Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37


CHAPTER THIRTY-SEVEN

"Okay. I suggest you to tell this to your parents. Para mas maintindihan ka nila. And need rin nilang malaman ang mga pinag-dadaanan mo because they have all the rights kasi anak ka nila."

May alinlangan akong tumingin sa kanya.

"Doc, kung sakin lang po. Gusto kong sabihin sa kanila. Kaya lang natatakot ako sa gagawin nila. Natatakot ako sa sasabihin nila. Ayokong marinig sa kanila na sinasabihan lang ako ng maarte." Mahina kong saad.

"I understand you, Tin. Kaya lang we can't do this if hindi nila alam. As you can see. This may take a long process before you finally heal. We need them dahil dapat nilang malaman na dapat mong iwasan ang mga taong nagtr-trigger ng anxiety mo."

Kumunot ang noo ko. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"As you said, mas lumala ang nararamdaman mong lungkot noon dahil sa Aunt mo, sa boyfriend mo and sa school mo. Sa school, okay na. we can easily wiped them out of your life. Yung boyfriend, 50/50 tayo diyan kasi baka makita mo pa siya or magkasalubong kayo somewhere—"

"Schoolmate ko po siya. He is also studying at BSU. 2nd year college po." Pagpuputol ko. Umayos ako ng upo.

Tumango siya. "Okay. So nagkikita pala kayo."

"Opo. Sa totoo lang, nung nakita niyo akong nag-hihintay non sa waiting shed. Ang dahilan kung bakit di ako pumapasok sa school ay dahil sa kanya." Yumuko ako at pinaglaruan ang kamay ko. "Na-away po kami. Nagiging controlling and possessive na naman po kasi siya sakin that time and nasasakal ako."

Narinig ko ang pag-buntong hininga niya pero hindi ako nag-taas ng tingin. Ayokong tumingin.

"I think you need to have your closure with him." Sabi niya na kina-angat ko ng tingin. "Yes. Closure, Tin. You need to talk to him. You need to settle everything with him para mapalaya ang sarili mo. Hindi kita inuudyukan makipag-balikan ha. I'm just saying na you need to tell him your rant about him. Need mong pakawalan yang nararamdaman mo."

"P-Paano po kung ayaw niya?"

"Then it's okay. We will find another way para mapakawalan ang sakit na nararamdaman mo dahil sa kanya." Ani Doc.

Tumango ako. Siguro nga ay dapat na naming mag-closure. Dapat na rin naming isarado ang mga pinto para sa isa't isa.

"I hope you understand me."

"I understand you, Doc. Thank you." Mahinang sabi ko.

"That's good. And I want you to bring your mother here tomorrow."

"My mother?!" gulat na sabi ko.

"Yes, we will talk to her." Aniya at animo nag-isip dahil tumingin ito sa kisame. "Hmm... or I'm the one who will come to your house? So I can check your place and your surroundings." Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Tomorrow morning, I will go to your house. I will talk to your mother kahit ilang oras lang. Ang pasok mo naman ay 10 am di ba? Hindi ka male-late non."

Napangiwi ako. "H-Hindi---"

"I wont take no as answer, Tin. If hindi siya pwede bukas. Pwede ako sa susunod na bukas, sa makalawa, sa susunod na linggo o buwan. Basta kakausapin ko siya." Sabi niya with determination with her voice.

I nod to surrender. I can't do anything to stop her to talk to my mother. And who am I to say no to her? She's giving me a big favour for helping me and my family. And now, she's helping me to overcome my illness.

"Good." Aniya at tumayo na. Ngumiti siya sakin. "Let's go to kitchen. Andon si Yan-Yan." Sabi niya.

Pinunasan ko ang luha ko saka tumango.

"Okay na po si Yan?" tanong ko.

"Oo. Kagabi pa. mukhang nagiging okay na siya. I don't know what's happening to her nga. Dumadalas ang pag-papalit niya ng personality. I need to talk to her again." Aniya. Maririnig mo ang pag-aalala sa boses niya habang binabanggit ang tungkol kay Yan-Yan.

Maybe, she really love her as her own sister.

Nakangiting sabay kaming lumabas ng kwarto at nag-tungo sa kusina. Naabutan nga namin don si Yan-Yan. Nakasuot ito ng pink na damit at may head band na tengga ng rabbit at kulay pink din. Lumingon siya samin at ngumiti ng malawak.

"HI KRISTINEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!" hyper niyang tawag at lumapit sakin. Sinunggaban niya ako ng yakap ng mahigpit.

Gumanti naman ako ng yakap at ti-nap pa ang balikat niya. Narinig ko lang ang mahinang tawa ni Doc at nakita ko sa gilid ng mata ko na nag-tungo siya sa kaninang pwesto ni Yan-Yan para ituloy ang iniwang niluluto ng dalaga.

Ilang sandali pa kaming ganun ng si Yan na mismo ang maglayo ng katawan niya sakin at ngumiti ng mawalak.

"I miss you!" sabi niya sakin.

Sasagutin ko sana na magkasama kami kahapon kaya lang naalala kong hindi nga pala ito ang kasama niya. Ibang personality ang kasama niya.

"I miss you too. Ilang araw ka ring nawala ah." Puna ko. Napatango siya sakin.

"Oo nga eh. Kasi naman yung si Ayana kinuha yung control sakin, pero mabuti nalang at madaling kausap si Anna. Sakin ibinalik." Sabi niya naman.

Napatango ako kahit di ko siya gaanong maintindihan.

"Hay, sunog ang gawa mong pancake, Yan." Sabi ni Doc na kinalingon namin.

Napangiwi si Yan saka nag-peace. "Sorry na 'te Angge! Hindi ko kasi talaga makuha yung tamang timpla ng pancake." Sabi ni Yan habang nakanguso pa.

Napailing nalang si Doc at ngumiti. "Ano pa nga ba? Sige na. Ako nalang dito. Dun na kayo sa labas." sabi nito at tinalikuran na kami.

"Thank you, Master!!" magiliw na sabi ni Yan at hinala na ako palabas ng kusina. Nag-punta kami sa sala at pabagsak na umupo sa upuan.

Tumingin siya sakin habang naka-sandal sa upuan.

"So, kamusta ka? Parang narinig kong pumasok kayo sa mini office ni Ate Angge." Tanong niya.

Ngumiti ako. Yung totoong ngiti. "Okay lang. actually, nakatulong yung sinabi sakin ni Doc. Nakatulong sakin yung pagk-kwento ko ng nangyari sakin."

Napatango siya. "Mabuti naman. Alam kong malalagpasan mo rin yang sakit mo. Lahat dito. Gumaling dahil kay Ate Angge." May kislap sa mata ni Yan-Yan.

"Sana nga ay mag-dilang anghel ka na gumaling na ako."

"Oo naman. Mabait kaya ako."

"Hindi kaya scam yan?"

"Pasmado bunganga mo ah."

Natawa lang ako sa reaskyon niya. Nakangiti lang siya sakin. Nag-usap kami about sa buhay na hindi ko namalayan ang oras. Parang ang bilis mag-daan ng mga minuto. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro