Chapter 29
CHAPTER TWENTY-NINE
Muli kong tiningnan ang text sakin nung babaeng naka-usap ko sa phone. Nag-iisang bahay sa looban ng Baranggay Pag-asa Longos, Malolos.
"House of Mental Illness" muling basa ko sa itaas ng gate. May pangalan kasi don. Napalunok ako ng makita ang hitsura ng labas ng bahay.
"Susko. May nakatira pa ba dito?" tanong ko.
Ang labas kasi ng bahay ay nakakatakot. Oo nga't maganda. May karangyaan kang makikita pero parang sa Addams Family yung hitsura ng bahay. Luma at kulay itim. Malawak rin ang bakuran na patay na ang iilang halaman.
Tutuloy pa ba ko? Baka hindi na ako makalabas ng buhay dito.
Pag hindi ako tumuloy walang trabaho. Walang pera. Hindi ako makakapag-aral. Takot o pangarap?
Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng lakas ng loob ko. Kung nakaya kong manuod ng Horror movies kaya ko rin 'to.
Tinulak ko ang gate at lumagitik ito na para bang sa horror movie talaga. Maswerte palang umaga ako nag punta at hindi gabi?
Naglakad ako papasok sa loob. Panay lingon ko sa likod at paligid ko. Baka mamaya ay may humablot nalang sakin dito at pukpukin ako sa ulo. Anlayo ko na sa gate. Habang palapit ako ng palapit sa bahay ay pabigat ng pabigat ang paa ko na para bang ayaw na niyang tumuloy.
Napahinga ako ng malalim ng makalapit na ako sa bahay. Tumapat ako sa may pinto at nag-cross finger pa bago kumatok.
Tatlong beses akong kumatok bago may nag-bukas. Sumalubong sakin ang isang babae. Maganda ito.
"Hi?! Ikaw si Kristine?" tanong niya at binuksan ng malaki ang pinto.
Tumango ako. "Oo, ikaw si Ashley?"
"Yaz! I;m Ashley! But you can call me the prettiest!" aniya pa at inilahad ang kamay.
Ngumiti ako sa kanya at tinanggap yon.
"ANONG PRETTIEST?!" isang sigaw na gumulat sakin. Napalingon ako ng makita sa may hagdan nakatayo ang isang g-gwapong lalaki. Shit? Bakit kaylangan singkit at payat pa na matangkad? Sorry pero ayaw ko na sa payat na matangkad.
Binitawan ni Ashley ang kamay ko at nilingon yung lalaki. "Totoo naman ah. Ako ang pinaka-maganda!"
Bumaba ng hagdan ang lalaki at lumapit sa babae. Pinitik sa noo ang babae na kina-aray nito.
"Pwede ba Ash? Huwag kang sinungaling!" ani ng lalaki at lumingon sakin. Ngumiti siya. Maputi ang ngitin, mula sa kinakatayuan ko ay nalalanghap ko yung mabango niyang amoy.
"Hi?" alanganin kong sabi.
Ngumiti siya at naglahad ng kamay. "HI! I'm Jonjie by the way!"
Tinaggap ko yon at nakipag-shake hands. Mabilis ko ring binawi ang kamay ko.
"Kristine here."
"I heard about you. Alam mo bang pagka-uwi nila Anne kagabi dito ay ikaw agad ang kinuwento nila. Medyo beast mode rin si Ayana." Sabi niya pa.
Siguro ang tinutukoy nitong Anne ay si Doc at yung Ayana ay si Yan-Yan.
"Halika, pasok ka. Mamaya ay babalik na si Doc. May binili kasi siya sa labas." Sabi ni Ashley. Ngumiti ako sa kanya at pumasok sa loob ng bahay.
"Wow." Manghang sabi ko. Kung gaano nakakatakot ang labas ay ganun nalang kaganda ang loob. May modern design ang interior ng bahay. Pati mga appliances dito bago rin.
"Yes, wow talaga. I know what your thinking. Nakakatakot sa labas noh?" sabi ni Jonjie at nilingon ko siya.
"Oo. Akala ko nga bahay 'to ng Addams Family." Sabi ko habang inililibot ang tingin ko sa buong lugar. May mga picture at painting.
Hindi ko na napansin ang ginagawa nung dalawa dahil natutuk ang mata ko sa isang larawan. Lumapit ako don. Mukhang family picture 'to.
May seven na kasama sa larawan. Nakilala ko na ang dalawa. Si Doc at Yan-Yan. Tiningnan ko ang iba pa at sina Jonjie at Ashley yon. Kumunot ang noo ko ng makita ang dalawang di ko kilala.
Wow, ano kaya sila dito? Tauhan? Pero hindi mukhang tauhan eh
Naramdaman ko ang isang presensya sa tabi ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Ashley na lumabas ng sala at mukhang nagtungo sa kusina. Ibig sabihin ay si Jonjie ang kasama ko.
"Sino yung dalawa?" tanong ko dito.
"Sina si Caligh and si Demani. Magkapatid yan. Yung isa may Autism." Sagot niya. Napatango ako dito.
"Hindi sila tauhan dito?" tanong ko at nilingon ko siya. "Hindi kayo tauhan dito?"
Tumawa ito ng mahina at umiling sakin. Nag-cross arm pa sa harap ko. Ano bang nakakatawa? Nagtatanong ng matino tas tatawanan ako?
"Hindi. Pasyente kami dito noon." Sabi niya.
Nanlaki ang mata ko. "Pasyente kayo dito?"
Tumango siya at tumingin sa likod ko. Nakita ko don si Ashley na may dalang tray na may juice at sandwich.
"Pati yang si Ash dating pasyente dito pero tumutulong kami dito." Sabi pa nito at naglakad palapit sa sofa. Sumunod ako sa kanya.
Ibinaba ni Ashley ang tray sa mesa at nakangiting tumingin sakin.
Lahat ba talaga sila kaylangan laging nakangiti sakin? Mukha ba akong clown kaya ako nakakatawa? Makapal ba ang make up ko? Pangit ba? Or di ba siya akma sa suot ko?!
"Bakit lagi kayong nakangiti?" tanong ko bigla.
Napatigil si Ashley at tumingin sakin. Naramdaman ko rin ang pag-tigil ni Jonjie at tumingin rin sakin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ashley at inimuwestra pa ang pag-upo. Sumunod ako.
"Ahm, sila Doc kasi saka Yan-Yan, ikaw, palagi kayong nakangiti na para bang may nakakatawa sa mukha ko. Pangit ba ako?" tanong ko dito.
"Seriously?" tanong ni Jonjie.
Napailing si Ashley. "Nako, sorry. Walang nakakatawa sayo. Actually maganda ka." Sabi niya.
"Bakit kayo laging nakangiti?" tanong ko.
"Syempre masaya kami eh." Sabi ni Jonjie kaya nilingon ko siya. Kumakain siya ng sandwich. "Siguro may mental issue ka rin noh?" anito.
Napatigil ako. Ang tanga Kristine ha. Kaya nga naman ngumingiti kasi masaya sila. Ikaw ba kapag masaya di ngumingiti?
Naiilang akong napatingin sa kanila. "Sorry"
Umiling silang pareho sakin.
"Hindi mo kaylangan mag-sorry. We understand you." Sabi ni Ashley. "May sakit rin naman kami. Ako rin meron." Sabi ni Ashley.
Napatango ako sa kanya.
"Mamaya kakausapin ka ni Doc. Para naman magabayan ka. Malay mo mawala pa yang sakit mo." Sabi ni Jonjie na busy sa pagkain.
Nagulat ako ng biglang hampasin ni Ashley si Jonjie. Gulat ring napatingin ang binata dito.
"Bhaket?" namumuwalang tanong ni Jonjie na halata ang pagka-gulat.
Pinanglakihan siya ng mata ni Ashley. "Alam mo ikaw talagang lalaki ka!" muling hinampas ni Ashley si Jonjie. "Hindi naman para sayo yan! Kay Kristine yan susko ka!" sabi ni Ashley.
Napanguso si Jonjie.
"Nagugutom ako eh. Alam mo bang wala pa akong tulog saka maayos na kain? May trial kanina sa court akala ko di ko maipapanalo yung kaso nung client ko." Sabi nito.
"Hays! Kahit na! may pagkain sa kusina sana kumain ka muna!" sabi ni Ashley at tumingin sakin. "Sorry ah. May sira talaga 'to sa ulo. Di ko alam kung bakit pina-labas na agad re eh." Sabi ni Ashley at inilagay sa tapat ko ang juice.
"Paano ako wala akong panulak?" tanong ni Jonjie.
"Kumuha ka sa kusina tamad ka talaga!"
Napatingin ako kay Jonjie. Attorney siya? Seryoso? Hindi mukha eh. Pasmado talaga bunganga mo.
Napatigil sila sa pag-aaway at tumingin sakin.
"Uy, sorry ah. Ganito lang talaga kami maglambingan" sabi ni Ashley.
Tumango lang ako sa kanya. Kinuha ko ang juice at inilagay sa tapat ni Jonjie, baka mamaya mabilaukan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro