Chapter 43
CHAPTER FOURTY-THREE
ONE WEEK na simula ng malaman ko ang totoo. One week ko na ring hindi masyadong kinikibo si Mama. Nagtataka na nga ang kapatid ko dahil sa kinikilos ko. Pero I didn't give her the answers for that. Ayoko. She might think that our Abuela is having a favouritism among her grandchildren. Among us. She might think that Abuela doesn't love her because of that.
She thinks na nga na black sheep siya ng family. Iniisip niyang hindi na siya love dahil sa favouritism na nagaganap.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga pasyenteng nagpapahangin sa may garden. Nandito ako sa House of Mental illness. Walang pasok kaya nandito ako.
"Kung bibilangin lahat ng ginawa mong pag-buntong hininga ay kukulangin ang mga daliri ko sa kamay." Ani ng malaking boses sa likod ko.
Tumingin ako dito gawin ang peripheral vision ko. It was Jonjie, we became more closer now. He's acting like my brother.
Lumakad siya palapit sakin. Tumabi siya ng tayo sakin. Siya lang siguro ang kumakausap sakin madalas ngayon. Si Ashley kasi ay busy kaya wala dito. Kaya kami ang magkatulong ngayon.
"Bilangin mo rin gamit ang daliri mo sa paa." Sagot ko sa kanya.
Tumawa ito ng mahina at pinatong ang kamay niya sa ulo ko. Mataray kong inalis ang kamay niya. Siguradong guguluhin na naman niya yon gaya ng nagiging gawi niya.
Inirapan ko siya at tinawanan niya lang ako. Naiinis ako. Bakit ba siya tumawa?
"Ang saya mo naman." Naiinis kong turan.
"Syempre. Kung magiging malungkot ako edi wala ng magpapasaya sayo." Sabi ni Kuya Jonjie.
Napaisip ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Baka lumala lang yung nararamdaman ko kung pati siya ay magiging malungkot. Baka pareho na kaming ma-depress kapag nagkataon.
"Sorry ah." Sabi ko gamit ang malumanay kong boses. Napangiti ako ng maliit sa kanya. "May iniisip lang kasi ako."
"Okay lang, naiintindihan kita. Napagdaanan ko rin naman yan." Sabi niya.
"Hindi ba sinabi mong... pinapa-imbestigahan ni Doc yung nangyari kay Lola?" tanong ko.
Tumango siya at humarap sakin. "Oo. Bakit? May napag-alaman ka ba?"
Nagpakawala ako ng buntong hininga at tumingin sa kanya. Humarap din ako. Am I ready to tell him? Should I trust him?
"Si Lola.... Nalaman ko nung nakaraan na m-may.... Iniwan siyang mana sakin." There I've said it.
Napatango siya sakin. "Mabuti naman at sinabi mo sakin." Hinawakan niya ako sa braso at hinila papasok ng kabahayan. Napatingin ako sa pinto. Iniwan namin ang mga inaalagaan namin sa labas.
"Nung nakaraan napag-alaman kong pagka-alis mo ay dumating ang mang Aunt mo and they stay there over night."
May kakaiba sa boses niya ng sinasabi niya sakin yon. P-Parang may pag-hihinala.
"Kinakabahan naman ako sa sinabi mo."
Huminga siya ng malalim. "Well, hindi pa natin sigurado pero baka bago namatay ang lola mo ay nag-away sila. Hindi ko pwedeng pagbintangan nalang sila dahil wala pa tayong malakas na ebidensya."
Tumango ako. "Naiintindihan ko po."
"Don't worry. Yung tungkol sa mana mo. Aayusin ko yon—"
"Hindi na kaylangan! Hindi ko kaylangan ng pera nila."
Di makapaniwalang nakatingin siya sakin.
"Hindi mo pa alam kung gaano kalaking pera ang makukuha mo pero tinatanggihan mo na?" aniya sa hindi pa rin makapaniwalang tanong.
Napatiim bagang ako. "Anong silbi ng pera nila kung habang buhay nilang aalipustahin ang pamilya ko? Sa kanila na yon. Hindi ko yon kaylangan."
Tinap niya ang balikat ko at ngumiti sakin. Ilang sandali kaming ganun ng tumango siya at pumasok na sa loob ng bahay. Siguro ay napagtanto niyang hindi niya ako mapapapayag na kuhanin ang manang iniwan sakin ni lola. Bumalik ako sa may garden at dun nag-isip isip.
NAPANGITI AKO NG MAIWAN KAMING DALAWA NI YAN-Yan dito sa sala. Kakauwi lang kasi nung ibang mga pasyente. Yung iba naman ay natulog na sa taas. 7 pm na. late na alam ko pero nakapag-paalam naman ako. Saka ayoko pa rin talagang umuwi sa bahay namin.
Wala namang mangyayari don. Hindi naman kami mga magkikubuan. Kaya bakit pa ako uuwi don?
"Parang malungkot ka na naman?" tanong ni Yan-Yan.
"Kaylan ba ako sumaya?" tanong ko at hinarap siya.
Napanguso siya at tiningnan ako. "Sorry naman. Dapat happy ka lang!"
I let out a sigh. Yeah, I should be happy pero masakit pa rin kasi sa dibdib. Syempre, I thought were okay. I thought were good. I know she's or they keeping secrets from me but this is more serious. May kinalaman ako don tapos hindi nila sasabihin?
Umupo ako sa may sofa at sumandal sa sandalan. Ipinatong ko rin ang ulo ko at yumuko. Nakakapagod sobra.
Naramdaman ko ang pag-lubog ng kabilang bahagi ng sofa. Alam kong si Yan-Yan yon dahil kaming dalawa lang naman ang nandito sa ibaba.
"Patawarin mo na kung kay kasalanan siya sayo." Sulsul niya.
Idinilat ko ang mata ko at tumingin dito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Mukha kasing hinuhuli lang ako ng babaeng 'to.
Nagkibit balikat siya at ngumuso. Sumandal din ito, ginaya ako. Magkatinginan kaming dalawa.
"Napapansin ko kasi yung kilos mo. Tapos minsan nakikita kitang may kausap sa cellphone, malamig ang pakikitungo mo." Sagot niya. Napatango ako at umiwas ng tingin. Tama naman kasi siya. May mga pagkakataong nakaka-usap ko si Mama sa cellphone tapos ay sasagutin ko ng malamig.
"Dapat patawarin mo na sila. Siguro nga may nagawa silang pagkakamali. Pero lahat naman ng tao ganun, di'ba? Nakakagawa tayo ng pagkakamali, araw-araw. There's always a room for mistakes." Dagdag pa niya.
Hindi ko siya pinansin at nakikinig lang. Yap, tama siya. There's always a room for mistakes.
"Bakit ikaw? Madali ba sayo ang magpatawad?" wala sa sariling tanong ko.
Humarap din ito sa may pader. "Minsan. Depende. Kasi may mga pagkakataon na madaling patawarin yung isang kasalanan, kaylangan mo lang tingnan ang ibang detalye o yung ibang side. Minsan naman kasi may mga kasalanang matagal bago makalimutan o mapatawad. Kahit saang side mahirap."
"Yeah."
"Nasa sa iyo naman yan kung gusto mo ring magpatawad."
"H-Hindi ko pa alam." Namamawis ang kamay ko. Tumingin ako dito. Nakatingin siya sa kawalan katulad ko kanina. "Ang hirap kasing magtiwala kapag nasira na. Hindi mo na maibabalik sa dati."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro