Chapter 27
CHAPTER TWENTY-SEVEN
NANDITO KAMI ngayon sa Mcdo. Kumakain ng dinner. Kanina ay ihahatid na sana nila ako ng derecho sa bahay ng kumulo ang tiyan ko. Kahit nakakahiya ay pumayag na akong dumaan kami sa fast food. Wala rin naman akong magagawa. Nagugutom na ako at hindi ko kayang magpaka-ipokrita.
"Bakit k aba pinalayas sa inyo? Hindi ba nila alam na pwedeng may mangyaring masama sayo?" tanong sakin ni Doc.
Napatigil ako sa pagkain ko ng kanin at tumingin dito. Nilunok at uminom muna ako ng tubig bago nagsalita.
"Nalaman po pala nilang hindi ako pumasok kaya nagalit." Sagot ko at kumain ulit.
"Magkasama kami kaninang break, Doc. Nakita ko siya sa likod ng school." Sabi ni Yan
Kumunot ang noo ni Doc, "Ano namang ginagawa mo sa likod ng school ng oras ng klase?"
Napangiti si Yan. "Tapos na yung klase non. Break na nakita ko si Tin kaya nagpunta ako." Sabi niya pa.
Nakakatuwa sila habang pinapanood ko silang magtalo. Alam mo yung magulang na pinapangaralan ang anak pero hindi in a harsh way. Yung may kakayahan kang ipagtanggol ang sarili mo ng hindi ka sasabihan ng walang respeto.
"Ikaw Kristine? Anong ginagawa mo?" tanong ni Doc matapos niyang kausapin si Yan.
Ngumiti ako ng malungkot. "Wala po kasi akong magawa sa room. Ayoko ring makipag-usap or makasalamuha yung ibang students sa school." Mahina kong sabi.
Napatango si Doc. Akala ko ay magtatanong pa siya pero hindi. Pinanood niya lang na mangulit si Yan-Yan.
Masyado ng malalim ang gabi ng napag-pasyahan naming umuwi. Palabas na kami ng Mcdo.
Papasok na sana ako ng van ng mag-ring ang phone ko. Mabilis kong kinuha yon at ng makita si Mama ang tumatawag ay agad kong sinagot.
Hindi pa man din ako nakakapag-hello ay sinalubong na agad ako nito ng tanong.
"Nasaan ka?! Umalis ka raw dun sa mang-Tita mo?" tanong niya sakin.
Napahinga ako ng malalim. Ibig bang sabihin ay nakapag-sumbong na si Tita kay Mama? Ano naman kayang kasinungalingan at paninira ang ginawa niya sakin?
Huminga ako ng malalim. "Ma, hindi ako umalis. Pinalayas po ako." Sabi ko at sumandal sa van.
"Eh nasaan kana? Alas-diyes na."
Napatingin ako kina Doc at Yan na nakatingin rin sakin. Nakasakay na sila sa loob ng van. Sumenyas ako ng wait lang. and I mouthed 'Mama ko' sa kanila. Tumango sila at sinara muna ang pinto ng van para naman mabigyan ako ng privacy.
"Ma, kasama ko po yung isa kong kaybigan. Kasama po namin yung Ate niya." Sagot ko.
Narinig ko ang pag-buntong hininga niya.
"Alam mo bang galit na galit na tumawag sakin yung Tita mo Kristine? Kung ano ano pinagsasabi tapos minura mura pa tayo. Ano bang ginawa mo?" tanong ni Mama na parang nagtitimpi lang ng galit.
"Ma, hindi po kasi ako pumasok dahil masama yung pakiramdam ko. Tas kanina di rin ako pumasok dahil masama pa rin yung pakiramdam ko. Nasa likod ako ng school para magpahinga, nakatulog ako. Tapos pag-uwi ko sinampal nalang ako." Sumbong ko sa kanya.
"Tsk! Ano bang ginagawa mo, Kristine?! Ayaw ka ng pag-aralin ni Margareth!" naiinis na sabi ni Mama.
Malungkot akong napangiti. "Alam ko po. Sinabi niya sakin." Mahina kong sabi.
Nai-imagine ko na yung hitsura ni mama ngayon. Kung nasa bahay ako ay paniguradong galit na galit na sakin si Mama. Paano ako uuwi nito samin? Siguradong lagot ako.
"Paano na niyan? Saan ako kukuha ng pera? Yung tatay mo di naman nagbibigay!" naiinis na sabi niya.
Huminga ako ng malalim. "May trabaho po ako, Ma." Sabi ko kahit hindi naman totoo. Susko, wala pa akong nahahanap na trabaho.
"Anong trabaho naman yan? Baka mamaya kung ano na yan ah!"
"Ano po... sa—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto ng van. Inilahad ni Doc ang kamay niya. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Phone." Mahina niyang sabi.
Wala sa sariling binigay ko sa kanya ang cellphone ko.
"Hi, good evening. I'm Dra. Angeline Cervantes. Yes, classmate yata ng anak niyo yung kapatid ko. Work? Hmm... yes. Opo, you can check my info. May kakilala ako sa may Sta. Monica, you can ask them na di ako nag-sisinungaling. Uhuh, yes, secretary. Yes. Ihahatid ko siya sa inyo. Okay. Thank yuou." Aniya.
Pinapanood ko lang siya habang kinakausap niya ang mama ko. Siguro kung ibang tao yun ay matatakot dahil paniguradong sisigaw sigawan lang sila ni mama. ayaw na ayaw pa naman nito na may kung sinong kakausap sa kanya.
Inabot sakin ni Doc ang cellphone ko at nakangiti sya sakin.
"Ihahatid ka na namin. You don't have to worry, di naman na siguro magagalit yung Mother mo." Sabi niya.
Nagkibit balikat ako. Pumasok sa loob ng van. Nasa likod nila ako. Mag-isa. Umandar na ang sasakyan at umalis na kami don.
Mahabang katahimikan ang bumalot samin na kahit si Yan-Yan ay di nag-sasalita. Ako ang pumutol non.
"Totoo po ba yung sinabi niyo? Secretary?" tanong ko. Oo, makapal na mukha ko pero anong magagawa ko? Sa galit ni mama baka mamaya ay hindi ako non patahimikin. Tama rin siya, wala kaming kukunan ng pera. Kahit kay Papa.
Lumingon ito sakin at ngumiti.
"Oo naman. May bahay ako dito na ginagawa ko nalang na clinic. Minsan hospital rin kaya pwede kang magtrabaho don. Wala namang gaanong ginagawa don." Sabi niya pa.
Tumango ako at napangiti. "Thank you po." Mahinang sabi ko.
Ngumiti lang siya sakin at umayos na ulit ng upo. Napatingin ako kay Yan-Yan na masama ang tingin sakin at inirapan ako.
Anong problema niya?
Imbis na magsalita ay tumahimik na ulit ako at sumandal sa upuan. Tumingin ako sa bintana. Pinanood ko ang mga dinadaan namin.
Napapalingon ko kina Yan-Yan sa harap kung saan nagbubulugan sila. May kung anong ibinubulong si Doc kay Yan.
Kinabahan naman ako. Ako ba yung pinag-uusapan nila? Bakit? Dahil ba sa trabahong hihingin ko? Mukha na ba akong walanghiya dahil don? Bakit ba sila nagbubulungan? May mali ba akong nagawa?
What if ayaw na akong kuhanin ni Doc? What if iwan nila ako dito sa daan? What ifipa-salvage nila ako? Anong gagawin ko?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro