula na silang lumayag patungo sa kagitnaan ng lawa.

"Wow. This is amazing," talagang manghang sabi niya.

Huminto ito sa pagbugsay kaya ay naka-steady lang sila sa lawa. "Ito ang maganda dito, eh. Napaka-peaceful at ganda ng lugar na ito. Malayo sa city na nakasanayan natin."

"Malayong-malayo talaga. First time ko ang ganito, eh. I've never been to a province before. Ngayon lang."

He smiled that famous crooked smile of his. "I'm glad you're happy."

Sinuklian nalang niya ito ng ngiti. She never imagined she could experience something like this. Akala niya, sa movies lang matatagpuan ang mga ganitong eksena. Iyong eksenang may dalawang taong nagmamahalan na magkasama sa ilalim ng buwan.

Kami iyon, eh. Bigla siyang napatawa kaya ay napatingin sa kanya si Daniel.

"Anong nakakatawa?"

"Ah, wala lang. Natutuwa lang talaga ako," palusot niya dito. Pero totoo naman talagang natutuwa siya.

Lalong-lalo na na nakasama kita, DJ.

"DJ, ang bait-bait pala ng pamilya mo 'no? Napaka-suwerte mo at may pamilya kang katulad nila."

"Yeah. Masuwerte talaga ako."

"Sayang at hindi ko naranasan ang ganito."

"Kung nasaan man iyong parents mo ngayon, Kath, I'm sure na masaya na sila. And masaya din sila para sa iyo."

"Alam ko naman iyon, eh. Alam kong hindi nila ako pababayaan."

Natahimik din sila nang ilang minuto. Nakatingin lang silang dalawa sa maliwanag na buwan.

"DJ, may tatanungin sana ako, eh. Huwag mo sanang mamasamain."

"Ano iyon?"

"Narinig ko lang naman, eh. Naku-curious lang ako. Pero kung ayaw mong sagutin, okay lang na huwag ka nang sumagot."

Tahimik lang ito at hinihintay ang tanong niya. Nagdalawang-isip pa siya kung itutuloy niya ang tanong niya.

Pero hindi. Kailangan kong malaman.

"Ah, DJ. Bakit mo iniiwasan ang dati mong girlfriend?" hindi niya napigilang tanungin ito.

Natigilan ito sa tanong niya. An emotion of anger and pain was evident in his eyes.

"Sabi ko nga, kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, okay lang," bawi nalang niya.

"No. Okay lang. Sorry. Nabigla lang ako," bawi naman nito.

Hinintay lang niya ito habang kino-compose nito ang sarili sa pagsagot ng tanong niya.

"Sobra kasi akong nasaktan sa relasyon namin," sagot nito. Alam niyang mahirap para dito ang balikan ang alaala ng mapait nitong kahapon pero gusto niyang maintindihan ang pinagdaraanan nito.

"Okay lang magtanong ulit?"

"Yeah. Shoot."

"SIya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong pumasok sa isang seryosong relasyon?"

Ngumiti naman ito nang mapait. "I guess. Ayoko lang masaktan ulit."

"Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa? If you don't mind me asking again."

"Hindi, okay lang. Ano kasi, she cheated on me."

"Cheated? On you?"

"Yeah. Ipinagpalit niya ako sa ibang lalake. Mag-aapat na taon na rin ang relasyon namin. We were childhood sweethearts. Magkasama kaming lumaki sa hacienda. Pamangkin kasi siya ni Aling Elsa."

Huminto muna ito ng ilang saglit. Hinihintay lang niya itong ipagpatuloy ang sasabihin nito.

Nagbuntong-hininga ito. "Minahal ko siya at naniwala akong mahal rin niya ako. We were happy. I couldn't ask for more. Pero nalaman ko nalang na she is in love with someone else. Alam ko namang hindi mo talaga mapipilit ang puso mong huwag magmahal, eh. Pero masakit lang kasing isipin na hindi na pala ikaw ang tinitibok ng puso niya kundi ibang tao na. Ayaw ng mama ko sa kanya. Pero kahit ganoon, ipinaglaban ko pa rin siya. Iyon ang pinakamasakit, eh. I actually fought for a relationship that wasn't worth it in the end."

"Kaya ngayon, feeling mo, hindi na worth it lahat ng relasyon?"

"Hindi naman sa ganoon. I just spent a whole two years trying to move on. Kaya hindi ko nakikita ang halaga ng relasyon as of now."

Ayaw man niyang tanungin ito pero kailangan niya malaman. Kahit masaktan pa siya. "DJ, mahal mo pa ba siya?"

Napatitig ito sa kanya. Nararamdaman niyang nahihirapan ang kalooban nito. Kahit siya man, alam niyang mahihirapan kapag nangyari sa kanya ang nangyari dito.

"Ikaw ba, Kath? Nasasaktan ka pa rin ba sa pagtataksil ni Albie sa iyo?" balik-tanong nito sa kanya.

Sa totoo lang, DJ, hindi ako nasasaktan sa kanya. Mas nasasaktan ako sa iyo. "Hindi ko alam."

"Alam kong nasaktan ka. Nakita ko kasi kung paano ka nag-cope up sa ginawa sa iyo ni Albie. Which I think is not worth it."

"Kaya ba hindi ka nagdalawang-isip na sirain ang relasyon namin?"

"Hey, hindi ako sumira ng relasyon. Matagal nang sinira ni Albie ang relasyon ninyo. I was just making you realize that."

"Yeah, I know. I know."

"Nakapag-move on ka na ba kay Albie?"

Matagal na. "I think so."

Ngumiti ito sa kanya. "That's good."

Ngumiti rin siya dito. "Pero huwag mong ibahin ang usapan. Ikaw ang tinatanong ko, ba't ikaw na ngayon ang nagtatanong?"

Napakla ito ng tawa. "Sige, fine."

"Mahal mo pa nga ba siya?" Sana hindi ang isagot mo, DJ.

"Hindi ko alam, Kath."

"May puwang pa ba siya sa puso mo?" Sana wala ang isagot mo.

"Oo, meron naman talaga. Minahal ko siya, eh."

Ouch. Ang sakit na. "Kung makikipagbalikan siya sa iyo ngayon, given na nagsisisi na siya sa ginawa niya sa iyo noon, would you have her back?"

"Hindi ko rin alam. It's hard to say. Maybe yes, maybe no."

Ayoko na. "You must really love her."

"Yes. I did. I'm not sure if I still do." Napahugot ito ng malalim na hininga.

"I didn't mean to pry on your things pero may nakita kasi akong picture sa kwarto mo. Siya ba si Zharm?"

He nodded. "Yeah. Si Zharm nga iyon."

Tumango-tango lang siya. Wala na kasi siyang masabi. Ayaw na rin niyang magtanong kasi naramdaman niyang unti-unti nang nadudurog ang puso niya.

"Kath," biglang tawag nito sa kanya.

"Bakit?"

"Thank you."

"Para saan?"

"Para dito. Hindi ko alam pero bumubuti ang pakiramdam ko. Ayaw na ayaw kong pag-usapan si Zharm sa ibang tao, pero sa iyo, hindi ko aakalaing gagaan ang nararamdaman ko."

Ningitian niya ito. "Minsan kasi, mas magandang i-share mo sa ibang tao ang nararamdaman mo. Para ma-release ang kung ano mang ikinikimkim na nararamdaman mo."

"True."

"Kaya para maibsan na iyang sakit na nararamdaman mo, mas mabuting mag-usap na kayo ni Zharm. Para magkaintindihan kayo't magkapatawaran. Para wala nang bitterness. Para makapag-move on na kayo."

Nagbuntong-hininga ito. "Yeah, you're right. Thanks, Kath. For making me feel better."

"No problem." Gumagaan na rin ang pakiramdam niya. Kahit na nasasaktan siya, masaya siyang kahit papaano'y nagawa niya ring pagaanin ang nararamdaman nito.

Bigla nalang tumunog ang cellphone niya.

"Hello, Kath. Nasaan ka?" Si Julia ang tumawag.

"Ah, magkasama kami ni DJ. Bakit?"

"Uy, nagde-date kayo ngayon? Sorry sa istorbo."

"Hindi. Sinamahan ko lang siya. Ano ba kasi?"

"Kanina ka pa kasi hinahanap ni Tita Karla. Pati na rin si DJ. Kaya umuwi na kayo dito sa mansiyon. Baka kung ano pa ang isipin ni Tita na ginagawa ninyo."

"Oo na. Sige, bye." At binaba na niya ang cellphone.

"Sino iyon?" tanong ni DJ sa kanya.

"Si Julia. Pinapauwi na tayo. Hinahanap na daw tayo ng mama mo."

Pumalatak ito. "Si Mama talaga. Kahit kailan."

Bumalik na rin sila sa dock para makauwi na sa mansiyon.

__________

Nang makarating na sila Kath at Daniel sa mansiyon ay inihatid siya ni Daniel sa kwarto.

"DJ, thank you sa pagsama sa akin sa lawa. Sobrang hindi ako nagsisi," aniya bago paman pumasok sa loob ng kwarto.

"Sabi ko sa iyo, eh. Sige. Magpahinga ka na."

"Sige. Ikaw rin." Akmang papasok na siya ng kwarto nang tinawag siya nito.

"Ah, pwede bang samahan mo na rin ako bukas?"

"Bukas? Bakit? Saan tayo? Di ba may pa-fiesta pa kayo dito sa hacienda?"

"Oo, pero sandali lang naman."

"Saan mo na naman ako dadalhin?"

"Basta. Hindi ka rin magsisisi bukas."

Napatawa siya. "Sige na nga."

"Sige. Bukas ha? Mga 4 ng umaga. Hintayin kita sa kitchen."

"Ha? 4 ng umaga? Ba't ang aga?"

"Basta. Iyon na iyon. Huwag nang maraming tanong."

"Okay, sige. Pipilitin kong bumangon bukas nang maaga."

"Huwag mong pilitin. Gawin mo."

"Oo na nga."

"Sige. Huwag mo ring kalimutang magdala ng jacket ha?"

"Opo."

"Sige, good night Kath."

"Good night, DJ," aniya at saka tuluyan nang pumasok nang kwarto.

Hay, Kathryn Chandria Bernardo! Hindi na talaga mapipigilan ang pagmamahal mo para kay Daniel no? Patay na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro