Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

KATHRYN

Masakit ang ulo ni Kath nang bumangon siya sa kama niya. Hindi na niya matandaan ang ginawa kagabi. Basta ang natatandaan niya ay nasa bar siya at nagsasayaw. Kahit hilo pa rin siya nang kaunti, pinilit niyang bumangon sa kama.

Nagpunta siya sa kusina at nadatnan si Julia na nagluluto.

"Good morning, Kath!" bati nito sa kanya nang napansin siya nito.

"Hmm." Tumango lang siya dito. Wrong move. Mas nahilo siya sa ginawa. Napahawak nalang siya sa kanyang ulo.

"May hangover ka pa. Umupo ka muna. Ipagtitimpla kita ng kape," utos ni Julia sa kanya. Umupo naman siya sa stool sa may bar ng kitchen. Nagtimpla naman ito ng kape.

"Ano ba ang nangyari kagabi? Anong oras tayong nakauwi?" tanong niya dito.

"Madaling araw na." Inabot nito sa kanya ang tasa ng kape.

"Ano? Tumagal ako nang ganoon sa bar?" tanong niya dito habang iniinom niya ang kape.

"Ayaw mo pa ngang umuwi eh. Mabuti nalang at nandoon si DJ."

Nabuga niya ang kape bigla. "What?"

"Over ka kung maka-react, ha."

"Paanong nandoon siya?"

"Tinawagan ko siya."

"What? Ba't mo ginawa iyon, Julia?"

"If hindi ko ginawa iyon, hindi ko na alam kung paano kita iuuwi. Napaka-wasted mo na kagabi. Hindi ko kayang mag-isang iuwi ka. Mabuti nga't nandoon sila eh."

"Sila?"

"Kasama niya si Diego."

Humugot siya ng malalim na hininga. Feeling niya kinakapos siya ng hangin.

Ano ba namang buhay ito? Ako na nga itong umiiwas, lapit pa nang lapit sa akin. Ano ba ang gusto mo tadhana?

"Hoy, ano na?" pukaw ni Julia sa kanya.

"Anong ano? Julia naman, alam mo naman na iniiwasan ko nga siya di ba? Ba't ikaw pa mismo ang naglapit sa aming dalawa?"

"Aba, at ako pa talaga ang sinisisi mo? Kung hindi ka sana nagpakalasing kagabi, di ko sana tinawagan sila Daniel para sunduin ka. Alangan namang si Albie ang tawagin ko? Baka mamaya niyan, mag-aasume iyon na nagpapakalasing ka dahil sa kanya."

"Eh, kasi - "

"At huwag ka ngang ganyan, ha? Tumanaw ka ng utang na loob. Alam mo bang sinukaan mo si Daniel kagabi? Pero kahit na ganoon, talagang binuhat ka pa niya nang nawalan ka ng malay. At, hinatid pa niya tayo dito. Kaya huwag kang mag-inarte diyan ha? Mag-thank you ka sa kanya."

Nagulat siya sa sinabi nito. Talagang ginawa iyon ni Daniel?

Nakaka-touch naman! Shemay!

Teka, papaano niya kakalimutan si Daniel at ang nararamdaman niya para dito kung patuloy ito sa paggawa ng mga bagay na nakaka-inlove sa kanya lalo?

"Julia eh! Pinapalala mo naman!"

"Huwag mo akong masisi diyan ha? Gusto mo ibalik nalang natin ang oras? Ano ka ba? Once and for all, Kath, face your fears! Mag-take ka ng risk. Malay natin di ba?" sabi nito at iniwan lang siya sa kusina na nalilito.

Sobrang naguguluhan na siya. Feeling niya magma-malfunction na ang utak niya sa kakaisip ng tama at pwedeng gawin.

Ang hirap ng pinasukan ko!

__________

Sadyang inaabangan ni Kath si DJ sa locker nito. Nakasandal lang siya doon at hinihintay ang pagdating nito. Ang sabi kasi ni Diego, wala na itong klase at katatapos lang ng practice nito.

Iniisip niya pa rin ang nangyari kagabi at sa ginawa ni Daniel sa kanya nang namataan niyang papunta na ito sa locker nito. Nakayuko ito at may hinahalungkat sa sports bag nito. Malamang ang susi ng locker nito. Umayos naman siya ng tayo.

Nahanap na nito ang susi at iniangat ang tingin. Natigilan naman ito nang nakita siya.

"Ah, hi DJ," bati niya dito.

Tumango lang ito at nilampasan siya. Binuksan nito ang locker at nilagay ang ibang kagamitan nito doon. Hinintay muna niyang matapos ito sa ginagawa bago niya kausapin ito.

Sa wakas ay isinara na nito ang locker. Pero umalis naman ito na para bang hindi nito nakitang nakatayo pa rin siya doon.

"DJ!" tawag niya habang hinahabol ito.

Lumingon lang ito sa kanya pero hindi pa rin hinihinto ang paglalakad.

Bwiset! Playing hard to get pa ang peg ng lokong 'to.

"Hoy, DJ. Pwedeng huminto ka muna sa paglalakad? Gusto sana kitang maka-usap saglit."

"May lakad pa ako Kath. Next time nalang tayong mag-usap."

"Pero, saglit lang talaga kitang kakausapin. Please?"

Mataman naman siyang tinitigan nito. Waring nag-iisip kung pagbibigyan ba ang munti niyang hiling

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong nito.

"Ahm, ano kasi, tungkol kagabi."

"Walang anuman iyon. Sige, mauna na ako," anito at umalis na.

Ba't ang sungit-sungit niya? Nakakainis. Nakatingin nalang siya dito habang papalakad ito palayo.

__________

DANIEL

Hindi maintindihan ni Daniel kung bakit nagawa niya iyon. Gustong-gusto niyang kausapin si Kath pero hindi niya alam bakit hindi niya ginawa.

Pakipot ka pa kasi eh. Siya na ang lumalapit, ikaw pa ang lumalayo.

Huminga siya ng malalim at pinapakalma ang sarili. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang lakad. Sa katunayan nga, may plano pa siyang dalawin ito at alamin ang kalagayan nito. Pero nang nakita niya ito kanina, parang gusto niyang magpa-hard-to-get. Gusto niyang sungitan ito para malaman kung anong magiging reaksiyon nito. Pero nang nag-walk out naman siya, hindi naman ito sumunod. Mas lalo siyang nainis.

Feeler ka talaga, Daniel. Ba't ka naman niya susundan?

Naalala niya tuloy ang sinabi ni Kath sa kanya kagabi.

DJ, I think I'm falling for you.

Kahit na tulog si Kath noon at lasing, hindi niya pa rin mawaglit sa isipan niya ang sinabi nito. Sabi nga nila, kapag lasing na ang tao, nagiging honest ang mga ito. Pero ayaw rin naman niyang isipin na talagang totoo iyong sinabi nito. Baka umasa lang siya at masaktan.

Bakit naman ako aasa at sasaktan? Ano ba ang nararamdaman ko para sa kanya?

Umiling-iling siya. Hindi na talaga niya mawari ang sarili niya nitong mga nakalipas na panahon.

"Hi DJ!" bati ng isang babaeng dumaraan sa hallway.

Dahil hindi naman siya snob, ningitian lang niya ito kahit na wala siyang gana makipagbolahan.

"Ah, are you free today?" tanong pa nito. Talagang huminto pa ito para kausapin siya.

"Bakit?"

"Labas naman tayo, oh. Please?" pagpapa-cute pa nitong sabi.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. In fairness, ito ang mga tipo niyang babae. Makinis, maputi, mataas, at seksi. Pero pinagtataka niyang hindi siya na-attract sa babaeng ito. Isang babae lang ang nasa isip niya ngayon. Iyong babaeng morena, hindi masyadong mataas, seksi din naman, at may bangs.

Teka, ba't ba si Kath ang naiisip ko?

"Sige, sure. Saan tayo?" Pumayag nalang siya para mawala ang kahibangan ng nalilito niyang utak.

__________

KATHRYN

Naglalakad mag-isa si Kath sa mall. Wala naman talaga siyang gagawin doon pero bigla nalang niyang naisipang pumunta. Gusto niyang libangin ang sarili. Nagtatampo kasi siya kay Daniel. Bakit ayaw man lang nitong makausap siya?

At sino naman ang unang nagtaray sa kanya, aber?

Oo nga, tinarayan nga pala niya ito noong mga nakaraang araw. Baka nagtampo rin ito sa ginawa niya. Ang lakas naman ng loob niya kung magagalit pa siya dito, siya naman ang unang nang-away.

Dahil kanina pa siya paikot-ikot sa mall, napagpasyahan nalang niyang pumunta sa isang cake shop. Bibili nalang siya ng cheese cake para pagsaluhan nila ni Julia mamaya pagkatapos ng dinner.

Nakapila na siya sa counter nang may narinig siyang pamilyar na tawa ng isang lalake. Napalingon siya sa kinaroroonan nito. Bigla nalang napahinto siya sa paghinga. Parang sumisikip ang puso niya. Hindi dapat pero nasasaktan siya sa nakikita niya.

DJ... Napahawak siya sa kanyang dibdib. Bakit ganoon? Parang nasasaktan siya masyado? Ganoon na ba katindi ang tama niya kay Daniel?

Nakaupo si Daniel sa isang table sa isang sulok sa shop. May kasama siyang babaeng maganda. Iyong tipong magandang kapag ihahalintulad siya dito ay walang masabi sa kanya.

"Miss? Okay ka lang ba?" tanong ng babaeng kasunod niya sa pila. Napatingin siya dito pagkatapos ay napahawak sa mukha niya. Hindi pa niya namalayang may tumulo nang luha sa kanyang mga mata.

Tumango lang siya dito at sinabing okay lang siya. Nang tumingin siya ulit sa mesa nila Daniel ay nakita niyang magkahawak na ang mga kamay nito. Lalo siyang nasaktan sa nakita.

Tingnan mo na. Talagang sakit lang sa puso ang Daniel na iyan.

Hindi na niya kinaya kaya napagpasyahan niyang umalis nalang doon. Palabas na sana siya nang shop nang may nabunggo siyang babae.

"Watch where you're going nga!" pagalit na sigaw ng babae.

"Sorry." Nanatili lang siyang nakayuko. Paalis na sana siya nang may biglang tumawag sa pangalan niya.

"Kath?"

Napaangat ang kanyang tingin sa lalakeng tumawag sa kanya.

"Albie, honey. Kilala mo siya?" tanong ng babaeng nabunggo niya kanina.

Tumingin lang si Albie sa babae, pagkatapos sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong pa ni Albie.

"Ah, ano..." Hindi siya makahuma nang isasagot. Naiiyak na siya pero pinigilan niya. Hindi naman sa naiiyak siya dahil naroon si Albie at may kasamang ibang babae. Naiiyak siya kasi mas lalong naaalala niya si Daniel.

"Sinong kasama mo?" tanong pa rin nito.

"Ah - "

"Kath, tara na," narinig niyang sabi ng isang lalake sa likuran niya kasabay ng pag-akbay sa kanya.

"Ohmyghad! Daniel Padilla?" biglang sambit ng babaeng kasama ni Albie. Napatili pa nga ito na parang kinikilig.

"Hi,' bati lang nito sa babae.

Ngumiti naman ang babae na halatang nagpapa-cute.

"Sige, alis na kami ng girlfriend ko," sabi pa ni Daniel. At talagang idiniin pa nito ang salitang girlfriend.

Inakay na siya nito palabas ng shop. Nakaakbay pa rin ito sa kanya. Wala naman siyang ginawa kund ang magpaakay lang dito. Nang sa wakas ay nahinto sila sa may park sa labas ng mall.

"Kath?" bigla itong huminto sa paglakad. Napalingon naman siya dito.

Sa pagkakataong iyon, hindi niya alam pero hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

"Kath, bakit ka umiiyak?" halata sa mukha nito ang pag-aalala.

DJ, ba't mo ginagawa sa akin ito? Patuloy lang siya sa pag-iyak.

"Halika nga," anito at iginiya siya sa isang bench doon. Pinaupo siya nito at pinapatahan.

Nang nakaupo na siya ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ito naman ay nasa tabi lang niya at hinahaplos nito ang kanyang likod.

Kung iisipin nga naman, pinapatahan siya ng lalakeng dahilan ng pag-iyak niya. Hindi nga lang alam nito ang totoong dahilan kasi natatakot lang na mas lalo siyang masaktan.

"Kath, tahan na. Huwag mo nang isipin ang gagong iyon. Shh," pagtatahan nito sa kanya. Lumingon siya dito at tiningnan ang mukha nito.

Hindi ko naman iniisip si Albie, ikaw ang iniisip ko. Gusto niyang sabihin dito iyon pero pinigilan niya. Ayaw niyang malaman nitong ito talaga ang rason kung bakit siya umiiyak ngayon.

"Kath, please, huwag ka nang umiyak. Mahina ang puso ko sa mga babaeng umiiyak eh. Tahan na," alo pa rin nito.

Patuloy pa rin ang pag-iyak niya.

"Sige, kung hindi ka titigil sa pag-iyak, hahalikan kita," natatawang sabi nito.

Napatigil siya sa pag-iyak doon. Biglang namuo ang inis sa kanyang dibdib. Nagawa pa nitong pagtawanan ang sitwasyon niya

"Ikaw! Ang lakas rin ng loob mong magbiro no, eh ikaw naman ang dahilan ng lahat ng ito!" pagalit na sabi niya dito. Natigilan ito sa pagsigaw niya dahil naramadaman niyang napaatras ito.

Hindi niya alam pero feeling niya sasabog na siya sa oras na iyon. Lahat na ng nakakalito niyang nararamdaman ay nakipagsanib-puwersa sa galit na nararamdaman niya sa oras na iyon kaya hindi niya mapigilan ang sarili.

"Kath..."

Tahimik lang siya. Pinilit niyang hindi ituon ang atensiyon dito. Maiiyak na naman kasi siya kung haharapin niya ito.

"Sorry, Kath."

Tahimik pa rin siya.

"Sorry dahil nakialam ako sa inyong dalawa ni Albie. Ayan tuloy, nasasaktan ka. Oo, inaamin ko talaga, ako talaga ang dahilan kung bakit ka umiiyak. Dahil sa akin, naghiwalay kayo ni Albie. Sorry talaga. Kahit paulit-ulit ko nang sinasabi, sorry ulit. Sorry. Sorry. Ilang sorry pa ba ang gusto mo?"

Ang cute naman ng loko. Pinapatawa talaga ako.

Ha? Dapat galit siya dito eh. Erase erase erase.

"Kath, please? Sorry na," anito sabay pinapaharap ang mukha niya dito.

Hindi rin naman niya napigilan at napatingin talaga dito.

"Huwag ka nang magtampo," nagpapa-cute na sabi nito.

"Huwag mo akong maganyan-ganyan ha? Upakan kita diyan, eh."

Natawa ito. Napatitig lang naman siya sa gwapong mukha nito.

"Peace na tayo. Sige na, please?" anito sabay nag-peace sign.

Hindi pa rin siya umiimik.

"Kath, ano pa ba ang dapat kong gawin para peace na tayo? Alam ko rin namang nagtatampo ka sa akin kasi nag-snob ako sa iyo kanina."

"Buti alam mo," pabulong na sabi niya.

"Kaya para makabawi, anong pwede kong gawin?"

Biglang may naisip siyang ideya.

Bahala na si Batman pagkatapos nito. Sabi nga ni Julia, "face your fears, take a risk."

"Remember the date na inalok mo sa akin noon?"

Nagtataka man pero sumagot pa rin ito. "Yeah, why?"

"Payag na ako doon."

Ngumiti naman ito. "Talaga? Oh, wow. Sige, sige. Kailan?"

"Ngayon."

"Ha?" Mukhang nagulat ito.

"Let's have a date now."

"Like, now na talaga?"

"Yes, this very moment."

"What? But - "

"Akala ko ba gusto mong makabawi sa akin?" Tumayo siya sa pagkaupo.

"Yeah. Pero ngayon na talaga?"

"Oo nga. Halika na." Saka ay naglakad na siya palayo. Nakita na lamang niya itong nakasunod sa kanya.

Napapangiti siya. Kinalimutan muna niya ang mga pangamba niya tungkol sa feelings niya para kay Daniel. Sa ngayon, sinusunod nalang niya kung anong makakapagpaligaya sa kanya ngayon. At iyon ay ang makasama si Daniel, kahit na hindi siya sigurado kung iyon din ba ang makakapagpaligaya dito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro