Chapter 21
CHAPTER TWENTY-ONE
Napatingin ako sa humawak sa braso ko. Si Dino. Ngumiti ako sa kanya. Ilang araw na rin simula ng pumayag akong makipag-kaybigan sa kanya. Pinag-susuntok niya kasi yung puno malapit sa building namin at umiyak siya sakin.
Um-oo nalang ako para di niya saktan ang sarili niya. Simula non ay lagi niya akong hinihintay papasok ng school, minsan kasabay namin si Trid, minsan naman ay hindi. Hinahatid niya ako hanggang sa classroom namin. Minsan hahatid niya pa ako sa sakayan ng Calumpit o kaya ay hihintayin niya akong makasakay ng jeep bago siya umuwi.
Naging maayos naman lahat. Hindi siya ganun kahigpit tulad noon. Parang friends lang talaga.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa building namin. Tumango siya.
"Oo, bakit late ka yata ngayon?" tanong niya.
"Tinanghali kasi ako ng gising. Late na din ako nakatulog dahil sa akin pinagawa yung project nung maliliit kong pinsan."
Tumango ulit siya. "May subject ka pa na nahihirapan ka?"
"Lahat naman yata ng subject namin mahirap." Pabiro kong sabi at tumawa. Ang kinukuha ni Dino ay BS-Math in Secondary Level. Magt-teacher siya. Kung hindi sa High school ay sa mga colleges as prof. Magaling sa math si Dino kaya ko rin siya nagustuhan.
"HAHA, pag may di ka maintindihan. Lapit ka lang sakin. Tutulungan kita." Sabi niya pa. tumango lang ako sa kanya at umakyat na sa hagdan.
"Ikaw ba? Lahat ba ng subject mo mahirap?"
"Hindi naman. Depende syempre. Minsan may mahirap eh"
"Math kasi"
Tinawanan lang niya ang sinabi ko at ng makarating kami sa room namin ay tumingin siya sakin at hinalikan ako sa pisnge ko at inilagay sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok.
"Ingat ka ah. Making ka sa prof mo. Chat mo ako kapag tapos na lahat ng klase mo. Susunduin kita." Sabi niya.
Tumango lang ako. Hinintay ko siyang makaalis at ng wala na siya ay pumasok ako sa loob. Pumuwesto ako sa likod kung saan ako palaging andon.
Ano 'to wattpad? May pa PDA sa labas?
"Akala mo mabait pero nasa loob pala yung kulo."
"Alam mo ba ghorl, yung narinig ko matagal na daw silang wala."
"Nako, asahan na. Halata namang nagpapahabol lang."
Napalingon ako sa gilid kung nasaan ang mga nag-uusap na yun. Nakatingin sila sakin saka muling nagharap-harap. Mukhang ako yata ang pinag-uusapan nila. Bakit nila ako pinag-uusapan?
Napatingin ako sa palad ko na nagpapawis. Kinakabahan ako. Bakit? Anong meron? May di ba ako alam? Ako ba yun?
HANGGANG sa matapos lahat ng klase ko ay balisa ako. Hindi ako makapag focus sa pag-aaral ko dahil sa usapan kanina ng mga classmate ko. Si Bea ang kasama ko ngayon. Sabay kaming bababa dahil may project kami. Kaylangan naming bumili ng mga gamit. May mabibilhan naman sa mismong labas ng school. Sa may itaas ng KFC sa main gate.
"Anong balak mong gawin sa project natin?" tanong ni Bea habang palabas kami ng University.
"Hindi ko pa ng alam. Magr-research pa ako mamaya para naman may alam ko. Di ko rin sure kung ano bibilhin ko." Sabi ko, ang totoo niyan ay wala lang din ako pera. Hihingi pa ako kina Tita para may ipang-bili ng mga gagamitin ko.
Tumango siya. "Same pala tayo eh. Kaya lang ay next month na agad pasahan niyan. Dapat meron kana bago yon or mas maganda kung maaga tayo makapag-pasa dahil baka mamaya ay ibagsak tayo ni Prof. Alam mo namang medyo matanda na kaya maiinitin ang ulo."
Napatawa ako ng mahina. "Oo nga. Pero magaling siya ah. Madali kong naiintindihan yung mga tinuturo niya. Hindi katulad ng iba na medyo magulo."
"True naman kasi." Umakyat kami sa bakal na hagdan papunta sa Pandayan kung saan kami bibili ng gamit.
Pumasok kami sa loob at nag-punta sa art material section. Hindi na namin hinubad ang bags namin dahil hindi naman Malaki yun. Yung sakin ay maliit lang na bag at may laman lang na make-up at isang yellow pad. Ang bait kong estudyante, matagal ko ng alam.
"Nakahanap kana ba ng trabaho? Hindi ba't naghahanap ka?" tanong niya habang kumukuha siya ng bibilhin niya.
"Hindi pa nga eh." Tumingin ako sa mga libro na kaharap ng mga art material. Naghahanap ako ng about sa Legal Management. "Hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng trabaho. Yung gusto ko malapit lang dito sa school para di na hassle sa pag-aaral ko."
Tumingin siya sakin na para bang may naiisip. "Bakit?"
Ngumiti siya sakin. "What if diyan ka nalang sa fast food mag-trabaho? Or pwede rin naman sa school library natin. May kita rin don ah." Suggestion niya. napa-isip ako sa sinabi niya.
"Pwede naman kaya lang gusto ko na kasi yung mga sa call center ganun. Para mahasa din ako sa English." Sabi ko pa at tiningnan yung hawak niya. "Yan lang ba yung bibilhin mo?" tanong ko.
"Oo, eto na muna. Saka nalang siguro ako bibili ulit kapag naka-isip na ako ng gagawin ko. Baka kasi masayang eh" aniya at nauna ng maglakad papunta sa counter. Sumunod naman ako sa kanya.
"Kung ako sayo, maghanap kana ngayon palang. Kasi baka mahirapan ka niyan kapag nasa kalagitnaan na tayo ng taon. Mahirap mag-aral at magtrabaho ng sabay." Dagdag pa niya.
Ibinigay niya sa cashier ang binili niyang art materials. Tumingin siya sakin.
"Alam ko naman eh. Nag-iisip na nga ako kung saan ako pwedeng magtrabaho ng hindi maapektuhan ang pag-aaral ko." Sagot ko sa kanya.
Kinuha nito ang binili at nagbayad na. "Basta support lang ako." Sabi niya at nginitian ako. Ngumiti rin ako sa kanya at sabay kaming lumabas ng store. Saka ko lang naalala si Dino na nag-hihintay sakin.
"Bea, mauuna na ako." Sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo nito at nahinto sa pag-baba ng hagdan. Humarap siya sakin.
"Bakit? Wala naman ng klase ah?"
Ngumiwi ako sa kanya. "Si Dino kasi baka nag-aantay na sakin yun sa taas. Di naman ko naman nasabi sa kanya na lalabas na ako eh. Saka si Trid baka inaantay din ako non."
Tumango lang siya. "Sige. Mag-ingat ka ah" sabi niya at nauna na sakin. Ako naman ay nagmamadaling bumaba at pumasok ulit sa school.
Nakasalubong ko si Trid na kuno't ang noo.
"Saan ka galing, Pre?" tanong niya at huminto sa tapat ko.
"Bumili kami nung gamit para sa project." Sabi ko.
"Nagpunta ako sa room niyo. Wala ng tao." Sabi niya at inakay ako palabas. Huminto ako. "Bakit?" tanong niya.
"Si Dino?" tanong ko.
Ngumisi si Trid. "Umuwi na, sabi ko wala ka sa taas eh. Mukhang galit si gago" sabi niya pa.
"Nakangisi ka pa ah" puna ko.
Mahina siyang tumawa. "Syempre, gago siya ah. Parang nakabawi kana din non sa pagpapa-iyak niya sayo."
Inilingan ko nalang siya. Kakaiba talaga ang pag-iisip ni Trid, jusko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro