Chapter 41
CHAPTER FOURTY-ONE
"Anong gusto mong sabihin para sa closure na yan?" malamig niyang tanong.
"Gusto kong ilabas yung kinikimkim kong inis o sama ng loob para sayo." Tumingin ako sa mga mata niya. "Kung gusto mo, pwede mo ring gawin yon. Ako kasi kaylangan ko 'to."
Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Dino pagkatapos ay tumingin siya sakin.
"Okay. Let's have our closure."
Tumango ako at iniwas ang tingin kay Dino. Tumingin ako sa malayo.
"Ang saya naman natin diba? Okay naman tayo non... b-bakit biglang nag-iba?" ang huling mga sinabi ko ay mahina pero sapat para marinig ng binata.
Pakiramdam ko ay nag-uumpisa na ang pag-iinit ng mga mata ko. Mapait akong tumawa.
"Ano bang naging mali nating dalawa?" mahina ko pang saad.
"Hm... hindi ko rin alam." Sabi niya na kinatingin ko. Nakatitig lang siya sakin ng magtama ang mga mata namin. "Siguro.... Dahil sa attitude natin?"
"Siguro. Dala na rin 'to ng pagtanda natin.. nagbabago tayo." Kinuha ko mula sa bulsa ng suot kong pants ang singsing na ibinigay sakin ni Dino noon. Commitment/promise ring namin yun. Inabot ko sa kanya yon.
" I think I should give this back to you."
Kinuha niya yon at tiningnan ako. "Bakit hindi mo nalang itapon? Bakit kaylangan mo pang ipamukha sakin na hindi mo na ako mahal?" mapait niyang sabi.
Umiling ako sa kanya. "Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya nagawang itapon." Inilagay ko ang magkabila kong balikat at niyakap ang sarili ko.
"Itapon mo nalang." Aniya at akmang ibabalik sakin.
"Ikaw nalang." Sabi ko. Napangiti ako ng maliit. "Okay naman tayo noon eh. Okay na okay. We love each other. We understand each other. Kahit na sabihing nag-aaway tayo noon ay mabilis rin nating naayos at mabibilang sa kamay."
"Oo nga. Tapos isang araw parang palagi nalang tayong nag-aaway." Aniya.
"Hmm... mas lumala lang nung namatay yung Lola ko. Ang sakit lang isipin na hindi mo nagawang maghintay non kahit na legal ka naman na sa mga magulang ko. Mas masakit yung nakadagdag ka sa mga iniisip ko." Umiwas ako ng tingin.
"Naiintindihan naman kita non, kaya lang napagod na ako. Lagi mo nalang akong itinatanggi."
Napailing ako saka napangisi. "Alam mo naman kasi hindi ba? Bawal akong mag-boyfriend hanggang hindi ako tapos ng college. Alam mo yan. Hindi ko inilihim sayo yan. Ikaw ang hindi makapag-hintay."
"Masakit rin kasing itago ka sa dilim"
"Kaylan ba kita itinago? Legal ka nga di ba? Legal ka. Kilala ka ni Lola bago siya mawala. Kilala na niya pero wala eh. Hindi mo ako inintindi. Mas ginusto mong masunod ka." Nananakit ang lalamunan ko dahil pilit ko itong pinapatatag. Yung mga luha ko ay gusto ng kumawala.
"Nag hihintay lang naman ako ng tamang panahon at oras para ipakilala ka sa kanila. Kaunting panahon lang." tumingala ako ng maramdaman kong tutulo na ang mga luha ko.
Napailing siya.
"Andiyan ka na naman sa mga dahilan mo. Ikaw kasi hindi mo naranasang itago eh. Hindi mo naranasan yon kasi kahit kaylan hindi ko ginawa sayo yon. Kilala ka ng mga kamag-anak ko at ng mga magulang ko. Pati kapatid ko close ka."
Napangiti ako at tumingin dito. Siya naman ang nag-iwas ng tingin sakin.
"Siguro nga. Oo nga. Ako na yung mali. Ako na yung may kasalanan. Pero hanggang dito nalang siguro talaga lahat para satin ngayon. Alam na nila Mama na wala na tayo. Wala nang dahilan para magpunta ka pa sa bahay. Yung mga naitulong mo samin wag kang mag-alala baba----"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay pinutol na niya ako. Nakatingin lang siya sakin at may sakit akong nababasa sa mga mata niya.
"Hindi mo na kaylangan bayaran yon." Sabi niya. "Hindi naman utang yon kundi kusang loob. Huwag mo ng ibalik dahil wala ka rin namang pagkukunan ng pera."
Napatango ako. "Thank you sa lahat. Lahat lahat ng naitulong mo sakin at sa pamilya ko. Hindi ko makakalimutan yon pero kaylangan na nating maghiwalay ng landas, I cant say forever dahil hindi naman totoo yon."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Pinisil ko pa yon. Nagtama ang mga mata naming dalawa.
"Thank you and I'm sorry sa lahat. This is my last apology to you. It's not my fault but I keep apologizing just because you were angry, you were jealous or after I did something you didn't like. I have anxiety.... I really often overthink but you did not understand me in that part. You didn't help me in that part of my life when I needed you, but it's okay. It's okay with me because it's over. Because I know it cant be returned and I don't plan to return it either. Because me? I think I have nothing short of you. Goodbye." Sabi ko sa kanya.
Ilang minuto kami sa ganun posisyon ng binitawan ko na ang kamay niya at tumayo na pagkatapos ay walang lingon lumakad paalis don. Gumaan na ang dibdib ko. Pagkatapos naman siguro ng lahat ng ito ay magiging okay na rin ang lahat.
Nakangiti ako buong araw sa school. This is the start of my new beginning.
NAPATINGIN ako sa pintuan ng bahay namin ng makitang bukas yon. Bakit naka bukas? Hindi naman kami nag-iiwan ng bukas na pinto kahit nasa loob kami ng bahay. Mas gusto naming sarado yon at kumatok nalang ang mga kakatok o gustong pumasok.
Mabilis akong lumakad papunta sa bahay namin. Habang naglalakad ay tinatambol ang dibdib ko sa sobrang bilis at lakas ng pintig nito. Kinakabahan ako para sa pamilya ko. What if may mangyaring hindi maganda sa kanila?
Napahinto ako sa may pader malapit sa pinto ng marinig ko si Mama na sumisigaw at may kausap.
"Wala kang kaparatan diyan! Alam mo yan Margareth. Huwag mo ng ipilit!" mariing sigaw ni Mama.
Kumunot ang noo ko. Anong pinag-aawayan nilang dalawa? Saan walang karapatan si Tita Maggie?
"Anong wala? I have all the rights! Ako ang anak! Sakin ang lahat ng mana ng Mama!" ganting sigaw ni Tita Maggie.
Kahit nagtataka ay napailing nalang din ako. Filipino toxic mindset, mag-agawan sa lupa na pamana. Psh. Kaylan kaya mababago yun? Dapat bang palaging magpatayan o kaya naman ay magkaron ng alipan sa pamilya dahil sa mga mana na yan?
Masama makinig sa usapan ng iba pero... anong magagawa ko? My curiosity will kill me kapag di ko nalaman pinag uusapan nila.
Nakinig pa ako at ang huling sinabi ni Mama ay ang naging dahilan para manigas ang buong katawan ko.
"WALANG SAYO! SA ANAK KO LAHAT NG YAN! KAY KRISTINE ANG BAHAY AT ANG MGA PERA NI TITA!" sigaw ni Mama.
What.... The.... Fuck?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro