Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

A/N: Hi Belladonnas, good evening! hope you like this update, thank you for waiting!

CHAPTER SIXTEEN

Napatingin ako kay Mama na nabitawan ang hawak niyang remote ng TV habang may kausap sa telepono. Dinamba ng kaba ang dibdib ko ng makitang namutla halos ang mukha nito at nag-umpisang umiyak.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

"Ma? Okay ka lang? Bakit raw?" sunod sunod kong tanong.

Humarap siya sakin at umiyak ng tuluyan. Kauuwi ko lang kasi galing sa hospital. Bukas ay babalik na ako. Umuwi lang ako ngayon para maglaba pero natapos na pala ni mama kaya nagpapahinga nalang ako.

"W-wala na yung l-lola mo." Mahina niyang sabi at binitawan ang kamay ko.

Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Nag-init ang magkabilang gilis ng mga mata ko.

"Ano ulit yon, Ma?" tanong ko sa kanya.

"Wala na si Tita!" aniya at tuluyang napahagulgul.

Natawa ako. "Ma! Di magandang biro yan!" ani ko, nag-uunahang tumulo ang luha ko. "M-Ma! Hindi pwede! Magkasama pa kami kahapon eh! H-Hindi pwede!" ani ko at napaupo ako sa lapag.

"Ma! hindi pwede!"

Mabilis akong kumilos at pumasok sa loob ng kwarto. Kinuha ko yung wallet at nagtatakbo palabas ng bahay namin. Pumara ako ng trike at sumakay don. Nagpahatid ako sa may Sto. Nino kung nasaan ang sakayan ng Jeep papuntang Malolos.

Habang nasa byahe ay pinag-titinginan ako ng mga tao dahil sa pag-iyak ko pero wala akong pakialam. Gusto ko lang makita si Lola. Gusto kong mapatunayan na hindi totoo yung sinasabi nila. Na hindi pa siya. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi pwede.

Mabilis ang nagging byahe at nakaratin ako sa Sacred Heart. Pumasok ako sa loob at nag-punta sa may tapat ng elevator, nang makitang puno yon ay tumakbo ako sa may hagdan saka nagtatakbong nagpunta sa kwarto ni Lola.

Naabutan ko sa loob ng kwarto sina Tita Maggie. Umiiyak siya habang yakap ang katawan ni Lola.

Dahan dahan akong lumakad papunta sa kanila.

"MA!"

"MAMA!"

Hagulgul nila at ng mga pinsan ko ang maririnig don sa ngayon. Si Lolo ay umiiyak rin habang hawak ang kamay ng kanyang esposa. Napalunok ako ng dumako ang mata ni Tita Maggie sakin. Naningkit ang mga iyon at binitawan niya si Lola.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw niya na nagpa-igtad sakin.

Umiiyak akong tumingin kay Lola bago sa kanya. "D-Di ba po... hindi pa naman wala si Lola? B-Buhay pa po siya diba?" mahina kong tanong habang humihikbi.

"Wala na siya. Wala na. iniwan na niya tayo." Mahina niyang sabi at lumayo kay Lola.

Dahil dahil don ay naglakad ako palapit kay Lola. Nahihirapan akong huminga.

Parang may kung anong dumakma sa dibdib ko ng makalapit ako sa kanya. Nakita ko ang maputla at walang buhay niyang mukha.

"Lola! La! A-Akala ko ba sabay tayong uuwi? A-Akala ko ba.... H-hindi mo kami iiwan?" mahina kong sabi sa kanya. Sunod sunod ang patak ng luha ko. Sunod sunod kong niyugyug ang malamig niyang katawan. But there's no response. She's really dead. She's not with us anymore.

Niyakap ko siya at umiyak ako sa tabi niya. Bakit ngayon pa nangyari 'to? Bakit kaylangan niyang umalis agad? Bakit kung kaylan ako nagging totoo sa kanya?!

And this day, I feel like I'm alone and I'm empty.

PANGALAWANG ARAW ng burol ng Lola ko. Nandito kami sa San Nicholas. Dito siya naka-burol. Hinawakan ko ang coffin niya. Ang ganda ganda ng Lola ko. Parang napaka-saya niya.

Hinawakan ko ang salamin na para bang mahahaplos ko pa ang pisnge niya.

"La, I'm sorry. I'm sorry nung wala ako sa tabi mo. Sorry" umiiyak kong pahayag at niyakap ang sarili ko. Hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko. She's the only person who love me more than anything.

Kahit agaw pansin ay di ko sila pinansin. Hindi ko kayang mag-panggap na okay lang kahit hindi naman.

"Kristine! Lumabas ka muna dito. Dalhan mo yung mga bagong dating ng mga kukutin." Sabi ni Tita Maggie.

Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. Lumapit ako sa kanila at tiningnan yung tinuturo niya. Nakita kong umupo ang mga madalas kahuntahan ni Lola. Mga kaybigan niya.

Lumabas ako at kumuha ng zesto at ng mga kukutin. Lumapit ako sa kanila. Ibinaba ko sa lamesa ang hawak kong dalawang plato.

"Apo ka ba ni Rosa?" tanong sakin ng isang matanda.

Tumango ako at ngumiti ng maliit. "Opo." Mahina kong sagot.

"Ke, ikaw raw yung huling kasama?" tanong pa nung isa.

Tumango ulit ako.

"Ano bang nangyari? Bakit biglang inatake? Sabi nung mga anak baka raw may napag-awayan kayo?" tanong ulit nung una.

"Wala po kaming napag-awayan. Umuwi nga po ako ng maayos kami. Tinanong ko pa po siya kung okay lang ba na aalis ako." Mahina kong sabi. 'ano namang sasabihin nila Tita? Hindi kami nag-away ni Lola kahit minsan simula ng ma-ospital siya.' Ani ko sa isip ko.

Tinalikuran ko na sila at umupo malapit sa may pinto. Mamaya kasi ay darami na naman yung mga tao. Ipapatawag ulit ako nila Tita. Mabuti ng dito ako.

Napansin kong nagkumpulan ang mga anak ni Lola. Pamangkin lang kasi si Mama ni Lola pero kahit ganun ay malapit ang loob niya samin. Kahit minsan may hindi pagkaka-intindihan.

Lumapit sakin si Tita Maggie at kasama si Tita Claire. Tumayo ako.

"May i-uutos po kayo?" tanong ko sa kanila.

"Sabihin mo nga samin, Tine. Anong nangyari bago ka umuwi nung namatay si Inang? Kasi okay naman na siya." Sabi ni Tita Claire.

"Hija, gusto lang naman naming malaman kung bakit bigla nalang inatake si Inang. Wag mong masamain ha." Sabi ni Tita Maggie.

"A-ano po...." Hindi ko pwedeng sabihing napagkwentuhan naming yung boyfriend ko. Paniguradong lagot ako nito. "nag-kwentuhan lang po kami tapos po nag-paalam na akong uuwi ako." Mahina kong sagot.

"Yun lang? Hindi ba kayo nag-away? Baka naman mamaya ay nag-away pala kayo." –Claire

"Or baka naman nasigawan mo."

"Basta pag-tatalo?"

"Wag kang matakot magsabi samin. Hindi naman kami galit."

"Oo, hindi kami galit."

Salit-salitan silang nagsasalita at naririndi na ako. Parang gusto ng sumabog ng tenga ko. Yumuko ako at I balled my fist. Please, self. Calm.....

"WALA PO!" sigaw ko ng hindi na ako maka-tiis.

Pareho silang nawalan ng imik at napatahimik na rin ako. Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga mata nila.

"Wala po kaming naging pag-aaway. Nag-hiwalay po kami ni Lola ng maayos. Ayoko nga pong umuwi nong araw na yon. Ayoko siyang iwan pero nagpumilit siya. Kaylangan din daw po ako ni Mama. Hindi ko naman siya sinuway. Umuwi ako." Mahina kong sabi.

Napatanga naman sila at mukhang alam na nagsasabi ako ng totoo. Tumahimik sila at umalis na. napa-upo ako. Nararamdaman ko ang tingin ng mga tao sakin. Yung ibang naglalaro paniguradong napatigil. Tss, ikukuwento na naman nila ako.

Laman ng tsismis palagi. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro