Chapter 18
CHAPTER EIGHTEEN
NAPANGITI ako habang pinapanood maglokohan sina Christine and Astrid. Yes, were okay. Natanggap ko na. Nag-babago talaga ang mga tao. Ang pagbabago ay siyang dapat mangyari para mag-grow tayo. Kaylangan natin yon.
Late celebration naming 'to ng birthday ko. Hindi kasi sila naimbitahan nung birthday ko dahil wala rin namang handa. Nagkaroon lang ng kaunting salo-salo pero di ganung kalaki, okay na rin yon at least masaya akong nacelebrate yon.
"Tas si Christine non, naglulurit HAHAHAH." Sabi ni Astrid.
"At least di naging raker. AHAHHA" ganti ni Chris.
Nagtawanan lang kami dahil sa kalokohan namin. Andito kami kina Astrid. Kasama namin sina Badje at Chris. Nagluto lang ng pancit canton, soju at bumili sila ng cake para sakin. May gift rin silang isang picture frame. Syempre, may picture na si Astrid mismo ang nag-paint.
"Manuod us" sabi ni Badje.
"Ano papanuorin?" tanong ko habang iniinom ang soju ko. Ang mga loko, di sinabing gusto pala uminom. Edi sana kinuha ko yung soju sa bahay. Dalawang bote pa naman ang meron don.
"Paanuorin natin kung paano siya pumunta sa States of Iba" sabi ni Chris at sinabayan ng tawa. Inilingan ko nalang siya.
May ka-M.U kasi siya, tas ang sabi pupunta raw ng America dahil kukuhanin ng Tita niya. Yun pala hindi. Ilang buwan ng nandiyan. Nakatambay sa kanila.
"Okay lang. May bago ka naman na yata." Sabi ko at napatingin siya sakin sabay tawa. Kinilig ang loka.
Inilingan ko lang siya at tumingin sa TV. Actually, nanunuod talaga kami. Movie marathon. Ganito palagi yung gawi namin kapag nagkakasama kami. Ngayon lang ulit nangyari 'to. Mabuti nga at kumpleto kami--- hindi pala kami kumpleto. Wala si drei, birthday daw nung jowa niya kaya di makapunta.
Pinapanood namin ay yung 'After: We Collided'. Di ko alam kung bat kinikilig sila kay Hardin. Gwapo nga pwero wala namang dating sakin. Or masyado lang mataas ang standard ko?
Nandito na kami sa part kung saan nasa isang yoga class sina Hardin at Tessa. Ang kwento kasi nito ay yung lalaki na-offend yata or natapakan yung ego dahil hindi ginawa ni Tessa yung dare. Kaya pinag-pustahan nila si Tessa at Hardin na kapag nakuha ni Hardin ang virginity ni Tessa ay panalo ito.
In short, lokohan pero sa dulo sila pa rin ang magkakatuluyan. Dito sa book two ay naghahabol si Hardin at dahil marupok din si Tessa ay di nag-tagal bumalik siya dito.
Pag kasi ang babae ang nagmahal. Kasi paulit ulit mo siyang lokohin at saktan. Kapag sobrang mahal ka niyan kaya niyang magbulagan-bulagan at tanga-tangahan. Kahit sobrang sakit na. kahit hirap na hirap na siya. Kapag mahal na mahal ka niyan ay di ka bibitawan niyan.
Pero mali ang mindset na yon. Kapag toxic na ang relasyon dapat ng maghiwalay. Nakakatawa lang. Ang galing mag-payo sa mga kaybigan na huwag maging marupok, ang galing mag-payo tungkol sa love pero di naman kayang i-apply sa sarili.
Last year nung birthday ko, kasama pa namin si Dino. Kasama namin siya at masaya kami. Nilagyan pa nga namin ng mga liptint and cheek tint yung mga mukha namin. Inubos namin yung luma kong cheek tint dahil may bago silang binili sakin.
"Lungkot naman ni Tine." Puna ni Badje.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti, "Hindi ah" sabi ko. "Nanunuod kasi ako."
Hindi kasi sila nanunuod. Naghaharutan lang.
"Sige nga, anong nangyari sa kanila?" tanong ni Astrid.
"Ayan oh. Nag-kaharap, umalis si Tessa kasi diba?" sagot ko.
"Yung di siya sigurado sa sagot niya" sabi ni Christine at uminom din ng soju.
May cake sa lapag. Syempre, nakalagay sa platito. Kanya kanya kaming kuha. Pulutan eka nga. Naubos ko na ang soju ko. Mabilis lang din siyang mainom dahil may halo namang sprite saka yakult. Di siya puro. Sa Binasal kami nakabili. May small store don na may mga Korean foods and Japanese din ata. Yung mga pagkaing di niluluto ah.
"Ubos na yung kay tin, lagyan ng bago" sabi ni Christine at nilagyan na naman ang baso ko. Tinaggap ko lang yon at ininom.
Napailing ako dahil ang bilis ng panahon. Parang nung nakaraan lang ay di ko pa siya kayang harapin. Ngayon ay eto, magkakasama na kami.
Last week na ng buwan ng November. Patapos na rin ang bakasyon ko. Kaylangan ko na ulit umuwi sa Calumpit. Kaylangan ko ng tumira don. Siguro magiging sobrang dalang talaga ng pag-uwi ko dito sa Hagonoy nito.
Gusto kasi nila na lumipat na ako don. Di naman pwede kasi ayaw kami pakawalan nung school. Mahirap sa college baka ipitin yung card namin.
"Kamusta kayo ni Dino?" tanong ni Astrid sakin.
"Okay lang. nag-uusap kami" sagot ko at binaba na sa lapag yung baso kong wala ng laman.
"Kayo na ulit?" tanong niya.
"Gusto niya nung unang magkabalikan kami. Pero sabi ko ayoko na muna. Okay na yung ganito. Noon kasi natatakot akong gumalaw kasi baka mamaya magalit siya. Baka mamaya mag-away kami dahil don. Pero ngayon nakahinga na ako." Totoong sagot ko.
Tumango naman sila.
"Oo, wala nang manipulative sadboi boyfriend" sabi ni Christine.
"Uwu, inis din kami kay Dino ni Trid eh." Sabi ni Badje.
"Oo"
"Di na kasi siya gaanong nakakatuwa." Sabi ni badje.
"Nakakatawa nga eh. Di ba pag nagpupunta ako sa otso saka pag makakasalubong ko siya, laging nakayuko." Sabi ni Astrid.
Napangisi ako habang yung iba tumawa.
"Parang tanga. Bat di ka makatingin sakin? Pag tumingin ka sasapakin kita" sabi ni Astrid pa.
"Hayaan niyo nalang siya. Wala naman akong balak talaga makipag balikan sa kanya eh." Sabi ko pa.
Di na sila kumibo at tumingin na kami sa pinapanood namin. Nag-aaksaya lang kami ng kuryente dahil halos di naman kami nanunuod. Hindi naman sila gaanong nakapanood. Nag-k-kwentuhan kasi sila. Ako naman nakikinig lang.
Nang matapos ang pinapanood namin ay napag-pasyahan na naming umuwi. Alas-singko na rin ng hapon eh. Okay lang sakin na gabihin kasi nasa otso lang naman yung bahay namin pero sina Badje saka Christine kasi sa Sto. Rosario pala sila. Malayo. Baka masyadong gabihin.
Habang naglalakad pauwi ay nakasalubong namin si Dino. Napatigil ito sa paglalakad at ganun rin kami ni Trid. Nakatingin lang siya sakin at bumaba yung tingin niya sa hawak kong cake.
Ito ang unang nag baba ng tingin at naglakad na. nilagpasan niya lang kami na para bang wala lang kami. Okay lang. manhid na ako para maramdaman pa yon. Sanay na kasi ako. Palagi nalang kasi. Away doon, away dito. Tama si Christ, manipulative sad boy ang ex boyfriend ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro