Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34


CHAPTER THIRTY-FOUR

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Doc kanina. Tinawagan lang naman nito ang Dean ng BSU at sinabing ang lahat ng expenses ko sa school ay sa kanya na ipapangalan at siya na ang magbabayad. Pati si Mama ay tinawagan nito at sinabing bibigyan ng trabaho at kabuhayan si Mama.

Sinampal ko ang sarili ko ng pang-15 habang nakatingin sa pader.

"Hindi naman kaya mapaling na yang mukha mo sa kaka-sampal mo?" tanong mula sa harap ko. Ilang beses akong kumurap at nakita ko si Kuya Jonjie na nakasuot pa ng suit at nasa may pinto.

"Kuya, ikaw pala." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Tumawa ito ng mahina at pumasok sa loob ng bahay, sinarado ng paa nito ang pinto. Lumakad siya palapit sakin.

"Bakit wala ka sa school?" tanong niya at umupo sa harap ko. "Kanina pa nag-start ang mga klase don."

Napangiwi ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin. Binaba ko yon sa mga papel na nasa harapan ko ngayon. Ito lang yung ipinagawa sakin ni Doc kanina. Umalis kasi ito sandal dahil may kaylangan kuhaning mga papeles sa opisina nito sa malolos bayan.

"Nanlata po kasi ako kaya di ako pumasok. Bukas po papasok na ako." Sabi ko pa.

Tumawa ulit siya. "Alam mo gawain ko rin dati yan. Di papasok tas idadahilan yung kung ano ano." Sabi niya pa at tumingin sa ginagawa ko.

"Pinapa-ayos ni Doc. Kaylangan yata niya sa susunod na araw." Sabi ko at binaba ang mga papel.

Tumingin ako sa kanya dahil hindi na siya nag-sasalita. Nakatingin lang siya sakin.

"Alam mo bang pinaayos sakin ni Angge yung nangyari sa Lola mo nuon?" biglang sabi niya. My body stiffed about what he said.

"For what?"

"I don't know. Basta ang sabi niya. I need to check the hospital's CCTV and the person who came and left before your grandmother died."

"Bakit naman niya gagawin yun?" I said while looking at the ground.

"Ewan ko nga. Maulit ka ren." Pabirong sabi niya. Pero hindi ako natawa. Nagtataka lang kasi ako. Bakit naman niya gagawin yun? Ano bang meron? Bakit kaylangan pa yun na akala mo naman may pumatay sa Lola ko?

BUONG MAG-HAPON AKONG hindi pinatahimik ng mga sinabi ni Kuya sakin. Hanggang dito sa bahay ay nag-iisip ako. Hindi kasi siya mawala sa isip ko. Nagtataka lang kasi ako ng sobra.

"Baka naman malunod ka sa kakaisip diyan." Sarcastic na sabi sa likod ko.

Lumingon ako. Si Aly.

"Hindi naman." Sabi ko at umayos ng higa sa kama. Tumingin ako sa kanya. "Okay ka lang ba?"

Umupo ito sa higaan nito at tumingin sakin. Nag-pupunas siya ng buhok niya.

"Okay naman na. Gumaan yung pakiramdam ko ng sabihin sakin ni Mama yung sinabi sa kanya nung Doctor mo." Aniya.

Napatango ako. "Mabuti naman. Sana nga lang ay di na pabalikin ni Mama si Tito Andy."

"Hindi na siguro yan. Sinaktan na siya eh. Saka may pagkaka-kitaan na si Mama. hindi naman na natin kaylangan yung batugan na yun."

"Pero kilala mo naman si Mama diba? Pangalawang beses ng lumayas yung hayop na yon dito. Ayokong sa ikalawang pagkakataon ay pabalikin siya dito."

Tumingin ito sakin at tinigil ang ginagawa. "Ghorl, wala kang magagawa kung gustuhin ni Mama-ng pabalikin siya dito."

Bumangon ako. "Meron! Kakausapin natin siya. Basta sakin ayoko ng bumalik yun dito. Sinaktan na kayo tas gugustuhin niya pang bumalik? Abe, katangahan na yon. Si Papa nga di siya sinasaktan eh."

"Siya kasi nananakit."

"Oo, tapos hahayaan niyang saktan siya nung gagong yon?"

Tumayo ito at sinampay ang towel sa may hanger at sinabit sa malapit sa bintana niya. Tumingin siya sakin.

"Tumawag nga pala si Tita Maggie kanina." Sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh? Bakit daw?"

"Ewan. Galit kay Mama. Kapal daw ng mukha tas kung ano-ano sinasabi." Sabi niya pa.

"Abe, bakit? Wala naman silang karapatan de ba?"

Nagkibit balikat lang si Aly at humiga na sa pwesto nito. Mukhang matutulog na. napahinga ako ng malalim at humiga na ulit.

Ang dami ko namang kaylangang isipin. Papatayin na baa ko sa pag-o-over think?

Kinabukasan ay naabutan ko si Mama na nag-aayos sa labas. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Saan ka punta, Ma?" tanong ko.

"Eh maghahanap ako ng sisiw na maganda. Iyon nalang gagawin kong business." Sabi niya at nag-ayos sa harap ng salamin.

Iniwan ko si mama sa sala at nagpunta ako sa kusina. Nag-timpla ako ng kape at tiningan yung kaldero. Tumaas ang kilay ko ng makitang may kanin at ulam. Saan kinuha ni Mama pambili ng bigas at ulam?

Wala na si Aly at pumasok na sa school. Pang-umaga kasi ang klase niya.

Imbis na tumunganga ay kumuha ako ng plato at nag-sandok ng pagkain ko. Nang makitang puno na ang plato ay nag-lakad na ako papuntang mesa saka umupo sa upuan.

Nag-umpisa na akong kumain habang nagc-cellphone. Panay lang ang scroll ko sa news feed ko ng mag-pop up ang message ng Tita Maggie.

"Kristine, aalis na ako!" sigaw ni Mama mula sa sala.

"Ingat, Ma!" sigaw ko pabalik at tumingin ulit sa screen ng phone ko. Pinindot ko ang chat head at binasa ang chat nito.

Makakarating sa papa mo ang pagka-walanghiya mong anak!

Hindi mo kaya ng wala ako.

Walang tutulong sa inyo.

Ilan lang yun sa mga sinabi nito pero hindi ko nalang pinansin. Wala naman siyang matinong masasabi sakin. Kung hindi paninisi ay pang-aasar lang ang gagawin niya. Nakalunok kasi ng aircon kaya mahangin, amp.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at ng matapos ako ay kumilos na ako para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at naghanda para pumasok. I apply my daily make up look and I curl the lower part of my hair. After I satisfy to my look. I get my bag and walk thru the room door.

I'm wearing a crop top and a wide leg pants. Pumara ako ng trike at nagpahatid sa sakayan ng jeep.

DUMATING ako sa school ay mga 9:30. Nag-chat na rin ako kay Trid na antayin ako sa may main gate ng BSU. Nakita ko siyang nag-aabang sakin. Ngumiti ako sa kanya.

"Oy" bati ko.

"Pre, ngayon ka lang pumasok ata ah." Sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang pa. "Naks, gandang ayos."

Ngumiti ako ng malawak. Sa isang taon na pagkakaroon ko ng anxiety at sa pag-iisip ng isusuot ko sa araw-araw at sa sasabihin ng iba. Ngayon lang ako nawalan ng pake sa kanila ng husto.

"May pa-pusod si Mayor," sabi niya pa.

Tumawa ako. "Loko." Sabi ko at naunang maglakad. Sumunod lang siya sakin.

"Saan ka galing ha? Di kita nakikita. Di ka rin nagr-reply?" aniya habang naglalakad kami.

Halos lahat ng student sa BSU ngayon ay naka civilian. Wash day kasi.

"May trabaho akes." Sagot ko.

"Saan?"

"Diyan lang."

"Wow. Oo shobabe. Alam ko yung diyan lang." sarcastic niyang sabi. Napailing ako at nilingon ito.

"Hindi ko kasi alam yung itatawag ko. Bahay lang kasi siya na parang clinic ng isang psychiatrist. Sabi ni Ashley, ang tawag daw don ay House of Mental Illness. Dun ako nagtra-trabaho. Tinutulungan rin kami ni Doc sa school at binigyan si Mama ng pera para sa trabaho."

"Talaga? Mabait naman pala yang boss mo. Kakilabot nga lang yung pangalan." Sabi niya pa.

Napatango ako at hinila na siya para mapabilis ang paglalakad namin.

A/N:

Hi Belladonna's,

Baka kasi may magtaka sa inyo kung bakit paiba-iba yung tawag ko sa Bulacan State University. Kasi po, tawag sa kanya noon BSU tapos pwede ring tawaging BulSU. Hindi ko alam kung kaylan naiba yung tawag pero basta marinig yung BSU or BulSU. Knows na na Bulacan State University yon HAHAHHAA. Baka ang itanong nila Hagonoy or Main. Pero yung gamit ko sa settings nitong story ay sa main campus po. Yung nasa malolos kaya wag po kayong malito. Hehehehe, lovelots!!!!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro