Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

DANIEL

Hindi alam ni Daniel kung bakit kanina pa siya hindi mapakali. Hindi niya mahiwa nang tama ang mga gulay, tapos napaso pa siya sa kalan habang nagluluto. Parang lang first time niya itong ginagawa.

First time ko naman talaga ang dalhin ang isang babae sa condo ko at ipagluto.

At hindi pa niya girlfriend, to top that. Pero siguro, kahit na sinong babae ang gawan niya ng ganito, hindi siya magiging ganito kakabado. Pero bakit kay Kathryn, kabadong-kabado siya?

Ipinilig niya nalang ang ulo. Ang dami nang gumagambala sa isip niya. Dapat hindi siya mag-isip nang ganoon. Hindi siya mag-aasume ng ibang kahulugan sa mga ikinikilos niya. Iyon dapat ang gawin niya.

"Ah, Kath?" Naisipan niyang kamustahin ito. Bigla kasi itong natahimik. Pero hindi naman ito sumagot.

Nagtaka na siya kaya lumingon siya. Nakabukas pa rin ang T.V pero hindi na niya nakikita si Kath. Naalarma siya bigla. Nasaan kaya ito? Paano ito nawala?

Pumunta agad siya ng living room at i-chineck si Kath doon. Laking relief niya nang nakita niya itong nakahiga lang pala sa sofa. Nakatulog na ito marahil sa kakapanood ng T.V at sa pagkabusog. Napatawa siya nang mahina.

One of a kind, napapangiting isip niya. Nilapitan niya ito at natagpuan nalang ang sariling nakatitig na sa mukha nito.

Beautiful, isip-isip niya habang nakatingin lang sa mukha nito. Bakit ba iba ang nararamdaman niya kay Kath? Ang natatandaan niyang naramdaman niya ang ganitong feelings ay noong sila pa ng dati niyang girlfriend. Pero part na iyon ng masaklap na past niya kaya ayaw niyang alalahanin pa iyon. Hindi niya alam kung naka-move on na ba talaga siya, basta sa ngayon ang alam niya ay masaya siyang kasama si Kath.

Teka, am I falling for her?

__________

KATHRYN

Nagtaka si Kath nang pagkagising niya ay wala siya sa kwarto niya. Nasa ibang kwarto siya. All-white ang pader at tsaka ang spacious ng king-sized bed. Double-sized bed lang nga ang kama niya, pero itong kama na tinutulugan niya ay napakalambot.

Napatingin siya sa side table drawer at nagulat nang makita niya ang picture frame ni Daniel doon.

Oh no! Nasa condo nga pala ako ni Daniel! Napakamot siya sa kanyang batok. Paano bang nakatulog nalang siya sa condo nito?

Ang tanga-tanga mo talaga, Kathryn!

Napatingin siya bigla sa ilalim ng kumot. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang ang suot niya ay iyong suot-suot niya kahapon. Napabangon siya sa kama. Inayos muna niya ang buhok niya bago nag-decide na lumabas ng room nito. Palabas na sana siya nang may mahagilap siyang isang picture frame na nakataklob. Alam niyang hindi tama ang gagawin niya pero naku-curious siya. Pero bakit kasi nakataklob iyon?

Nang mabuksan niya ang picture frame ay napatigil siya. Isang litrato ni Daniel at isang magandang babae ang nasa larawan. Nakaakbay sila sa isa't-isa at nakangiti. Halatang-halata na masayang-masaya ang dalawa.

Ouch. Parang nasasaktan yata ako, ah. Tama na ito. Ibinaba na ni Kath ang picture frame. Napaisip siya, sino kaya ang babaeng iyon? Iyon kaya ang dahilan kung bakit naging maloko na si Daniel sa relasyon? Iyon kaya ang dahilan kung bakit ayaw na nitong mag-seryoso sa pag-ibig?

Baka nga, nalungkot siya sa naisip. Siguro nga, mahal na mahal ni Daniel ang babaeng iyon. Kasi kung hindi, hindi magiging ganoon ka-apektado si Daniel.

Lumabas nalang siya ng kwarto nito bago pa man may makita pa siyang maraming litrato ni Daniel at ng babaeng iyon. Nang napunta siya sa may sala nito ay nagulat siyang makita itong natutulog sa sofa. Halos mapapikit na siya sa kanyang mga mata. Naka-boxers lang kasi ito at walang kumot. Kahit hindi masyadong lantad, pero ngayon lang talaga siya nakakita ng lalaking half-naked sa buong buhay niya. Nakatalikod ito kaya ang hubad na likod lang nito ang nakikita niya. Napanganga siya.

Kahit nakatalikod, halatang-halata ang maskels!

Mas nawindang pa siya nang bigla itong humarap at lumantad sa kanya ang hubad na harapan nito. His chest was oh-so-perfect. May pandesal pa itong baon sa tiyan, and his torso are so hot-looking. Talagang balance ang division ng muscles nito sa katawan.

Kath, kulang nalang tumulo ang laway mo. Biglang isinara niya ang bibig sa naisip. Nagpasalamat siya at hindi pa ito nagising kasi kung sakali man, namatay na siya sa hiya.

Imbes na titigan ang katawan nito, napagpasyahan ni Kath na pumunta nalang ng banyo. Nanghilamos siya para mawala ang init na nagmumula sa kanyang pisngi. She had to do deep breaths para maibalik ang normal na paghinga niya at normal na pintig ng puso niya. She had to stop thinking about his abs and torso. Baka lalo lamang siyang mahulog sa bangin.

Kath, umayos ka! saway niya sa sarili. Tinapik-tapik pa niya ang pisngi para maalimpungatan sa pagkatulog ng kanyang tamang diwa.

"Kath?" may narinig siyang tumawag sa kanya.

Ilang segundo siyang naghintay para siguraduhing may tumawag nga sa kanya.

"Kath!" May tumawag nga. Parang si Daniel iyon, ah.

"DJ?" tawag niya rin dito.

"Nasaan ka?" tanong nito.

"Nasa banyo lang. Bakit?"

"Ah, wala. Akala ko kasi kanina, umalis ka na. Pagkatapos diyan, doon ka na sa kitchen ha? Magluluto ako ng breakfast," narinig niya itong nagsalita sa may pintuan ng banyo.

"Ah, okay. Sige. Salamat," sagot niya dito, saka ay nagbuntong-hininga.

Lagot ka talaga sa bangin, Kathryn Bernardo!

Nagmumog muna siya ng tubig sa bibig at inayos ang sarili. Nagbilang siya hanggang sampu bago tuluyang lumabas na ng banyo. Pagpunta niya ng kitchen ay nakita niya itong nagluluto ng hot cake.

"Good morning," bati nito nang napansin siyang pumasok sa kitchen.

"Good morning din." Iyon nalang ang sinagot niya at baka kung ano na ang masabi niya dito. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso niya kahit na anong gawin niya. Nakahinga naman rin siya ng maluwag dahil hindi na niya makikita pa ang magandang katawan nito. Naka-shirt na kasi ito. Nagpapasalamat talaga siya. Baka kasi kung ano pa ang magawa niya.

"Sorry nga pala kung hindi na kita ginising kagabi. Ang sarap na kasi ng tulog mo. Nahiya na akong gisingin ka."

"Ah, okay lang."

"Tinawagan ko rin na pala si Julia. Sinabi ko sa kanyang dito ka matutulog. Ang sabi ko, napagod ka na at nakatulog dito kaya hindi nalang kita ginising. Okay naman daw, sabi niya."

"Ah, okay."

Tumingin ito sa kanya at tiningnan siya ng kakaiba.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya dito.

"Ganyan ka ba kapag bagong gising?"

"Ha?"

"Matipid magsalita. Wala ka na kasing ibang sinabi kundi okay, bakit, at ha."

"Ah..." Hindi niya alam ang sasabihin.

"Tingnan mo na." Napatawa lang ito.

Ang gwapo! Shemay!

"Ito oh, to loosen you up in the morning. Pancakes and hot chocolate. Okay lang ba ito for breakfast?" anito at inilapag na sa harapan niya ang breakfast niya.

"Yeah. Thanks."

Ngumiti lang ito.

Nilantakan na niya ang niluto nito. In fairness, masarap din.

"Nagustuhan mo?" tanong nito.

"Hmm. Okay lang," pang-aasar niya dito.

Natawa lang ito. "Alam kong inaasar mo lang ako. Well, you're welcome."

Natawa lang din siya. They spent their whole breakfast eating pancakes and talking non-sense. Nang matapos na sila sa pagkain ay siya na talaga ang nagligpit ng kinainan nila. Nahihiya na talaga siya dito dahil ginagawa nito ang mga bagay na dapat ang babae naman talaga ang gumagawa.

"Ano ka ba, Kath? Bisita ka rito kaya mas tamang ako ang gumawa niyan."

"Hindi nga kasi tama, eh. Lalake ka, ako ang babae. Mas tamang ako nalang ang gumawa nito."

"Ang tigas naman kasi ng ulo mo," reklamo pa nito.

Natawa nalang siya. Parang itong isang batang inagawan ng laruan. Hindi niya aakalaing ibang-iba ito sa Daniel na kinikilala ng lahat ng tao. Ang pagkakakilala lang siguro ng ibang tao kay Daniel ay babae lang ang inaatupag. Pero doon sila nagkamali kasi na-realize niyang talagang mabuting tao si Daniel.

"Ah, siyanga pala, Kath. May extra panamit ako diyan na pambabae. Kung gusto mo, gamitin mo na muna para may pamalit ka," anito.

"Ha? Bakit may damit pambabae ka sa condo mo?" nagtatakang tanong niya dito. Pero sino ba ang niloloko niya? Alam naman niya ang sagot. Sigurado siyang para sa mga babaeng inuuwi ni Daniel sa condo nito ang mga iyon.

"Hoy, huwag kang mag-isip ng masama, ha?" biglang sabi ni Daniel na parang nababasa ang laman ng utak niya.

"Eh, bakit nga kasi may damit pambabae ka dito sa condo mo?"

"Para iyan sa pinsan ko, si Yen. Ate iyon ni Diego. Mahilig kasi mag-sleep over ang magkapatid na iyon dito sa condo ko. Lalo na kapag galing lang sa clubbing at madaling araw na matapos. Iyon, hindi nalang umuuwi sa bahay at dito nalang sa condo ko tumutuloy. At for your information, wala pa akong babaeng dinadala dito sa condo ko. Ikaw lang," paliwanag nito.

Kahit papaano, nakahinga siya ng maluwag.

Bahala nang magmukhang tanga no. Basta alam kong ako lang ang babaeng dinala ni Daniel sa condo nito.

Bakit ba? Gusto niyang siya lang, eh. Alam niyang wala siyang karapatan pero nasisyahan pa rin siya sa nalaman.

"Sige ha, gamitin mo nalang ang banyo doon sa kabilang kwarto. Nandoon na rin sa kwarto na iyon ang pamalit mong damit. Pagkatapos, sabay na tayong pumunta ng school," anito at pumasok na sa kwarto nito. Marahil maliligo na rin at magpapalit.

Biglang nag-ring ang cellphone niya. Si Julia ang tumatawag.

"Kath? Nasa kay Daniel ka pa ba?"

"Yup. Sabay nalang ako sa kanya papuntang school."

"May ipapadala kang gamit?"

"Ah, wala na. Tatlo lang naman subjects ko. Nasa locker ko na ang mga gamit."

"Sige ha. Magkuwento ka sa akin mamaya. Bye!"

Ibinaba na niya ang cellphone. Ito na naman ang problema niya. Ang pagkukuwento niya kay Julia sa paraang hindi na ito makabuo pa ng mga walang-kwentang theories.

Napabuntong-hininga siya. Naiisip na rin niya ang tungkol sa feelings niya para kay Daniel. Ano na ba ang gagawin niya? Alam niyang nahihirapan na siya. Nahihirapan siya kasi hindi niya alam kung anong pipiliin niya. Kaya ba talaga niyang pigilin ang nararamdaman niya para dito? Para nang sa ganoong paraan, mapipigilan pa niya ang sariling masaktan. Or ipagpapatuloy pa ba niya ang kahibangan ng puso niya, pero sa ikakaligaya niya naman?

Ewan ko! Gulong-gulo na talaga!

__________

DANIEL

Natapos na si Daniel sa pagligo at pagbihis. Hinihintay nalang niya si Kathryn na matapos. Naliligo pa siguro ito kasi natagalan yata ito sa paghugas ng mga pinggan kanina.

Hindi nga niya alam kung bakit hindi nalang niya ginising ito kagabi para naman maihatid niya ito sa bahay nito. Bigla nalang niya itong binuhat at inihiga sa kama niya. Sa katunayan nga, tumabi siya ng higa dito. Pero nag-alarm siya nang maaga para makalipat sa sofa. Alam niyang masa-shock ito kapag nakito nitong magkatabi sila sa pagtulog.

May narinig siyang bumukas at nag-close ng pinto. Marahil si Kath na iyon kaya lumingon siya. Pero laking gulat niya nang hindi si Kathryn ang nakita niya, kundi ang mama niya.

"Ma!" gulat na gulat talaga siya. Hindi niya alam na darating pala ito sa condo niya ngayon.

"Hi nak! Buti naman naabutan kita dito. Wala ka pang pasok?" bati ng mama niya sa kanya.

"Ma, ba't hindi niyo po ako sinabihan na pupunta ka pala dito?"

"Bah, kailangan ba talaga kitang pagsabihan? At madalas ko naman nang ginagawa ito ha? Ba't ngayon ka lang nagreklamo?"

"Ma kasi!"

"May tinatago ka ba sa akin, Daniel?"

Napakamot lang siya sa kanyang ulo.

"Daniel John Ford Padilla!" tawag ng mama niya sa kanya.

"Bakita Ma?"

"Anong tinatago mo sa akin?"

"Wala akong tinatago. Marangal akong tao."

"Parang may something off sa iyo ngayon. May kasama kang babae dito, ano?"

Kinabahan siya bigla. Nandito si Kath sa pad niya. "Ma, wala."

"Huwag kang magsinungaling sa akin, DJ."

"Ma, wala kasi."

Napatingin ang mama niya sa sofa.

Shit! Hindi pa pala niya naligpit ang mga unan at ang kumot na ginamit niya sa pagtulog sa sofa.

"Ba't may mga unan at kumot dito sa sofa mo?" nagtatakang tanong ng mama niya.

"Ah, ano kasi Ma... Na-nainitan kasi ako sa kwarto ko kagabi. Kaya napagpasyahan kong dito nalang sa sofa matulog. Tsaka, inatake po ako ng insomnia kaya nanood nalang ako ng T.V hanggang sa nakatulog ako," palusot niya dito. Sana hindi nahalata ni Mama.

Tumaas ang isang kilay ng mama niya. Patay talaga siya nito. Bigla na lamang itong pumunta ng kwarto niya. Napasunod naman siya dito habang palingon-lingon sa kabilang kwarto kung nasaan si Kath.

"Hmm..." Nasa kwarto na niya ang mama niya at sinusuri ang buong room. Mabuti't naiayos na niya ang kwarto niya kanina kaya hindi na masyadong magulo.

"I smell a ladies' perfume," biglang sabi ng mama niya.

Mas kinabahan siya. Perfume ata ni Kathryn ang naamoy nito. Timing naman na pumunta ang mama niya sa banyo ng kwarto niya nang biglang lumabas si Kath sa kabilang kwarto.

"Kath, huwag kang maingay. Nandito mama ko. Magtago ka, dali," bulong niya kay Kath.

Nanlaki ang mata nito at parang naestatwa. Pino-process siguro sa utak nito ang sinabi niya. Pero saglit lang iyon dahil kumilos naman agad ito at pumunta ng kitchen.

"DJ?" tawag ng mama niya sa kanya.

"Ma! Andito ako sa labas," sagot niya dito.

"May kausap ka?" Lumabas na ang mama niya sa kwarto niya. Sumunod lang siya dito.

"Ah, wala Ma. Bakit?"

"Parang narinig kasi kitang nagsasalita."

"Ha? Ah, wala. May ano... May binabasa lang na text," palusot na naman niya. Bigla nalang itong pumunta ng kitchen.

Naku! Lagot si Kath nito!

Dali-dali siyang sumunod sa mama niya.

"Ma, mabuti pa ho, umalis na kayo kasi aalis na rin ako," pagtataboy niya sa mama niya bago paman ito tumuloy sa kitchen.

"Ha? O siya, sige. Pero nauuhaw na ako, nak. Painom naman saglit," anito at tutuloy talaga sa kitchen. Pero pinigilan niya ulit ito.

"Ah, Ma. Ano kasi, wala akong tubig ngayon. Bili nalang tayo sa labas."

"DJ, ano ka ba? Distilled ang water ng condo na ito. Kaya kahit sa gripo, pwede akong uminom." Itinaboy siya nito sa daraanan nito.

Humarang ulit siya sa dinaraanan nito. "Pero Ma - "

"DJ, kung hindi mo ako patutuluyin, mag-iisip akong may babaeng ngtatago dito sa kitchen mo."

Wala na siyang choice kundi ang palagpasin nalang ito. Baka mas lalong maghinala ito at halughugin pa ang buong condo niya. Nagdadasal nalang siya na hindi nito makita si Kath.

Ilang minuto siyang naghintay nang lumabas na rin ito ng kitchen.

"DJ, mauuna na ako sa iyo," paalam ng mama niya.

Nakahinga siya nang maluwag. "Ah, sige Ma. Mag-ingat ka."

"Okay. Thank you sa tubig."

"Yes Ma. Anytime." Hinatid na niya ito sa may pinto.

"Bye nak. Mag-iingat ka lagi, ah," anito bago pa lumabas ng condo niya.

"Opo. Malaki na po ako. Hindi na ako baby para pagsabihan pa ng ganyan."

"Oo nga. May tinatago ka na ngang babae dito sa condo mo. Ipagpaalam mo nalang ako kay Kath," anito at tuluyan nang lumabas ng condo niya.

Nalaglag lang ang panga niya doon.

Papaano? Patay ako nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro