Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

KATHRYN

Nagulat talaga si Kathryn nang makita niya si Daniel.

Ano pa ba ang inaasahan mo? Siyempre, nasa hacienda ka nila, makikita mo talaga siya. Tanga, Kath!

Oo nga, tama nga naman. Siguro naman expected na nandoon talaga si Daniel.

Nang tingnan niya si Daniel ay halata ring nagulat itong makita siya. Para kasi itong napako sa kinatatayuan at hindi malaman ang sasabihin. Hindi siguro nito inaasahang nasa harapan siya nito.

"Kath, anong ginagawa niyo dito?" tanong nito nang nakahuma sa pagkabigla.

Sasagot na sana siya nang may narinig siyang mga tinig na nanggagaling sa likuran nila Daniel at Diego.

"Ui, bregs. Ba't kayo huminto? Ubos na ang pagkain? - Oh, wow," sabi ng kadarating lang na lalakeng may kulot at magulong buhok. Umakbay pa ito kay Daniel at ngumingiti.

May kasama pa itong dalawang lalake. Ang isang lalake ay nakasuot ng salamin at ang isang lalake ay may dalang drumsticks. Hula niya ay parte ang mga ito ng Padilla clan. Malamang ay mga pinsan ito ni Daniel. Nag-aasaran at magulo pa nga ang mga ito pero nang nakita na sila ay umayos ang mga ito bigla. Nakakatawa ngang tingnan.

"Pare, hindi naman kayo nagsabi na may bisita pala," nahihiya pang sabi ng lalakeng nakasalamin.

"Gago, ngayon ka pa may hiya? Lakas mo 'tol!" sabay batok ng lalakeng may dalang drumsticks.

"Gago ka rin. Bakit mo ako binatukan? Batukan din kaya kita diyan," baling ng nakasalamin sa kasama.

"Hoy, behave nga kayo," sabi nung lalakeng kulot ang buhok sa dalawa. Saka ito bumaling sa kanya. "Saka nga pala miss beautiful, I'm Seth, 21 years of age, single and willing to mingle."

"Ako rin nga pala si Katsumi," sabi naman nung lalakeng nakasalamin. "Ka-age si Seth, single rin."

"Ako naman si Lester - " pakilala sana ng lalakeng may dalang drumsticks pero pinatigil naman ni Daniel.

"Oh, Lester, tama na iyong pagpakilala. I'm sure okay na iyon," pagtataboy ni Daniel dito.

"Eto naman si DJ oh. Ang KJ talaga. Nagpapakilala lang naman kami sa mga magagandang dilag na nasa harapan namin. Madamot ka talaga kahit kailan," reklamo ni Lester kay Daniel.

Napatawa sila Julia nang wala sa oras.

"Ako nga pala si Kathryn," pagpapakilala niya sa mga ito.

"And ako naman si Julia," pagpapakilala naman ni Julia. Akmang ilalahad na nga nito ang mga kamay ngunit sa halip na sila Lester ang tumanggap ay hinawakan iyon bigla ni Diego. Gulat na gulat naman si Julia at halata ang pamumula nito ng mga pisngi.

"Ah, hindi na kailangan ang handshake. Di ba, mga pare?" ang sabi pa ni Diego.

"Sus, Diego, style mo bulok," asar ni Seth.

"Hoy, kayo ha? Nakakita lang kayo ng mga magaganda tulad ko, para na kayong mga sira," natatawang sabi ni Yen.

"Dati naman na silang sira," sabi ni Diego.

"Alam na namin iyon. Pero matanong lang kita, Diegs," sabad bigla ni Katsumi.

"Ano iyon?" tanong naman ni Diego.

"Pare, masarap ba hawakan ang kamay ni Julia?" pansin nito.

Nang mapatingin si Diego sa kamay nitong nakahawak sa kamay ni Julia ay bigla itong bumitaw. Sabay pang namula ang pisngi ng dalawa.

Tumikhim si Diego. "Ah, sorry Julia. Hindi ko napansin."

"Okay lang iyon," nahihiya pang sagot ni Julia kay Diego.

Napakanta naman ang tatlo sa chorus ng "Kapag Tumibok Ang Puso" na kanta ni Toni Gonzaga. Napapatawa nalang siya sa tuwa. Ang kulit-kulit ng mga ito.

"Ang kulit pala ng mga pinsan ni DJ," sabi niya kay Yen habang patuloy pa ring naghaharutan ang tatlo. Sila Diego at Daniel ay nakikitawa lang habang nanonood din sa kabaliwan ng tatlo.

"Ay, hindi iyan mga pinsan ni DJ. Sila ang mga sinasabi ko sa iyong extended family. Kabarkada-slash-kabanda sila ni DJ," sagot ni Yen sa kanya.

"Talaga? May banda si DJ?" nagulat na tanong niya dito.

"Yup. Siya ang bass guitarist. Si Seth naman ang lead guitarist, si Katsumi ay rythm, tapos si Lester sa drums. Si JC, iyong nakababatang kapatid ni DJ ang lead vocalist nila," sagot ni Yen.

"May kapatid si DJ?"

"Yup. Si JC nga. Kakasabi ko lang di ba?" natatawa pang sagot nito.

"Akala ko, nag-iisang anak lang siya eh. Wala naman siyang binanggit."

"Ganyan talaga iyang si DJ. Hindi masyado nagkukuwento sa buhay niya."

"Talaga? Nagkukuwento naman siya sa akin, ah."

"Anong ikinuwento niya sa iyo?"

"Kung anu-ano lang. Nagkuwento siya kung bakit bumukod siya sa bahay nila, at iyon ay kasi gusto niyang maging independent. Tsaka ikinuwento rin niya sa akin ang tungkol sa coffee shop niya. Iyon lang."

"Hmm. Special ka nga talaga."

"Ha?"

"Ang sabi ko, espesyal ka para kay DJ."

"Ha? Paano mo naman nasabi?"

"DJ never opens up about his personal life sa kahit kaninong tao. Kahit sa mga kaibigan niya, bihira siyang mag-share ng personal events ng buhay niya. Si Diego nga lang ang nakakaalam ng mga super secret stuffs ni DJ. Kahit sa akin, hindi nago-open up iyan. Kay Diego lang ako nakiki-chismis tungkol sa kanya. But you, hindi pa nga kayo ganoon masyado magkakakilala pero he opened himself to you. Kaya you must be someone really special," ngiting sabi ni Yen sa kanya.

"Ganoon ba iyon?"

"Oo nga, kahit tanungin mo pa si Diego, or sila Seth. Kung gusto mo, pati na rin si Tita Karla, tanungin mo, eh."

"Ha? Hindi naman siguro ganoon iyon. Nagkataon lang."

"Sus. Huwag masyadong in denial te. Mabigat sa heart iyan."

Inignora nalang niya ang sinabi ni Yen at pilit na hindi masyadong intindihin ito. Ayaw niyang mag-assume kahit na kilig na kilig siya. Oo, kilig na kilig siya. Malapit nalang at talagang maniniwala na siya sa sinabi ni Yen. Pero hanggang sa abot ng kanyang makakaya, pinipigilan niya ang sarili. She can't afford to have her heart broken. Especially with a guy like Daniel.

Pero hindi ba't handa mo nang i-open up ang puso mo sa kanya?

Napabuntong-hininga siya. Handa nga ba siya?

__________

DANIEL

Nasa music room si Daniel kasama sila Diego, Lester, Seth at Katsumi at tumutugtog. Pagkatapos na pagkatapos nilang nag-agahan ay hinila na niya sila doon. Ayaw niyang nagdidikit ito kina Julia, lalong-lalo na kay Kath.

"Pare, kung ayaw mo kaming dumiga kay Kath, pwede mo namang sabihin sa amin. Hindi iyong hinila-hila mo kami dito at mag-jam kuno. Gusto lang naman pala na mailayo kami kay Kath. Sus, palibhasa kasi, in denial pa ang loko," sabi ni Seth sa kanya.

"Ha? Huwag ka nga. Anong in denial?" sabay batok niya dito.

"Pare, halatang-halata oh. May gusto ka kay Kath no?" sabad ni Katsumi.

"Kats, hindi magkakaganyan iyang si Daniel kung wala siyang gusto kay Kath," pagsang-ayon ni Diego.

"Isa ka pa. Chansing mo naman kanina kay Julia," batok rin niya kay Diego.

"Hoy, huwag mong ibahin ang usapan," sagot ni Diego sa kanya.

"So ano, DJ? May gusto ka ba kay Kath?" tanong ni Seth sa kanya.

Tiningnan niya ang seryosong mga mukha nito. Hinihintay nito ang sagot niya.

"Mga gago na ba kayo? Anong gusto ang pinagsasabi niyo diyan? Magkaibigan lang kami ni Kath. Iyon lang iyon," sagot niya sa tanong. Pero bakit feeling niya parang mali naman ang sagot niya?

"Ah, kung ganun, pwede ko palang pormahan si Kath," seryosong sabi ni Lester.

Tiningnan niya ito ng masama. Ngumiti naman agad ito at nag-peace sign.

"Magkaibigan lang daw. Kung makabakod, daig pa ang boyfriend," bulong ni Lester.

"Anong sabi mo?" tanong niya dito.

"Wala pre. Sabi ko, maghahanap nalang ako ng ibang popormahan. Si Julia nalang kaya?" sabi ni Lester.

Pinanlakihan naman ito ni Diego nang mata.

"Ah, sabi ko nga eh. Huwag nalang," natatawang sabi ni Lester.

Natawa lang ang barkada. Gago talaga itong mga kaibigan ko.

"Maiba nga, ba't kaya nandito sila Julia?" tanong ni Diego.

"Iyan nga rin ang tanong ko," sabi niya.

"Bisita siguro ni Yen," sabad ni Seth.

Tumango naman si Diego. "Pwede. Magkasama naman sila sa school paper, so posible nga."

"Baka naman inimbitahan ng mama mo, bregs," sabi ni Lester.

"Baka bro. Grabe ang mama mo sa pag-alalay sa kanila kanina, eh," sang-ayon naman ni Katsumi.

"Wow. Botong-boto na ang mama mo, DJ. Hindi ka na mahihirapan katulad noon kay Z - " Hindi na natuloy ni Lester dahil tinakpan na nila Seth at Katsumi ang bibig nito.

Napakamot nalang siya sa ulo. Alam naman niya ang ibig sabihin ni Lester. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang sasabihin nito.

"Sorry bro. Daldal ko kasi," paumanhin ni Lester.

"Hindi. Okay lang," sabi lang niya kay Lester.

"Okay na sa iyo ang pag-usapan si - alam mo na?" tanong ni Katsumi.

"Okay lang. Wala na sa akin iyon," sagot niya.

"Naka-move on ka na, pare?" si Seth naman ang nagtanong.

"Hindi ko pa alam."

"Baka gusto mong malaman, bumalik na siya dito sa hacienda. Mga isang buwan na yata," imporma ni Katsumi.

"Balita ko, hiwalay na sila nung lalakeng ipinalit niya sa iyo. Ipinagpalit rin daw siya sa ibang babae," dugtong pa ni Lester.

"Nakarma tuloy sa ginawa niya," tatawa-tawang sabi ni Seth. Nakitawa naman sila Katsumi at Lester.

Tahimik lang siya habang nakikinig sa mga ito.

"Bro, ibig sabihin nun, posibleng magkikita kayo ni Zharm dito. Kaya mo na ba?"

Napatingin lang siya kay Diego. Hindi niya ito masagot. Hindi rin kasi niya alam ang isasagot. May parte sa kanyang nagsasabing kaya na niya itong harapin. Pero may bahagi ring nagsasabing masakit pa rin para sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa.

Bigla niyang naisip si Kath. Simula noong dumating ito sa buhay niya, parang naibsan ang kirot na nararamdaman niya. Unti-unting nakakalimutan niya ang hapdi ng puso niyang nasaktan na. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Alam niyang masaya siya kapag kasama niya ito. Nagiging masigla ulit ang tibok ng puso niya dahil dito. Pero hindi pa rin niya matukoy kung ano na nga ba talaga ang tunay na nararamdaman niya para dito. Natatakot siya. Natatakot siyang masaktan kung sakali man.

"Bro, basta, nandito lang kami," pag-console ni Diego.

"Salamat bro," aniya at tinapik ang balikat ni Diego.

"Pare, labas na tayo. Nakakabagot na dito eh," sabi ni Lester.

"Sus. Gusto mo lang maka-chansing eh," sabi naman ni Seth.

"Subukan mo lang dumiga kay Julia, talagang matatamaan ka sa akin ng drumsticks mo," banta ni Diego kay Lester.

"Wala naman akong sinabi, ah. Eh DJ, pwede bang si Kath nalang?" tanong ni Lester sa kanya.

"Subukan mo rin. Ipapakaladkad kita sa kalabaw," sabi niya dito.

"Sus, eto sila oh. Mga boyfriend ba kayo? Hindi naman ah. Kung makaasta, ober kung makabakod," reklamo ni Lester.

"Daniel, mga iho, anong ginagawa niyo dito?" sulpot ng mama niya.

"Nagpapalipas lang ng oras, Ma," sagot niya dito.

"Nandoon sila Kath at Julia sa labas oh. Asikasuhin niyo naman muna para hindi mabagot."

"Ah, huwag kang mabahala, Tita. Ako ang bahala sa kanila - " pag-volunteer ni Lester.

"Sige Ma, kami na ni Diego ang mag-entertain sa kanila," putol niya kay Lester. Mahirap na, baka dumiga talaga itong si Lester sa kanila.

"Sige. Salamat nak," anito at umalis na.

Napatingin agad siya kay Lester.

"Ito naman, hindi mabiro kahit kailan." Napakamot pa ito sa batok. Natawa lang ang barkada.

"Halina nga kayo," nasabi nalang niya. Lumabas naman sila ng music room at pinuntahan sila Kath.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro