Special Chapter
This Chapter is Dedicated to Daisynot_EasyForyou
SPECIAL CHAPTER
PAPUNTA AKO ngayon sa House of Mental Illness. May dinner kami don with Ate Angeline. And I'm actually late. Kakagising ko lang kasi. Kakauwi ko lang from Korea.
I brought my gift for her. It's her birthday today.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita ko si Demani na naglalaro sa sala. Kasama niya ang anak ni Kuya Jonjie na si Daisy Mae. Yes, he have a wife si Ate Diana.
Nang makita nilang pumasok ako at ngumiti sila at kumaway. Lumakad ako palapit sa kanila at ibinaba sa table ang gift ko.
"Hi!" masigla kong bati sa kanila.
"Hi Tita!" sabi ni Daisy and she hug me. Gumanti naman ako yakap. Inilayo ko ang katawan niya at kinurot ang pisnge niya.
"How are you, baby?" tanong ko.
Ngumiti siya. Sa batang edad ay naka-brace na siya. May makapal na ring salamin.
"I'm fine, Tita! I been studying the Philippine Constitution nung panahon ni Marcos, Tita. And you know what I leanred so much!" sabi niya sakin.
Mahina naman akong natawa.
"Talaga? Wow, my little angel is so smart!" gigil kong sabi at hinalikan siya sa pisnge. Humarap naman ako kay Demani na busy-ng busy sa pagsusulat ng kung ano.
"Ate Demani is also studying ha." Sabi ko.
"Yes, kasi s-sabi ni Kuya. D-dapat daw ako mag-study para makapag-help din ako sa iba." Aniya.
Napangiti ako.
"Ambait ni Ate Demi." Sabi ko at hinalikan rin ito sa pisnge. Pagkatapos ay nagpunta ako sa kusina. Naabutan ko don si Kuya Jonjie at Ate Ash na nagpapahiran ng harina.
"Napaka-ano mo talaga, Jonjie! Nakaka-inis ka!" naiinis na sabi ni Ate.
Binelatan ni Kuya Jonjie si Ate. "Asar-Talo, Ash. Panget mo." Pang-aasar pa nito at sinabuyan ng harina sa mukha si Ate.
Natawa ako dahil don. Napatingin ako kay Ate Angeline na kausap sa gilid si Kuya Caligh. Ang sweet lang nilang tingnan dahil don. Para silang may secret relationship.
"Feeling ko talaga may gusto sila sa isa't isa tapos ayaw lang nilang aminin." Sabi ng kung sino sa gilid ko. Nilingon ko yon.
Si Yan-Yan. Nakasuot ng apron.
Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa na ngayon ay tumatawa na ng mahina.
"Oo nga eh. Ayaw pa umamin. Hindi na kaya sila bata." Sabi ko at tumingin dito.
"Akala mo si Kuya Caligh matapang eh. Torpe rin pala." Sabi niya pa.
"Sinong torpe?" mahinang tanong sa gilid ni Yan-Yan.
Andon si Ate Ash at kasunod ni Ate si Kuya Jonjie. Sunod sunod kami. Para kaming mag naninilip sa principal's office.
"Torpe? May ganun dito sa bahay?" Kuya Jonjie. Puro harina ang suot nitong damit at ang buhok nito ay maputi rin. Si Ate Ash naman ay puro harina ang mukha at may kaunti sa buhok.
Inginuso ni Yan-Yan sina Ate at Kuya na ngayon ay nag-uusap na may ngiti sa labi. Para bang may sarili na silang mundo.
"Antagal na nilang ganyan. Magkaka-anak pa kaya sila?" Ate Ash.
"Oo nga eh. Akala ko nung una ako lang nakakapansin." Sabi ni Yan-Yan.
"Imagine this, getting them married at the age of 89 and then magha-honeymoon pa." sabi ni Kuya.
Napailing nalang ako.
"Aaminin din yang mga yan. Wag niyong i-pressure. Malay niyo may anak na pala sila tinatago lang satin." Pagc-conclude ko.
Namimilog ang mata ng tatlo ng tumingin sakin. Para bang may sinabi akong makakapag-pabago sa buhay nila.
"OO nga hano?!" sabi nilang tatlo.
"Tapos yung anak nila magaling mag English kasi sa America dinala." –Kuya Jonjie.
"O kaya naman ay magandang bata. Baka itinago sa isla." – Yan-Yan
"Mga baliw! Paano yon eh lagi nating kasama si Doc?" – Ate Ash.
Napatigil lang kami sa pag-uusap ng may tumikhim. Napalingon kami sa gawi nila Ate Angeline. Naka-cross arm ang dalawa habang nakataas ang kilay at nakatingin samin.
Naiilang kaming napangiti.
"HI!" sabi nila.
Napatawa lang ako at nag-taas ng kamay tanda ng pagsuko.
"At ano naman ang pinag-uusapan ninyong apat? Para kayong ewan jan." sabi ni Ate Angie.
Naglayo layo kaming apat. Ako ay nagpunta sa tapat ng ref at kumuha ng tubig. Silang tatlo ang humarap kila Ate.
"Eh kasi naman, Ate. Para kayong may sariling mundo." Sabi ni Yan-Yan.
"Oo nga. Umamin nga kayo." Sabi ni Kuya Jonjie. "May kayo ba?" tanong niya.
Tumingin ako sa dalawa at tiningnan ang reaction nila. Animo mga na-estatwa sila at kapwa namula.
"A-Ano bang sinasabi mo Jonjie?! Anong kami?!" ani Ate Angie.
"Ayieeeeee" tukso nila.
"Next year mukhang may bagong ikakasal na naman ah." Sabi ni Ate Ash.
"Naol!"
"Awit!"
Napatawa ako sa kanila. Kakaiba talaga sila.
"Tigilan niyo na si Anj, walang kami." Mahinag sabi ni Kuya Caligh. Napatingin kami dito.
"Weh?" biglang sabi ko at napatingin sila sakin. Napatakip ako sa bibig ko dahil don.
Napatawa ang tatlo at namula ang dalawa. Nag-peace sign ako sa kanila saka naglakad palabas ng kitchen. Nagpunta ako sa second floor. Nagtungo ako sa terrace at umupo sa may upuan don. Tumingin ako sa langit na puno ng stars. May moon din. Biilog na bilog ang buwan.
ILANG ORAS AKONG ANDON PAGKATAPOS AY tinawag ako ng hapunan na. kumain kaming lahat. Ang saya namin. Sina Ate Ash ay kasama ang mga asawa. Tapos si Yan-Yan ay may boyfriend na kasama. Ako single pa rin. Tatlo nalang daw kaming naiwan.
Tinutukso-tukso nila ang dalawa. Kesyo magpakasal na daw si Ate Angie at Kuya Cal. Pero namumula lang ang dalawa at halatang may tinatago. Siguro yung feelings nila. Nahihiya pa siguro.
Napailing nalang ako habang pinapanood sila. Ang saya nila. Ang saya-saya nila. Ang saya saya namin. We toast to our selves
Napaka-thankful naming lahat kay ate Angie. Kung di niya kami tinulungan ay siguro wala kaming lahat dito. We might fall.
Mga madaling araw na ng mapagpasyahan naming magsi-uwian na. Yung mga nalasing dahil sa wine ay dun na natulog ako ay nagpumilit umuwi dahil may lakad ako bukas.
Madilim ang kalsada at wala na halos sasakyan. Tahimik.
Nang makarating ako sa bahay ko ay sinarado pumasok agad ako. Mag-isa lang ako dito. Sina Mama ay sariling bahay. May katulong na nagpupunta sa araw para maglinis at maglabas pero mag-isa na ako after that.
Sinarado ko ang gate ng maipasok ko ang sasakyan ko. Nagtataka ako ng may humintong itim na van sa harap ng bahay ko.
May lumabas na mga lalaki. Kinabahan ako.
Binilisan ko ang pagsasara ng gate. Pero bago ko pa ma-lock ay malakas na itong sinipa mula sa labas para bumukas. Napausad ako at napaupo sa lapag.
Lumapit sakin ang mga lalaki at pinalibutan ako.
"ANONG KAYLANGAN NIYO?!" malakas kong sigaw para may makarinig sakin.
Hindi sila sumagot. May inilabas silang panyo. Nanlaki ang mata ko. Alam ko na kung ano yon. Mabilis akong tumayo at sinubukang makalagpas sa kanila pero walang nangyari.
"TULONG! TULONG! TULONG! TULONG! TULONG!!!!!!!!!!!" paulit ulit kong sigaw pero walang nangyari. Sinubukan kong sapakin ang isa sa kanila pero hindi natinag.
Lumapit sakin ang may hawak ng panyo at itinakip yon sa ilong ko. Nanlaban ako sa pagkakahawak nila sakin at pinagsisipa sila.
"HMMMMMMM!!!!!!!!"
"Hawakan niyong mabuti yan mga gago! Baka makawala!" sigaw nung isa.
"HMMMM"
Unti unti akong nanghina. Nakaramdam ako ng hilo at ang huling nakita ko lang ay ang mukha ng pinaka-Boss nila.
Nakangisi lang siya sakin.
Hindi ko akalaing magagawa niya sakin 'to.
Hindi ko akalaing ----
Ang huling naalala ko ay naramdaman ko ang paglutang ko at nawalan na ako ng ulirat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro