Chapter 39
CHAPTER THIRTY-NINE
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang pag-iisip ko sa kung anong mangyayari kinabukasan. Nagising nalang ako sa alarm ng cellphone ni Mama. Gustuhin ko mang matulog ulit ay hindi pwede dahil iniwang bukas ni Mama yung ilaw para daw magising ako.
Bumangon ako at inayos ang hinigaan ko pagkatapos ay kinuha ang towel ko at nagtuloy na sa banyo. Mabilis lang akong naligo dahil na rin sa lamig ng tubig. Nanginginig akong lumabas.
Kung titingin ka sa labas ng bintana papaalis pa lang ang dilim at papasok ang liwanag. Siguro ay nasa mag-aalas-singko na. Nagsuot ako ng isang hoodie na kulay nude at short shorts. Naglagay ako ng light make up at lumabas na.
Naabutan ko si Mama na inaayos ang kusina namin. Nagtungo ako sa sala pagkatapos ko siyang tingnan ng ilang segundo. Umupo ako sa sala at tiningnan ang phone ko. Binuksan ko ito at nagbukas ng data. Nag-online na rin ako.
Nakita ko ang messages don ng dalawang ex ko. They're both trying to win me again but I don't want to anymore. I want to live my life without any stress and without any bullshit things or even person.
Binuksan ko ang chat ni Dino at binabasa ang mga nandon. As always, he's saying sorry and thank you's and I don't know anymore.
Pinindot ko ang type a message. Pero wala naman akong malagay ko. Iniisip ko kung tama ba ang gagawin ko. Iniisip ko kung ano ang consequences nito sa bandang huli.
Me: I want us to talk. Kaylan ka pwede?
Ise-send ko na dapat pero may pumipigil sakin. I delete my message and look at his messages. Hindi ko pa naman binubura ang mga old messages naming dalawa kaya nakapag-back read pa ako ng kaunti. Nabasa ko na naman yung mga chats ko sa kanya nung panahong handa akong magpaka tanga sa kanya.
Enough is enough.
I retype my message and I immediately send it to him para hindi ako makapag-bago ng isip. Inilagay ko na rin kung saan ay kaylan kami magkikita. Pagkatapos non ay hinintay ko ng matapos si Mama sa pag-aayos niya. Tinulungan ko rin naman siya.
Mga bandang 7 am ay dumating si Doc at may dala pang grocery at mga prutas.
"Miss, upo ho kayo." Sabi ni Mama at pina-upo si Doc sa upuan. Sumunod naman si Doc at nakangiti lang siya samin. Umupo siya. Ganun din ang ginawa namin ni Mama, magkatabi kami.
"Good morning po. Ako si Doctora. Angeline Cervantes, your daughters psychiatrist." Pagpapakilala ni Doc at naglahad ng kamay kay Mama.
Kahit nagtataka sa narinig ay tinaggap ni Mama ang kamay nito.
"Ako naman si Melissa. Nanay ni Tin." Sabi ni Mama at binawi na ang kamay. "Nag-almusal na po ba kayo? Kung gusto niyo po ay kumain muna kayo. Nagluto ako."
Umiling si Doc at tumingin sakin sandali bago ibinalik ang atensyon kay Mama.
"Salamat po pero hindi na. I'm still full. Bago ako umalis sa bahay kanina ay kumain ako." Tumingin ito sa may gilid kung nasaan ang grocery at prutas. "May dala ako para sa inyo. To help. Di naman siya ganung karami pero pwede na siguro yan." Sabi ni Doc.
Malaking ngiti ang ibinigay ni Mama. Mangiyak-ngiyak siya.
"Salamat, Doc. Malaking tulong na po yan saming mag-anak."
Ngumiti si Doc. "Mabuti naman kung ganun."
Ilang sandaling katahimikan ang namayani. Mukhang nakikiramdam si Doc. Dapat lang naman siguro dahil baka mamaya ay magalit si Mama.
Tumikhim si Doc at tumingin sakin. Para bang tinatanong niya kung ready na ba ako. Dahan dahan akong ngumiti sa kanya at tumango. Ngumiti ito at humarap kay Mama.
"Miss. Dela Cruz, andito po ako para ipaalam sayo ang lagay ng anak mo." Pag-uumpisa niya.
Mabilis akong tumingin kay Mama. Walang rekasyon ang mukha niya na kinakabahala ko.
"She's been suffering from Anxiety since 2019. Since her grandmother died. She have GAD or generalized anxiety disorder. It's a long term condition. Hindi po siya tulad ng simpleng anxiety na mawawala rin kaagad or makakaramdam ka lang if your nervous or excited or what. She's suffering more than we know---"
Pinatigil ni Mama sa pagsasalita si Doc sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay nito. Nakapyuko si Mama at para bang nag-iisip. Tumingin ako kay Doc na may kaba dahil sa walang kibong si Mama.
"Sinasabi ko po 'to sayo dahil karapatan mong malaman ang kalagayan ng anak mo---"
"Sinasabi mo bang baliw ang anak ko?" malamig na tanong ni Mama. Tumingin si Mama kay Doc. "Hindi baliw ang anak ko." Dagdag pa nito.
Umiling si Doc. "Hindi ko po sinasabing baliw ang anak niyo. Ang anxiety po ay hindi pagiging baliw." Sabi niya at tumingin sakin. "Iba po ang anxiety. Nagkaroon siya non nung namatay ang lola niya. I'm saying this to open your mind, Ma'am. I'm a doctor. Hindi ko ilalagay sa alanganin ang sarili ko lalong-lalo na ang mga pasyente ko."
Tumingin sakin si Mama. may nababasa akong kung anong emosyon don. Kinakabahan ako. Ang dibdib ko ay tinatambol ng malakas. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Paano nalang kapag hindi siya naniwala? Paano nalang kapag pinatigil niya si Doc at pinaalis? Anong mangyayari sakin? Paano na?
"B-Bakit ganito ang sinasabi ng babaeng yan, Kristine?" tanong niya.
Nag-iinit ang dalawang mata ko. Ang mata ko ay unti unting nanlabo dahil sa luha. Tumingin ako kay Doc. Tumango siya sakin kaya humarap ulit ako kay Mama. Dapat ko na sigurong sabihin talaga 'to sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay ni Mama at binigyan siya ng tipid na ngiti.
"Ma, naalala mo nung ako yung nag-alaga kay Lola?" pinunansan ko yung pisnge ko ng may tumulong luha don. "Kasi... sobra akong na-guilty tapos antagal bago mag-sink in sakin na wala na siya."
"Tin, tama na sa kung---"
"M-Ma... makinig ka, hindi pwedeng hindi mo 'to pakinggan kasi Ma. Pagod na akong magpanggap na okay lang ako. Pagod na akong kimkimin 'to sa sarili ko eh. Gusto kong makakapag-sabi ako sa inyo. Sayo. Na never akong mahuhusgahan."
Dun napaiyak si Mama. "H-Hinuhusgahan ba kita Kristine? Hindi ba't lahat ng ginagawa ko para sa inyo ni Aly? Prino-protektahan ko kayo." Umiiyak niyang sabi.
Napatango ako at pinunasan ulit ang luha ko.
"Ma, alam ko. Alam na alam ko. Kaya lang po iba 'to. Hindi 'to basta basta maaway. Hindi basta basta mapapaalis. Kaylangan ko ng tulong mo Ma. Kaylangan kita." Kinagat ko ang lower lip ko para hindi ako humikbi. "Nung namatay si Lola. Sila Tita sakin sinisisi yon. Hindi nila ipinapaalam sayo pero sakin oo. Kasalanan ko daw kung bakit nawala si lola. Tapos si Dino, Ma. Si Dino nasasakal na ako sa kanya. Yung school namin hindi ko alam kung may konsensya ba yung mga tao don.
"Sobrang stress. Sobra sobra ang ibinigay nila sakin. Hanggang sa minsan ay di na ako makatulog. Yung si Lola lagi kong napapanaginipan. Sila Tita. Natatakot ako, Ma. Hindi ako makapag-sabi kasi natatakot ako. Ayokong sabihan lang ako na nag-iinarte kasi wala namang nakakakita nung sakit ko. Walang nakakakita pero naririnig ko." Binitawan ko ang kamay nito at tinuro ang sintido ko.
"Ma, andito siya." Ani ko at paulit ulit na sinundot ang sintido ko. "Dito oh! Mas nakakamatay! Mas mahirap kalabanin at gamutin!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro