7: Humble
Her sister was crying that night when she called. Ipinapakiusap nito na hanapin niya si Ayder Filan at sabihin sa binata ang nangyari rito. Ibinigay pa nito ang address ni Ayder sa bahay at sa opisina nito. She just told her to forget about the man.
Doon na siya nagkaroon ng agam-agam sa kapatid. However, she knew her sister very well. She was never an attention-seeker. Mahina lang ang loob nito pero hindi naman gagawa ng ganoong bagay kung hindi talaga nasaktan. But then again, she has been away for quite some time.
Kaya napagpasyahan niyang dumistansiya muna kay Ayder. Kailangan muna niyang timbangin ang sitwasyon at alamin ang totoo. After that night, they were civil. Pinabayaan na siya nito sa gustong gawin pagkatapos ng trabaho. Hindi na rin siya nito pinapaalalahanang sumabay sa pagkain.
They've been to Cebu and Davao. Hindi siya masyadong lumabas doon at namasyal. She had been there for quite some time plus it was too commercialized. Saka lang siya namamasyal kapag last day na nila. In turn, there was no argument between her and Ayder. Nag-uusap lang naman kasi sila kapag may ipapa-take note ito sa kanya.
Again, she couldn't see anything wrong about Ayder. Mukha talaga itong mabait lalo na sa pakikitungo sa mga empleyado. He wasn't too authoritarian neither linient.
Their next destination was Bohol. It was an island resort. The resort don't have a hotel. Hile-hilerang cabin lang sa tabing dagat na nagmumukhang kabuti sa malayuan.
Kumunot ang noo niya nang igiya sila sa isang cabin. Pagbukas ay bubungad ang living room na kumpleto sa gamit. May maliit na bar counter na nagsisilbing divider nito mula sa maliit na kusina. It was fully furnished and has a modern look.
"Dito---?" she wasn't able to think of the correct words to say. Nagtapos doon ang pangungusap niya.
"Yes. You'll occupy the room on the left. I'll stay on the other room on the right," Ayder told her as if reading her mind.
Ang tinutukoy nitong kuwarto ay may magkaharap na pintuan. Kalahati yata ng buong cabin ang kabuuan ng dalawang kuwarto. Kinuha na ng staff ang luggage nila at dinala roon.
Wala na siyang nagawa kundi tumango na lang. Umupo si Ayder sa long couch pagkaalis ng staff na nag-usher sa kanila.
"This resort is my favorite," he told her. Napatingin siya rito. Hindi niya alam kung uupo rin siya sa kaharap na silya o magpapaalam na maglalakad-lakad muna sa labas.
She watched as Ayder stood up and walked towards the wall facing the ocean. Inililis nito ang kurtinang tumatabing sa glass wall. Mula roon ay tanaw na tanaw ang asul na dagat na may puting buhangin. He opened the sliding door leading to the veranda. Dumampi sa balat niya ang malamig na hangin. The sun was nearly setting and the view was spectacular.
"Walang signal. Walang bars. Walang restaurants. You will be at peace with nature," he stated. She didn't know how to react when Ayder looked back and stared at her. Her breathing hitched that she had to inhale deeply.
"Would you like to walk around?" tanong nito. Napalunok pa siya. Kanina pa niya iyon gustong gawin. Para kasi itong katulad ng private resort nila. Na-preserve ang natural na ganda ng kapaligiran. Maliban sa cabins, wala na siyang nakitang ibang kongkretong estruktura.
"Kung hindi ka pa pagod," dagdag nito.
Tumango siya at ngumiti ng tipid. "Sige."
Sumunod siya nang lumabas na ito. He waited for him to lock the cabin. Magkasabay silang naglakad. Sinundan lamang niya ito.
Wala siyang nakitang artificial umbrella sa paligid. Mga punong kahoy ang nagsisilbing lilim sa tabing dagat. May mga duyan sa pagitan ng mga puno. There were guests on the hammocks. Ang mga upuang pahingahan na nasa mga lilim ay gawa sa driftwood. May mangilan-ngilan ring nakaupo roon.
"In this resort, you may cook your own food. Kung ayaw mo naman puwede kang magpaluto sa mga staff," saad ni Ayder. Sumulyap ito sa kanya. Tumango lang din siya.
"May mga stalls pero locals lang ang pinapayagan namin. Ang mga ibinebenta nila mga lamang dagat, buko, mga prutas at gulay." Itinuro nito ang hilera ng stalls sa 'di kalayuan.
Naglakad sila papunta roon.
"Kung may gusto kang kainin diyan, sabihin mo lang kay Elena," sabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang staff na naghatid sa kanila sa cabin.
"Ayder!"
Napatingin siya sa isang ale na nasa stall na tumawag sa binata.
"Aling Myrna, kumusta po?" nakangiti namang bati ni Ayder. Pinagmasdan na lamang niya ito habang kausap ang babae. Pati ang mga anak ng babae na nag-aaral ay kinumusta nito.
She understood from their conversation that they were scholars of the resort. Hindi na siya nagtaka ng kausapin ni Ayder ang lahat ng nasa stalls. He knew all of them. Isa ito sa napansin talaga niya sa lahat ng napuntahan nila ni Ayder. He was kind to people. He was very humble. Hindi alangan ang mga taong kausapin ito.
Ipinakilala siya nito na kapalit ni 'Nay Marlene.
Pagkatapos nilang daanan ang stalls, may tinunton silang pathwalk papunta sa isang garden o mas tamang tawaging rainforest. There are different species of trees. Kapansin-pansin ang mga wild orchids sa matataas na puno na namumulaklak na. Walang ingay na maririnig sa paligid kundi mga huni ng ibon at ang tunog ng alon na nagmumula sa dagat.
May mga mini gardens sa pagitan ng mga punong-kahoy. Bamboo huts are strategically situated at the center of the mini gardens. There are some guests on some of the bamboo huts. May nakita pa nga siyang couple na naghahalikan sa loob ng kubo. Hindi niya alam kung napansin din iyon ni Ayder.
"I like this place. Tahimik kasi."
Napatingin siya sa binata nang muli itong magsalita.
"Kapag tinunton itong daan, susulpot sa kabilang bahagi ng isla. It has the same setup as here," he told her. Nakinig lamang siya. She likes the place, too. Sobrang tahimik.
"May cave sa gitna ng gubat na ito na puwedeng pasukin kapag low tide tapos lalabas sa gilid ng isla, pumapasok kasi ang tubig sa loob," wika ulit nito.
Tumingin ito sa kanya kaya tumango na lamang siya at ngumiti ng tipid. Ayder also smiled.
"Puwede ring i-trek ang tuktok ng cave. It has the best view of the island. It's instagram-worthy as you say it." He chuckled softly. His dimple appeared. Ang guwapo lang talaga nito. Napangiti na lang siya.
"Ano? Ngiti-ngiti na lang? Hindi ka magsasalita?" he said batting an eye. Natawa tuloy siya ng mahina. Nailing lang ang binata.
"Tara na nga," sambit nito saka nauna nang naglakad. Hindi pa siya nakakilos agad. He sounded so carefree. It was far from the silent and formal Ayder.
She was still standing on the same spot where he left her when Ayder looked back.
"Hey, Jeandy! C'mon the sun is setting!" he shouted. Agad naman siyang tumalima.
They were walking side by side along the shore when he stopped. Pabalik na sila sa cabin.
"Hand me your phone. I'll take a picture of you!" he told her. Muli na naman siyang natigilan. Iaabot sana niya ang phone pero naalala niyang wallpaper pala niya ang family picture nila.
"Lowbatt," she said instead. Tumango naman ito.
They just went back to the cabin. The early dinner was already served at the veranda when they arrived.
Natakam siya nang makita ang malaking steamed crab at prawns kaya nang ayain siyang kumain na ay dumulog na siya agad.
They were both silent and full after the meal. Para ngang wala na siyang enerhiyang tumayo dahil sa pagkabusog. Mabuti na lang may tig-isang basin sa tabi nila na sinadyang paghuhugasan ng kamay pagkatapos kumain.
"I'm full," Ayder muttered.
"Grabe. Walang natira," wika niya.
Magkasabay pa silang nagsalita ni Ayder. Nang magkatinginan sila ay pareho silang natawa sa isa't-isa.
They spent the next minutes sitting there silently. Dumilim na ang kalangitan. Ayder put his plate on the basin. Nakipagligpit na rin siya.
Akala niya ay iiwan na ito ni Ayder doon pero binuhat nito ang dalawang basin at dinala sa loob. Sumunod siya nang pumasok na ito sa loob ng cabin.
Again, she thought he'll leave the basins there but he started cleaning the plates. Nahiya siya pero hindi niya alam kung paano sasabihin ritong siya na ang maghuhugas. Pinamulahan siya nang tumingin ito sa direksyon niya at ngumiti.
"You can rest. Ako na ang bahala rito. Tomorrow, well walk around the island kaya kailangan mo ng energy," wika nito bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa. She stood there for a moment before finally deciding to get inside the room.
Malawak ang kuwarto. May double couch sa paanan ng kama. May lampshade sa isang side at bedside table sa kabila. May tokador din kung saan puwedeng mag-ayos. On the far end of the room is a door leading to the bathroom. She went to check it. Spacious rin ito, may Jacuzzi pa.
She fix her things and went on taking a bath. Habang naliligo ay hindi niya mapigilang maisip ang lalaking iniwan sa kusina na naghuhugas ng pinagkainan nila. Just how humble could that man be?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro