Chapter 25
CHAPTER TWENTY-FIVE
"Paano mo nalamang may sakit rin ako?" hindi ko maiwasang itanong kay Yan-Yan habang naglalakad kami papunta sa may nagtitinda ng street food.
Yap, nakapag-usap na kami at naalala ko siya. School mate ko nga noon dahil nakita ko yung video at pictures na same uniform, same school din. Di ko lang siya gaanong nakaka-usap dahil suplada at snob ako noon eh. Ito na rin ang nagsabing I can call her Yan-Yan dahil sa di ko malamang dahilan.
"Well, nakita na kasi kitang ngumiti noon." Sabi nito. Tumingin ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.
"Etchosera ka ghorl, di mo knows?" aniya. Umiling ako.
Huminga ito ng malalim at tumingin sakin. Nakapilantik ang daliring humarap sakin at nakataas pa ang kamay.
"Ghorl, knows ko naman yung real smile at hindi. I've been in your shoes bago ako na-knows ni doctora." Sabi pa niya at inilabas ang phone. Binuksan niya at sinerach ang pangalan ko sa fb. Nang makita niya ay ang-punta siya sa photos at pinakita sakin yung picture ko nung grade eight to nine ko.
"Look, maganda kang ngumiti dito. Hanggang sa mata mo yung ngiti mo. Makikita mo sa mga mata mo na masaya ka talaga. Pero ngayon..." inalis niya ang picture at inilagay sa camera. Pinakita niya sakin ang repleksyon ko. "At tingnan mo siya ngayon."
Napatitig lang ako sa sarili kong repleskyon. Tama naman siya. Ibang-iba na ako sa dating Kristine na nakilala ng madami. Hindi na ako tulad ng dati. Yung mga ngiti ko, hindi na totoo. Ang mga mata ko ay walang buhay.
"Alam kong wala ako sa lugar. Hindi mo naman ako ganung kakilala, di mo nga ako matatawag na kaybigan. Pero pinagdaanan ko at pinagdadanan ko ang nangyayari sayo ngayon. I hope you have a courage to accept the truth and seek help to others." Aniya, nawala ang cellphone at tumingin ako dito.
"Alam ko ang totoo. Yung tulong? Paano ako hihingi ng tulong kung wala naming tutulong sakin. Paano ako hihingi ng tulong kung alam kong pagtalikod ko ay huhusgahan na nila ako?" mapait kong ani.
"Hindi naman lahat."
"Hindi nga lahat dahil yung iba harap harapan kang dudurugin." Pagkasabi ko non ay tumayo ako at tinalukuran ito. Mabilis akong lumakad paalis don.
Nadagdagan ang bigat ng dibdib ko. Bakit ba kasi may mga taong nagsasalita na para bang kilalang kilala ka nila? Bakit ba nagsasalita sila at nagsasabi ng payo pero hinahalintulad nila sa buhay nila.
Iba ako. Iba siya. Maaring ang pareho kaming may pinagdadaanan pero hindi yon magkatulad.
PAG-UWI ko sa bahay ay sinalubong ako ng isang malakas na sampal ng Tita ko. Napa-awang ang bibig ko dahil sa ginawa niya. Galit na galit ang histura niya ng magkaharap na kami. Sapo sapo ko ang pisnge ko.
"WALANG-HIYA KANG BATA KA!" sigaw niya at pinaghahampas ako sa braso at iniilagan ko naman.
"Tita!" sigaw ko dahil hindi pa rin siya tumitigil. Kinagat ko ang labi ko para hindi umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Pinag-aaral kita tapos hindi ka papasok?!" sigaw niya at sinabunutan ako. Hindi kona napigilan ang luha ko dahil sa pagsakit ng anit ko dahil sa sabunot niya.
"T-Tita! T-Tama na po." Pakiusap ko habang hawak ang kamay niya upang mabitawan ang buhok ko. Pero mas lalo lang yung humigpit.
"Saan ka nagpupunta ha?! Alam mo bang tumawag sakin yung prof mo dahil hindi ka raw pumasok!" gigil na sabi niya. Isang malakas na sampal ang lalong nagpasakit sa mukha ko.
Napaiyak ako lalo dahil don. Imbis na sumagot ay hindi nalang ako kumibo. Hinayaan ko nalang ang sabunot niya na mas humihigpit na animo aalisin na ang anit ko.
Ang mga sampal at hampas ay binalewala ko. Umiyak lang ako habang binubugbug niya ako. Wala akong lakas para labanan siya.
"Manang-mana ka sa Nanay mo! Akala namin nag-aaral pero hindi pala!" gigil niyang sigaw.
Lahat ng lakas ko ay inipon ko at tinulak siya. Galit akong tumingin sa kanya kahit nanlalabo ang paningin ko sa luha.
"Pumayag na akong saktan at pagsalitaan mo ng masakit pero wag na wag mong idadamay dito yung Nanay ko!" galit kong sigaw sa kanya.
Namewang siya sa harap ko. Tinaasan pa ako ng kilay.
"At anong gagawin mo?! Ha?! Wala ka rin namang kwenta! Sa tingin mo ba uunlad ka sa ganyang pag-uugali mo?!" sigaw niya. "Wala kang galang!"
Pinahid ko ang luha sa pisnge ko at pinulot ang bag ko.
"Hindi ka rin naman po kasi kagalang-galang!" asik ko.
Nanlaki ang mata niya at galit na tumingin sakin. "Anong sabi mo?!"
"Hindi ka dapat igalang! Kung babastusin mo lang din ako at isusumbat lahat ng kusang loob mong ginawa. Hindi bale nalang!"
"Wala kang utang na loob!" sigaw niya.
"Meron ho. Sa alam kong pinagkaka-utangan ko. Pero kung sa katulad mo rin naman po. Hindi na. Hindi ko naman hiniling na ibigay mo sakin yung mga yon. Kusa mong ibinagay. Kusa!"
Galit na hinablot niya ang braso ko at hinila niya ako palabas ng bahay.
"Lumayas ka! Ingrata ka! Wala kang utang na loob! Lumayas ka at huwag na huwag mong aasahang may makukuha kang mana! Dahil sayo namatay ang Inang! Dahil sayo!" nangagalaiti niyang sigaw.
Patulak niya akong pinalabas at napaupo ako dahil sa lakas non. Sinarado niya ang gate.
"Wag na wag ka ng babalik dito! Hindi na kita tutulungang walanghiya ka!" sigaw niya sakin at tinalikuran na ako.
Naiwan akong parang basahang itinapon sa labas ng bahay. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapa-iyak ulit. Kinuha ko ang bag ko at sinukbit sa likuran ko. Dahan dahan akong tumalikod at nag-umpisang maglakad.
"Ineng, anong nangyari sayo?" tanong sakin nung guard na nakasakay sa bike at mukhang naglilibot.
Tumingin ako sa kanya. "Wala po." Mahina kong sagot.
Kumunot ang noo niya pero agad rin namang naglaho. "Osige. Ayusin mo yang sarili mo. Mukha kang ewan." Sabi niya at nagbike na ulit.
Napanguso ako sa sinabi niya at mas lalong napaiyak. Alam ko namang hindi ako maganda, kaylangan pa ba talagang ipamukha sakin yon? Sinuot ko ang mask ko at binilisan ang paglalakad.
Nang nasa labasan na ako ay pinagtitinginan ako. Magulo ang buhok, basang basa ang mukha dahil sa luha, namumula ang mata, lukot ang damit.
Gusto kong may makausap ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Di ako pwedeng umuwi ng ganito sa bahay namin. Mapapagalitan din ako don.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Astrid.
"Pre." Tawag ko ng sumagot na ito.
"Oy?" aniya
Huminga ako ng malalim at pinigil ang sarili ko na mapaiyak ulit.
"Ano... nasaan ka?"
"Nasa bahay na. Bakit?"
Napatango ako. "Wala, akala ko kasi nasa school ka pa eh." Sagot ko at pinunasan ang luha ko.
"Ikaw ba?" tanong niya, may himig ng pag-aalala ang tono. "Umiiyak ka ba?"
Napatawa ako ng mapakla. "Nag-away kami nung Tita ko eh. Pinalayas ako." Naiiyak kong sumbong sa kanya. Lumapit ako sa waiting shed at dun umupo. Wala namang tao kaya okay lang.
"Ha? Bakit daw?" tanong nito.
Mas lalo akong napaiyak. Will she judge me too if I tell her the truth? Will she leave?
"Uy Tin! Ano nga? Asan kana ba? Gagi, mag-gagabi na. Delikado sa daan." Sunod sunod niyang sabi.
"Nandito ako sa labas ng subdivision." Mahina kong sagot. Huminga ako ng malalim. "A-Ano... Trid, maya na nga lang. Thank you." Mabilis kong sabi at pinatay na ang tawag.
Napapikit ako dahil sa nararamdaman ko. Bakit ba hindi hindi nalang pagsabay-sabayin ang mga sakit na ipapadama nila sakin? Bakit hindi nalang gawing isang bagsakan para isang iyakan nalang din.
Napadilat ako ng marinig ang pagbuhos ng ulan. Ang mga taong walang payong na naglalakad ay nagtatatakbo na.
Yung iba ay sumasakay na ng jeep.
Yung iba naman ay nagbukas ng mga payong.
Magkakaybigan na nagtatawanan at asaran pa habang nagpapakaligo sa ulan.
Napangiti ako ng mapait. Sinabing hindi uulan ngayon pero umulan. Ano 'to clinched plot sa wattpad? Mapaiyak ako ulit.
Pero kahit anong sabihin ko ay mag-isa pa rin ako. Walang nandiyan kapag kaylangan ko sila. Itinaas ko ang binti ko sa upuan at yumukyuk sa mga tuhod ko. Dun ako nag-iiyak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro