Chapter 22
CHAPTER TWENTY-TWO
As usual, pagod na pagod ako pagkatapos kong gawin lahat ng gawin sa bahay. Yung pinag-kainan siguro nila nung tanghali nasa lababo pa at hindi hugas. Yung mga kalat din sa sala at nagsabog. Andaming laruan, mga ginupit na papel at lukot na papel. Yung mga unan kung nasaan saan na.
Pagod akong humiga sa kama at pumikit. Wala na yata siyang lakas para kumain mamaya. Nagligpit kasi agad siya. Ginawa na din niya mga assignment ng mga pinsan niya. spoiled brats, paano nalang kaya kapag lumaki kayo?
Matutulog na sana siya ng may kumatok at pumasok don ang Tita niya. napabangon siya.
"Tita, bakit po? May iuutos po ba kayo?" tanong ko.
Ngumiti siya at umiling. "Wala hija, may itatanong lang sana ako sayo. Kung okay lang naman." Marahan niyang sabi.
"Ano po ba yung itatanong niyo?"
"Gusto ko lang itanong yung baon mo? Sapat ba?" aniya.
Gulat akong tumingin sa kanya. Hindi ko na matago eh. Bakit naman niya itatanong yung baon ko? Wow ah. Akala mo hindi ako tiniipid noon. Naalala ko pa nung grade nine ako. Ang baon ko ko seventy pesos, sasakay pa ako ng jeep. Mula sa bahay namin na 'to lalakarin ko hanggang labasan at don sasakay ng jeep. Tapos sinabihan pa ako na huwag ng kakain sa seven eleven dahil mahal don.
Isipin niyo naman yon. Tas ngayon itatanong kung sapat yung baon ko? Hindi kaya mamatay na si Tita Maggie? O baka naman sinapian ng demonyo. Charout, minus two-hundred ka na naman sa langit niyan, Tin.
"Medyo po." Sagot ko. Totoo naman, medyo lang dahil one hundred yung baon ko sa isang araw. Sasakay pa ako ng jeep tas yung lunch ko pa. minsan nga di na ako kumakain para pag-saktuhin yung baon ko. May mga bayarin kasi na di ko na sila hinihingian.
Tumango siya at ngumiti. "Osige. Ako ng bahala. Dadagdagan ko nalang."
Mas lalong nanlaki ang mata ko. "O-Okay lang po ba kayo Tita?" hindi ko maiwasang itanong.
Tumango siya. "Oo naman. Saka deserve mo 'to... bassnbdsvvgsv" aniya na hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya.
"Ano po yon?" tanong ko.
Ngumiti siya at umiling. "Wala. Sige na. aalis na ako dahil alam ko namang pagod ka. Alam kong madami kang ginawa. Saka yung idadagdag ko sa baon mo ay dapat mong tipirin ha? Alam mo namang mahirap yung buhay ngayon." Hindi na niya ako hinintay makapag salita at umalis nalang basta. Medyo weird si Tita.
Anong medyo? Weird talaga siya. Ingat ka. Baka mamaya lalasunin ka nalang pala niyan.
Hindi naman siguro.
Anong hindi? Ghorl, siraan nga kayo at hinahin ka pababa nagagawa niyan eh. Lasunin ka pa kaya? Baka mamaya isumbat na naman niya sayo lahat ng gagawin niyang kabutihan na akala mo hiniling mo sa kanya.
Hindi ka pa ba nadadala? Yung pag-kuha mo ng ng legal management ayaw niya eh. Gusto niya IT kuhanin mo dahil ganun kinuha ng mga pinsan mo. Kaya nga TVL-ICT ka nong grade eleven diba?
Pabagsak akong humiga sa kama. Pagod na pagod na ang isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang wifi. Sakto namang pag-tawag ni Dino sa messanger. Agad kong sinagot.
"Bakit ka umaalis kanina ng wala pa ako?" pambungad na tanong niya sakin.
"Yeah, kamusta ka rin naman?" sarcastic kong sabi at umirap. "Yan talaga una mong itatanong?"
"ANO BA DAPAT?!" sigaw niya sa kabilang linya. Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko.
"You don't need to shout! I can loudly and clearly hear you." Asik ko sa kanya ng muli kong itapat ang phone sa tenga ko.
Dumagdag pa si Dino sa sakit ng ulo ko. His acting like a possessive manipulative sad boy again.
"Bakit kasi hindi mo ako hinintay? Or chinat mo man lang sana ako para alam ko na pauwi kana. Pero hindi, ako pa tumatawag sayo. Alam ko namang wala ka ng pakialam sakin pero bigyan mo nalang ako ng konsiderasyon." Aniya pa.
"Pwede ba? Don't act like a sad boy who's facing a big problem right now. I'm tired. Mula ng umuwi ako kaninang hapon wala akong pahinga so please stop being a nagger boyfriend." Naiinis kong sabi.
"Oo nga naman. Sinong magtitiyagang kausap ako diba? Madami namang mas better---"
"Tangina naman Dino!" sigaw ko, "Paulit-ulit nalang! Ano ba yung sabi mo na hindi ka na tulad ng dati? Nasaan yun?" naiiyak ako dahil sa nangyayari. Hindi ako makahinga. "Ang sabi mo hindi ka na tulad ng dati. Pero hindi eh. Ganun ka pa rin."
Narinig ko ang pagtawa niya ng mapait. "Ikaw rin naman ganun ka pa rin. Wala ka pa ring pakialam sa feelings ng ibang tao."
"Wow...." Yun nalang ang sinabi ko at binaba na ang tawag. Napatawa ako at kasabay non ang pagtulo ng luha ko. "What I beautiful life I have?"
Kasabay ng pagtawa ko ang pag tulo ng mga luha ko. Hindi siya tumitigil. Bakit parang hanggang ngayon kasalanan ko pa rin? Bakit hanggang ngayon parang ako yung may mali?
KINABUKASAN, pumasok ako ng namamaga ang mata. Bago ako umalis ay nag-usisa pa si Tita. At ang akala ko malaking dagdag ay hindi pala. Binigyan niya lang ako ng one hundred fifty para sa baon ko ngayong araw. Inulit pa ni Tita ang sinabi niyang 'tipirin mo".
Sumakay ako ng trike para mapabilis ang pag-labas ko ng subdivision. Late na rin ako sa unang klase ko.i just cried all night because of Dino. My mind is killing me. Isabay mo pa yung mga stress na natatanggap ko.
Sumakay ako ng jeep at nagpahatid sa Bulsu. Nakasuot ako ng salamin para hindi ganong halata yung pamamaga ng mata ko. Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito. Huling iyak ko nung unang mga buwan ng paghihiwalay namin ni Dino.
Pagkababa ko sa harap ng school ay napatingin ako sa may gate. Andon si Trid at iniintay ako. Ngumiti siya sakin pero agad ding nawala.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti ng maliit sa kanya. "Oo"
"Tamlay mo. May sakit ka ba?" tanong pa niya sabay salat sa leeg ko. Umiling ako sa kanya at umiwas.
"Okay lang ako." Sagot ko at nauna ng pumasok. Sumunod lang sa kanya si Trid. Imbis na pumasok sa room ay nag-punta siya sa likod ng school. Walang ganong nag-pupunta don dahil sa wala namang gumagamit.
Umupo siya sa ilalim ng puno at yumukyuk don. Nawalan siya bigla ng gana mag-aral. Nawalan siya ng gana pumasok. Ayaw niya munang makisalamuha sa ibang tao.
Di ko namalayang basang basa na pala ng luha ang mga mata ko. Wala na akong paki kung mabasa rin ang uniform ko. Ayoko ng magpanggap na okay lang ako kahit hindi naman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro