Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26


CHAPTER TWENTY-SIX

"Hindi ko alam na uulan pala ngayon." ani ng boses na kadarating lang. Kahit pamilyar ay hindi ko pinansin kung sino yon.

"Hay, ang ganda sana nito kung mag-jowa yung nag-away. Saka sasampalin nung babae dahil nalaman niyang pinag-pustahan lang pala siya. Tsk. Tsk. Tsk. Sige, wattpad pa!" dagdag pa nito saka tumawa. Hindi ko alam kung may kasama siya o wala.

Hindi tumigil sa pagsasalita yung babae at ng wala na akong marinig na patak ng ulan ay napagpasyahan ko ng tumayo. Napatigil ako ng makita ko kung sino ang katapat ko.

Nakangiting si Yan-Yan ang nasa harap ko.

"Hi!!!!!!" masiglang sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Lumakad siya palapit sakin at umupo sa kaninang pwesto ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Tinapik nito ang katabing upuan na para bang sinasabing umupo ako.

Ginawa ko naman. Umupo ako at tumingin sa kanya.

"Wala pa kasi yung sundo ko. Kina Doc ako uuwi ngayon eh." Sabi niya habang nakatingin sa kuku nito.

Kumunot ang noo ko. "Saan ba ang bahay mo? Hindi ba sinabi mong taga San Juan ka?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya at tumingin sakin. "Oo nga. Kasi andon yung bahay ni Doc, pero ngayon uuwi kami sa Malolos." Sabi niya pa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa Malolos ka pala uuwi bat napadpad ka dito sa Calumpit?" tanong ko na hindi maiwasan ang pagiging maldita. Kahit kaylan ka. Kaya walang nagtatagal sayo eh.

Ngumiti siya at nag-peace sign sakin. "Sinundan kasi kita kanina. Actually, kanina pa ako nandito." Sabi niya pa.

Nakaramdam ako ng takot. "Stalker ba kita?!" ani ko.

Umingos siya at tinaasan ako ng kilay. "Ghorl, wag OA!" aniya at tumingin sa relo nito. "May stalker bang ganito kaganda?" tanong niya habang nag-papaganda sa akin.

Umirap ako sa kanya.

"Suplada." Aniya.

Hindi ko siya pinansin at tumayo nalang. Aalis na dapat ako ng may pumaradang white van sa harap ng waiting shed. Bumukas ang pinto non na kina-atras ko.

Handa na sana akong tumakbo kung sakaling gago ang lalabas don at tatangkaing kindapin ako pero hindi. Lumabas don ang isang magandang babae. Kulay brown ang buhok, may pa-hugis pusong mukha, may matangos na ilong, mapula rin ang labi. In-short. Maganda.

Ngumiti siya sakin.

"Hi" sabi niya at tumingin sa likod ko. Sumeryoso ang mukha nito. "Yan, ano bang sabi ko sayo? Hindi ba't napag-usapan na nating hindi ka magpapagabi ng uwi ng walang kasama." Istrikto pero hindi naninigaw na sabi nito.

Naramdaman ko ang paglapit sakin ni Yan-Yan at nilingon ko siya. Ngumiti lang siya sakin.

"Kasi naman Doc.... Si Kristine. Etong friend ko, pinalayas. Gabi na kaya hindi ko maiwan." Sabi niya sa malambing na boses.

Jusko, idinahilan pa ako sa kalokohan niya.

Tumingin ako sa Doc na tinatawag niya at ngumiti ng maliit.

"Sige po. Mauuna na ako." Sabi ko at akmang lalakad na ng may humawak sa braso ko na kinatigil ko. Nilingon ko yon. "Yan, bitawan mo na ako. Malalim na ang gabi at sigurado akong mapapagalitan ako ni Mama kapag di ako umuwi."

Ngumiti siya sakin at gamit ang hintuturo ay winagayway niya ito na para bang sinasabing. 'No'.

"Hindi pwede. Uuwi ka ng ganyan ang histura mo?" tanong niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Mukha kang.. arghh... how can you sabi ba? I don't want to hurt your feeling eh."

"Haha, nako. Tama si Yan, baka mapagalitan ka pa dahil sa di magandang histura mo. Mag-aalala lang sila sayo." Sabi ni Doc at ngumiti sakin.

Naiilang akong ngumiti sa kanila at binawi ang braso kong hawak ni Yan.

"Hindi na po. Nakakahiya." Sabi ko. Tsk, don't talk to strangers nga Kristine.

tumango ang Doctor na naiintindihan ako. "Okay, sige. Hindi ka naman namin mapipilit. Tara na" yaya nito kay Yan-Yan.

Gulat na tumingin si Yan sa kasamahan. "What? Iiwan natin siya dito?"

"Oo. Hindi natin siya pwedeng piliting sumama." Sabi ni Doc.

"Ayoko, baka may mangyari sa kanya."

Tinalikuran ko na sila at nagpasyang mag-antay ng masasakyan ko ng makalayo-layo na ako. Tumingin ako sa relos ko at nakitang eight pm na ng gabi. Kaya rin pala ganun nalang yung dilim. Tumingin ako sa paligid. Gabi lang ba talaga o sadyang malas talaga ako kaya puro puno ang nakikita kong jeep na dumadaan?

"Pinalayas na nga. Wala pang masakyan pauwi." Sabi ko ng mapagod kakahintay ng masasakyan. Naglakad ako at mukhang kinabukasan na ako makaka-uwi.

Anlayo na siguro ng nalalakad ko ng may bumusina sa likod ko. Nakita ko yung white van kanina. Napatigil ako sa paglalakad at huminto rin yun van. Bumukas ang pinto non at nakita ko si Yan-Yan na nakangiti na naman sakin.

Hindi kaya mapunit yung mukha niyan kakangiti?

"Ano pong kaylangan nila?" tanong ko.

Ngumiti si Doc sakin. Nakiki-Doc, close kayo?

"Ayaw akong tigilan ni Yan-Yan. Pwede bang sumakay kana dito? Ihahatid kana namin sa bahay niyo." Alok niya.

Umiling ako sa kanya. "Hindi nalang po. Salamat." Sabi ko at tinalikuran na ulit sila. Naglakad ako at hindi sila pinansin.

"You know Kristine. Malamig na at baka kung may anong mangyari pa sayo. Gabi na wala ring ganong nagdadaang sasakyan ngayon dahil nag-uulan nga kanina." –YanYan

"Hindi nalang." Sabi ko

"Sure ka ba? Lalakarin mo mula dito hanggang saan? Malolos? Bulsu? Ghorl, bago ka makarating don umaga na. madilim pa." aniya na naman.

Napairap ako. Bakit naman kasi ako sasama sa kanila? White van pa man din. Susko, baka mamaya kidnap na pala yon. Sinadyang lumapit sakin para makuha ako.

At anong gagawin nila? Ibebenta ang lamang loob ko? Ibebenta ako sa ibang bansa?

"Oo nga, Kristine. Sumama kana samin. Doctor ako at hindi ko itataya ang lisensya ko para lang sa pag-gawa ng masama." Sabi pa nung kasama niya.

Napatigil ako at masamang tumingin sa kanila.

"Sorry po ah. Hindi ko naman kayo kilala tapos gusto niyong sumama ako sa inyo?! Kakikilala ko palang po sa makulit na yan. Siguro naman po alam niyong hindi ko kayang mag-tiwala agad diba?" mataray kong sabi.

"I know. Well, I'm Doctor. Angeline Cervantes, a psychiatrist. Thirty-three years old. Nakatira ako sa Malolos pero may bahay ako sa San Juan Hagonoy Bulacan. Malapit sa may simabahan yung bahay namin. Pwede mo akong ipag-tanong tanong don and they know me." Sabi ni Doc.

Napatigil ako sa dapat kong sasabihin. Tinitingnan ko silang dalawa. Dapat ba akong mag-tiwala? What if—

"Don't worry. Wala naman akong gagawing masama sayo. Like what I've said earlier, hindi ako gagawa ng anumang mali para mawala yung licence ko as a Doctor." Aniya at inilahad ang kamay sakin.

Tumingin ako don at ibinalik ang tingin sa kanya.

"Promises are made to be broken, except mine. But I promise to you. Hindi kita gagawan ng masama. I will just bring you home. Yan said pinalayas ka sa inyo." Sabi niya sa malumanay na tono.

"And kung sasakay kana ngayon. baka mamaya rin ay nasa inyo ka na." singit ni Yan.

Hindi ko kinuha ang kamay nung Doctor at lumakad na papasok ng Van. Nakita ko ang pag-ngiti ng Doctor at ni Yan kahit tinanggihan ko ang kamay nito.

Sinarado nila ang pinto at umandar na kami. Sana lang ay tama ang pasya kong sumama sa hindi ko naman kakilala.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro