Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35


CHAPTER THIRTY-FIVE

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng classroom namin. Wala pang gaanong student kahit na malapit na mag-start ang first class. Napahinga ako ng malalim at umupo sa pwesto ko. Okay na rin yung ganitong walang masyadong student. Walang maingay.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang first subject namin. Nag-lesson lang ito ng kaunti bago nagbigay ng quiz at assignment. Nakinig naman ako ng mabuti dahil hindi ko pwedeng biguin ang nagpapa-aral sakin. Nakakahiya kay Doc. Angeline kung babagsak ako.

"Okay. When I see you next week dapat ay alam niyo na ang pinapa-aral ko sa inyo. Constitution of the Philippines since 1990's. Kasama yon sa exam niyo sa susunod. Good bye." Sabi ng prof namin at lumakad na palabas ng kwarto. Napahinga ako ng malalim.

Mukhang kaylangan kong mag-babad sa library o kaya manghiram ng libro para makapag-aral. Ang dami ko na palang na-miss na klase namin.

Tumayo ako at sumunod sa ilang classmates ko. Pupunta kasi kami sa sunod naming klase at sa 4th floor yon. As usual ay sa likod ako umupo.

NATAPOS ang klase namin kaya nag-punta agad ako sa library. Ang sipag mo ghorl. Sanaol.

Pumasok ako sa loob at nag-punta sa shelf na tungkol sa mga constitution. Wala halos tao sa loob ng library. Mayroon man pero iilan lang. syempre, yung iba niyang sa internet nalang kumukuha ng mga sagot o kaya naman ay may mga sarili silang libro. Sakin naman ay hindi pwede yun dahil wala pa kaming pera. May ilang books pero yung madalang mong makikita sa internet.

Nang makita ko na ang hinahanap kong libro ay naglakad ako papunta sa isang mesa don at umupo. Binuklat ko ang libro at inilagay sa page kung nasaan ang lesson namin.

Nagbasa lang ako sandali pagkatapos ay nagtake-down notes, kinuhanan ko na rin ng picture para sigurado. Baka mamaya ay may makaligtaan akong mga importanteng detalye.

Napatingin ako sa paligid ko ng matapos ako. Wala ng tao. Mukhang ako nalang ang mag-isa ang naiwan. Inilagay ko agad sa bag ko ang yellow pad ko at ballpen. Pagkatapos ay mabilis akong tumayo at kinuha ang libro. Ibinalik ko yon sa kinalalagyan niya kanina tapos ay umalis na.

Lalabas na sana ako ng pinto ng sumalubong sakin si Dino.

Nagkatinginan kaming dalawa at mukhang nagulat rin siyang makita ako.

May kumirot sa puso ko ng maalala ko ang nakaraan. Yung mga away naming dalawa. Yung mga masasakit na salita. Huwag na sa manipulative sadboi.

Ako na ang mabilis umiwas at lumabas sa isang pinto ng library. Dinaanan ko siya na para bang hindi ko siya nakilala. We're strangers to each other now. Chinat ako ni Trid na hintayin raw siya sa labas ng University na ginawa ko naman.

Andito lang ako sa may entrance at nasa gilid. Para akong ewan dito kung hindi ako naka ear phones at nagc-cellphone.

Nag-angat ako ng tingin ng may tumabi sakin. Si Trid. Inalis ko ang ear phone.

"Saan us?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. Tinaasan ko siya ng kilay at nagtatanong na tingin.

"Bakit? Ano meron?" tanong ko ng hindi na ako sinasagot. Naglakad kami papunta sa may Kapitolyo. Baka dun kami pumunta sa may garden (harap ng kapitolyo.)

"Wala. Ayoko pa lang umuwi." Sabi niya sakin.

Tumango nalang ako. Pero kung titinggan siya ay halata mong hindi siya okay sa tipikal na siya. Alam ko namang hindi rin 'to magsasalita kahit pilitin ko pa. Sa aming dalawa ay siya ang hindi madalas mag-kwento ng rants. Siya ang listener namin.

Huminto kami sa tapat ng garden dito sa harap ng complex. May Bermuda grass. Andito ang ibang mga student ng BSU. Yung iba ay tumatambay lang. Yung iba naman ay nagp-practice ng sayaw sa PE? May mga mag-boyfriend/girlfriend, naglalampungan. Naol.

Umupo kami sa may damuhan sa may gilid para walang masyadong tao. Dumadaan ang mga kotse na pinapanood lang ni Trid. Napahinga ako ng malalim. Gusto ko ng umuwi para makapag-aral. O kaya ay baka pumunta ako sa House of Mental Illness para makapag-trabaho na rin don.

"Nagugutom ako." Pagbubukas ko ng topic namin.

Tumingin siya sakin. "Ano kakainin natin?" tanong niya sakin.

"Gusto ko ng takoyaki o kaya naman milk tea." Sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko. Wala naman kasi akong kinaing tanghalian kanina dahil sumunod kaagad yung next subject namin.

Tumango ito at sumunod ako. Luting talaga si Trid ngayon.

"Par, bakit ba? Anong meron muna?" tanong ko habang naglalakad kami para mag-antay ng jeep sa may gilid ng kalsada.

Tumingin siya sakin at ngumiti. "Wala. Nag-away lang kasi kami ni G-wen." Sabi niya at hindi na ulit inungkat ang tungkol don. And I respect her decision because I know her. She will tell me the whole story if she can't handle it anymore.

We ate our lunch in Robinsons. We ate at Jolibee. We cant find a store where we can find takoyaki or sadyang tamad lang kami mag-hanap?

Mga bandang four ay nag-paalam na ako kay Trid na mauuna na dahil kaylangan ko pang mag-punta sa trabaho ko. She just nod and tell me to take care. She also told me to chat her pag nakarating na ako sa work. And its fine with me.

Ngayon ay naglalakad na ako papasok ng bahay. As always, looking at the outside. Matatakot ka talaga dahil sa ayos nito pero maganda naman ang loob.

Pagkapasok ko ay naabutan ko si Doctora sa sala na mukhang may inaantya talaga. Tumingin siya sakin at ngumiti. Gumanti ako ng ngiti at lumapit sa kinalalagyan niya.

"Good afternoon po, Doc." Bati ko.

"Same to you." Sabi niya at inabot sakin ang mga gamot. "I want you to drink this once a day or when you feel suicidal. Choice mo. Need mo yan to calm down. And let's go to my office. I want to talk to you." Seryosong sabi niya.

Napatango ako. Itinago ko sa bag ko ang gamot na binigay nito. Pero tiningnan ko muna ang nakasulat na pangalan. It's Prozac and Lexapro. Search ko mamaya kung para saan 'to or ano 'to.

Nauna siyang maglakad papunta sa office niya at sumunod ako sa kanya. Ako ang nag-sarado ng pinto. Naaupo na ito sa swivel chair niya sa likod ng table. Ang kamay niya ay nakaturo sa lazy chair sa harap ng table nito.

"You sit there and relax" sabi niya.

Binaba ko muna ang bag ko sa gilid bago ako lumakad pa-upo sa lazy chair. Sumandal ako don and I tried to relax like what she want me to do. And I can say, I feel a little bit of relaxation.

"Okay. Can you tell me your name, age, where you live and what you've been feeling since you grand mother died?" maraha niyang tanong habang nakatingin sa papel na hawak na mukhang identification.

Tumingin ako sa putting kisame at huminga ng malalim. Kinuyom ko ang kamao ko dahil pakiramdam ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko at nag-uumpisa na akong kabahan ng walang dahilan. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro