Chapter 31
CHAPTER THIRTY-ONE
NATAPOS SILA sa pag-aayos ng lamesa at pag-luluto ng pagkain namin. Napatingin ako sa tray na may pagkaing laman.
"Saan niyo dadalhin yan?" tanong ko kay Ashley.
Tumingin siya sakin. "Kay Ayana. Hindi naman bababa yon dahil beast mode." Sabi niya pa.
Kumunot ang noo ko. "Bakit nga pala Ayana ang tawag niyo sa kanya? Hindi bat Yan-Yan ang nickname niya?"
Napangiwi siya saka hinawakan ang tray.
"Halika, sumunod ka sakin. Ipapaliwanag ko." Sabi niya, sumunod naman ako. Lumabas kami ng kusina at lumakad papunta sa may hagdan. Umakyat kami. Napatingin ako sa dingding na may mga nakasabit na picture. Yung iba sina Ashley, Jonjie at iba pa. si Doc at ibang mga pasyente.
Huminto kami sa isang pinto at kinatok ito ni Ashley.
"Ayana? Nandiyan ka ba?" tanong ni Ashley habang kumakatok sa pinto. "Ayana? May pagkain akong dala. Ibababa ko dito ha? Andito din pala si Kristine." Sabi niya at nilingon pa ako. Ngumiti lang ako sa kanya.
Sabay kaming napatingin sa bumukas na pinto. Sumilip don si Yan-Yan at mabilis na kinuha ang tray. Ang pinagtataka ko ay iba ang histura nito. Para itong bata.
"Halika na sa baba. Lilibot kita habang hinihintay natin sina Caligh saka Demani." Sabi niya.
Napatango ako at sumunod lang dito habang pababa ng hagdan. Nagtataka talaga akong tumingin sa likod niya. Bakit ganun yung inakto ni Yan-Yan? May nagawa ba akong mali? Di niya ako pinapansin.
Hello?! Kahapon lang kayo nagkita. Syempre, nagbabago ang mga tao.
"Yung mga kwarto dito sa taas, para lang sa mga family member or close friend ni Doc." Sabi niya.
Napatango ako. "Bakit nga pala ganun si Yan-Yan? Galit ba siya sakin?" tanong ko dito.
Umiling siya at nilingon ako. Nakababa na kami sa hagdan. Nasa sala na ulit kami. Hinawakan niya ako sa braso at hinila sa isang pasilyo. Sumunod nalang ako sa kanya.
"Hindi galit yun. Iba iba kasi yung personality niya. Kaya minsan beast mode, baby mode, lady mode, bad boy mode. Iba iba." Sabi niya pa at tinuro sakin ang mga pinto ng nasa dulong pasilyo na kami.
"Yung unang pinto, dun yung kwarto ni Doc. I mean office niya." Napatango ako sa sinabi niya.
Kahit di ko naman talaga naintindihan. Medyo mahirap mag-analyse ngayon. Nakikinig lang ako kay Ashley kahit di ko naman naiitindihan yung iba.
Lumabas kami sa likod bahay. Napatanga ako ng makita kung gaano kaganda ang buong lugar. Puro bulaklak ang lugar. Iba iba ng kulay at laki.
"At ito naman yung lugar kung saan madalas dinadala ang mga pasyente kapag ayaw nilang maghintay sa loob ng bahay." Sabi ni Ashley.
Nilingon ko siya. "Wow! Ibang iba talaga ang bahay na 'to pagpasok kaysa sa labas. Pati 'tong likod bahay." Sabi ko na di inaakila ang pagka-mangha.
Ngumiti siya sakin. Lumakad palapit.
"Alam mo kay Demani talaga 'tong lugar na 'to pero gusto niyang i-share sa iba para maka relax." Sabi niya.
Magsasalita pa sana ako ng marinig naming tinatawag na si Ashley ni Jonjie.
"Ash! Halika na dito! Kakain na!" sigaw ng binata.
Tumingin ako kay Ashley na nakangiti sakin.
"Tara na? papakilala ko sayo mamaya yung mga bagong dating. Andiyan na siguro si Caligh saka Demani." Sabi niya pa.
Tumango ako at naunang naglakad papasok. Hinintay kong maisara ni Ashley ang pinto sa likod bago ako maglakad. Baka mamaya ay maligaw ako. May pagka-malaki ang bahay at madali kang maliligaw.
Sabay kaming pumasok sa kusina at nakita ko don yung lalaki at babae kanina sa picture. Nagtatawanan at biruan sila.
Napatigil sila ng makita ako. Tinaas ko ang kamay ko.
"Hi?"
Tumingin sila sakin at yung bagong dating ay nagtatakang nakatingin sakin bago binalik ang tingin kay Doc.
"She's Kristine. Bago kong pasyente. Kaybigan rin siya ni Yan-Yan." Sabi ni Doc.
"Nako, nakita ko kanina yon. Baby mode naman siya." Sabi ni Ashley at hinila ako palapit sa may mesa kung nasaan ang iba. Kinawit niya ang braso niya sakin. "Nalibot ko na siya sa buong lugar. Siguro ay bukas pwede na siyang mag-start dito satin." Sabi niya.
"Ah, okay. Nice meeting you." Sabi nung lalaki at tumayo. Nakipag-kamay siya sakin. "I'm Caligh Santos. Teacher."
Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang pakikipag-kamay niya.
"Kristine"
Naghiwalay ang kamay namin at napatingin ako sa lumapit dito na batang babae. I think hindi na siya bata. Dalaga siguro. Parang malapit lang sa edad ko.
"Siya naman si Demani, kapatid ko." Pagpapakilala ni Kuya Caligh. Ngumiti ako sa kanya.
"Hi" ani ko at inilahad ang kamay ko pero imbis na kuhanin at makipag-kamay ay nag-tago ito sa likod ng Kuya niya.
Narinig kong nagtawanan ang ibang kasama namin miski na rin si Kuya Caligh.
"Sorry about that." Sabi ni Kuya Caligh. Tumingin ako sa kanya at nakaka-unawang tumango.
"Mahiyain si Demi" sabi ni Ashley at hinila ako papunta sa may isang upuan. Umupo ako don. "Kumain nalang tayo. Mamaya makakasundo mo na siya." Sabi pa niya at umupo rin sa tabi ko.
Nag-si-upuan na rin yung iba sa kanilang pwesto at tumingin sila sakin.
"Huwag kang mahiya, Kristine. Lahat sila pwera kay Caligh ay nagkaroon or merong mental illness. Hindi mo kaylangan matakot dahil hindi tayo nagkaka-iba." Sabi ni Doc sakin at nag-umpisa na ng kumain.
"KAINAN NA!" sigaw ni Kuya Jonjie.
Nag-umpisa na kaming kumain. Napatingin lang ako sa kanila na masayang kumakain na para bang walang iniindang mga sakit. Na walang mga pinag-dadaanan. Paano sila nakakatawa ng ganyan?
Ilang minuto rin kaming kumain bago natapos. Sobrang saya na pakiramdam ko ay hindi ako iba sa kanila. Nang matapos ang tanghalian ay napag-pasyahan naming mag-kwentuhan sa likod bahay.
Magkakatapat kaming naka-upo dito sa garden. Si Demani naman ay naglalaro kung di naman ay dinidiligan ang mga alaga nitong bulaklak.
"So, Kristine. Anong sakit mo?" tanong sakin ni Caligh
Tumingin ako sa kanya. "Anxiety" mahinang sagot ko.
Nagsi-tanguan sila. Na para bang napaka-natural lang.
"Kumpleto na pala eh." Natatawang sabi ni Jonjie. Nabaling sa kanya ang atensyon namin.
"Ano na namang pinagsasabi mo Jonjie? Jusko ka. Kulang ka na naman siguro sa sapak." Sabi ni Ashley na katabi si Kuya Jonjie.
"Kasi ako may depression. Ikaw naman bipolar. Si Demani, may autism. Si Ayana, may DID. At huli, si Kristine ay may Anxiety. Oh, diba? Kumpleto na us.." sabi nito.
Nagulat ako ng batukan ni Ashley si Jonjie. Gulat ring napatingin si Jonjie dito habang hawak ang batok.
"A-anong kasalanan ko?" mangiyak-ngiyak na tanong nito.
Di ko alam kung tatawa ako o maawa sa hitsura nito ngayon. Mukha kasi siyang ewan.
Pinaningkitan ni Ashley si Jonjie. "Loko ka kasi!" sabi niya.
"At bakit?"
"Malamang kasi kaya talagang makokompleto yang mga sakit dahil nga bahay-slash-opisina 'to ng isang Psychiatrist!" aniya pa at pinitik sa tenga si Jonjie. "Alam mo yang kabobohan wag araw-arawin ah."
"Tss. Pasalamat ka babae ka talaga." Ani Jonjie habang hawak ang tenga. "Ansakit non. Mapanaket ka babe!" sabi niya pa at nag-umpisa na naman ang bangayan nilang dalawa.
Napatingin ako sa tumawa sa gilid ko. Si Kuya Caligh. Tumingin siya sakin.
"Ikaw na umintindi sa dalawang yan ah. Kulang na naman siguro sa gamot." Pabirong sabi nito at tinanguan ko nalang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro