Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

KATHRYN

Sa pagsapit ng hapunan, nagsimula na ang munting pa-fiesta sa Hacienda Padilla. Magkakaroon daw ng program para sa mga trabahador ng hacienda. Pero ang nakakatuwa nito'y ang mga Padilla ang mage-entertain sa mga trabahador.

"Excited na ako makitang tumugtog ang banda ni DJ," sabi kay Kath ni Yen.

"Ako rin. Hindi ko alam na marunong palang tumugtog si DJ. Hindi halata sa school, eh," pagsang-ayon ni Julia.

Aminado siyang mas excited pa siya sa dalawa. Gusto niyang makita si Daniel na tumugtog sa stage. Feeling niya, mas mai-inlove pa siya dito.

"Ikaw Kath? Hindi ka ba excited?" tanong ni Julia sa kanya.

"Ha? Ah, excited rin." Excited na excited. Pero pinilit niyang itinago kasi baka tuksuhin na naman siya.

"Girls, halina kayo. Kain na tayo ng dinner," anunsiyo ni Tita Karla sa kanila.

Lumapit na sila sa isang napakahabang lamesa na sinet-up sa garden sa labas ng mansiyon. Nakahanda na doon ang sari-saring putahe na inihanda pa nila Tita Karla simula pa sa umaga. Nakalatay lang sa mahabang table ang mga pagkain. Nakakatuwa nga kasi parang nagpa-potluck lang sila. Talagang masasabi niyang isang malaking handaan ang nangyayari.

"Dito tayo," pagyaya ni Yen sa kanila sa isang table. Laking gulat nalang niya nang sa table pala nila Daniel sila iginiya ni Yen.

"Hi Kath!" bati ni Lester sa kanya.

"Hi Lester!" bati rin niya dito.

"Dito ka na, Kath oh," turo sa kanyang upuan ni Seth. Katabi ito kay DJ. Naupo nalang siya. Pero iniiwasan niyang tumingin dito. Napaka-awkward kasi ng feeling niya.

"Salamat."

"Dito ka na, Julia," turo naman ni Diego sa katabing upuan nito. Naupo naman si Julia doon pero halatang nahihiya pa. Natawa nalang siya sa reaksiyon ng kaibigan.

"Anong gusto mong drinks, Kath?" narinig niyang tanong ni Daniel sa kanya. Napatingin siya dito.

Dang! Why does he has to be so handsome?

"Kath?" anito nang hindi pa siya sumasagot.

"Ah, kahit na ano nalang DJ," sa wakas ay sagot niya dito.

"Okay. I'll be right back," anito at tumayo na para kumuha ng drinks nila.

"Uy, DJ, kuha mo rin ako ha?" pahabol pa nila Seth.

"So... Kath, may tanong lang ako sa iyo. Okay lang ba?" biglang sabi ni Katsumi.

"Yeah. Ano iyon?"

"Huwag ka sanang mabigla pero, may gusto ka ba sa kaibigan namin?" tanong ni Katsumi sa kanya. Nasamid tuloy siya sa kinain nang wala sa oras.

"Katsumi!" saway nila Lester dito.

"Oh, damn. Kath, sorry," paumanhin ni Katsumi. Inabot naman sa kanya ni Seth ang baso ng tubig.

"Okay ka na?" tanong ni Seth sa kanya. Tumango lang siya at nagpasalamat.

"What's going on here?" tanong ni Daniel nang dumating ito sa table.

"Itong si Katsumi ang sisihin mo. Ginulat si Kath sa tanong niya, eh," sagot ni Lester dito.

"Hindi ko naman sinasadya," depensa ni Katsumi sa sarili.

"Kats, anong ginawa mo?" baling ni DJ sa kaibigan.

"Hindi. Okay lang iyon, DJ. No harm done," pagtanggol naman niya sa kaibigan nito. Umupo ito sa upuan nito.

Ipinagpatuloy niya ang pagkain nang biglang naramdaman niya ang pagpahid ng kung ano sa gilid ng bibig niya. Napatingin naman siya kay Daniel at nakita itong pinunasan ang hintuturo nito sa tissue.

"Uy, ang sweet mo naman, pare. Pahiram nga rin ng hintuturo mo at may dumi din sa pisngi ko," asar ni Seth dito.

"Pasa, gusto mo?" ganti ni Daniel.

"Biro lang."

"Kath, Julia, okay lang ba kayo dito?" biglang pagsulpot ng mama ni DJ.

"Ah, yes tita. Huwag kayong mag-alala," sagot ni Julia dito.

"That's good. Mabuti naman kung ganoon," sabi nito. "Eh, ikaw Kath? Okay ka lang ba?"

"Opo. Salamat po," sagot niya dito.

"DJ, alagaan mo si Kath, ha?" bilin ng mommy nito kay DJ na siyang ikinagulat niya.

"Yes, Ma," sagot nalang ni Daniel. Umalis na rin ito at nagtungo sa table nito.

BIglang tumikhim naman ang mga kaibigan ni DJ. Pati sila Julia at Yen ay nakisabay rin.

"Gusto niyo ng tubig?" tanong ni DJ sa mga ito.

"Pakuha nga, bro," sabi ni Diego.

"Matuluyan sana kayo," sabi ni Daniel na ikinatawa lang ng mga kaibigan nito.

"Hey, mag-uumpisa na ang program mamaya. Maghanda na kayo, ha?" may isang magandang babaeng lumapit sa kanila.

"Sige. Kami na ang bahala," sagot ni DJ dito. Napatingin naman ang babae sa kanya.

"Ah, hi. I believe we haven't been introduced yet," ang sabi ng babae.

"Kath. I'm Kathryn Bernardo," pakilala niya sa sarili.

"I'm Kylie... Kylie Padilla. Magpinsan kami ni DJ."

"Nice meeting you."

Bumaling naman ang atensiyon nito kay Julia. "Wait, parang familiar ka sa akin."

"Ah, I'm Julia Montes," pakilala ni Julia dito.

"Do you happen to know a Neil Coleta?" tanong nito.

"Yes. Actually, he's my cousin. Bakit?"

"Wala lang. He's a friend," anito saka ay tumingin kay Yen. Nakita naman niyang biglang namutla si Yen.

"Sige guys. Nice meeting both of you," anito at umalis na.

Pagkatapos nilang maghapunan ay umalis na sila DJ kasama ang mga kabanda niya. Naiwan lang sila Julia, Yen at Diego sa table. Lumapit naman siya kay Yen para tanungin ito kung okay lang ba ito.

"Yeah, okay lang ako. Ano lang, biglang sumama ang pakiramdam ko kanina. But I'm fine now," sagot lang nito. Hindi na lang niya inusisa ito. Kung ano man ang nararamdaman nito, mukhang wala itong balak na ipahayag iyon.

"Magandang gabi po sa lahat," anunsiyo ng emcee na nasa stage na. Humiyaw naman ang mga tao at halatang tuwang-tuwa.

"Iyan si ate Roanna, kapatid din ni DJ," sabi ni Yen sa kanya.

"Talaga? Ilan pa ba ang mga kapatid ni DJ?" tanong niya dito.

"May kuya RJ pa, kuya Matt, si Maggie, at si Carmella."

"Wow, ang dami pala nila."

"Yup. And may whole bunch of Padilla clan pa. Kaya nakakatuwa kapag nagpapa-fiesta sila dito, eh. Hindi mo talaga aakalaing sa yaman nila, ganito sila ka-down-to-earth sa mga tao. Para sa kanila, walang mataas o mababa na kaantasan ang buhay. Lahat ng tao sa mundo, pantay-pantay."

Napangiti siya. Hindi niya aakalaing isa ang pamilya ni Daniel sa mga taong mabubuti ang kalooban.

"Simulan na natin ang programa para ngayong gabi!" sabi ni ate Roanna.

Pinanood nila ang iba't-ibang presentation ng Padilla clan. Ang magulang ni Daniel at mga Titos at Titas nito ay sumayaw ng ballroom. Ang galing-galing nga nilang lahat. Parang expert talaga sa sayaw na iyon.

"Sure akong pinag-praktisan nila iyon nang todong-todo," natatawang komento ni Yen noong sumayaw ang mga matatanda ng ballroom.

Sumayaw din ang mga bulilit sa Padilla. Napaka-bibo nga nila at ang ku-cute-cute pa. Siyempre, hindi rin pahuhuli ang mga magaganda't sexy na mga dalaga ng mga Padilla. Meron ding part sa programa ang hari at reyna ng mga Padilla.

"Sila Lolo at Lola talaga ang the best pagdating sa kantahan," iyon naman ang komento ni Yen nang kumanta ang mga ito.

"And last but not the least, ang hinihintay nating lahat. Dalawang taon na rin natin silang na-miss, pero ngayon, nagbabalik na sila. Ladies and gentlemen, Parking 5," pag-intro ni ate Roanna. Lumabas naman sila Daniel at mga kabanda nito. Pumuwesto na si Lester sa drum, naayos na nila Seth, Katsumi, at DJ ang kanilang mga gitara, at lumapit na sa microphone ang isang lalakeng kamukhang-kamukha ni DJ.

"Iyan si JC, iyong nakababatang kapatid ni DJ," pagpakilala ni Yen sa kanila.

Nagsimula nang tumugtog ang banda ni Daniel. Sa pagtugtog ng mga ito, nasa kay Daniel lang ang buong atensiyon niya.

Talagang in love na ako sa lalakeng ito. Napabuntong-hininga lang siya.

"Ano, Kath? Super hulog ka na talaga sa bangin no?" tanong ni Julia sa kanya.

"Hindi na ako makaahon, Juls," sagot niya dito. Muli, napabuntong-hininga nalang siya.

__________

DANIEL

Nakaramdam ng pagod si Daniel nang matapos na ang program. Successful naman kaya ay natutuwa na rin siya kahit papaano.

"Pare, wala kang kupas. Ang galing mo pa rin kahit hindi ka na tumutugtog nang dalawang taon," papuri ni Seth sa kanya.

Natawa siya sa sinabi nito. "It's in the blood, pare."

"Hindi. Inspired lang kanina kaya ayon, ang galing tumugtog," asar naman ni Lester.

"Huwag nga kayo," saway niya dito.

"Magkatitigan ba naman kayo ng babaeng mahal-aga sa iyo, di ba? Sino ang hindi gaganahan niyan?" tukso ni Seth.

"Isa nalang talaga."

"Okay lang iyan, pare. Hindi naman masyadong halata. Sobrang halata nga lang," si Katsumi naman ngayon ang nang-asar.

"Ewan ko sa inyo. Wala kayong kwentang kausap. Mga baliw." Inignora nalang niya ang pagtutukso ng mga ito.

Lumapit naman si Yen sa kanila. "Wow. Kahit na hindi kayo nakapagtugtog nang dalawang taon, ang galing niyo pa rin."

"Thanks, Yen," pagpasalamat niya dito. Napansin niyang hindi nito kasama sila Kath, Julia at Diego.

"Ah, nasaan sila Diego?" tanong niya dito.

"Kasama ni Diego si Julia. Ewan ko kung asan na ang mga iyon. Biglang nawala, eh. Dumadamoves na ang baby bro ko," sagot nito.

"Eh, si Kath?"

"Pumunta ng kitchen kasi kumuha ng tubig."

"Ah sige, salamat," aniya at tinungo ang kitchen.

Nang nakarating na siya sa kitchen ay nakita nga niya si Kath na umiinom ng tubig.

"Ah, DJ, ikaw pala," anito nang napansin nito ang presensiya niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah, uminom lang ako ng tubig. I hope you don't mind na kumuha ako."

"Hindi, okay lang iyon."

Ngumiti lang ito sa kanya.

"Hindi ka ba lalabas?"

"Ah, lalabas na. Teka lang at ubusin ko nalang lahat ito."

Bigla siyang may naisip. "Kath, huwag nalang tayong lumabas doon. Samahan mo nalang ako."

"Ha? Saan?" nagtatakang tanong nito.

"Basta, samahan mo nalang ako please?"

"Ah..." Mukhang pag-iisipan pa nito kung papayag sa sinabi niya.

"Wala akong gagawing masama," biglang nasabi niya dito.

Namula bigla ang pisngi nito. "Hindi naman iyon ang iniisip ko."

Napangiti siya sa reaksiyon nito. "Halka na nga, sama ka na sa akin. Hindi naman tayo magtatagal. At tsaka, mage-enjoy ka dito. Promise iyan. "

"Talaga?"

"Oo. Hindi ka magsisising sumama sa akin."

Mukhang nakabuo na ito ng desisyon. "Sige na nga. Pero magpapalit muna ako."

Lumawak naman ang ngiti niya. "Great. Hintayin nalang kita sa labas."

Ngumiti ito sa kanya bago tumungo sa kwarto nito. Natagpuan nalang niya ang sariling nakangiti.

Dumadamoves ka na rin ba, DJ?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro