Just Like The Moonlight
Just Like The Moonlight by Jia_Biduuh
His POV
"Alexa! Lunch na! nakatunganga ka na naman dyan!" ayan na naman siya. Nakatunganga na naman. Hindi na naman to nakinig kay sir. Tsk.
Hi by the way I'm Lance Alexander 'Gatorade' Zamora at ang iyaking babae naman na ito ay walang iba kung hindi si Alexa Gabrielle Delos Reyes.
"Huhuhuhuhuhu! Ang sakit-sakin na Lance! Ang sakit-sakit! Hindi ko na ata kaya. Magpapakamatay na lang ako! Ang sakit-sakit! Isang buwan na siyang wala pero hindi ko pa rin siya makalimutan!"
"Ano ka ba naman. Hay. Umiiyak ka na naman. Hanggang kailan mo ba balak umiyak? Hindi ka ba nagsasawa? Wala ka nang ibang ginawa kung hindi umiyak nang umiyak para dyan sa walang kwenta mong ex-boyfriend. Ang tanga mo."
"Aray ko naman! Bestfriend ba talaga kita?! Maka-tanga ka naman dyan! Eh anong magagawa ko? Eh sa sobra ko siyang mahal eh!" sabi niya habang umiiyak pa rin. Ang hirap naman nito. Pano ko ba to mapapatigil?
"Sobra ka na ring nasasaktan. Hay tumigil ka na nga dyan. Isang buwan na nga kayong hiwalay at isang buwan ka na rin iyak ng iyak dahil sa kanya. Halika na. kumain na lang tayo. Libre ko." Bigla naming lumaki yung tenga niya dun sa sinabi ko. Nagulat na lang ako nung biglang lumaki yung ngiti niya at hinila ako papunt sa cafeteria.
Just say the magic word and she'll be there! And of course the magic word is tentenenen! Libre! Hahaha nababaliw na yan. Kanina lang umiiyak tas ngayon sobrang laki na nang ngiti niya.
***
"Ayoko na talaga Lance. Feeling ko talaga mamatay na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto ko na lang magpakamatay. Hindi ko na kaya. Ang hirap-hirap. Lagi ko siyang nakikita at lagi na lang akong nasasaktan. Hirap na hirap na ako. Tuwing nakikita ko siya gustong-gusto kong yakapin siya at magmaka-awang ako na lang uli. Kami na lang uli. Ako na lang uli ang mahalin niya."
"Sawang-sawa na ako. Sawang-sawa na akong umiyak ng umiyak. Hindi ba mauubos tong mga luha ko? Hindi ba sila napapagod? Kasi ako pagod na pagod na. Gabi-gabi na lang akong umiiyak. Nakakapagod na. pero hindi ko alam kung bakit kahit pagod na pagod na ako, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang kalimutan na lang siya. Sana manhid na lang ako. Sana manhid na lang ako para wala na akong nararamdamang sakit. Para hindi ko nararamdaman tong pesteng sakit na ito."
"Alam mo yung feeling na dalawang taon kayong nag-sama? Tapos babalewalain niya yun at itatapon ng basta-basta na lang? hindi ba siya nanghihinayang? Sabi niya kalimutan ko na daw siya kasi sobrang malabo na daw na bumalik pa kami sa dati. Dalawang taon yun! Dalawang taon! Dalawang taon kaming nagsama... tingin niya ba madali yung makalimutan? Hindi! Hindi yun madaling makalimutan. Wala nang magbibigay sayo ng chocolates, wala ng flowers, wala ng magtetext sakin sa umaga at babatiin ako, wala ng maga-I love you sakin. Wala nang magpapa-cute sakin at magpa-pout para lang i-kiss ko siya, higit sa lahat, wala na siya sa buhay ko!"
"Ano bang mali sakin? Kulang pa ba yung binigay kong pagmamahal sa kanya? Sabihin niya sakin! Sabihin niya sakin kung may problema sakin at babaguhin ko para sa kanya! Peste! Mahal na mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya na handa akong baguhin ang sarili ko para lang sa kanya, para lang bumalik siya sakin."
Pagkatapos niyang sabihin yan ay umiyak na siya ng umiyak at hindi na siya makapagsalita sa kaka-iyak niya.
Heto ka nanaman
Kumakatok sa aking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto na naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan
Ewan kung bakit ba
Hindi ka ba nadadala
Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya
At ewan ko nga sa'yo
Parang bale wala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay di mo makita
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa iyo
Leche. Nananadya ba yang kapitbahay namin at sa dina-daming mga kanta ang meron sa mundo ay yan pa ang pinatugtog?
Haaay. Nagtataka ba kayo kung asan kami? Nandito kami sa may park na malapit samin. Isang bahay lang ang pagitan nung bahay namin at bahay nila Alexa dito sa park kaya pwede kaming tumambay dito. Mga 6 Pm na rin siguro. Hindi pa kami nauwi kasi alam kong iiyak lang to buong magdamag sa kwarto niya at nakiusap siya sakin na dito muna kami kasi ayaw niyang Makita siya nila tito na umiiyak.
"Hindi *sniff* k-ko na k-kaya *sniff* a-ayo-ko na!" hirap na hirap na siyang magsalita kasi kanina pa siya iyak ng iyak.
Ako rin Alexa. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang makita kang nasasaktan ng sobra dahil sa walang kwentang lalaking yan.
Oo, mahal ko ang bestfriend ko. Parang ewan lang noh? Siya nagpapakatanga para sa isang walang kwentang lalaki, ako naman nagpapakatanga ako sa kanya.
Hinayaan ko lang siya umiyak ng umiyak. Alam ko naman na kailangan lang niya ng makikinig sa kanya eh. Kaya heto ako. Parang tangang martyr na nakikinig sa kanya. Hindi niyo na kailangang sabhin sakin na tanga ako. Wag niyo rin sabihin saking iba na lang ang mahalin ko kasi.. matagal ko nang sinasabi yan sa sarili ko pero wala eh. Hindi ko kaya. Masyado ko siyang mahal. Mahal na mahal na kaya kong i-sacrifice yung sarili kong kaligayahan para sa kaligayahan niya. Ganon naman talaga kapag nagmamahal tayo diba? Hindi mawawala yung sacrifice syempre hindi rin mawawala ang pain.
Pero dahil nga mahal mo siya, kaya mong tiisin yung pain na yun para lang sa kanya. Wala eh, mahal mo siya eh. Tanga na kung tanga pero ganon talaga kapag mahal mo ang isang tao. Wala akong paki-alam sa iniisip ng iba sakin. Basta ako, alam ko sa sarili kong mahal ko si Alexa kahit na..... kahit na.... kahit na may mahal na siyang iba.
"Nakaka-inis! Gabi na naman! Tapos na! Pag-gabi parang wala na! puro problema na lang. wala nang liwanag. Parang ang dilim na ng buhay. Nakaka-inis yang gabi na yan!" naiinis na sabi niya. Medyo tumahan-tahan na rin siya.
Maya-maya lang ay naramdaman kong pumatong yung ulo niya sa may balikat ko. Nakatulog na pala siya. Bago ko siya binuhat ay may binulong muna ako sa kanya.
"Ba't hindi na lang kasi ako Alexa?"
***
"Good morning class! Get 1 whole sheet of paper. Meron kayong surprise quiz. Walang magrereklamo. Titignan ko kung sino ang nakinig sa lesson natin kahapon." Halos lahat kami nagulat. Yung iba magrereklamo na sana pero syempre takot sila kay sir. Aba! Ang sungit kaya nan! Tinalo pa ang babaeng may PMS.
Tumingin ako dun sa katabi ko para tanungin kung nakinig siya kahapon. Pero dapat pala hindi ko na lang siya tinignan. Yan na naman siya. Nakatingin na naman siya sa lalaking yun. Kulang na lang tunawin ng babaeng to yun eh.
"Hoy!"
"Ay Kabayo na mukhang palaka!" gulat na sabi niya. Maya-maya nung naka-recover na siya ay tsaka niya ako tingnan ng masama sabay hampas sakin ng malakas.
"Walanghiya ka Lance! Kung may sakit ako sa puso, malamang pinaglalamayan mo na ako! makukulong ka! Nako! Mababawasan na ang mga magagandang babae dito sa mundo!"
"Ang ingay mo! Tulala ka kasi dyan! May quiz kaya! Tsk! Hindi ka kasi nakikinig!"
"Eh?! May Quiz?! Hala ako nakapag-aral! Hindi pa naman ako nakinig kahapon!"
"Sus! Lagi ka naming hindi nakikinig! Kumopya ka na nga lang sakin."
"Ayiee! The best ka talaga! Woooh! I love you bestfriend!" sabi niya sabay yakap sakin. Leche tong babaeng to! Agad ko siyang nilayo sakin... Natatakot kasi ako baka marinig niya kung gaano kalakas yung tibok na puso ko.
Maya-maya ay nagsimula na ang quiz at syempre ano pa nga ba, nangopya sakin si Alexa. Well, sanay naman ako dyan.
Pagkatapos ng quiz namin ay syempre chineckan na naming at pano ba yan? Perfect ako! Si Alexa may tatlong mali. Tanga naman kasi eh. Mangongopya na nga lang mali-mali pa.
Nagpa-alam na samin si sir kaya nagsi-ayusan na kami ng gamit dahil last class na namin yun. Pagakatapos namin mag-ayos ng gamit ay naglakad na kami palabas ng room. Nasa unahan ko si Alexa at nagulat ako nung bigla na lang siyang tumigil kaya automatic napatigil rin ako bigla.
Nakatingin lang siya sa isang place kaya sinundan ko yun kung saan siya nakatingin. Kaya pala. Kaya pala malungkot na naman yung expression niya habang nakatingin dun. Yung ex niya kasama yung bago niyang girlfriend. Sila lang naman yung tinitignan ni Alexa.
Nagulat kami nung naglakad sila papalapit samin. Akala ko dadaan lang sila pero tumigil pa talaga sila sa harapan naming.
"Kamusta ka na Ex-girlfriend? Hmm. Mukha kang di okay. Hmm... hindi ka pa rin ba nakakapag-move on sakin? Ganyan ba talaga kalakas yung tama mo sakin? Tanga mo eh. Tsk. Kaya nakaka-sawa ka eh."
Hindi ko alam kung bakit pero nagkusa na yung mga nanggigigil kong kamao na suntukin siya.
"Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Wag na wag ka nang lalapit uli kay Alexa, baka hindi ka na maka-uwi ng buhay." Sabi ko sa kanya at hinila na si Alexa paalis sa school at dumiretso sa Park.
"Ano ka ba! Bakit mo siya sinuntok?! Hindi mo dapat ginawa yun!"
"At ano?! Hayaan ko siyang saktan ka ng ganun?! Ganon mo na ba talaga siya kamahal?! Ilang beses ka ng sinaktan ng lalaking yun at ilang beses mo na rin siyang pinatawad! Ang tanga mo rin eh noh! Ang tanga-tanga mo!"
"Tanga na kung tanga pero mahal ko siya! Mababaliw na ako! Alam kong lagi niya akong sinasaktan at lagi ko rin siyang pinapatawad kaagad kasi mahal ko siya! Mahal na mahal!"
"Tigilan mo na nga yang kahibangan mo! Gumising ka na sa katotohanan! Wala na kayo! Hindi ka na niya mahal! Ang tanga mo!" Nagulat ako nung bigla niya akong sinampal.
Ang lakas ng pagkakasampal niya sakin pero bakit ganon? Bakit parang wala akong naramdamang sakit? Mas masakit pa yung mga sinasabi kesa dun sa sampal eh.
"Wala kang karapatan sabihan ako ng ganyan! Bakit ba kung umasta ka para kang boyfriend ko?! Bestfriend lang kita! Bestfriend lang!"
"Oo! Alam kong bestfriend mo lang ako! Hindi mo na kailangan ipamukha sakin yun kasi araw-araw ko rin yun sinasabi sa sarili ko! Pero wala eh! Tanga rin ako eh! Kasi kahit alam kong bestfriend mo lang ako minahal kita! Mahal na mahal kita kaya kahit sobrang sakit na, okay lang! kahit na lagi mo akong sinasabihan ng problema mo tungkol dyan sa ex mo, okay lang! kahit lagi na lang ako ang iniiyakan mo, okay lang sakin! May narinig ka bang kahit ano sakin?! Nagreklamo ba ako?! Kung ikaw nasasaktan ng sobra, pano pa kaya ako?! Palihim kong minamahal ang bestfriend ko kasi alam kong may mahal siyang iba! Palihim kitang minamahal! Alam mo ba kung gaano kasakit yun?! Takbuhan mo ako sa tuwing may problema ka, iniiyakan, sinasamahan kita lagi. Tuwing umiiyak ka at malungkot ka, sinusubukan kong pangitiin at pasayahin ka. Ang manhid mo! Sorry ha! Sorry kung umaarte akong boyfriend mo! Sorry! Sorry kung mahal kita! Sorry kung nahulog ako sayo! Sorry! Sorry kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong mahalin ka! Sorry!" Yung kanina ko pang pinipigilan luha ay tumulo na.
"I-im sorry. H-hindi ko alam." Naiiyak na sabi niya.
"Hindi mo alam kasi busy ka. Busy ka habang tinitignan at minamahal siya. Kailan kaya.... Alexa, kailan kaya ako naman? Kailan kaya ako naman ang mamahalin at titignan mo? Sana ako naman.."
Hindi siya nakapagsalita at iyak lang nang iyak.
"Diba sabi mo ayaw mo sa gabi kasi kapag gabi, madilim? Parang puro problema na lang. Parang ang dilim na ng buhay mo... Pwes hayaan mo ako maging buwan. Ako ang magbibigay liwanag sa madilim mong buhay. Lagi lang akong nandito. Kahit umaraw man o gumabi, lagi lang akong nandyan sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Please, let me be your moonlight." Pagkatapos kong sabihin yan ay nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.
"Maaring hindi pa kita mahal ngayon pero susubukan ko. Ang tanga ko nga kasi ngayon ko lang narealize lahat ng ginawa mo para sakin. Ang tanga ko at ang manhid ko kasi ikaw yung laging nasa tabi ko pero ako nasa iba yung puso ko. Starting today, susubukan ko nang mahalin ka. And yes, I want you to be my moonlight who will bring light to my dark world."
I know hindi ko mapapangako sa kanya na hindi ko siya masasaktan kasi hindi ako perpektong tao. Pero gagawin ko ang lahat para mawala yung sakit na yun. Gagawin ko ang lahat para lang sumaya siya uli. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. I'll always stay at her side. I'll bring light to her dark world and bring happiness to her sad life... just like the moonlight.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro