Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

KATHRYN

Pagkatapos kumain ng agahan, nakitulong nalang sina Kath at Julia sa paghahanda sa pa-fiesta na gagawin at sisimulan na sa gabing iyon.

"Mga hija, hindi niyo naman kailangang gawin ito. Mga bisita kayo dito kaya dapat mag-relax lang kayo," nasabi ni Aling Elsa, ang punong-katiwala sa Hacienda Padilla.

"Naku, okay lang po iyon sa amin Aling Elsa. Wala naman kaming magawa dito eh, kaya tutulong nalang kami," sagot ni Kath dito.

Natutuwa kasi siyang pagmasdan ang mga trabahador sa hacienda habang masasayang naghahanda para sa pa-fiesta na magaganap.

"Tama naman po si Kath. Gusto po naming tumulong. Natutuwa lang kami kasi ngayon pa kasi namin naranasan ang ganito. Ang saya po," pagsang-ayon ni Julia.

Ningitian sila nang matanda. "Sige na nga. Pero kapag pagod na kayo, magpahinga na kayo ha?"

"Opo, Aling Elsa," tugon ni Kath dito.

Ipinagpatuloy lang nila Kath at Julia ang ginagawa. Kasalukuyan silang nagdedecorate sa stage na gawa lang din ng mga trabahador ng hacienda. Nag-enjoy pa nga siya kasi ang huling tanda niyang nagdecorate siya ay sa classroom niya noong high school pa lamang siya. Natatandaan niya tuloy ang memories niya noong nag-high school siya. Nakaramdam siya ng excitement.

"Sure akong masaya ang handaan ngayong gabi," sabi ni Yen. Nanggaling ito sa kusina at tinutulungan ang mga nagluluto doon.

"Talaga? Bakit?" tanong niya dito.

"Parati namang masaya ang handaan kapag nagpapa-fiesta sila Tita dito. Sure akong mag-eenjoy talaga kayo," sagot nito.

"Feel ko nga rin. Excited na nga ako," natatawang sabi ni Julia.

Tinulungan ni Yen sila Kath at Julia sa pag-decorate sa stage. Nilagyan nila iyon ng mga makukulay na banderitas at palamuti para mas maging mabuhay ang dating niyon.

Napansin ni Kath bigla na hindi na niya nakita si Daniel at ang mga kaibigan nito, pati na rin si Diego.

"Ah, Yen, nasaan sila DJ?" tanong niya kay Yen.

"Ehem. Hindi talaga matiis na hindi makita si DJ, oh," tukso ni Yen. Napakanta pa ito ng "Hinahanap-hanap Kita" na sinabayan pa ni Julia.

"Magseryoso nga kayo," saway niya sa mga ito.

Natawa lang ang mga ito.

"Malamang nasa music room ang mga iyon. Nag-eensayo siguro para sa ipe-present nila ngayong gabi," sagot ni Yen.

"Talaga? Tutugtog sila ngayong gabi?"

"Oo. Parati na nilang ginagawa iyon. Pero for the past two years na ata, hindi sila nakakatugtog sa pa-fiesta. Ngayon lang ulit."

"Bakit naman?" si Julia na ang nagtanong.

"Kasi parating busy si DJ at hindi na siya pumupunta dito. At tsaka, alam kong may iniiwasan siyang tao dito kaya hindi na iyon bumibisita dito sa hacienda."

"May iniiwasan?" nagtatakang tanong niya. Sino kaya?

"Yup. Iyong dati niyang girlfriend. Kasi - oops, mukhang madami na akong sinabi. Ah, huwag niyong sabihin kay Daniel, ha na sinabihan ko kayo. Lagot na naman ako non," sabi nito habang palinga-linga pa sa paligid. Inuusisa kung may nakarinig ba sa sinabi nito.

Iyong babae siguro sa picture ang tinutukoy ni Yen, naisip niya bigla.

"Ah, Yen, matanong ko lang. Bakit niya iniiwasan ang dati niyang girlfriend?" naku-curios na tanong niya dito.

"Ah, Kath, mabuti pa siguro kung si DJ nalang ang tanungin mo," sagot nito.

"Ah, sige," nasabi nalang niya.

Nakita niyang napatingin si Julia sa kanya at ngumingiti nang nakakaloko. Mukhang alam na niya kung anong iniisip nito.

"Sir Daniel," narinig niyang sabi ng isa sa trabahador doon. Napalingon siya at nakita nga niya si Daniel na naglalakad kasama si Diego at mga kabarkada niya.

"Manong Peds! Musta na kayo?" bati nito sa trabahador.

"Okay lang, sir."

"Manong Peds, di ba sabi ko sa inyo huwag niyo nalang akong tawaging sir? Mas matanda pa nga kayo sa akin, eh. Ako dapat ang gumagalang sa inyo. DJ nalang ang itawag niyo sa akin. Palayaw ko iyon, parang sa inyo. Di ba Pedro ang pangalan ninyo? Para cool, Peds nalang," natatawang sabi pa nito.

Napatawa din si Manong Pedro. "Ah, sige D-DJ."

"Iyon! Sige Manong Peds. Magpahinga na po kayo. Kami na ang bahala dito."

"Salamat sir - "

"Manong Peds?"

"Ah, salamat D-DJ," ngiting sabi nito, tsaka ay nagpaalam na aalis na. Kaya naman, sila DJ, Diego, Seth, Katsumi at Lester na ang pumalit sa trabaho na naiwan nito. Sila na ngayon ang kumakabit sa banderitas sa mga poste.

"Uy, si Kath oh. Hi Kath!" bati ni Lester nang mapansin siya nito.

Ningitian lang niya ito at kinawayan. Kumaway naman ito, pati na sila Katsumi at Seth. Pagtingin niya kay Daniel ay nakita niyang ngumiti lang ito, kaya naman sinuklian niya ito ng ngiti.

"Grabe ang titigan ninyo ha? May pa-ngiti-ngiti effect pa," asar ni Yen.

"Kayo na. Kayo na talaga," segunda ni Julia.

"Kayo talaga! Wala na kayong magawa sa buhay ninyo," napapatawang sabi nalang niya dito. Saka ay muling itinuon ang sarili sa ginagawa.

__________

DANIEL

"Pare, huwag masyadong pa-obvious," narinig ni Daniel na sabi ni Seth.

"Ha?"

"Ang lagkit ng mga titig mo kay Kath, eh. Obvious na masyado," sabi pa nito.

Napatingin siya dito at nakita itong natatawa lang. Nagpahinga muna sila ni Seth. Nagkakabit kasi sila ng mga banderitas sa poste para sa pa-fiesta na magsisimula na sa gabi. Hindi pa nila natapos kaya pagkatapos ng pahinga nila ay balik na naman sila sa pagkabit sa poste.

Umiinom sila ng juice na ibinigay ni Aling Elsa nang panahong iyon. Habang sila Lester, Katsumi at Diego ay nakisali na kina Kath, Julia at Yen sa pag-decorate ng stage.

"Wala naman akong ginagawa," nasabi nalang niya dito, saka ay iniwas ang tingin.

"Wala nga. Pero kung makatitig ka naman, wagas," asar pa nito.

"Hay nako, Seth. Nababaliw ka na. Kung ano-ano na iyang pinagsasabi mo."

Napapalatak ito. "Ako pa daw ang baliw."

Hindi nalang niya ininda ang sinabi nito.

"Pero di nga, seryoso na DJ. Kung ano man iyang namamagitan sa inyo ni Kath ngayon, natutuwa ako."

Napatingin uli siya dito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa, pero I can see na pareho kayong masaya."

"Masaya naman talaga ako."

"Not since, you know... when you broke up with Zharm."

Natahimik lang siya doon.

"Pare, have you moved on na nga ba talaga?"

Nagbuntong-hininga ito. "Hindi ko pa alam, Seth eh. Parang na hindi."

"Masakit pa ba?"

"Napi-feel kong meron pang konting sakit, pero hindi na masyado. Mas nagiging masaya na ako ngayon compared noon."

"Dahil kay Kath?"

Bigla naman siyang napatingin kay Kath. "Hindi ko alam."

Narinig niyang tumawa ito ng mahina. "Mukhang iba ang tama ni Kath sa iyo, ah."

"Iba nga. Ibang-iba nga."

"Pero hindi ka sigurado sa nararamdaman mo?"

"Hindi ko masasabi, eh."

"Ano ba kasi ang nararamdaman mo?"

Humugot muna siya nang malalim na hininga bago sinagot ang tanong ni Seth. "Masaya ako kapag kasama ko siya. Nakakalimutan ko iyong sakit na nararamdaman ko sa ginawa ni Zharm sa akin noon. At tsaka, gustong-gusto ko siya makita at makasama kasi natutuwa ako kapag nandiyan siya. Ganoon. Pero, ewan ko ba, hindi pa rin ako sure. Basta't ang alam ko, mahalaga siya sa akin."

"Mahalaga? O Mahal-aga?"

Mahal-aga nga ba?

"Sige lang, DJ. Siguro ngayon, naguguluhan ka pa kasi nandoon pa rin ang sakit, eh. Pero alam ko, balang araw ay maliliwanagan ka na rin sa nararamdaman mo. Basta ang mapapayo ko lang sa iyo, just follow your heart. Para maging masaya ka," sabi nito.

Tinapik niya ito sa balikat. "Salamat sa payo, pare. The best ka talaga."

Tumawa naman ito. "Ew. Para kang bakla, dude."

Natawa na rin siya.

"Hoy, balik na tayo sa pagkakabit sa poste," anunsiyo ni Diego.

"Hay, trabaho time na!" ani Seth.

Napagpasyahan niyang huwag na munang intindihin ang pinag-usapan nila ni Seth. Itinuon nalang niya ang buong atensiyon sa gawain.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro