Chapter 9
CHAPTER NINE
Mabilis namang nakabalik si Dino. Dala na niya ang mga ingredients para sa gagawin namin ni Tita. Agad naming na-baked ang muffins. Nung huli kasi kaming gumawa nito ay medyo palpak or di pa gaano kaayos pero ngayon ay okay na.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Wala pa rin kasi si Mama, nasa San Nicholas pa. Baka mamaya maya pa maka-uwi yun.
"By, ano ginawa mo kanina sa school?"
Napatingin ako kay Dino na nakatingin lang sakin. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya.
"Bakit mo natanong, by?"
Kumunot ang noo niya.
"Masama bang malaman kung anong ginawa ng girlfriend ko sa school? Bakit may umaaligid ba ulit sayo? Ano yung teacher mo?" maanghang niyang tanong.
"Nag-tatanong lang kasi ako."
Galit siyang tumayo at masamang tumingin sakin. "Pwes, wala ka sa lugar mag tanong! Ayaw mo nalang sumagot. Uuwi na ako!" asar niyang sabi at iniwan ako dito sa loob ng kwarto ko.
Hindi ako makapaniwalang nilayasan na naman niya ako. Ganun lang? Dahil dun lang? Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa mata ko. Kinagat ko ang lower lip ko at pinilit tumayo. Sinarado ko ang pinto na iniwan niyang bukas at nilagyan ng harang.
Iniwan niya ako. Iniwan niya ako sa taong alam niyang ayokong maiwanan mag-isa.
Inaantok ako. Sumasakit ang ulo ko pero hindi ko magawang matulog dahil wala pa si Mama. Ako lang mag-isa. Ayokong matulog. Baka bangungutin lang ako.
Pero hindi ko nasunod.... unti unti akong nilamon ng dilim...
Second day na ng pag-babantay ko kay Lola. Medyo malungkot lang ako dito kasi nakikita ko siyang nahihirapan.
Umupo ako sa may gilid niya at pinag-masdan siya. Tulog na tulog siya. Napangiti ako ng maliit. She's so peaceful.
Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-vibrate yun. Si Dino, tumatawag siya sakin. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at sinagot yun.
"Hello?"
"Nasaan ka?"
"Nandito sa hospital. Ikaw ba?"
"Bakit nandiyan ka pa? Akala ko ba uuwi kana dito?"
Napatingin ako kay Lola na tulog pa rin. Tumayo ako at lumayo ng kaunti. Nag-punta ako sa loob ng CR at dun nakipag usap kay Dino.
"Hindi nga ako makauwi." ani ko sa kanya. "Walang mag-aalaga kay Lola. Anong gusto mong gawin ko? Iwan ko siya dito?"
"Bakit hindi? Wala bang ibang mag-aalaga jan. Di man lang kita mapuntahan. Ni hindi tayo makapag-kita ah" angal niya.
"May dumdalaw naman. Kaya lang ako nga ang naatasang mag-bantay. Saka lagi naman tayong magkasama." pagdadahilan ko.
"Tangina naman! Ako yung boyfriend mo pero mas inuuna mo yang lola mo?" aniya na may bahagya ng pag-sigaw.
Kumunot ang noo ko at medyo kumuyom ang kamao. Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
"Look, I cant just leave her here. Alone. Yes, you're my boyfriend, my boyfriend who needs to understand me. My boyfriend who can just givin' me some support than ranting me about your feelings! Did you asked me If I'm okay?! NO!" sigaw ko. "Puro nalang sarili mo! Sarili mo! I cant even believed na nag-aaway tayo dahil nandito ako!"
Narinig ko ang pag-mumura niya sa kabilang linya. "Tinatanong naman kita ah? Sinususportahan naman kita. Iniitindi kita. Kaya lang ang lakas at taas ng bilib mo sa sarili mo. Para kang ewan! Napaka-manipulative mo!" ganting sigaw niya.
Napa-awang ang labi ko. "Wow! Ako pa ngayon ang manipulative?!" sigaw ko with full force dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. "How about you? What do you call yourself? Patron of all manipulative?"
"Tangina! UMUWI KA NALANG KASI DITO!"
"AYOKO NGA! Hindi pwede!"
"Uuwi ka o mag-hihiwalay tayo?" pananakot niya sakin.
Napatigil ako dahil don. "Are you blackmailing me?"
"I don't have no choice"
"Of course you have. But you choose to pick that low fucking option than to understand me and be patient. Do whatever you want. I don't care." pagka-sabi ko non ay binaba ko na ang tawag. Pumikit ako at humawak sa lababo.
Nakayuko ako at tumutulo ang luha ko. Dumiin ang pagkaka-hawak ko sa gilid ng lababo. My fist are turning pale now.
I let a deep sigh. I cant be like this here. Lola might see me crying or my eyes are swollen. I washed my face and looked myself in the mirror. A ugly lady, a manipulative one... the one who is b---
Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Lola. Nag-punas ako ng mukha at lumabas. Nakita ko siyang nakatingin sakin. Kahit pilit ay binigyan ko pa rin siya ng ngiti.
"Bakit po, La?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
Kahit nanghihina ay pinilit niyang mag-salita. "S...sino ang kausap.. mo... k-kristine?" tanong niya.
Napa-iwas ako ng tingin. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya. "Tin.... tinatanong ki..ta"
Napabangon ako ng marinig ang galit na boses ni mama. Napayuko ako dahil sa panaginip ko. Dinalaw na naman ako. Dahan dahang tumulo ang mga luha sa mata ko. Dahil sakin yun. Dahil sakin lahat yun. Hindi ko man lang siya natulungan.
Sa gitna ng pag-iyak ko ay may malakas na pwersang nag-bukas sa pintuan ng kwarto ko. Nakita kong natumba don ang Mama ko na dahilan ng pag-bilis ng kilos ko at dinaluhan agad siya. Nakita kong putok ang gilid ng labi ni Mama.
Galit akong humarap kay Tito Andy na nasa mata pa rin ang galit.
"Walanghiya ka! Wala ka na nang naitutulong dito sa bahay nananakit ka pa!" sigaw ni mama.
Galit na lumapit si Tito Andy at animo sasampalin ulit si mama ng humarang ako at galit siyang sinigawan.
"Subukan mong saktan ang mama ko! Ipapa-baranggay kita!" sigaw ko habang pilit na tinatapangan.
"Wag kang sumali dito, Kristine! Lumayas ka diyan!" sigaw niya at tinabig ako na para bang isang magaang bagay lang. Lumapit siya kay Mama at sinabunutan ito.
"Ma!" sigaw ko.
Nag-aaway silang lumabas ng kwarto ko at lumalaban si Mama. Sumunod ako sa kanila at nakitang tinulak ni Mama ng malakas si Tito Andy.
Walang ibang tao dito sa bahay kundi kami. Wala ang mga anak nito dahil umuwi sa Nanay nila. Kaming tatlo lang.
"LUMAYAS KA DITO!!! WAG KA NG BABALIK! WALANG HIYA KA! LUMAYAS KA! MAG-HIWALAY NA TAYO! P*TANGINA KA!" sigaw ni Mama habang umiiyak na rin. Lumapit ako sa kanya at pilit siyang pinipigil.
"Ma, tama na."
"TALAGANG LALAYAS AKO RITO. WALA KANG KWENTA! MAG-SAMA-SAMA KAYO NG MGA WALANGHIYANG ANAK MO!"
"AKO PA WALANG KWENTA?! IKAW NGA YANG WALANG MATINONG TRABAHO! WALA KA MAN LANG IBINIBIGAY PARA SA BAHAY! P*UTA KA! WALA KANG KWENTA!" sigaw ni Mama.
Hindi na nagsalita pa si Tito Andy at lumakad na paalis ng bahay namin. Si mama ay iyak ng iyak at nang yayakapin ko ay bigla nalang niya akong tinulak. Lumayo siya sakin at hindi na ako kinibo.
Tumingin ako sa pinto kung nasaan si Aly na may dalang paper bag na mukhang may lamang pandesal. Nagtatanong ang mga mata niya pero hindi ko nalang sinagot dahil alam na niya ang nangyari.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Mama na nasa gilid at umiiyak. I feel sorry for her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro