Chapter 14
KATHRYN
Naalimpungatan si Kath kaya siya nagising. Kasalukuyan siyang nasa sasakyan ni Yen habang tinatahak nila ang daan papuntang hacienda ng mga Padilla. Ito ang nagda-drive habang siya ay nasa front seat at si Julia ay nasa back seat. TIningnan niya si Julia at nakitang tulog na tulog pa ito.
"Yen, hindi ka pa napapagod?" tanong niya kay Yen. Madaling araw kasi silang lumuwas dahil nasa Tanauan, Batangas pa ang hacienda ng mga Padilla. Malayo-layo din ang biyahe nila kaya alam niyang pagod na si Yen.
"Pagod na nang konti," sagot naman nito.
"Gusto mo, ako muna mag-drive, tapos pahinga ka muna saglit?"
"Ah, hindi na Kath. Malapit naman na tayo eh. Tsaka hindi mo alam ang papunta doon. Baka makatulog ako at maligaw pa tayo."
Tumango-tango siya. Tama rin naman ito.
"Are we there yet?" biglang nagising si Julia.
"Nope. But we're almost there," sagot naman ni Yen. Bumalik lang si Julia sa pagtulog.
Tinatanaw nalang niya ang mga nagdaang mga puno kasi hindi na kasi siya inaantok. Pinagmasdan niya ang paligid nang biglang lumiko si Yen sa isang malawak na eskinita. Sa una ay aakalain mong walang katao-tao sa paligid. Naaalala niya bigla ang mga napapanood niyang horror movies gaya ng "The Wrong Turn" and the likes. Ganitong mga location nagaganap ang mga killings. Bigla nagtaasan ang balahibo niya.
"Uy Kath, okay ka lang?" tanong ni Yen. Parang nahalata yata nito ang biglang pagka-uneasy niya.
"HA? Ah, oo naman. Bakit naman hindi?"
"Para kasing kinikilabutan ka diyan?"
"Ha? Wala ah. Eh kasi naman, nakakatakot naman ang lugar na ito."
"Sus. Ganoon talaga. Sa umpisa, matatakot kang dumaan dito. Pero kalaunan, masasanay ka na rin. At tsaka, safe naman dito. Part ito ng lupain ng mga Padilla."
"So, ito na ang hacienda?"
"No, not yet. Nasa unahan pa ang hacienda. Lupain lang nila ito. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nalang nila ito gawing parte ng hacienda nila. Pero sabagay, parang naiintindihan ko naman sila kung bakit hindi nila magawang parte ito ng hacienda. Eh sa laki-laki ng lupain nila, ano nalang kaya ang itatanim nila dito?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Halos lahat na ng gulay, prutas o ano pa diyan, natanim na nila sa hacienda. Pati na ang pag-alaga ng mga sari-saring hayop, nakalugar na sa hacienda nila. Ano naman ang gagawin nila sa parteng ito ng hacienda nila? Mabuti na ring hindi nila ginalaw, di ba?"
"Wow." Iyan nalang ang nasabi niya. Talagang ganoon ba kalaki ang lupain ng mga Padilla?
"Wow talaga," natatawang sabi ni Yen.
"Eh Yen, di ba magkapatid kayo ni Diego?"
TIningnan siya nito bago sumagot. "Yeah, bakit mo natanong?"
"Bakit Santos ang surname mo, tapos kay Diego ay Loyzaga?"
"Ah, dahil magkaiba kami ng father. Half-brother ko lang si Diego."
"Talaga? So, bago si Mr. Loyzaga, may first husband pa ang mommy mo?"
"No, nabuntis lang siya noon ng ex-boyfriend niya, whom is my father. Hindi ako pinanindigan ng ama ko eh, kaya binuhay ako ni Mama nang mag-isa. Iyong papa ko at papa ni Diego ay magkaibigan at ang papa ni Diego ang umalalay kay Mama noong panahong wala ang papa ko. Kumbaga, siya iyong nandoon parati para kay Mama. Kaya iyon, nagkadevelopan and well, you know the history," salaysay nito.
"Hindi mo pa nakita ang papa mo?" tanong niya pa rin dito.
"Hindi eh. Hindi na nagpakita sa amin."
"Buti nalang at pinagamit pa sa iyo ng mama mo ang surname ng papa mo."
"Siyempre naman. Hindi kasi bitter si Mama. Madali siyang magpatawad at makalimot. Limot na niya iyong ginawa sa amin ng papa ko. May mahal na rin namang iba si Mama, kaya masaya na siya ngayon."
"Eh, ikaw?"
"Hindi rin naman ako bitter. Siguro may reason kung bakit hindi nakayang panindigan ng papa ko kami ng mama ko. Pero if ever one day, magkikita kami, open akong makipag-usap sa kanya. Gusto ko rin siyang makita, eh."
Napangiti siya. Iba talaga itong si Yen. Napakatatag talaga sa lahat ng pagsubok.
"Oh, ba't napangiti ka diyan ng ganyan?"
"Wala. Natutuwa lang ako sa iyo. Iba ka rin pala no? Hindi mo masyadong iniintindi ang drama sa buhay."
"Siyempre naman. Life is too short para problemahin ang mga problema. Chill lang tayo," natatawa pang sabi nito.
"Eh, si DJ? Paano mo siya naging pinsan?"
Nakita niyang napangiti ito. "Ah, si DJ? Well iyong mama niya at mama ko ang magkapatid. Kaya kami magpinsan."
"Ah..." Kaya pala.
"Bakit mo naitanong?"
"Wala lang."
TIningnan siya nito nang kakaiba. "Wala lang ba talaga?"
"Wala nga lang."
"Anong ginagawa mo sa condo ni Daniel noong isang gabi?"
Nanlaki bigla ang mga mata niya. "Wala lang iyon ha. Wala kaming ginagawang masama. Nakitulog lang ako sa condo niya."
"Talaga? Magkatabi?"
"Hoy, hindi ah. Sa sofa siya natulog."
"Hindi nga?"
"Oo nga. Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"I smell something malansa, eh."
"Ano naman iyon? Baka ikaw lang iyon, ha? Baka wala ka pang ligo."
"Hoy, naligo na ako no'. Pagbangon na pagbangon ko, naligo agad ako."
Natawa siya. "Ba't sobrang defensive?"
"Nagsalita ang hindi rin defensive," tatawa-tawang sabi nito.
Hindi nalang siya umimik. Ayaw na niyang pag-usapan pa. Kanina pa kasi namumula ang mga pisngi niya.
"Pero sabihin mo nga sa akin, may something na sa inyo ni Daniel no?" Hindi pa rin ito natigil sa pang-aasar sa kanya.
"Ha? Anong something? Walang something sa aming dalawa."
"Pero sa iyo, meron?"
"Ha?"
"Meron kang something para sa kanya."
"Anong something?"
"Love."
Nabilaukan siya sa sinabi ni Yen.
"Mahal mo si Daniel ano?" pang-aasar nito.
"Mahal talaga?"
"Oo. The way your cheeks blush and your eyes lit up kapag nababanggit ang pangalan niya makes it obvious enough that you have feelings for him."
Ganoon ba ka-obvious? "Pero hindi naman siguro nahalata ni DJ 'no?"
Nanlaki bigla ang mga mata ni Yen. "OHMY!"
Shit. Ba't ko nasabi iyon?
"So confirmed nga. You have something for Daniel." Kinilig pa ang lola.
Pulang-pula na ang kanyang pisngi. Hindi niya alam ang sasabihin. Bakit ba kasi nasabi niya iyon ng malakas? Dapat nasa isip niya lang iyon.
Gaga Kathryn! Gaga!
"Don't worry, Kath. I won't tell Daniel. Your secret is safe with me," nakangiting sabi nito. Nakita naman niyang sincere ito sa sinabi kaya nagtiwala naman siya dito. Pero hindi pa rin nawala ang asar sa mga ngiti nito.
Tiningnan niya lang ito. Napapangiti na rin siya kasi para itong baliw na nakangiti lang.
"We're here," biglang anunsiyo ni Yen. Napatingin siya sa entrada at napanganga. Oo, nganga talaga.
"Wow, this is - "
"I know, right?" sabad naman ni Julia. Nagising na pala ito.
Feeling niya, napakaganda talaga ng Hacienda Padilla. Naku-curious na siya at nasasabik na makita ang hacienda. Napakalaki ng gate nito. Gate pa nga lang iyon ay mababakas na ang ka-engrandehan ng hacienda. The gate was intricately carved, baroque style. Sa gitna ng gate ay nakaukit ang "Hacienda Padilla".
May lumabas na guard sa gate at nilapitan ang kotse. Binuksan naman ni Yen ang car window.
"Good morning Ma'am Yen. Kayo pala," bati ng matandang guard.
"Good morning din, chief!" bati din ni Yen.
"Pasok na po kayo. Kanina pa kayo hinihintay ni Ma'am Karla."
"Ganito kaaga?" tanong ni Yen. Oo nga. It's barely six in the morning.
"Alam niyo naman si Ma'am Karla. Talagang maaga iyon kapag may pa-fiesta siya dito sa hacienda."
Tumawa lang si Yen. "Sige chief, ha. Una na kami. Maraming salamat."
Dumiretso na sila sa loob ng hacienda and she had to be slapped.
"I know. It's paradise," biglang sambit ni Yen.
"Wow talaga. As in, wow," sabi naman ni Julia.
Paano hindi sila mapapa-wow, ang ganda ng lugar. It was very beautiful. Maraming taniman at kahit ganito na kaaga ay may mga taong nagpa-palay na. Meron ding overlooking na sapa na makikita mong may namimingwit na rin. Iyong mga iba't-ibang gulay ay nakahilera at may mga prutas pa. May mga tanim pa ng mga bulaklak na napakaganda. Hindi niya aakalaing may haciendang ganito. Sa mga pelikula lang niya ito makikita, pero ang makita na sa personal ay talagang namangha siya.
"Pwedeng buksan ang car windows?" request niya kay Yen.
"Yeah, sure." At binuksan agad nito ang mga bintana.
"Ah, fresh air," pagsinghap ni Julia.
Yes, napaka-fresh talaga ng hangin sa probinsiya. Nakakawala ng stress sa utak.
"Andito na tayo," anunsiyo naman ni Yen.
Mas namangha pa sila ni Julia nang marating na nila ang kabahayan. Mansiyon na animo isang cathedral. Napakaganda roon. Lumabas mula roon si Tita Karla.
"Good morning," bati ni Tita Karla.
Lumabas na sila ng sasakyan at lumapit dito.
"Hi Tita," bati ni Yen. Ngumiti lang silang dalawa ni Julia.
"C'mon, pasok na kayo sa loob at magkape. Alam kong antok pa kayo sa biyahe," yaya ni Tita Karla.
May dalawang lalakeng binuhat ang mga gamit nila at pinasok sa bahay.
"Sila na ang bahalang mag-akyat ng mga gamit niyo sa kwarto," sabi pa ni Tita Karla.
"Salamat po," pasalamat niya dito.
Pumunta na sila sa may garden sa likod ng bahay. May fountain pa sa gitna ng garden at katabi nito ay isang malaking gazebo. Nasa gazebo ang pinaghandaan ng breakfast.
"Kumain na kayo ng breakfast. Teka lang at babalik lang ako," sabi ni Tita Karla sabay alis.
Umupo naman sila sa table at pinagpiyestahan ang inihain. Masarap kasi ang inihain at saktong-sakto na hindi pa sila nag-aalmusal.
"Wow ah, parang ang dami nating dumating," natatawang sabi ni Julia.
"Oo nga," pagsang-ayon niya dito.
"Talagang ganyan si Tita. At tsaka, hindi lang naman tayo ang kakain eh. Siyempre, nandito ang buong angkan ng Padilla. Ang dami kaya nila. Swerte pa nga tayo at tayo ang nakauna dito. Kung hindi, nako, hindi na tayo makakapag-almusal. Kape nalang ang dadatnan natin."
Napatawa sila sa sinabi ni Yen.
"Eh, ilan ba silang lahat?" tanong ni Julia.
"Nako, huwag mo na akong tanungin. Eh sa dami ba nila, hindi ko na yata mabilang."
"Grabe. Ganoon ba talaga karami?" siya naman ang nagtanong.
"Oo, super dami. Tapos may extended family pa. Katulad namin ni Diego."
"So you mean, nandito si Diego?" gulat na tanong ni Julia. Nanlaki pa ang mga mata nito at pinamulahan ang pisngi.
"Ito namang si Julia, pinapahalatang may gusto sa kapatid ko," asar ni Yen.
Mas lalong pinamulahan ng pisngi si Julia. "Hindi ah."
"Nako, eto pa ang isang defensive," biro pa ni Yen.
"So... Nandito nga ba si Diego?" nahihiya pang tanong ni Julia kaya sabay silang napatawa ni Yen.
"Ewan ko doon. Wala namang sinabi sa akin, eh," sa wakas ay sagot ni Yen.
Para namang na-relieve na na-disappoint si Julia sa narinig.
Hay, pag-ibig talaga.
Pero, wait. Di ba Padilla affair ito? Baka nandito si -
"Pupunta kaya si Daniel?" biglang natanong ni Yen.
Napatingin siya dito at nakitang nakangiti itong nakakaloko. Halatang inaasar siya nito.
"Ano Kath? Pupunta ba siya dito?" tanong naman ni Julia sa kanya. Parehong nakatingin ang dalawa sa kanya at waring hinihintay ang sagot niya.
"Aba malay ko. Hindi naman niya binanggit sa akin ito. At bakit ba ako ang tinatanong niyo?"
"Eh kasi nga, nag-date kayo ni Daniel?" asar ni Julia.
"Once lang iyon, okay? At tsaka, date lang iyon. Friendly date lang iyon para sa kanya."
"Pero para sa iyo, ano iyon?" tanong ni Yen sa kanya.
Aba, at talagang pinagtutulungan pa ako ng dalawang ito. "Pwede ba, huwag niyo nga akong asarin. Kumain nalang tayo kasi gutom na gutom na talaga ako."
Natawa lang ang dalawa. Nagpasalamat na rin siya dahil hindi na siya inasar pa ng mga ito.
Takam na takam na sila sa pagkain nang may narinig silang nag-iingay papuntang gazebo. Dinig na dinig nila ang tinig ng mga lalakeng papalapit.
"Ay, mukhang sila na iyan," sabi naman ni Yen.
Ang akala nila Julia ay ang Padilla clan na ang tinutukoy ni Yen. Pero pare-parehong nanlaki ang kanilang mga mata nang nakita na nila kung sino ang dumating.
"Kath?"
Ohmy, hanggang dito ba naman, pinaglalaruan ako ng tadhana?
"DJ..."
Tibok ng puso ko, kumalma ka please?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro