Chapter 14
CHAPTER FOURTEEN
Gusto kong matulog!
Yun ang paulit- ulit na tumatakbo sa isip ko. Hindi kasi ako nakatulog kagabi tapos kanina ay maaga akong nagising dahil may pasok ako.
Inaantok akong tumingin kay Trid na busy dahil sa pakikipag-VC sa jowa niya. Wala naman kasing teacher kaya okay lang na gumamit ng cellphone. Paano naman kami mag-aaral kung walang nag-tuturo.
"Oy, wag kayong maingay! Baka mamaya magalit si Miss. President!"
"Ms. President! Nag-lalabasan oh!"
"Hoy! Galangin niyo naman si President! Nandiyan lang oh. Tinitingnan kayo!"
"Ang ingay niyo!"
"Para kayong mga bata!"
"Di ba kayo mag-m-mature?! Ang tanda tanda niyo na!"
Tumingin ako kay Astrid na tumatawa-tawa sa tabi habang tinatago ang cellphone. Tumingin siya sakin.
"Pansinin mo nga yung mga bida-bida. Ms. President daw" aniya.
Pabiro akong umirap sa kanya saka sinimangutan silang lahat. Anong pakialam ko sa kanila? Kung gusto nilang mag-wala, GO!
"Hayaan mo sila." inilibot ko ang tingin ko sa buong classroom. "Matatanda na yan. Alam na nila ang tama at mali." dagdag ko at yumukyuk. Hinyaan ko silang mag-ingay at mag-wala dun. Pinili kong matulog nalang imbis na mabwisit sa kanila.
AFTER LUNCH ay pumasok ang last subject namin. Teacher namin sa Gen. Math. Pumasok para lang mag-attendance.
"Okay class. Ang pag-aaralan natin ngayon ay ang Solving Rational Equation and Inequalities" sabi niya habang nag-susulat sa white board.
"If you're going to solve a Rational Equation. You first need to do is eliminate denominator by multiplying term of the equation by the least common denominators. Always remember that elimination denominators may introduce extranuos solution. Check the situations of the transformed equations with the original equations."
Nag-sulat ito ng example sa board.
"Okay. We need to solve for X but not your Ex na iniwan kayo para sa iba." aniya at sinabayan ng mga classmates ko.
"Mapanakit ka, cher!"
"Ayan. Mag-mahal pa ng maling tao"
"Move on na gais"
"Okay na, class. Stop na. We will solve for the X. 2 all over X minus 3 all over 2X is equal to 1 over 5."
"Cher, what if walang ex?" tanong isa kong classmate.
Tumingin don si Cher. "Anak. Walang masama kung wala kang boyfriend or girlfriend. Hindi niyo kakulangan yun."
"Ayieee. Meron pa ba non?! HAHHAHA"
Naging smooth lang ang naging klase namin dahil palabiro si ma'am. Sanaol naintindihan yung tinuro niya kasi ako hindi ko gets. Sanaol gets ang math.
Lumabas na kami ng classroom dahil uwian na namin. Pero dahil alam kong maaga pa at wala pa si Christine. Humarap ako kay Trid.
"Par, maiwan ka nga muna dito. Kakausapin ko lang si Cher Klea." sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sakin. "Anong meron kay cher?"
" May itatanong lang ako. Dito ka na muna" mabilisan kong sabi at sinabayan ko ng alis. Lumakad ako papunta sa faculty at sumilip don. Nakita kong si Cher Klea lang ang nandon at nag-re-ready ng umuwi. Pumasok ako.
"Cher?"
Tumingin siya sakin at ngumiti. "Ow, Kristine. Nandito ka pala. Bakit?"
Umupo ako sa may upuan sa harap ng table niya. "Cher, gusto ko po sana kayong maka-usap. Gusto ko lang po mag-labas ng rants ko sa buhay ko ngayon. Ang hirap hirap na po kasi. Di ko alam kung kanino ako mag-sasabi." naiiyak kong sabi sa kanya.
Tumango-tango ito kaya nagpatuloy ako sa pag-k-kwento. Lahat ng rants ko sa pamilya ko ay sinabi ko sa kanya. Pati na rin yung nangyari sa bahay namin at kung paano ako nahihirapan.
"Alam mo anak, ang dapat mong gawin ay sabihin mo sa kanila ang mga rants mo. Sa kanila mo sabihin yan para maging open rin sila."
"Cher, natatakot po ako eh. Baka po sabihin nila na nag-iinarte lang ako. Kasi nakakaranas po ako ngayon ng Anxiety."
Ngumiti siya at tumango. "Anak, nasa isip mo lang yan. Siguro wag mong isipin mawawala rin."
Dahil sa sinabi niya ay nawala ang ngiti ko at pag-asa ko sa nangyari. Akala ko ay maiintindihan niya ako. Akala ko hindi siya katulad ng iba.
Mabilis na tumayo si Cher at lumabas na ng faculty room. Ako naman ay naiwang tulala dahil nagkamali pala ako sa kanya. Natatawa ako sa sarili ko. Naloko ako.
Tumayo ako at lumakad palabas ng faculty. Naabutan ko si Trid na naghihintay sa may pinto. Tumingin siya sakin.
"Par, anong nangyari?" tanong niya.
Umiling ako sa kanya at nauna ng maglakad paalis. Hindi kami nagkikibuan ni Trid habang bumabyahe kami papunta sa bayan sa may 7/11.
Huminto kami sa may 7/11 at dun nag-hintay. May isang mesang bakante kaya naman dun kami umupo. Nakatabi siya sakin at tahimik pa rin. Humarap ako sa kanya.
"Trid"
"Hmm?" sagot niya pero di pa rin siya tumitingin sakin.
Lumapit ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Trid, sorry. Sorry. Dapat di sinabi sayo yun ni Dino. Hindi ko naman kasi alam na gagawin niya yun."
"Loko, okay lang yun." sabi niya at medyo lumayo sakin.
"Sorry nga, Par. Tumingin ka muna sakin." utos ko. Tumingin siya pero sandali lang. Alam kong nag-tatampo siya dahil sa sinabi sa kanya ni Dino.
"Par, sorry. Sorry talaga."
"Okay lang yun, Par. Di mo naman ginusto yon eh. Kaya lang yung boyfriend mo gago. Kami pa ilalayo sayo akala niya naman kung di rin samin edi sana matagal na kayong hiwalay." sabi ni Trid sakin.
"Pero sorry pa rin. Sabi ko naman sa kanyang wala namang nangyari sakin eh."
Tumingin sakin si Trid. "Buti nga walang nangyari sayong masama. Sorry rin par kasi wala ako nung time na yun." sabi niya at nakita kong namumula yung mata niya kaya naman niyakap ko siya.
"Sorry par, sorry."
"Sorry rin."
Makalipas ang ilang sandali ay para kaming mga timang na tumatawa. Kahit naman kaunti ay nabawasan ang sama ng loob ko. Okay na kami ni Trid.
Dumating si Christine ay inaya na kaming mag-punta sa kanila pero nag-aya pa si trid na bumili ng soju kaya pumayag naman kami. Bumili kami ng dalawang bote ng soju at isang pack ng yakult. Yung yelo din ay bumili kami.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro