Chapter 6
CHAPTER SIX
"By, sorry na talaga." sabi ni Dino habang nandito kami sa kwarto ko sa bahay. Ilang araw matapos ang eksena namin sa may Sto. Nino ay pumunta siya sakin at humingi ng tawad.
Busy daw at stress siya sa school kaya naman ganun nalang ang mga nasabi niya sakin. Masama pa rin daw ang loob niya non dahil nga sa pag-over stay ko sa mang-Tita ko. At ngayon nga? Nandito siya sa tabi ko at yakap ako.
" Bati na tayo. Sorry. Hindi ko na uulitin" sabi pa niya.
Naka-pout akong tumingin sa kanya. Naka-puppy eyes ang loko at animo sobrang nahihirapan. Bakit ako marupok? Kaya ko ba siyang tiising hindi kausapin ng ilang araw pa?
"Sana kasi intindihin mo ako, Dino. Alam kong hindi madali na nagtatago tayo sa mga kamag-anak ko sa Calumpit. Alam kong mahirap sa part mo yun dahil legal ako sayo. Pero legal ka rin naman sakin, kilala ka ni mama. Nakaka-punta ka rito kahit anong oras.... kay papa, kilala ka niya" mahina kong paliwanag.
Tumango-tango naman siya sakin. "Naiintindihan ko, by. Kaya nga sorry na. Bati na tayo."
Tumango rin ako sa kanya at gumanti ng yakap. Maliit akong napangiti dahil naramdaman ko na naman ang init ng katawan niya.
"Baby, sorry. Alam ko namang kasalanan ko. I don't want to be in this situation too but I don't have a choice"
"Opo. Wag mo na isipin yun. Baguhin mo nalang sa susunod"
I sigh silently. At last, were okay. I cant lose this man. He's the only one who believed in me.
Ilang sandali pa kaming nasa ganun posisyon ng marinig naming may kumatok sa may pinto. Humiwalay ako kay Dino at lumapit sa pinto. Binuksan ko at tumambad sakin si Mama. Naka-kunot ang noo at nakapa-mewang.
"Bakit po, Ma?" tanong ko sa kanya.
"Nag-bigayan na ng card sa school ng kapatid mo, sa inyo ba? Wala pa?" tanong niya.
Napakamot ako sa ulo ko. "Ma, wala pa. Sa last day pa ng first sem ibibigay yung card namin. Twice a year lang daw po yun"
"Lintik naman na yan!" mura niya na bahagya kong kina-igtad. "Bakit ganun yung sa kanila?! Ganun ba kapag private! O baka naman hindi ka pumpasok sa school?! Baka mamaya ay dahilan mo lang yan para hindi ko makuha yung card mo!"
Napa-yuko ako. Nakaka-hiya kay Dino na sigaw-sigawan ako ni Mama sa harapan niya. Lumingon akong bahagya kay Dino. I apologetically smiled at him. I don't want him to see me in a situation like this.
"Ma, tinanong ko rin sa kanila yun. Ganun daw sa kanila. Twice a year lang makukuha yung card. Ayaw kasi nilang may makalipat ng ibang school. Sabi ko naman sayo. Hindi sila nag-tuturo dun pag pumapasok kami. Wala na ngang pumapasok eh" sumbong ko sa kanya.
Bwisit din kasi yung school na yun. Nung nag-hakot ng mga students sa school namin dati akala mo talaga ay maganda ang school nila. May pa-libreng jumper pa raw sa first 100 students. May aircon pa eh wala namang hangin.
Yung jumper namin may mga naka-angat pa na sinulid.
"Punyeta ka kasi! Hindi ba sinabi kong huwag ka ng mag-aral sa private! Problema na nga yung pambayad mo tuwing exam, problema pa yang baon mo! Tas ngayon mag-re-reklamo ka! Dapat talaga hindi ka na jan nag-aral. Napaka-tigas ng ulo mo!" aniya at nabigla ako ng hinampas niya ako sa braso.
"Ma!"
"Tita!"
Sabay halos naming sabi ni Dino dahil sa lakas ng hampas ni mama. Napahawak ako sa braso ko. Naramdaman ko ang pag-lapit sakin ni Dino at hinawakan ako sa braso.
"Wag kang maarte! Hampas lang yan! Bwisit ka! Wala ka ng naitulong sa bahay na ito! Pareho kayong mag-kapatid! Wag ko lang malalaman na nag-sisinungaling ka sakin, Kristine! Makakatikim ka talaga sakin!" sigaw niya at tinalikuran na ako.
Naka-awang ang labi ko. Hinampas niya na naman ako dahil lang don. Dahil lang sa card? Kinagat ko ang lower lip ko at humarap kay Dino. Yumakap ako sa kanya at pinigilan ang sarili kong umiyak.
Hinaplos naman ni Dino ang likod ko at inalo ako.
"Shh... okay lang yan. Wag mo ng pansinin si Tita. Masakit ba?" marahan niyang tanong at inilayo ako ng bahagya sa kanya.
Tumingala ako sa kanya at umiling. Physical pain is nothing compare what she said to me. Ginusto ko bang mabuhay? Hindi naman di ba? Bakit parang kasalanan ko pang nabuhay ako? Bakit parang dapat pa akong matuwa dahil binuhay niya ako. Sana ay hindi nalang niya ginawa kung isusumbat niya lang din sakin.
"O-okay lang." mahina kong sabi at lumakad papunta sa kama ko at umupo don. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-cellphone. Scroll up and down. Pero wala naman don ang focus ko.
"By, wag mo nalang pansinin. Hayaan mo na yun" para bang bale-wala lang sa kanya. Syempre, wala lang sa kanya yun. Hindi naman siya yung sinabihan ng nanay niya na walang silbi. Hindi naman siya yung minura at sinaktan ng physical.
Nakakatawa nga. Sa mahinang hampas ay ganito na ako. Sanay naman na ako. Mahina pa nga yan. Hampas palang yan. Wala pa yan sa ginagawa niya samin ng kapatid ko noon.
"Dino, pwede bang umuwi ka muna? Sumakit bigla yung ulo ko."
Tumingin siya sakin na para bang hinahanap yung sagot kung nagsasabi ba ako ng totoo. Ilang sandali lang siyang naka-titig sa mata ko bago ako hinalikan sa pisnge at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa kwarto ko.
Dun bumuhos ang luha ko. Bakit ba ganito? Bakit ba ang hirap hirap? Napahawak ako sa dibdib ko habang piping umiiyak. Nagsisikip at hindi ako makahinga. Naliligo na ako sa sarili kong pawis. Kinuyom ko ang kamao ko at humiga sa kama.
Namaluktot ako at don umiyak. Inisip ko ang mga dahilan kung bakit ganito sakin ang magulang ko. Bakit ako ang nasa ganitong sitawasyon. Kung bakit ba kinaylangan kong pag-daanan lahat ng ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro