Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue


Yey! andito na tayo sa Epilogue HAHAHHA. thank you sa pagbabasa ng Anxious!

love lots!





EPILOGUE

"Someone told me that money will not change me. It only brings the real me. And since that day? I can't forget that. It haunt me always. I don't know why. Pero totoo siya. Yung akala mo mabait kasi pinapakita niyang mabait siya? Hindi pala. Sa gitna ng kagipitan. Pag mawawala na ang pera, don mo makikita ang totoong siya." Sabi ko sa mga batang kaharap ko ngayon.

Nakikinig sila sakin. Nandito ako ngayon sa isang bahay ampunan na pinatayo ng team namin. Sinasagip namin ang mga batang nasa lansangan. Pati mga matatanda. We use this to repay for what we have now.

"Ate Tin? Bakit po hindi niyo makalimutan yon?" inosenteng tanong ni Len-Len.

Tumingin ako sa kanya. "Hindi ko rin nga alam, Lenlen eh. Pag nalaman ko kung bakit sabihin ko sayo ha." Sabi ko sa kanya.

Tumango siya sakin at tumawa. Gumaya ang ibang bata at nagsitayuan na sila. Mukhang mga mag-lalaro na naman. Napailing nalang ako. Bago kasi sila magsi-alisang lahat ay itinabi muna nila ang mga papel at Crayola nilang ginamit kanina para sa pagkukulay.

Ang saya lang nilang panuorin. Kasi hindi na nila kaylangan magtrabaho sa gitna ng kalsada. Hindi na sila makikipag-patentero kay kamatayan. Bata lang sila.

Tumayo na rin ako sa pagkaka-upo ko at iniligpit na ang mga ginamit naming libro at lapit. Ang mga papel at lapis na walang nagmamay-ari.

Ang tagal na rin simula ng sabihin sakin ni Tita Maggie yon. Its been what? 10 years?

Yeah, 10 years na simula nong araw na mas pinili namin ang tahimik na buhay. Naka-graduate na ako at isa na akong abodaga. Hindi ko akalaing magiging ganito ako ka-successful ngayon. I have my own house, own car. Money.

Lahat ng pinapangarap ko lang noon na sakin na ngayon. Nakakapunta na ako sa ibang bansa. Nakakagala at nakakabili ng kung ano mang gusto ko.

At higit sa lahat, nasuklian ko na si Mama. yung maliit naming bahay noon sa Sta. Monica ay iniwan na namin. Pinapa-upahan nalang sa ngayon. May sarili na kasing bahay si mama. well, kasama naman niya don si Aly.

Nag-aaral pa rin ito dahil mas gusto nitong mag-doctorate. Kumuha ito ng BS Psychology. Gusto raw niyang makatulong sa iba. And I'm so proud of her.

Lumakad ako paalis ng lugar na yon at pumasok sa bahay ampunan. Malaki ang pinagawa naming bahay. Kasya ang maraming bata. May mga hinire rin kaming mga tauhan. Puno ng CCTV ang lugar para ma-sure ang kaligtasan ng mga bata.

Ayaw naming inaabuso sila. Dahil anong laban nila diba? Kumpara samin ay mahihina pa sila. Makukulit pero mahihina pa.

"Good afternoon po, Ms. Tin."

"Good afternoon, Ate Tin."

"Hi Ate Tin!"

Bati sakin ng mga nakakasalubong ko at nginingitian ko lang sila. Nagtuloy ako sa office naming lima. Yes, lima. Kami kami nila Kuya Jonjie.

Nang makagraduate si Yan-Yan at napagkasunduan naming magtayo ng bahay ampunan. Ang nakukuha naming pondo galing sa donasyon at ang ibinibigay namin galing sa sarili naming mga bulsa ay napupunta sa mga bata. Ang iba ay napapag-aral pa namin ng high school at ng college.

Hindi kasi namin sila pinipigilan mangarap. Karapatan nila yon at sino kami para hindi tumulong?

Pagkapasok ko ay lumakad ako papunta sa table ko at umupo sa swivel chair ko. Sumandal ako don at pumikit. Day off ko ngayon pero andito ako at tumutulong.

Ilang sandali akong ganun ng magpakawala ako ng buntong hininga at dumilat. Nakita ko ang picture frame. Napangiti ako. My second family.

Kuha ito ng graduation namin ni Yan-Yan. Andon sina Ate Angeline, Kuya Jonjie, Demani, Kuya Caligh at si Ate Ash. Kaming pito yon. Nakangiti kami at groupie ang larawan.

"Baka naman matunaw yan dahil sa titig mo."

Mawala ang attention ko sa larawan at napunta sa may pinto. Nandon si Kuya Caligh. Siya ang toka sa pag-tuturo sa mga batang magtatapos na ng grade 6.

Ngumiti ako sa kanya.

"Hi. Kanina ka pa?" tanong ko. Iniiwasan ko ang tanong niya sakin kanina.

Umiling lang siya at pumasok na rin. Naglakad ito papunta sa table niya at umupo sa upuan.

"Kadarating ko lang. Hinatid ko kasi si Demi sa school niya kaya ngayon lang ako." Pagpapaliwanag niya.

Tumango ako sa kanya at tumango na. inayos ko ang mga gamit ko.

"Aalis kana?" tanong niya sakin.

"Opo. May lakad kami nila Ate Ash ngayon." nang maayos ko na ang gamit ko ay humarap ako sa salamin ko at naglagay ng make up. Nag-retouch kumbaga.

"Sige. Ingat." Sabi niya.

Ngumiti lang ako at kinuha ang bag ko. Lumakad na ako palabas ng office namin, naglakad ako paalis. Wala ng makakasalubong dahil yung iba ay nasa kwarto na nila or sa classroom.

Nang nasa labas na ako ay nagtungo ako sa kotse ko at sumakay don. Pinaandar ko paalis ang sasakyan at nag-punta sa mall kung saan kami magkikita kita. Dapat kasi ay pupunta kami ng Bora ngayon kaya lang ay may mga meeting silang importante.

Mall nalang kami kesa magpunta sa malayo.

Nang makarating ako don ay halos 2 hours din. Naipit kasi ako sa traffic. Maaga na ang 2 hours na pagkakaipit ko don. Bumaba ako ng kotse at ini-lock ko. Naglakad ako papunta sa pinto ng mall at pumasok. Dumaan muna ako sa guards at kinapkapan ako.

Kinuha ko ang phone ko at di-nial ang number ni Yan-Yan. Nakailang ring din bago niya sinagot.

"Nasaan na kayo? Nandito na ako." Tanong ko sa kanya habang naglalakad. Iginagala ko rin ang tingin ko sa paligid.

"Malayo pa ako. Give me half an hour. Andiyan na ako." Sabi nito at ibinaba na ang tawag. I roll my eyes. As always, late ang loka.

Napailing nalang ako. I dial next Ate Ash number. Nag-ring na. wala pang isang ring at sinagot na niya.

"Andito na ako sa isang boutique. Second floor." Sabi ni Ate Ash.

I ended the call and naglakad papunta sa escalator. I step in and hinintay makapunta sa second floor. Nang andon na ako ay nagpunta ako sa boutiques na pwede niyang pasukan. Nasa last na siguro ako ng makita ko siyang namimili ng dress.

Lumapit ako sa kanya.

Lumingon siya sakin. Ngumiti siya pero ibinalik rin ang tingin sa mga damit.

"Nainip ako sa paghihintay kaya naglibot na ako." Sabi niya sakin habang namimili.

"It's okay. Matagal pa rin naman si Yan. Ang sabi niya half an hour daw. Sa tingin ko ay di lang ganun yon." Sabi ko at namili na rin ng damit.

"Hays, siguro nagpunta sa boyfriend ang babaita kaya wala pa." sabi niya pa at tumawa. Napatawa nalang din ako.

Tumingin ako sa kanya. May dala na itong tatlong paper bags from different boutiques.

"Let's go. I'm hungry. I want to eat." Sabi ko sa kanya.

"Okay. Let's go." Sabi niya at hinila na ako palabas ng boutique. Nagpunta kami sa isang coffee shop sa loob ng Mall. We ordered coffee and cake.

HALOS ONE HOUR bago dumating si Yan-Yan. Nakasuot ito ng isang fitted pants and isang crop top.

Umupo siya sa tabi ni Ate Ash.

"Dumating ka pa." natatawang sabi ni Ate Yan.

Hapong napa-upo si Yan.

"Ate, kung alam mo lang. ang traffic kaya." Maarteng sabi ni Yan at kinuha ang cake ko. Kinain niya ito. It's okay with me. Diet ako at ayoko ng masyadong sugar.

"Okay. Finish your food then kain na tayo ng lunch." Sabi ni Ate.

We both okay with that, she tells us what happened to her day yesterday. After we eat our lunch ay nagpunta kami sa boutiques kahit na nakapasok na don si Ate kanina. Namili kami ng mga damit and undies and some nighties. After that, nagpunta kami sa mga appliances at kung ano ano alang ang mga binili. Ganun din sa ibang shop pa sa mall nahalos malibot namin.

I CAN CALL IT a day. I throw myself to my bed.

Pagod na pagod ako. Nalibot namin ang buong mall and kung ano ano lang ang nabili namin. Nakatitig lang ako sa kisame.

Dati, kapat tumititig ako sa kisame ay dahil may anxiety ako. Na parang don ko mahahanap yung sagot. Na ramdam ko noon ang kalungkutan. Minsan naman ay wala akong maramdaman.

Pero iba na ngayon. wala na akong anxiety. After all this years. Nalagpasan ko rin siya. I'm finally free. Akala ko hindi na ako sasaya but now? I'm more than happy.

And that's because of Ate Angeline. She helped us. She doesn't leave me when I'm in the point of my life that I want to die.

Napangiti ako.

And I'm Kristine Dela Cruz Morales. I'm Anxious before but now I'm free again.

Signing off. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro