Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

CHAPTER EIGHT

"Tin, bat ka sumigaw kanina?"

"Totoo bang may nakita ka raw na multo?"

"Okay kana ba?"

"HOY! Pag-paghingahin niyo kaya si Ms. President."

"Tumahimik na kayo!"

"Tama na!"

"Ay, yung straw nag-salita"

Hindi ko alam kung paano ako nakaka-tagal sa ingay na meron ngayon dito sa classroom namin. Nung bumalik ng lunch ay ganiyan na ang tinanong sakin.

Lihim akong umirap dahil akala mo naman ay sincere sila sa mga pag-tatanong nila sakin ng ganiyan. Akala mo mga close kami. Kanina pa ako naiirita pero pinipigilan ko yung sarili kong mag-taray sa kanila. Ang lakas ng mga loob para kausapin ako. Sa unang pagkakataon.

Pumasok si Sir. Paulo sa classroom at nag-turo na. Habang nag-tuturo siya ay hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Si Dino rin kaya mag-aalala ulit sakin ng todo tulad noon?

Na-mi-miss ko na si Dino. Malapit siya pero napakalayo niya. Hindi ko na siya maaabot. Sa loob ng isang taong pag-sasama namin ay ramdam ko na. Ramdam ko na yung pag-babago niya.

"Kristine"

Napa-kurap ako at tumingin sa kung sinong tumawag sakin. Kay Sir agad bumaling ang atensyon ko.

"Yes, sir?"

"Okay ka na ba talaga? Baka masam pa rin ang pakiramdam mo. Pwede ka naman namin bigyan ng gate pass or mag-pa-sundo ka?"

"Hindi na po, Sir. Okay lang ako. Sorry po" sagot ko at umayos ako ng upo.

Tumango siya. "Nasaan nga pala si Astrid? Hindi ko siya nakikitang pumapasok. Is she okay?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Di po alam, Sir. Di po siya nag-re-reply sa chat ko eh." sagot ko. Muli siyang tumango sakin ulit at bumalik na ang atensyon sa pag-tuturo.

Huminga ako ng malalim. Sana matapos na ang araw na 'to. Gusto ko ng umuwi. Ayoko na dito. Puro sila plastic.

SIGURO ay may angel sa tabi ko at mabilis na sinagot ang dasal ko. Ngayon ay pauwi na ako. Kina Dino na ako dederecho dahil walang ibang tao sa bahay ngayon. Si Tito Andy lang, hindi naman ako pwede ron na mag-isa lang. Wala na rin naman si Aly para samahan ako.

"Para po" ani ko at nag-abot ng ten pesos na bayad.

Bumaba ako at nag-tuloy kina Dino. Nakita ko sa labas si High. Yung aso nila.

"Hi baby!" bati ko. "Ang cute cute naman ng baby na yan." gigil na ako habang hinahaplos ang balahibo ng aso nilang si High. Ang cute niya kasi. Malaking aso na kulay white na may kaunting brown sa balahibo.

"Sanaol bine-baby" sabi mula sa harapan.

Napa-angat ako ng tingin at nakita si Dino na nakangiti sakin habang nakasandal sa pader na malapit sa pintuan nila. Napangiti ako sa kanya. Ngumiti din siya sakin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sakin imbes na yakapin ako or batiin ng maayos.

May kirot sa dibdib ko at pag-tataka sa isip pero hindi ko na pinansin. Ang importante naman ay magkasama kami. Na andito na ulit ako sa tabi niya. Kasama ko na.

"Walang ibang tao sa bahay eh. Si Tito Andy lang kaya dito na muna ako." sagot ko at lumapit ako sa kanya. "Pahugas ako ng kamay."

Tumingin lang ito sa may pinto na sinasabing pumasok na ako. Kaya ginawa ko. Pumasok ako sa loob at nakita kong puno ang piso net nila.

Nag-tuloy kami sa kusina at andon si Tita. Ngumiti ako sa kanya.

"Tin! Andito ka pala!" aniya.

Lumapit ako sa may lababo at nag-hugas muna ng kamay ng maayos para naman hindi amoy aso ang kamay ko pag nag-mano ako kay future mother-in-law.

"Opo." ani ko at nag-mano dito at tumingin sa ginagawa niya. "Wow. Mag-b-bake po ulit kayo?" tanong ko.

"Hahaha. Oo. Tulungan mo ako ha. Abay may pagka-maayos yung gawa natin nung nakaraan. Baka ngayon ma-perfect na natin. Pabibilhin ko si Dino ng iba pang gamit" aniya pa.

Lumawak ang ngiti ko at tumango sa kanya.

Inutusan nito sandali si Dino at naiwan akong mag-isa dito na kasama siya. Medyo intimidating dahil nga Mama ni Dino kasama ko. Alam ko namang may mas better sakin na naging girlfriend si Dino. Alam kong mas may pinaka nagustuhan si Tita.

Hindi ako yun. Sure na yun. Kaylan ba may nagka-gusto sakin na hindi ako iniwan? Kasi naman, mas may matalino pa sakin. Mas may magaling. Mas may maganda. Mas may better. Sino lang ba ako?

"Hija, ano nga ulit yung strand mo?" tanong ni Tita bigla.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng maliit. "ICT po"

"Iyan ba yung sa mga computer-computer?" aniya.

"Opo."

"Si Dino eh magaling diyan. Sa mga pag-gawa gawa ng computer o kaya naman ng mga electric fan. Kaya nga niloloko namin na hindi na namin kaylangan pumunta sa pagawaan dahil sa kanya eh pwede na. Mag business nga kako kami"

Napatango ako. "Pwede naman po. Kaya lang po yung pag-aaral din ni Dino kasi hindi naman po pwedeng madalian yung pagawa kasi busy din siya. First year college po." ani ko.

Napatango naman siya sakin at hindi na ako kinibot ulit. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-bukas ng facebook. Kanina ay gusto kong sumama kay Dino. Binubulong ko na sasama ako sa kanya pero ayaw naman pumayag.

Ang weird lang. Sanay naman ako ng tahimik pero kakaiba yung katahimikan na 'to. Ewan ko kung bakit.

Mag-a-out na sana ako ng mag-pop ang pangalan ni Papa sa screen ng messenger ko. Mabilis kong binuksan yun para mabasa ang chat niya.

Papa's girl ako bata palang ako.

Papa: Tine, nasaan ka?

Me: Nasa kina Dino. Walang tao sa bahay eh. Ayokong mag-isa don.

Papa: nandiyan dyan kn nng nkrn andyan ka na naman?

Napatigil ako dahil sa chat niya. Bakit parang galit pa siya sakin. Ano na naman kayang kasalanan ko? Mabilis akong nag-type ng reply ko sa kanya.

Papa: bat ka nag-seen lang?

Me: handale nag-ta-type ako ng reply q

Me:Si Tito Andy lang kasi andon. Ayokong kasama yun sa bahay na ako lang mag-isa. Baka mamaya eh paringgan na naman kami o ako nun.

Me: sinasabi nga, Pa, wala daw siyang pake samin ni Aly kasi hindi naman niya kami anak. Basta raw mga anak niya makakain.

Me: abe, minsan si Dino na nagbibili ng bigas namin saka ulam kasi walang binibigay samin si Tito Andy. Pati kay mama walang binibigay.

Pagsu-sumbong ko dito. Alam kong magagalit si Papa sa nalaman niya pero gusto kong malaman niya ang lagay namin ni Aly, di nga kami inaalila dito, pinpatay naman kami sa gutom.

Papa: ano ginagawa ni mama mo?

Papa: magkano ba pagkain niyo ni Aly? Malakas ba kayong kumain? Diyan na nga kamo sila nakikitira mga anak niya tps di kayo papakainin?

Me: nasa 1000 yung pinaka mababa kasi kakain kami ng 3 beses isang araw. Tas mga pang-break pa namin ganun.

Papa: osige, ssbhan ko Tita mo.

Papa: umuwi kana.

Pagkatapos ng huling sinabi niya ay nag-out na siya. Di na rin ako nag-reply at si-neen nalang ang chat niya. Hindi muna ako uuwi kapag wala pa ron si Mama. Gabi na uuwi yun eh. Uuwi nalang ako kapag talagang gabi na.

Nag-out na rin ako at binalik sa bag ang cellphone ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro