Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalawang Kabanata

IKALAWANG KABANATA

"POTAENA! TOTOO BA 'TO?!"

Napalingon ako sa nagsalita sa likuran namin. Nakatayo do'n si Andrei na umaakto pang gulat na gulat habang nakahawak ang kaliwang kamay sa dibdib at ang isa naman at nakatakip sa bibig. Dinig ko ang mahinang tawanan ng mga kasamahan namin doon. Talagang gago eh. Umiling ako at saka binato dito ang pinakamalapit na basahang nakita ko. Nasalo ng gago kaya patawa-tawa siyang lumapit sa'kin.

"Tangina. Isang himala!" malakas nitong sigaw.

Umikot ang mata ko.

"Tarantado ka talaga!" ganting bulyaw ko. "Napaka-ingay mo!"

Nakangisi siyang lumapit sa'min. Inakbayan niya ako. "Good morning sa'yo, Christian mah-labs!" Kumindat pa ang gago.

Nakita ko kung gaano katalim ang mga mata ni Christian kay Andrei. Inilingan ko na lang siya. Inalog ko ang balikat ko at umalis sa pagkaka-akbay nito. Tinuro ko sa kanya ang dapat kong gagawin. Tinaasan niya ko ng kilay.

"Oh? Ano gagawin ko?"

"Subukan mong ilublub 'yung sarili mo para bumango-bango ka naman," sarcastic kong pahayag bago lumabas. Nagpunta ako sa ikalawang palapag para doon maglinis kung may lilinisin man.

Ibinaba ko yung mga upuang nakapatong pa sa mesa. Pinagsalansan ko ang mag iyon sa ilalim ng lamesa. Tahimik akong nag-aayos ng marinig ko ang nakakalokong tawa ni Andrei. Hindi ko siya pinansin.

"Aba'y gago! Napaka-snob! Wag kana magalit, beybe!" pang-aasar ng gago.

Nagbingi-bingihan ako. Bakit ko nga ba naging kaybigan 'tong isang 'to. Parang puwet ng manok sa ingay.

"Hoy! Ba't ang aga mong pumasok? May kasalanan ka hano? Pinalayas ka na sa inuupahan mo?"

Nakakarindi ang boses nito sa ingay.

"Hindi ako napalayas. Nagpadala akong pera kina Nanay kaya maaga ako. Tumulong ka pa sa pag-aayos ng may magawa kang tama."

"Ulirang anak talaga si Caleigh. Sana ol."

"Gago!"

Malutong akong tinawanan ni Andrei bago sumunod sa inuutos ko. Inilingan ko siya. Sa tagal naming magkakilala ay nasanay na ko sa ganiyan niyang ugali pero minsan talaga nakakasura ugali ng putanginang 'yan. Madalas namang mabait pero mas madalas na gago.

Ngumiti ako habang nakatingin kay Andrei na puro salita sa dulong parte ng lugar. Inaayos nito ang upuan at nagpupulot ng mga natirang basura ang gago.

Nung una ko siyang makilala hindi ko naman naisip na magiging matalik kaming magkaybigan. Akala ko magiging kakilala ko lang din siya dahil sanay naman akong walang kaybigan talaga pero nag-iba ata ang hangin dahil sa kanya. Lalo na noong panahong nag-uumpisa pa lang ako dito sa Manila at gipit na gipit sa buhay siya ang tumulong sa'kin.

Kaya malaki rin ang utang na loob ko sa kanya. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya dahil sa dami ng pinagdaanan namin ay magkaybigan pa rin kami.

Isa siya sa mga taong nakakakilala talaga sa'kin. Miski sina Nanay at Tatay kilala niya, pero hindi ang kapatid kong babae. Wala naman akong galit pero hindi ko lang talaga gusto ang pakiramdam na ipakilala sa ibang tao si Demi.

ALAS-SIETE ng umaga ay nagbukas na kami. Katulad ng dati ay halos dagsain na din ng pasok ang kainan. Madaming tao, magulo, maingay at higit sa lahat nakakapagod. Panay panik-panaog at lakad ang ginawa ko dahil sa mga orders na dadalhin sa mga bumili sa kanila, pati na din sa paglilinis ng mga lamesa. Hapong-hapo ako sa kakatrabaho ng araw na 'yon kaya nang mag-lunch ako ay bagsak ang katawan ko sa locker area.

Pinatunog ko ang leeg ko.

Kung alam ko lang ganito kahirap ang maging matanda sana hindi ko na lang hiniling na lumaki ako agad para na-enjoy ko pa ang buhay. Habang sumusubo ng pagkain ay napapapikit na lang ako. Uminom ako ng madaming tubig pagkatapos no'n . May do-double shift pa ko bilang parusa sa'kin. Napapikit ako ng mas mariin.

Dumilat ako nang may magsalita.

"Tangina. Kanina pa kita hinahanap sa labas andito ka lang pala."

Hinanap ko kung saan nanggaling 'yon. Nakatayo sa may pinto si Andrei bitbit ang pagkain din nito. Lumakad siya palapit sa'kin.

"Di ka nag-aaya. Parang hindi kaybigan!" aniya akala mo nagtatampo.

Kumagat ulit ako sa pagkain ko saka ngumuya ng mabilis.

"Malay ko bang hindi ka pa kumakain. Nakita mong hindi pa ko napapasok sa kusina puro ako sa labas." Inbot ko ang tubig ko't uminom.

Umupo siya sa harapan ko saka kumain.

"Tangina mas nakakapagod sa kusina. Sunod-sunod yung pasok ng mga plato, toka pa naman ako sa hugasin," anito.

Napa-palatak ako. Mahirap nga iyon.

"Puta buti tumagal ka."

"Syempre kung hindi ako tatagal edi nawalan ako ng trabaho."

Gago talaga. Nagkwentuhan kami ng hindi totoo ng gago. Tapos ten minutes bago matapos ang break namin ay nauna na siyang nagpaalam at ako naman ay naiwan. Tatawagan ko sina Nanay para malaman kung nakuha na nila ang pera. Dapat ay makuha na nila 'yon. Baka makalimutan pa nila.

Nakakatatlong ring palang yata ang tawag nang may sumagot na dito.

"Hello?" marahang ani sa kabilang linya. Natigilan ako. "K-kuya?"

Dahan-dahan kong inilayo sa tenga ko ang cellphone at tiningnan kung tamang numero baa ng natawagan ko. Dalawa kasi ang cp ng Nanay. Yung isa ay pang-aral ni Demi at 'yung isa ay sa kanila ni Itay na madalas nilang gamit. Napatikhim ako.

"Demi, nasaan sina Nanay?" seryosong tanong ko.

Narinig kong humagikgik ito sa kabilang linya. Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Ba't ka ba tumatawa? Anong nakakatawa?!" inis kong tanong.

Napakamot ako sa ulo ko. Napakkulit kasi ng batang 'to. Akala mo lahat ng bagay katuwaan. Kaya hanggang maari ay gusto kong sina Nanay o Tatay ang nakaka-usap para hindi ako mainis.

Tumatawa pa din si Demi sa kabilang linya na mas nagpa-init ng ulo ko. Umiling na lang ako. Kulang-kulang talaga. Tsk.

"Tumigil ka sa kakatawa, Demi. Ibigay mo kina Nanay yung telepono. May importante akong sasabihin," asik ko pa dito.

"W-wala sina Nanay, Kuya. L-lumabas kasi may bibilhin daw sa b-bayan...h-hindi nga ako sinama...t-tapos si Tatay nasa-nasa bukid."

Napatirik ako ng mata sandali.

"Okay. Sabihin mo na lang sa kanilang tatawag na lang ulit ako mamaya. Wag kang magpapapasok ng hindi mo kakilala baka manakawan pa yung bahay," paalala ko bago binaba ang tawag.

Napabuga ako ng hangin. Kung bakit naman kasi hindi nila turuan si Demi na tumayo sa sarili nitong mga paa. Kaya siya gano'n dahil alam niyang aalalayan siya nina Nanay, eh. Kapag ka na-realize niyang wala na siyang sasandalan magtitino 'yon panigurado. Hindi na lang din ipasok sa normal na eskwela. Kesa naghihirap sila doon sa kakahanap ng pera para sa school na papasukan ni Demi.

Sumandal ako sa pader. Ang dami ko ng iniisip dumagdag pa si Demi. Talaga naman po. Tsk. Kainis.

Padabog kong ibinalik ang phone sa locker at lumabas na ulit. Hanggang sa matapos ang mga shift ko ay bad mood ako. Ewan ko. Nag-iinit talaga ang ulo ko kapag ka nakaka-usap si Demi. Tangina kasi. Masyadong pa-baby. Tsk!

"Hoy! Kanina pa mainit ang ulo mo. Anong problema?" ani Andrei sa likod ko.

Hindi ko siya pinansin at nagpalit na ng damit. Nilingon ko siya habang tinutupi ang uniform ko. Iuuwi ko muna 'tot lalabhan para malinis sa susunod na gamit.

"Basta!"

Lumabas kami ng locker room. Sa backdoor kami nagdaan.

"Pre, kanina nga pala narinig ko sina Veronica," anito ng makalayo na kami sa pinagtratrabahuhan namin.

"Oh, eh, ano?"

Nginisihan ako ng gago.

"Crush ka pala no'n, tol! Rinig na rinig ko kanina yung pag-uusap nila ni Jessie! Eh, hindi ba't matagal ka na ding nakamasid sa kanya?" nagtataas babang kilay na anito.

Si Veronica, may gusto sa'kin?

Talaga ba? Parang hindi naman ako makapaniwala. Sa tagal naming magkasama sa trabaho wala naman akong napapansing kakaiba kapag ka magka-usap kami. Normal lang. Inilingan ko siya.

"Napaka-tsismoso, ampota! Hindi 'yon, gago. Kapag naman magka-usap kami wala akong nakikitang kakaiba. Normal naman siya," ani ko.

Pinandilatan ako niya ako.

"Potaena. Kaya ka hindi nagkaka-gf. Napakamanhid mo!" buska niya sabay tawa ng malakas.

Napakamot ako sa ulo ko. "Eh, anong magagawa ko sa sadyang hindi ko naman talaga nakikitang may gusto siya sa'kin. Ano 'yon maga-assume ako!"

"Tanga! Sa'kin na nga galing. Narinig ko nga sa bibig niya mismo nanggaling! Bakit hindi mo subukang bigyan ng bulaklak bukas para makita natin. Malay mo sagutin ka agad no'n kapag nanligaw ka," panghihikayat niya.

Wala akong naisagot.

Hindi ako sigurado. Kung manliligaw ba ko matatanggap niyang kaylangang mahati ang atensyon ko sa kanya at sa pamilya ko? Una muna pala sa lahat magiging kami ba? Baka mag-akasya lang ako ng oras dahil naman niya ako sasagutin.

Paano mo malalaman yung sagot kung hindi mo naman susubukan?

May punto.

"Pag-isipan mong mabuti, Caleigh. Magandang babae si Veronica. Hindi ka na din lugi do'n. 'Yung katawan, panalong-panalo kaya bago ka maunahan bakuran mo na!" tinapik ni Drei ang braso ko. "Mauna na ko. Pag-isipan mong mabuti!" sigaw nito nang makasakay na sa jeep.

Naiwan akong mag-isa at tulala dahil sa pinahayag ni Andrei. Miski nga ang pag-uwi ko sa bahay ay hindi ko namalayan sa lalim ng iniisip ko.

Wala namang masama kung susubukan mo...subok lang naman.

KINABUKASAN AY maaga akong nagising kahit na late na ko nakatulog sa pag-iisip ng gagawin ko ngayong araw. Inayusan ko talaga ang porma ko dahil gusto kong magpa-impress kay Veronica dahil kung tama ang sinabi ni Andrei ay malaki ang pag-asa kong maging nobyo ng dalawa. Napangiti ako habang nakatingin sa salamin.

Mabuti na lang at magaganda ang lahi ng mga magulang ko. Hindi na rin kahiya-hiya.

Inabot ko sa ibabaw ng tokador ang Lewis and Pear Scentshop: New York kong pabango. Nabili ko 'to sa Super8, mura kaya kinuha ko na.

Dala-dala ang lumang bag ay lumabas ako ng bahay. Maigi kong sinarado at ni-lock ang pinto. Nang matapos ay umalis ako agad.

May dala akong tatlong bungkos ng pulang rosas na nabili ko sa may palengke. Inilapit ko 'yon sa ilong ko. Mabango. Sana magustuhan ni Veronica. Kulay pula ang kinuha kong rosas dahil alam kong pula ang favorite color ng babae dahil minsan na niyang nai-kwento 'yon sa'min noon.

Sa backdoor madalas dumaan si Veronica para mas mabilis makapunta sa locker kaya doon na lang din ako dumaan. Nagbabakasakaling maabutan ko siya.

At hindi naman nga ako nagkamali dahil ilang dipa mula sa kung saan ako nakatayo ay kitang-kita ko ang babae. Nagtatali ito ng buhok habang naninigarilyo. Ayaw ko mang aminin pero ang hot niyang tingnan sa mga mata ko.

Nakangiti akong lumakad palapit sa kanya. Huminto ako sa tapat niya. Natigilan ito sa ginagawa at gulat na napatingin sa'kin.

"U-uy! Good morning!" masiglang bati niya sa'kin.

Inabot ko sa kanya ang bulaklak. "Good morning din," ganting bati ko.

Mas nanlaki ang mata ng babae nang makita ang mga bulaklak. Nagbaba-taas ang mata nito sa mukha ko at bulaklak.

"Sa-sa'kin 'to?" hindi makapaniwalang tanong niya nang abutin niya ang mga bulaklak. Tumango ako.

"Oo. Nagustuhan mo?"

Matagal hindi nagsalita si Veronica. Bagkus, inamoy nito ang bulaklak at doon lang nakaayon ang atensyon.

Medyo kinakabahan ako sa magiging sagot niya kasi paano na lang kung hindi, 'di ba? Yumuko ako. Mapapahiya ako. Gusto kong kutusan ang sarili. Sana pala hindi na lang ako nakinig kay Drei. Mukhang pal—

"Thank you dito, Caleigh. Ang ganda niya."

Sandali—tama ba ko ng narinig? Mabilis akong nag-angat ng tingin. Nakangiti sa'kin ang babae habang nakakagat sa pang-ibabang labi.

Napuno ng kumpiyansa ang dibdib ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tinabihan ko siya ng tayo.

"Buti nagustuhan mo," nakangiting sabi ko.

Tumango ito. "Salamat ulit. Maaga ka yatang pumasok."

Napakamot ako sa likod ng ulo ko. Talaga yatang tumatak na sa kanila ang palagi kong pagiging late kaya ngayon ay nagtatanong sila ng ganito.

"Sanay na sanay na kayong late ako, ah."

"Oo naman! Para ka nga daw Boss palaging late, pero ngayon mukhang bumabawi ka naman na."

"Syempre. Nagagalit na si Manager. Ano nga palang ginagawa mo dito sa labas? Wala kang kasama sa loob?" tanong ko saka tumingin sa nakabukas na pinto.

"Nagyoyosi lang. Gusto mo?" umiling ako. Malakas ako sa alak pero hindi ko sinubukan magsigarilyo. Sunog atay na nga ako susunugin ko pa'y baga ko.

"Hindi na. Nagyoyosi ka pala." Hindi kasi halata sa kanya totoo lang. Mukha siyang mabait at hindi makabasag pinggan.

"Hmm...matagal na. Bakit? Turn off?" natatawang tanong niya.

Natawa ako ng mahina, "hindi naman. Nagulat lang. Wala kasi sa ayos mo."

"Madaming nakapagsabi niyan," anito.

Pareho kaming natahimik sandali. Walang naglakas loob magsalita hanggang matapos si Veronica sa paninigarilyo. Nagkatingnan lang kaming dalawa na para bang nag-uusap kami gamit an gaming mga mata. Lumakad ito papasok sa loob kaya sumunod ako. Huminto kami sa tapat ng locker room.

Nakatingin ako sa mga mata niya at ganun din siya sa'kin.

Magkalapit ang mga katawan namin na miski ang hangin mahihiyang dumaan sa gitna.

Tumikhim ako.

"Ahm...may gagawin ka ba mamaya pagkatapos ng shift mo?" mahina kong tanong.

Ngumisi si Veronica. "Depende sa kung anong gagawin natin."

Madaming beses akong napalunok dahil sa paraan nito ng pagkakasabi sa 'gagawin natin'. Ayokong mag-isip ng masama pero sa lagay namin ngayon ay parang tama lang ang hinala ko. Parang naging isang malaking oven ang paligid namin. Biglang uminit ang buga ng AC.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na hindi nakasagot. Nalulunod ako sa mga tingin niya.

Marahang naglalapit ang mga mukha namin, at nang isang hibla na lang ang layo ay bigla na lang pabalyang bumukas ang pinto. Malakas akong naitulak palayo ni Veronica dahil sa gulat. Napasalampak ako sa lapag dahil sa lakas noon. Inis akong tumingin sa may pinto.

Nakatayong natitigilan si Bryan na gulat ding nakatingin sa'min. Sinimangutan ko ang lalaki saka tumayo. Ipinagpag ko ang damit ko. Umiling ako.

"A-ano—so-sorry! Hindi ko alam na may tao pala. Hehe. Pagpatuloy niyo na y-yan," nauutal nitong sabi bago patakbong umalis.

Mas lalo akong napa-iling.

Tangina! Ayun na, eh! Tsk!

Nilingon ko si Veronica na ngayon ay pulang-pula ang mukha. Nakatingin siya sa'kin pero agad ding nag-iwas ng magtama ang mga mata namin.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis bago lumapit sa babae. Pilit akong ngumiti.

Siguro hindi talaga eto yung oras para mangyari 'yon. Mabuti na din sigurong hindi natuloy dahil baka isipin pa ni Veronica na hindi ko siya nirerespeto

"Magbibihis muna ako ng uniform ko, mamaya na lang ulit tayo mag-usap?" mahinahon kong tanong.

Nakayuko siyang tumango sa'kin. Napangiti ako. Ang cute-cute niya kapag nahihiya siyang gano'n. Hinawakan ko ito sa baba at itinaas ang mukha niya para magtama ang mga mata namin. Lumawak ang ngisi ko sa isip ko dahil kitang-kita ko ang pagiging kamatis ng mukha ni Veronica ng mas malapitan. Mas lalo itong gumanda sa paningin ko.

Inilapit ko ang labi ko sa noo niya at hinalikan siya doon. Ilang segundo kong pinalapat ang labi ko bago siya iniwan sa labas. Pumasok ako sa locker room at nagbihis. Nakangiti lang ako sa buong durasyon dahil sa saya.

Ngayon ay sigurado na kong may pag-asa ako kay Veronica.

Ang kaylangan ko na lang isipin ay kung saan ko siya dadalhin mamaya para ma-impress siya sa'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro