Chapter 38
CHAPTER THIRTY-EIGHT
Pagka-uwi ko sa bahay ay mabilis naglaho ang saya ko. Sumalubong sakin ang malalamig na tingin ni Tita Maggie.
Prente siyang naka-upo sa maliit naming sala at mukhang sadyang hinihintay ako.
Kunot noo akong pumasok sa loob ng bahay namin at napatingin kay Mama na kalalabas lang galing kusina. May dala itong juice at tinapay.
Tss, bakit bibigyan ang plastic na yan? Kapag ikaw yung bumibisita sa bahay nila akala mo mga walang laman yung ref sa kabaratan. Gusto ko sanang sabihin kaya lang baka mamaya ay magka-gulo pa.
"Uminom ka muna, Maggie." Narinig kong sabi ni Mama at ibinaba na sa may maliit na mesa ang juice at tinapay. Napatingin sakin si Mama at nabigla ng makita ako. "Andiyan ka na pala." Sabi ni Mama.
Tipid akong ngumiti sa kanya at lumapit. Nag-mano ako sa kanya at tumayo sa tapat ni Tita Maggie. May pagitan pa rin sa aming dalawa. Kaylangan kong mag-ingat. Baka mamaya ay manakmal nalang siya. Chour.
"Andito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay." Malamig na sabi ni Tita Maggie at ang mga tingin niya ay malamig rin.
"Aalis na muna ako." Sabi ni Mama at lumabas ng bahay.
Baka naman mag-yelo ako sa lamig ng pakikitungo mo.
"Bakit po? Sa pagkaka-tanda ko. Pinalayas mo ho ako sa bahay niyo dis-oras ng gabi." I said and my jaw clenched. I still remember that night. She insulted my mother in front of me. What a nerve she have to go here and act like a boss? Kakapalan na ng mukha yan.
Ngumiti siya ng plastic sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I saw disgust with it and a pity.
I raised my brow. Pity and disgust? She's more disgusting than me.
"Nabalitaan kong may nagpapa-aral daw sayo. Sino? Paano mo siya nauto?" aniya na may pang-iinsulto sa huli.
Binigyan ko siya ng isang matamis na sibangot. Hindi ko kaylangan plastikin ang katulad niya.
"Una po sa lahat, hindi ko siya nauto." Madiin kong sabi. "Pangalawa, ano naman pong pakialam niyo sa kung sinong nagpapa-aral sakin? Wala na po kayong pake don dahil wala naman po kayong business sa kanya." Ani ko.
"May pake ako dahil may niloloko kayong mag-ina. Alam ba ng nagpapa-aral sayo na wala kang utang na loob? Saka anong mararating mo sa pagkuha ng Legal Management? Gaano ka kasigurado na talagang makakapag-aral ka pa ng law?" may pang-uuyam sa boses niya.
"Wala na po kayong pake don, uulitin ko. Buhay ko po 'to. At anong maloloko? Baka po ikaw ang manloloko. Hindi lang manloloko, sinungaling pa." sabi ko.
Tumayo ito at galit akong dinuro. "Alam mo? Napaka walang hiya mo talaga!" gigil niyang sabi.
Saka lang ako ngumiti ng matamis sa kanya. "Hindi po ikaw ang unang nag-sabi." Matamis kong sabi.
Lumaki ang butas ng ilong nito at kinuha ang juice at mabilis pa sa kidlat na itinapon sa mukha ko. Napapikit ako at napa-ngiwi.
"Wala kang respeto! Sumasagot ka sa mamatanda! Wala ka pa namang alam! Bata ka lang!" sigaw niya.
Naiinis akong dumilat at tumingin sa kanya habang pinunasan ang mukha ko gamit ang kamay ko. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mata.
"Hindi po kawalan ng respeto ang sabihin ang totoo. Sinasagot ko lang po kayo dahil nagtatanong kayo. Kung wala po akong respeto hindi ko na gagamitin ang po at opo kahit sa inyo. Kahit sayo." Ipinagkadiinan ko talaga ang 'Po at Opo'.
Nag-ngitngit naman siya sa galit bago ako akmang sasampalin ng mabilis akong nagsalita. Nabitin sa ere ang kanang kamay nito.
"Sa oras na saktan mo ako. Sasampahan kita ng kaso. Child abuse ang gagawin mo." Sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya sakin. "Hindi kana bata. 18 ka na."
Ngiting aso ang iginanti ko sa ngisi niya. "Edi kakasuhan kita ng serious physical injury. Naalala mo yung sampal mo sakin noon? Nakuhanan ko yon ng picture. May CCTV sa harap ng bahay katapat ng satin. May video sigurado don at magagamit kong ebidenysa yon."
Ang kamay na naka-angat ay dahan dahang bumaba habang kita ang galit sa mukha niya. Mukhang hindi niya matanggap ang pagkatalo niya.
Kuyom ang dalawang kamao ay mabilis siyang naglakad palabas ng bahay namin. Sinundan ko lang siya ng tingin at nagba-bye pa.
Napangisi ako dahil pakiramdam ko ay gumaan ang dibdib ko. Nakahinga ako ng maluwag.
Tama lang ang ginawa mo. Paulit ulit kong sabi sa sarili ko.
Ilang sandali pa ako sa ganun pwesto ng napag-pasyahang magpalit. Nanlalagkita na rin ako dahil sa juice sa mukha at katawan ko. Ibinaba ko muna ang bag ko at saka nag-punta sa kusina. Kumuha ako ng basahan saka nagbalik sa sala. Pinunasan ko ang lapag na natapunan ng juice.
Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto at kumuha ng damit. Ibinabad ko na yung damit na natapunan ng juice dahil baka mamaya ay langgamin at mag mantiya pa. nag-half bath lang din ako.
Nang matapos ako ay naabutan ko si Mama na nanunuod ng TV sa sala. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Si Aly naman ay wala pa dahil daw sa may kaylangang bilhin sa bayan. Baka mamaya ay umuwi na rin yon.
Nakatingin lang ako sa kanya. Sasabihin ko ba?
Ilang sandali pa akong nakatingin lang dito hanggang sa lumingon siya sakin. Kumunot ang noo niya at nagtataka.
"Ano bang tinitingin mo diyan, Tin? Baka mamaya eh matunaw ako." Sabi niya at hiniaan ang TV.
Huminga ako ng malalim at yumuko. Kaya mo 'to. Para na rin sa sarili mo. Tumingin ako kay Mama.
"Naalala mo yung tumutulong satin ngayon, Ma?" tanong ko dito.
"Oo. Bakit?"
"Kasi gusto niya po k-kayong makausap."
"Ow? Kaylan daw? Nako, dapat makapag-handa man lang ng meryenda para sa kanya." Sunod sunod niyang sabi. Pero napatigil din.
"Kaylan nga pala siya pupunta? Para makapag-handa. Nakakahiya naman sa kanya kung hindi tayo mag-aayos." Sabi niya pa.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Bukas po, Ma. Maaga ata siyang pupunta dahil kaylangan sabay tayong dalawa. Para rin po hindi ako lumiban sa klase."
"Osige. Maaga nalang din kita gigisingin bukas kaya magpahinga ka na." sabi niya. Tumango ako at tumayo na. lumakad ako papasok sa kwarto at pabagsak na umupo sa kama.
"Malapit ka ng maging okay. Kaunting panahon nalang." Mahina kong sabi sa sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro