Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

We Live In A Different World

We Live In A Different World by iamJhaze

Prologue
We lived in a different world. I came from the Fire Sacred Land and she came from the Enchanted Water Land. The Fire magician's mortal enemy.
We are born in a different land. I am the Water Enchantress and he was the Fire Emperor. My opponent against the throne for the Magical Land.

Chapter 1

When I was 7 years old I've met a boy in the Mortal World...
Umiiyak siya kasi natapon ung mga gummy bear's niya tapos nakaupo pa siya sa gitna ng mall habanf may sinusulat na hindi ko maintindihan sa tiles ng mall.
Natatawa na naaawa ako sa kanya eh. Pero as heir of the Water Enchantress throne kahit na nasa mortal world ako I need to act as a Princess.
"Bata tumayo ka jan, nakakahiya ka eh!" liningon nya lang ako tapos bumalik ulit sa ginagawa niya
Aba. Siya pa may ganang mang-snob ah?
"Hoy Bata, tayo na jan, wag ka nang umiyak!" This time kinalabit ko pa siya pero wala pa ding effect.
Pumunta ako sa harap niya at tumalungko.
"Bata, wag ka nang umiyak ang panget mo eh! Ibibili na lang kita ng gummy bears eto oh may pera ko" sabay pakita ng pera ko.
"Talaga? Ibibili mo ko ng gummy bears? Tara dali!" Hinila niya na agad ako papasok sa loob ng supermarket.
"Pero hindi ako panget! GWAPO ako GWA-PO!" psh! Whatever.
After naming bumili ng gummy bears niya, naupo kami sa bakanteng upuan sa foodcourt.
"Bata, salamat ah! Ako nga pala si Francis Madrigal" pakilala niya.
"Ako naman si Princess Mae Saavedra ☺" sabi ko naman.
"Excuse me, Water Enchantress!"
"Ah, yes? What is it?" nagflashback na naman pala sa alaala ko un. Tsk.
"Ayon po sa mga Dolphins, may binabalak na pag-atake ang Fire magicians ano po ang gagawin natin?" sabi ng kanang kamay kong si Reu
"Maghanda kayo. Palibutan ng Water Shield ang buong kaharian!"
"Masusunod po kamahalan" G-r-r-r ayan na naman ang mga Fire magicians! Hindi ba sila nagsasawang makipaglaban? Ang gusto ko lang naman ay kapayapaan!
Meanwhile in the Fire Sacred Land...
"Emperor, handa na po ang lahat, signal nyo na lang po ang hinihintay" sabi ni Ysh ang aking kanang kamay
"Ihanda nyo na ang daraanan pagkalipas ng isang oras, susugod na tayo!"
"Masusunod po kamahalan"
Handa na ang lahat ng mga Fire magicians ko para sumugod sa Enchanted Water Land. Wala naman talaga akong balak makipaglaban sa mga Water magicians pero nang dahil sa kanila kaya namatay ang mga magulang ko. Kaya ako naghihiganti ngayon.
Ang plano ko, kaunti lamang ang pasusugurin ko at pagkatapos ay pababalikin ko din sila para pagkamalan nilang tapos na ang laban pero makalipas ang ilang minuto, susugod ulit kami.
Nabalitaan ko na ring mabait ang Water Enchantress pero wala akong pakialam basta ang alam ko, sila ang pumatay sa mga magulang ko.
*Third Person*
Nagsimula na ang labanan at iyon ay naganap sa pagitan ng Fire Sacred Land at Enchanted Water Land dahil parehas na may malakas na shield ang bumabalot sa dalawang kaharian.
Marami nang namatay at nasugatan, mapa-fire o water magicians man kaya't nag-aalala na ang Water Enchantress.
Nakahinga ng maluwag ang water enchantress ng Makita niyang mukhang tapos na ang laban subalit akala lang pala niya iyon.
Bigla ulit sumugod ang mga fire magicians kaya't wala siyang nagawa kundi ang tumulong sa kanyang nasasakupan.
Nagawa niyang talunin ang mga fire magicians at sa pagkakataong ito nasigurado na niyang wala nang kasunod pa.
*Princess POV*
"Water enchantress, mabuti pa siguro'y magpahinga na kayo. Nagamit nyo ang buong lakas nyo ngayon" nag-aalalang payo sa akin ni Reu
"Kaya ko pa, ang mabuti pa'y muli nyong ihanda ang mga water magicians para sa susunod na laban"

Chapter 2

"Princess!" Tawag ko sa kanya
"Ano?" grabe ang taray!
"Aalis ka na ba?"
"Sana bakit ba?"
"Dito ka muna maglaro muna tayo!" yaya ko sa kanya
"Ayiieeh! Crush mo ko noh?" sabi niya sabay hampas sakin
"Aray! Ano ba? Hindi kita crush noh! Never akong magkaka-crush sa isang Amazona!" tapos nagmake face ako sa kanya
"Aba, aba! Sinong amazona ah?" inaambaan ba naman ako
"Ayan ayan, kita mo inaambaan mo ko!"
"Talaga palang, ayy! Baka gusto mong sapakin kita?"
"Wag! Hindi nararapat na mahawakan mo man lang ang GWAPO kong mukha!" sabay takip ng mukha ko
"Gwapo ka jan! ang panget mo kaya bleeh! :P" tapos biglang tumakbo kaya hinabol ko siya
"Hoy! Amazona hindi ako panget tandaan mo yan!"
"Panget. Panget. Panget! Hahaha"
"Tawa pa more" simula ng araw na 'yon tuwing Linggo nagkikita kami ni Princess sa Playground malapit sa mall. Napaalis kasi kami dun, takbo dw kasi kami ng takbo.
11th Birthday ko. Napag-usapan namin ni Amazona na iintayin ko siya sa playground.
Gusto ko sana siyang dalhin sa palasyo pero dahil isa siyang tao hindi maaari. Naghintay ako hanggang alas-dose ng gabi pero hindi pa rin siya dumarating. Aalis na sana ako nang marinig kong may tumawag sakin.
"Hoy Panget!" lumingon agad ako sa kanya
"Happy Birthday!" nakangiti niyang bati sa akin. Lumapit ako sa kanya at inabot naman niya sakin ung regalo niya.
"Salamat! Gwapo ako Amazona! G-W-A-P-O Gwapo!"
"Talagang hindi na nawala yung aircon na nakakabit sayo eh noh? Ayus rin"
"Aircon ka jan, tanggapin mo na lang kasing gwapo ako!"sabay pogi pose
"Yuck! Never. Buksan mo na lang yang gift ko sayo!" sinunod ko naman. Excited kong binuksan yung regalo niya.
O.O Best Gift Ever!!!
"Ano, nagustuhan mo ba ang regalo ko? Kaya ako nagtagal dahil jan, ang hirap kayang humanap ng ganyan."
"Waaaaah! Thank You Amazona ayy Princess pala! Dahil dito hindi muna kita tatawaging Amazona!" Expect the unexpected ng gift niya!
Alam nyo ba kung ano ung gift niya? Isang GUMMY BEAR CAKE! My favorite gummy bear n_n
"Haha oo na lang"
Nagcelebrate kami ng birthday ko, pero bago yun.
"Saglit lang Incess may bibilhin lang ako ahh, jan ka lang. Wag mo ding kakainan yang gummy bear ok?" tapos tumakbo na agad ako papasok ng mall.
Naghanap ako ng bilihan ng cake tapos bumili ako ng cake na strawberry flavor at inumin namin. Hinihingal ako ng makarating ako sa playground.
"Incess!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya habang nag fi-finger licking
"Oh nanjan ka na pala Ancis! Ang tagal mo naman nagu--" nawala bigla ang ngiti ko sa mukha kong gwapo ng mapansin kong wala na doon ang gummy bear cake ko!
"Ang gummy bear cake ko! ☹" Lumupasay na ulit ako sa playground at dahil hindi naman ito sementado sangga ang taban ko habang nagta-tantrums sa buhanginan.
"Gummy bear cake. ☹ bakit mo ko iniwan?"
"Hoy Ancis! Anong kadramahan yan ah?" lumapit na siya sakin
"Wag mo kong lalapitan! Kinain mo ang gummy bear cake ko Amazona ka!"
"Ano bang pinagsasasabi mo ha?"
"Ikaw! Kinain mo ang gummy bear cake ko! Binili na nga kita ng Strawberry cake pinagsamantalahan mo pa ang gummy bear cake ko!" sabi ko sa kanya habang dinuduro ko siya
"Ahh! Talaga? Sige kakainin ko na lang talaga yung gummy bear cake mo!" Bigla akong nabuhayan ng loob at tumayo ako
"Kakainin? Ibig sabihin hindi mo kinain? O.O" Sana hindi pa niya kinakain... Gummy bears!!!
"Hindi pa! Loko - loko ba ako't kakainin ko yon eh rega-"
"Eh ano ung kinakain mo kanina?" hindi ko napigilang hindi magtanong sa kanya.
"Bumili ko ng clover jan sa tindahan!" sabay turo niya dun sa tindahan
"Ehh! Asan na ung gummy bear cake ko?" tanong ko sa kanya.
"Ayun ohh!" pagkaturo niya tumakbo agad ako at kinain na yun.
Nagcelebrate lang kami ng birthday ko ng magkaiba ang cake na kinakain naming :D

Chapter 3

15th Birthday ko. Sinabi ko kay Ancis na kung papaya sina Mama at Papa ililibot ko siya sa lugar namin. Pero hindi sila pumayag.
Nang gabing iyon naganap ang isang malagim na trahedya sa buhay ni Ancis. Pinatay ang kanyang mga magulang na siya palang Empress at Emperor ng Fire Sacred Land. Ibinigay nila ang lahat ng sisi sa aming mga water magicians.
Nang umalis ako sa amin hindi ko alam na pinasundan ako nila Mama sa isang water magician. Habang si Ancis naman ay sinundan ng traydor sa kanilang palasyo.
Nalaman agad ng babaeng yun na ako ang anak ng hari at reyna sa Enchanted Water Land kaya mabilis siyang gumawa ng hakbang. Hindi para patayin ako, kundi para patayin ang mga magulang ni Ancis.
Kung alam ko lang sanang mangyayari iyon edi sana nasabi ko agad kay Ancis pero huli na ang lahat nalaman ko lang ito nang ipagtapat ito sa akin ni Reu nang siyang nagbantay sa akin ng araw na iyon.
Naramdaman niya agad ang presensya ng sumusunod kay Ancis at may naramdaman siyang kakaiba ng bigla na lang itong umalis. Nasundan niya ito hanggang sa Fire Sacred Land dahil ang kapangyarihan ni Reu ay maging Invisible. Doon niya nakita kung paano patayin ang mga magulang ni Ancis.
Nakakalungkot mang isipin na habang nagpapakasaya kami ni Ancis, naghihingalo naman ang kanyang mga magulang. Papasok n asana ako sa portal na papunta sa Enchanted Water Land ng mapansin kong wala pa si Reu kaya sumilip ako ulit sa playground.
Nakita ko don si Ancis na may kausap na babae. Umiiyak si Ancis. Lalapitan ko n asana siya ng bigla akong higitin ni Reu.
Nakita naming kung paano hindi makapaniwala si Ancis sa nangyari at lalong hindi siya naniniwala na water magician ang gumawa noon sa magulang niya. Pero ang nakakabigla ay ang nalaman naming ang kapangyarihan pala ng babaeng yun na isang fire magician ay ang magtanggal ng memory.
She brainwashed Francis Madrigal, the son of the reigning Empress and Emperor of Fire Sacred Land. Para magalit ito sa mga water magicians which is us. Gusto kong puntahan si Ancis at sabihing hindi iyon totoo pero pag ginawa ko iyon, baka malaman niyang isa akong water magician.
Napuno ng galit ang puso at isipan ni Ancis saming mga Water magician. Kaya nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Fire Sacred Land at Enchanted Water Land.
Lumipas ang mga taon at nag-18th Birthday ako. Sa araw na ito lalabas ang kapangyarihan ko. At ililipat na sa akin ang trono bilang Enchantress ng Enchanted Water Land. Sa halip na saya ang maramdaman ko, kaba ang namamayani sa dibdib ko. Dahil ngayong nag-18 na ako, malamang sa malamang 18 na din si Ancis na siyang nakapagbabahala sakin. Siguradong lumabas na rin ang kapangyarihan niya kaya't mas lalakas ang pwersa ng Fire Sacred Land.
At dahil mas una ang kaarawan niya sa akin, hinanda ko na ang mga water magician kung sakali mang susugod sila. Hindi nga ako nagkamali, sumugod sila sa mismong kaarawan ko pa.
Kahit nais ko ang kapayapaan wala akong magawa kundi ipagtanggol rin ang aking nasasakupan.
Malakas nga ang pwersa nila ngayon.
Nalaman ito ng Reyna ng Magical Land. Ipinagkaloob niya sa amin ang trono niya ngunit ito'y may kapalit. Kailangang magkasundo ng Fire Sacred Land at Enchanted Water Land at kapag nangyari iyon mapapasaamin na ang Magical Land.
Pero kung inaakala nyong ganoon lamang iyon kadali. Nagkakamali kayo. Brainwashed pa rin hanggang ngayon si Ancis kaya't hindi siya pumayag sa kasunduang iyon, sa halip sinabi niyang kapag napabagsak niya ang Enchanted Water Land ay mapapasakanya na rin ang Magical Land. Napa-oo nila ang Reyna Beatrice sa tulong ng kapangyarihan ni Ysh, ang kanang kamay ni Ancis na siyang pumatay sa mga magulang niya.
Hindi ko iyon napigilan dahil hindi ako hinayaang makapunta roon ni Reu.

Chapter 4
Dumating ang araw na ayokong dumating...
Nagkaroon na naman ng digmaan sa pagitan ng Fire Sacred Land at Enchanted Water Land.
Madami nang namatay, mapa-water or fire magicians man. Maraming sugatan at nanghihina.
Ito na ang oras para harapin ko si Ancis! Tumindig ako sa harapan ng mga water magicians at nagsilbing shield nila sa mga fire magicians. Natatanaw ko na si Francis Madrigal. Ang lalaking kaaway ko at ang lalaking nakapagpatibok sa puso ko...
"Francis Madrigal Emperor of the Fire Sacred Land" bangit ko sa pangalan niya
"Ikaw?" gulat niyang tanong sakin na siyang nakapagpakaba sa akin ng todo. Pero bilang Enchantress ng Enchanted Water Land hindi ako dapat panghinaan ng loob.
"I am Princess Mae Saavedra Enchantress of the Enchanted Water Land" buong tapang kong sagot sa kanya.
"Ikaw ang pumatay sa mga magulang ko! Ang sama sama mo!" Susugurin niya sana ako pero pinigilan siya ni Ysh.
"Ysha Marie Sandoval siya ang pumatay sa magulang mo!" saka ko ginamit ang kapangyarihan kong ibalik ang alaala ni Ancis pinaalala ko sa kanya ang mga araw na magkasama kami lalo na...
Yung araw na may masamang nangyari sa kaharian ng Fire Sacred Land plano ko sanang ipagtapat ang nararamdaman ko kay Ancis kinabukasan.
Narealize ko yun nung nag 13th Birthday ako, kung ano-ano ang pinag-gagawa namin. Yun ung time na inagaw ko sa kanya ung gummy bear na binili niya tapos kakatakbo ko nadapa ako. Sa sobrang sama ng pagkakadapa ko, dumugo ung tuhod ko kaya umiyak ako. Akala ko magta-tantrums na naman si Ancis dahil nasayang ung binili niyang gummy bear pero hindi eh.
"Amazona ka diba? Bakit ka umiiyak jan?" lumapit siya saking seryoso
"Ano na? Wag mong sabihing dahil lang jan iiyak ka ng parang baby?" hindi ako sumagot pero pinilit kong pigilin ang pag-iyak ko.
Hindi ako makatingin sa kanya kasi nahihiya ako. Maya-maya naramdaman ko nalang na binuhat niya pala ako..
"Mag-iingat ka nga sa susunod Amazona! Pasensya na, nakalimutan kong prinsesa ka pa rin pala!" pagkatapos ginamot nya ang sugat ko.

**

Ipinakita ko rin sa kanya ang tunay na nangyari noong namatay ang mga magulang niya. Iyon ang kapangyarihang taglay ko. Pipigilan sana ako ni Ysh pero mabilis na kumilos si Reu kaya nahuli niya ito. Nang matapos ko na ang pagpapabalik sa mga alaala ni Ancis...
"Amazona!" masigla niyang bati sa akin sabay yakap nya pa
"Namiss kita Panget!" sabi ko naman sa kanya habang ginantihan ang pagyakap niya
"GWAPO ko kaya noh!" bumalik na talaga siya sa dati
"Oo na sige na gwapo ka na patigilin mo na ang mga Fire Magicians!" kaya pinatigil naman niya ito
"Pasensya na ah.. Paparusahan ko si Ysh sa lahat ng kasalanang nagawa niya."
Paparusahan n asana niya si Ysh ng biglang dumating si Reyna Beatrice
"Anong kaguluhan ang nangyayari rito?" Brainwashed pa rin pala si Reyna kaya agad akong gumawa ng hakbang upang bumalik na siya sa dati.
"Ako na ang magpapataw ng parusa sa kanya" doon nagtapos ang digmaan sa ng Fire at Water.

Epilogue

After 2 years
Wala mang forever, napatunayan kong may Happy Ending. Sa kabila ng mga pinagdaanan naming, may kapalit pa ring masaya.
Walang makapagsasabi kung sino ang ka-compatible mo...
Katulad naming, isang Water at Fire magicians...
Kung itatanong niyo kung ano na ang status naming ni Ancis...
We're already Married. And guess what I'm pregnant! ☺

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: