Chapter 42
CHAPTER FOURTY-TWO
NANIGAS ang katawan ko sa narinig kong sinabi ni Mama. A-Anong?... M-Mana?!
Hindi na ako nakapag-pigil pa at lumabas na sa pinagtataguan ko. Nakita ko sina Mama at Tita Maggie na magkaharap at hindi pa napapansin ang presensya ko.
"WALA SIYANG KARAPATAN!" gigil na sigaw ni Tita.
"NAPAKA-WALANGHIYA MO! MAKASARILI KANG BRUHA KA!" sigaw ni Mama.
Nagsisigawan lang sila ng kung ano anong masasakit na salita sa isa't isa. Pero ako? Nandito sa harap nila at hindi pa nila napapansin. Wala pa siguro si Aly dahil nagagawa nilang mag-usap ng ganito kalakas ang boses at parang walang pake sa mundo.
"Hindi siya makakakuha ni sentimo sa pera ng Mama ko, Melissa! Wala kayong matatanggap!" pagbabanta niya pa sa Mama ko habang dinuduro duro niya.
Kung sa ibang oras o ibang panahon ito nangyari ay baka ipinagtanggol ko pa si Mama, pero hindi. I'm still in shock because of what I just have learned. Wtf!
"Makasarili ka talaga!" madiing sabi ni Mama.
Ngumisi lang si Tita na para bang tinatanggap niya yon bilang isang compliment.
"Matagal ko ng alam, Melissa. Kaya pagsabihan mo yang anak mo na huwag makisawsaw sa pamilya namin. She lost her chance." Nang-uuyam niyang sabi at tinalikuran na si Mama.
Pero pareho silang nawalan ng kulay sa mukha ng makita nila akong nakatayo sa harapan ng pinto at nakatingin sa kanila. Hindi na nila kaylangan magtanong dahil sigurado akong alam na nilang kanina pa ako nandito base sa hitsura ko.
Unang naka-bawi si Tita Maggie at tumikhim. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Mama na nakatingin lang sakin. Hindi ko siya magawang bigyan kahit ng simpleng ngiting aso. Wala ako sa mood ngayon.
"Narinig mo lahat?" mataray na tanong ni Tita.
Biglang nag-init ang ulo ko. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Akala ba niya mukha siyang kontrabida sa K-drama? Napailing ako sa kanya at kinuyom ang kamao ko.
"Kaya pala.... Galit na galit ka sakin. Kaya pala ganun mo nalang ako tratuhin simula ng mamatay si Lola. Mas lumala." Tumingin ako sa mga mata niya. "Mana lang pala ang dahilan." Malamig kong turan.
Ngumisi siya. "Feeling matapang?"
"Alisin mo na yung Feeling."
"Tin, pumasok kana sa loob. Mag-uus---"
Pinutol ko ang sinasabi ni Mama. "Ayokong pumasok sa loob Ma!" pasigaw kong sagot. Tumingin ako dito. "Napag-usapan na natin nila Doc. Kaylangan ko silang iwasa---"
"Ginagawa ko! Kaya siya nandito ay gusto niya akong papirmahin ng kasunduan na wala kang makukuha sa mana mo sa Lola mo!" mariin niya pa ring sabi at tumingin kay Tita at tinuro ito. "Hindi ako pumayag! Dahil ang walanghiyang yan ay walang dapat makuha kay Tita!"
Humarap si Tita at mabilis na sinampal si Mama na kinapitlag ko. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Mama na sapo ang pisnge niya. Dinalawang hakbang ko ang paa ko upang mabilis na makalapit kay Mama.
"Ma" mahina kong saad habang nakatingin dito. Malakas yata ang naging sampal dahil tumunog rin yun.
"Sabig sa amin ang mana!!!!!! Wala kayong dapat makuha dahil hindi naman kayo anak! Pamangkin ka lang Melissa kaya huwag kang umasta na para bang anak ka rin! Kami lang ng kapatid ko ang may karapatan!" sabi ni Tita. Akma niyang sasabunutan si Mama ng madiin kong hawakan ang pulso niya.
"Huwag na huwag mo ng sasaktan ang Mama ko!" ani ko at tinulak ito palayo na kinatumba sa lapag. Gulat siyang napatingin sakin. Ang poot at makikita mo sa mga mata niya.
"Magkapareho kayong mag-ina! Puro walang kwenta! Puro cheap!" gigil niyang sabi habang tumatayo.
"Anong silbi ng pagiging edukado kung wala ka namang respeto?" tumingin lang siya sakin na para bang nagkakataka. "Gaya mo. Edukado ka, tapos ng kolehiyo. May magandang trabaho at may mayamang asawa pero hindi pa rin yung sapat dahil wala kang respeto sa kapwa mo. Hindi ka makatao. Lalo mong pinatunayan ang pagiging hayop mo." Mapait kong sabi sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita dahil don. Nagngitngit ang loob ko ng makita ang namumulang pisnge ni Mama. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Kung nakakamatay nga lang ay kanina pa siya nakabulagta.
"Mukha kang pera." Mahina kong sabi pero alam kong dumating sa pandinig niya,
"Ano?!" gulat niyang sabi at akmang sasaktan ako ng tinabig ko ang kamay niya at galit na galit tumingin dito.
"Mukha ang pera." Madiin ang bawat pagkakasabi ko ng salita. "Kung sa tingin mo ay hahabulin ko ang pera mo. Dun ka nagkakamali. Angkinin mo na."
"Kristine!" pag-angal ni Mama.
"Wala akong pake sa mana na iniwan ni Lola sakin. Hindi mo rin naman madadala sa impiyerno yan." Nanginginig ang kamay ko habang nakataas at nakaturo sa labas ng pintuan ng bahay namin. Ang galit ko sa kanya ngayon ay matindi.
Kung pera lang pala ang dahilan ng lahat... sana sinabi na lang niya. Hindi ko naman kukuhanin yon. Wala akong pake don as long as hindi nila sasaktan ang pmailya ko. But. She. Crossed. The. Fucking. Line.
"Mabuti naman kung ganun. Hindi ko rin naman kasi kayo bibigyan. Nakakaawa lang. Kung sana naging mabait ka sakin. Baka sakali pa." aniya at sosyal na lumabas ng bahay namin.
Napatingin ako kay Mama na ngayon ay nakayuko. Lumayo ako sa kanya. Ilang sandali kong tiningnan ang ulo niya pagkatapos ay tumalikod. Lumakad ako sa may pinto.
Sinarado ko yon.
"Kaylan mo pa nalaman?" mahina kong tanong. Wala akong lakas para makipag-sigawan pa. gusto kong umiyak pero walang tumutulong luha sakin. Namanhid na ba ko?
"N-Nung libing ng Lola mo. Narinig ko silang nag-uusap tungkol don."
"At hindi mo man lang sinabi sakin?" may hinanakit sa boses ko. Nakatingin ako sa blangkong pinto.
"K-Kasi... dun ka naman mag-aaral kaya minabuti ko ng hindi sabihin—"
"KAHIT NA, MA!" pagpuputol ko sa kanya at humarap ako dito. "MA! Sana sinabi mo sakin! Sa tingin mo ba pag-iinteresan ko yung pera nila? Hindi! Sana naging honest ka man lang sakin!"
Hindi nakapagsalita si Mama at yumuko lang. Inilingan ko lang siya.
Betrayal.
Yan ang nararamdaman ko habang nakatingin kay Mama. She betrayed me. Alam na pala niya yon. Matagal na. Pero hindi man lang niya nagawang sabihin sakin.
Lumakad ako papasok sa kwarto at sinarado ang pinto. Ni-lock ko pa 'to para sure na walang makapasok ng walang pahintulot ko.
And the tear I'm waiting...
Fall down to my cheeks like a water falls.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro