Chapter 44
CHAPTER FOURTY-FOUR
PAGKA-uwi ko sa bahay ay sinalubong agad ako nina Mama at Aly. May nakahandang pagkain sa lamesa. Nakangiti sakin si Mama.
"Andito kana pala." Sabi niya at lumapit sakin. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti pero walang buhay ang mga mata ko. Nag-bless ako sa kanya.
"Magpapahinga na po ako." Sagot ko sa kanya at lumakad papunta sa kwarto pero bago pa man ako makapasok don ay nagsalit na si Mama.
"Kristine, mag-usap naman tayo." Paki-usap sakin ni Mama. Nanatili akong nakatalikod at nakatayo don. Hinihintay ko siyang magsalita.
"Nung nalaman ko yun, wala na talaga akong balak sabihin sayo dahil sa pagkakaalam ko ay pag-aaralin ka naman nila. Makukuha mo na rin yung parte mo sa paraang yon dahil gusto mong maging abogada. Kuhang kuha mo na yung parte mo don. Pero nung pinalayas ka nila... naghangad akong kuhanin yon."
Lumingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sakin.
"Ma, hindi ko na po alam yung mararamdaman ko." Pag-amin ko. "Pagod na pagod na ako, Ma. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako, maiinis, magagalit o maiiyak." Humawak ako sa pader upang kumuha ng balance dahil pakiramdam ko ay matutumba ako.
"I feel so empty."
"I'm sorry."
Sabay naming sabi.
"Sorry kasi naglihim ako sayo. Hindi ko alam na magkakagulo. Kung alam kong magkakaganito ka edi sana sinabi ko sayo. Alam kong mali pero sorry. Yun nalang yung kaya kong ibigay dahil hindi na natin makukuha ang mana mo. Lumayo nalang tayo sa kanila." Aniya. Alam kong mahirap sa kanyang kumayo sa sarili niyang mga kamag-anak pero gagawin niya yon para sakin?
"T-Talaga?" di makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya sakin at ngumiti ng maliit.
"Hindi ba't sinabi nung Doctora na kaylangan mong lumayo sa mga taong yon? Lalayo tayo. Hindi lang ikaw. Tayo. Hindi na tayo magpapaapi sa kanila—"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at tumakbo ako payakap sa kanya. Gumanti din siya ng yakap sakin. Nagtawanan lang kami ng maghiwalay kaming dalawa.
"Group hug?" tanong ni Aly na kakatapos lang sa pagc-cellphone. Natawa kami ni Mama at ibinuka ang mga braso namin upang yayain siya ng group hug. Patakbo siyang lumakad at niyakap kami.
At nag-group hug kaming tatlo. Masaya. Nagtatawanan. i... the emptiness just gone.
Sabay sabay kaming kumain ng dinner. Masaya lang kami. Nag-aasaran. Tapos nag-umpisa si Aly na magkwento kung anong nangyari sa araw niya na bihirang mangyari samin. Kaming magkapatid ay hindi ganun ka-vocal sa nararamdaman namin.
Napag-alaman ko rin na talagang nakipag-hiwalay na si Mama kay Tito Andy. Kakayanin na raw niya mag-isa sa pagpapalaki sa aming magkapatid kesa naman sa paulit-ulit kaming masaktan pare-pareho. And I'm happy with her decision. Natauhan na rin.
PAGKATAPOS NG hapunan ay napagpasyahan naming mag-bonding para naman may memories kami with each other. Hindi raw namin madalas nagagawa 'to kaya mabuting gawin na. Si Aly ang namili ng panunuorin namin. I suggest her the movie 'Teeth' but she said its was gross.
Ang napag-pasyahang panuorin ay ang 'After: We Collided'. Natatawa nalang ako dahil may mga sexy scene ang movie na yon. And I think nag-e-enjoy si Mama. napakaloko ng kapatid ko.
"Meron niyan sa Wattpad, hindi ba?" tanong ni Aly. Tumingin ako sa kanya at nagkibit balikat.
"Hindi ko sure pero sa umpisa ata andon yung logo ng Wattpad eh."
"Search ko nga."
"Ang pogi nung bata. Ilang taon na kaya yan?" biglang singit ni Mama na kinatigil namin ni Aly. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Bakit, Ma? Crush mo?" malokong tanong ni Aly.
Sinamaan siya ng tingin ni Mama. Umirap din ito na kinatawa ko at ni Aly. Animo teenager na nahuli kung sino ang crush.
"Porke tinanong yunge edad, crush na? Ako nga Aly, tigil tigilan mo." Ani Mama at binalik na ang tingin sa TV.
Napatawa kami ni Aly lalo. Nagkailingan lang kaming dalawa pagkatapos ay nanuod na. mga bandang 1 am ay napagpasyahan na naming matulog lahat dahil may mga pasok pa kami bukas. Si Mama ay mukhang consistent talaga dahil bago matulog ay chineck muna ang pera niya para sa puhunan bukas.
Bago ako matulog ay nakatitig lang ako sa kisame. Pagkatapos ng ginawa kong 'yon ay natulog na ako. Nagising ako bandang 7 am. Wala ng tao sa bahay namin pero may note naman don si Mama na umalis na daw sila ng maaga.
May naiwan ng almusal para sakin pati na rin ang baon ko. Kumain ako sandali at kumuha ng box na luma. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit na hindi ko na ginagamit or ibinigay sakin. If I want to forget those people I need to remove the stuffs they give or something I can remember them.
Nang matapos ako ay nagpunta na ako sa banyo para maligo. Malamig ang tubig kahit mainit ang panahon. Saktong sakto dahil naiinitan ako, puro ako pawis kanina. Madami akong gamit na ipapamigay o kaya itatapon kapag walang kumuha.
Nang matapos maligo ay nagbihis na agad ako. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Syempre ni-lock ko muna ang pinto bago tuluyang umalis. Bitbit ko na rin ang box. Medyo mabigat dahil madaming laman yon at pinagkasya ko lang.
Sumakay ako ng trike at nagpahatid sa may Sto. Nino. Pagkatapos ay bumaba ako. Iniwan ko sa may waiting shed don ang box. Bahala na kung may kukuha or wala. I don't need it anyway.
Sumakay na ako ng jeep. Hinintay pang mapuno bago umalis. Hindi ko inaasahan pero nandon si Dino at sumakay din. We're studying in the same University and we're living in the same Baranggay so, talagang magkikita kayo. Siya ang unang nag-iwas ng tingin.
May kaunting pagkailang pa sa pagitan naming dalawa dahil siguro sa nangyaring closure. Dapat nga wala na eh. Pero may pagka-ilang pa rin akong nararamdaman.
Nang makarating kami sa school ay nag-hiwalay kami ng landas na para bang hindi kami magkakilala o hindi man lang nagkaroon ng relasyon and its fine with me.
My day just started when our prof decided to give us a long surprise quiz. And it took me a minute for that to sink in. I didn't study last night so what I'm going to do? And kaylan pa nagkaroon ng surprise quiz at sinabi before mangyari yon?
Hindi ganung naging madali ang quiz dahil nga hindi kami nakapag-aral. May iilang mababa ang score at yung iba mataas.
Ang sumunod naming klase ay puro lang lesson. Hanggang sa matapos yung araw namin. Wala pang PE dahil wala pa yung teacher namin. Pagkatapos ng lunch ay sabay kaming nagpunta ni Yan-Yan sa likod ng school.
"Bakit ba dito ang tamabayan mo?" tanong sakin ni Yan-Yan.
Tumingin ako sa kanya. "Siguro, kasi dito ko natatagpuan yung kaunting peace na kaylangan ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro