Chapter 13
DANIEL
"Kath?" tawag ni Daniel nang pumasok siya ng kitchen.
"DJ." Lumabas naman ito sa isang cabinet sa ilalim ng kitchen sink.
"Papaanong?" Nagtataka na talaga siya. Kung nagtatago ito, paano ito nakita ng mama niya? Weird.
"Buti nalang at hindi ako nakita ng mama mo. Muntikan na iyon," relief na sabi nito.
What? Hindi talaga niya maintindihan.
"Akala ko bisto na ako dun. Pero teka, ba't ba kasi ako nagtatago? Para namang may ginagawa tayong ilegal niyan," natatawa pang sabi nito.
"Ah, hindi ka talaga nakita ng mama ko, Kath?" tanong niya dito. Nalilito na kasi siya.
"Hindi. Nagtago lang ako dito the whole time."
"Sure ka?"
"Oo nga. Bakit?"
"Ah, wala." Pero napaisip pa rin siya. Paanong nalaman ng mama niya ang tungkol kay Kath?
Tsk, si Mama talaga oh. Napailing nalang siya.
"Sige na, DJ. Lakad na tayo. Baka mahuli na tayo sa klase, eh."
Tumango nalang siya at saka ay lumabas na sila ng condo at umalis.
__________
KATHRYN
"Kath!" Sinalubong si Kath ni Julia nang bumaba na siya ng kotse ni Daniel. Lumapit ito sa kanya at ningitian siya ng nakakaloko.
"Ang dami mong tsikang utang sa akin," bulong ni Julia sa kanya.
Hay naku! Eto na! Napapabuntong-hininga nalang siya.
"Sige Kath. Una na ako. Ingat," paalam ni Daniel sa kanya.
"Ah, DJ," tawag niya dito bago paman ito makaalis.
"Bakit?" anito nang lumingon ito sa kanya.
"Thank you nga pala sa lahat-lahat. Ingat ka rin," paalam niya dito.
Ngumiti lang ito sa kanya nang sobrang napakatamis. Kinikilig nga siya.
"Hoy, ano iyon ha? Ano iyon?" nagsalita si Julia nang malayo na si Daniel.
Napatawa nalang siya. Nagsimula na rin siyang lumakad papuntang classroom. Sumabay lang si Julia kasi magkakaklase lang naman sila.
"Hoy! Ba't tumatawa ka lang diyan? Share mo na sa akin! C'mon!" pagpipilit ni Julia sa kanya.
"Mamaya na Juls."
"Parati ka lang naman ganyan, eh. Ang KJ mo talaga!" reklamo nito.
"Teka, alam mo bang magkapatid si Yen at si Diego?" tanong niya dito. Nagtataka nga siya, eh. Wala siyang alam tungkol doon. Kanina lang niya nalaman kay Daniel.
"Yup. Alam ko," nakangiting sagot nito.
"Alam mo? Pero hindi mo man lang ako sinabihan."
Kumunot ang noo nito. "Ba't mo naman kailangan malaman? May HD ka ba kay Diego ko?"
Wow, at inangkin pa talaga? "Wala akong - wait, anong HD?"
"HD... Hidden Desire."
"Ah... Ahm, wala 'no. Wala akong HD sa kanya. Alam mo naman kung sino ang tinitibok ng puso ko, di ba?"
Ngumiti ito ng maluwag. "So, ina-acknowledge mo na nga iyong feelings mo para kay Daniel?"
"What? Hindi 'no. Pero alam ko, kahit na anong pilit kong tanggi, iyon rin naman ang lalabas. Pero hindi na talaga ako aasa pa or what. Basta, last na iyon kagabi. Pagkatapos noon, fly away na ako." Pero kumpiyansa siya pa rin sa sinabi. Bahala na.
"Whatever, Kath. Ang daling sabihin, ang hirap gawin," makahulugang sabi nito.
As I said, bahala na.
__________
DANIEL
Dumiretso si Daniel sa classroom niya. Nang nakarating na siya doon ay wala pa ang ibang kaklase niya. Marahil nasa last class pa nito ang mga iyon. First class niya kasi ito sa araw na ito.
"Hey DJ," bati ng lalaking umupo sa tabi niya.
"Diegs, ba't andito ka? Wala kang klase?" tanong niya dito.
"Meron. Wala pa namang time. Bored kasi ako sa room kaya heto, gala muna. Pero wait, hindi iyan ang pinunta ko eh. I heard, nag-date daw kayo ni Kath last night."
Nagulat siya. "Ba't alam mo?"
"Well, you know... sources."
"Alam ba ng buong school ito?" bigla siyang napatayo.
Nagulat si Diego sa kanya. "Ha? Bro, chill lang. Walang nakakaalam. Ako lang at tsaka si Yen."
"Ha?" Mas lalong nagulat siya. Now he knows kung bakit alam ng mama niya na nandoon si Kath sa condo niya.
"And well, your mom."
"Ba't mo sinabi bro?"
"I didn't. Yen did. Ang kulit nga. Hindi marunong magsinungaling."
"Sino namang nagsabi kay Yen?"
"Ah... Well, sorry bro ha, pero I told her. Kulit kasi ng kulit. Alam mo naman iyon."
"So, sino ang nagsabi sa iyo?"
"Ah... Si Julia. Pero huwag kang magagalit sa kanya. Kinulit ko rin lang siya. Alam mo naman ako, makulit rin," tatawa-tawa pang sabi nito.
Napamura siya. Lagot talaga siya ng mama niya nito. Baka hindi na siya pauwiin sa condo at ipipilit na sa bahay nila siya tumira.
"Pero don't worry, bro. Mukhang no sweat lang kay Tita Karla. Tuwang-tuwa nga, eh."
"What?"Anong ibig nitong sabihin?
"Basta. Mamaya na tayo mag-"tsikahan". Lintik. Parang bakla lang." Natawa pa ito.
Sira-ulo talaga.
"Una na ako bro. Baka mahuli pa ako sa klase," anito at tuluyan nang nagpaalam. Timing naman na pumasok na ang mga kaklase niya at ang professor nila.
Mamaya nalang niya iisipin si Kath at ang mama niya. Concentrate na muna siya sa klase.
Tama Daniel. Iyan ang gawin mo.
__________
KATHRYN
Papunta si Kathryn at Julia sa school paper org office. Isa nalang ang klase niya sa araw na iyon, pero nga dahil may sinalihan na seminar ang teacher niya, pinapapunta nalang sila ng library at pinapagawa ng research paper. Napagpasyahan niyang gawin nalang ito mamayang gabi. Sa internet nalang siya kukuha ng research material. Sa next meeting pa naman ito ipapasa.
"Ikaw ha? Sa kama ka pa talaga ni Daniel humiga," asar ni Julia sa kanya.
"Hindi naman ako aware na nilipat na nga ako doon ni DJ 'no. Huwag ka na ngang magbiro. Baka mamaya niyan, mag-fall na talaga ako at hindi ko na mahila ang sarili ko," saway niya dito.
"Sus. Kunwari ka pa, eh. Halatang gusto mo naman."
"Ano ba, Julia? Tama na nga iyan. Alam mo, ikaw? Ang kulit mo rin."
Natawa lang ito. "Kanya-kanyang trip lang iyan."
"Eh, kayo ni Diego? Balita ko, nagkakamabutihan na daw kayong dalawa?"
Bigla namang namula ang pisngi nito. "Ano ka ba, Kath? Huwag mo ngang ibahin ang topic."
"Ikaw ha? Dinahilan mo lang ang interview para makasama siya, eh. Pero ayun pala, naiwan ang recorder sa bahay. Naiwan ba talaga? O sadyang iniwan?"
"Hoy, huwag kang maingay nga. Baka may makarinig."
Natawa siya sa reaction nito. So, totoo nga.
"Ikaw ha? Kunwari ka pa, eh. Mas amoy ang bulok mo sa akin."
"Kath, tama na nga. Kulit mo rin, eh 'no?"
Mas lalo siyang napahalakhak. "Kanya-kanyang trip lang iyan, Juls."
Napatawa lang din ito. "Gaya-gaya."
"Puto maya."
Tumawa lang silang dalawa. Nang nakapasok na sila ng office ay sinalubong naman sila ni Mark, ang sports writer ng org.
"Pinapatawag kayong dalawa ni Yen."
"Ah, ganoon ba? Sige. Salamat," ang sabi ni Julia dito.
Tiningnan lang niya ito na nagtataka. May nagawa ba silang mali?
Pumasok na sila sa office ni Yen at nadatnan nila ang isang magandang ginang. Nag-uusap ito at si Yen.
"O, nandito na pala sila Tita," pansin ni Yen sa kanila. Humarap ang ginang sa kanilang dalawa. Parang familiar ang mukha nito.
"Hello," bati nito sa kanila.
"Hello po," bati nila ni Julia dito.
"Oo nga pala. Tita, si Kathryn Bernardo at Julia Montes po, mga writers ng school paper org. Kath and Julia, this is Mrs. Karla Estrada-Padilla, ang mom ni Daniel Padiilla," pakilala ni Yen.
Bigla siyang natigilan. Siya pala ang mama ni Daniel. Shemay!
"Hi Julia! Hi Kath!" bati na naman nito.
"Kaya ko pala kayo pinatawag dahil gusto kayong maka-usap ni Tita. Sige, labas muna ako," sabi ni Yen sa kanila.
Oh no! Baka nalaman niyang nandoon ako sa condo ni DJ kanina. Patay ako nito.
"Mga hija," panimula nito nang nakalabas na si Yen.
"Bakit po Mrs. Padilla?" tanong ni Julia dito.
"Tita Karla nalang. Nagmumukha akong old niyan, eh," natatawa pang sabi nito.
"Ah, bakit po?" Siya na ang nagtanong dito.
"May ihe-held kasi na event sa hacienda this coming weekend. Gusto ko sanang kunin kayo bilang writers ng event. Family event lang naman siya pero kasi I'm making a scrapbook sa lahat ng nagaganap sa hacienda. Mukhang magiging busy ako niyan kaya hindi ko magawa personally so I consulted Yen. Ibinigay naman niya kayong dalawa sa akin kasi sabi niya, magagaling daw kayong mga writers. So, if okay lang sa inyo, pwede ko ba kayong kunin? Don't worry, may fee kayo kapag gagawin niyo ito. Nakakahiya naman kasing pinakiusapan ko kayo nang wala man lang bayad sa talent ninyo," nasabi ni Tita Karla sa kanila.
"Ho?" natanong ni Julia dito. Parang nawindang yata ito sa sinabi ni Tita Karla.
"Ahm, okay lang po na tanggapin ang alok ninyo. Pero hindi po kami humihingi ng bayad kapalit doon. Iniisip lang po namin na parang training na din iyon para sa amin para mapalawak pa namin ang talento namin," sabi niya naman kay Tita Karla.
"Naku, huwag. Nakakahiya naman," tanggi pa rin nito.
"Tama po si Kath, Tita. Okay lang po sa amin na walang bayad. Tatanggapin po namin ang alok ninyo pero hindi po kami magpapabayad," segunda ni Julia.
Natahimik si Tita Karla na waring pinag-iisipan ang sinabi nila. Maya-maya pa'y tumango lang ito at ngumit.
"Alam ninyo, iyang attitude niyo na iyan ang pinaka-best na madadala ninyo kapag magtatrabaho na kayo in the future," papuri nito sa kanila.
Natawa lang silang dalawa.
"Sige ha? Aasahan ko iyong mga sinabi ninyo. Si Yen nalang ang magsasabi sa inyo sa ibang mga detalye at gagawin ninyo. Maraming salamat talaga at tinanggap ninyo ang alok ko," anito pa.
"Walang anuman po," sagot niya dito. Ngumit lang si Julia.
"Ay, oo nga pala. Kath? Do you know my son, Daniel?" biglang tanong nito sa kanya.
Patay. Anong sasabihin ko? "Ah, opo. Kilala ko po siya."
"Ah, just as I suspect," bulong nito.
"Ho?"
"Wala. In fairness ha, bagay kayo ng anak ko."
"Ho?" Nagulat siya sa sinabi nito. Paano nasabi nito iyon?
"Sige, I have to go. I'll expect you this weekend. Thank you ulit, mga hija," anito at tuluyan nang lumabas ng office ni Yen.
"Kath, anong ibig sabihin ni Tita?" natanong ni Julia sa kanya.
"Ewan ko, Juls. Ewan ko talaga."
__________
DANIEL
Saktong papalabas na si Daniel papuntang parking lot ng school nang namataan niya ang mama niya. Nakaabang ito sa kanya sa kotse niya.
Damn, baka kakaladkarin na ako sa bahay nito. Naisipan niyang sumibat na bago paman siya makita nito.
"Daniel Padilla!" tawag ng mama niya sa kanya.
Napamura siya. Mukhang nakita na siya nito bago pa siya makasibat. No choice na siya kundi harapin ito.
"Ah, Ma!"
"Hi nak!" bati nito sa kanya.
"Anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong niya.
"Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumunta sa school mo?"
"No, what I mean is, bakit kayo nandito?"
"Wala. Pinuntahan ko lang si Yen."
"Ah..."
"At si Kath," bulong nito.
"Ano po iyon?" Parang narinig niya ang pangalan ni Kath, eh.
"Wala. Sabi ko, kagagaling ko lang sa mall dahil may plano akong bumili ng cat. Alam mo iyon? Pusa."
"Ha?" Diskumpiyado pa rin siya. Parang pangalan talaga ni Kath ang narinig niya eh.
"Ah, oo nga pala nak. Gusto ko rin ipaalala sa iyo iyong get-together natin this weekend sa hacienda ha? Maghe-held na naman tayo ng pa-fiesta para sa mga trabahador doon. Huwag kang mawawala. Miss ka na nila."
Ay, oo nga pala. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakadalaw kasi nata-timing na busy siya. Pero ngayon, wala naman na siyang gagawin kaya pupunta siya. Kakaladkarin din niya si Diego para mas masaya.
"Opo Ma. Hindi ko iyon nakakalimutan. Pupunta po ako," assure niya sa mama niya.
"Good. And bring your girlfriend."
"Ma, wala po akong girlfriend ngayon."
"Ah, hind pa ba? Ah, sige. Hindi mo rin naman siya kailangan pang imbitahan kasi naimbitahan ko na siya," nasabi ng mama niya pero iyong late part na ay mahina na pagkakasabi. Hindi nga siya sure kung tama ba ang narinig niya.
"Sige Ma. Uwi na po ako sa condo ko," paalam niya sa mama niya.
"Sige nak. Mag-ingat ka."
"Opo," aniya at hinalikan na ang mama niya sa pisngi bago tuluyang umalis.
Buti nalang at hindi ako pinauwi. Akala ko na. Napa-sigh siya in relief. Tuluyan na siyang nag-drive pauwi ng condo niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro