Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologo

PROLOGO

"K-KUYA!!! A-AYAW KO DITO! WAG MO KO IWAN! KUYA-KUYAKUYA!!! SISTER...AYOKO! GU-GUSTO KO KUYA KO! K-KUYAA!!"

Madiin kong ikinuyom ang kamao ko dahil sa pag-iyak ni Demani. Pinatigas ko ang loob ko dahil desisyon ko 'to. Hindi ko siya kayang bigyan ng magandang buhay, hindi katulad dito na kaya siyang alagaan ng mga Madre.

Sumakay ako sa loob ng taxi. Nakangising yumakap sa'kin ang girlfriend ko.

"Okay lang 'yan, Darling. Tama ang desisyon," malambing pa niyang ani. Hindi na ko nagsalita at tumingin sa labas ng bintana. "Manong sa airport na tayo."

Mula sa side mirror ay nakita ko ang pagwawala niya sa labas. Pilit kumakawala sa hawak ng mga madre. Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin. Umandar na ang taxi paalis, may sarili yatang isip ang mga mata ko dahil tumingin ulit ako sa labas. Nakita kong nakawala si Dem at hinahabol kami. Iyak ng iyak ang bata pero wala akong magagawa...

Sorry, Dem. Sana mapatawad mo si Kuya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro