Holding Back
Holding Back by Hermia
Yesterday, Dominique and I saw a demonstration. And they were selling boyfriends! Hinalikan pa ako ng blue-headed guy na 'yon! Ugh! Another bad thing, nalaman ni Mama na naghanap ako ng trabaho. I want to be an artist ever since pero ang gusto niya ay business-related course ang kunin ko. Kaso kapag sinabi niya, gagawin niya. Binantaan niya ako na ipu-pull out niya ang resume ko. Pagkatapos ay binabaan niya ako.
Nagkaroon din ako ng bagong kaibigan. His name's Alex at boy version siya ni Dominique dahil nagawa niya akong sagutin! Hindi ako makapaniwala! May pagkamayabang din siya. What's weird is that I accepted his friendship.
Si Bebs, nagmumukmok dahil gusto niyang makita si Marcus. Pinagsuspetsahan ko siya na nag-inquire sa Boyfriend Corp. Really? Mga desperada ang tumatangkilik sa kanila. Ayaw niyang aminin sapagkat alam niyang isusumbong ko siya kay Tita dahil gagastos na naman siya sa walang kuwentang bagay.
Nagising ako sa sunod-sunod na ingay ng doorbell. Sino ba 'yon? Gabi na, a! Tumayo ako para matahimik iyon. Seriously? May bisita kami ng ganitong oras? Binuksan ko ang pinto... tumambad sa akin ang guwapong lalaki. Ikinagulat ko ang paghalik niya sa pisngi ko.
"Hi Love!"
"Bebs! Sino 'yan?" tanong sa likuran ko. Nilingon ko si Dom na pupungas-pungas pa ng mata dahil nagising siguro sa tunog ng doorbell.
Hindi ako nakasagot dahil nagpoproseso pa sa utak ko ang mga nangyayari. Siya 'yong-'yong lalaki sa boyfriend demo na humalik kay Dom! Who the hell is he again?
"Marcus."
Nilingon ko si Dominique na nanlalaki ang mata. Ano bang nangyayari?
"May date tayo, TGWSG," kaswal na sabi ni Marcus. Ang guwapo niya sa suot niya samantalang kahapon lang kami nagkita. Hindi patas!
"TGSWG?" Namaywang ako. Ang aga-aga makakatanggap ka ng buwisit-a. Kumukulo ang dugo ko!
"The-girl-who-slapped-Gatorade." Ngumiti siya nang nakakaloko. Tsk. Iyon lang pala. Bakit? Big deal na ba ang pagsampal sa asul na 'yon? E, siya 'tong nanghahalik!
"Bebs!" Binalingan ko si Dom na ngayon ay halatang naiinis. "How could you!" Dinuro niya. "How could you! Akala ko ba ayaw mo sa BFC? Then... this?" Tinuro niya si Marcus. "Bakit si... Marcus pa?" tanong niyang pahina ang boses.
Oo nga pala, gusto niya si Marcus.
"Are you insane? You saw how hysterical I am about that crap tapos sasabihin mong nag-inquire ako do'n? Seriously, Bebs, nasa'n ang brains?" Humalukipkip ako. Nanahimik siya at nagpapabalik-balik ang tingin sa amin ni Marcus. Bagsak ang balikat niya. Is she that bothered? Dahil ba sa sobrang gusto niya si Marcus kaya siya nalulungkot?
Nakarinig na naman kami ng tunog ng doorbell. Si Dominique na ang sumagot. Nanatili akong nakahalukipkip at minamasdan si Marcus. Nakangiti siya. And I know that every girl will do anything to have that smile.
"Tito?!"
Nakita ko na kasamang dumating ni Bebs si Papa. Anong ginagawa niya rito? Nakangiti siya nang nakakaloko. Naningkit ang mata niya kay Marcus na nakaupo sa sofa. "Sino ka?"
"I'm Alexa's boyfriend," he stated.
"No, you're not!
"Yes, I am."
"Pero walang kontrata! Hindi naman ako nakipagtransaksyon sa inyo kaya walang kontrata!" giit ko. Naiinis na kasi talaga ako. Nakita pa siya ni Papa. Baka makarating pa kay Mama 'to!
Naglabas si Marcus ng envelope. Binasa iyon ni Bebs at kinumpirmang galing nga iyon sa BFC. Pinagtuonan ko ng pansin si Papa na ilang beses akong tinawag pero hindi ko pinansin. He's fidgeting. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniya, kay Marcus at sa kontrata.
"Papa!" singhal ko.
"Well, you see... Alexa don't glare at Papa!" Umiyak na siya sa harap ko.
Si Papa nga ang may kasalanan ng lahat. Natatakot daw sila ni Mama dahil wala pa akong naging boyfriend at sobrang close namin ni Bebs. Nakita niya rin 'yong demo sa mall na 'yon. Sa huli, napapayag ako. Mahina kasi ako kapag nagpapaawa ang kausap ko. Umiyak pa si Papa. Sayang naman 'yong pera kung hindi magagamit ang item.
"Puwede ka nang umuwi. Eleven pm na," sabi ko kay Marcus. Bumalik na si Bebs sa kuwarto niya.
"Wait," tumayo siya. "Let's seal the deal." Lumapit siya sa akin... at hinalikan ako.
Mula noon, napapansin ko na mas naging tahimik si Dominique. Lagi namang bumibisita si Marcus sa bahay. Feeling at home pa. Lumipat din sila sa school kaya naman naging sentro ako ng atensyon dahil sa guwapo raw na boyfriend ko. Tsk. May girlfriend na nga pero kung makatingin sila parang pinagnanasahan nila si Marcus.
So now, I'm accepting that Marcus' my boyfriend? Great.
I'm just worried about Bebs. Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin kay Marcus. Does she like him that much? Pero, anong gagawin ko? Ako 'yong nakalagay sa kontrata. Puwede bang ilipat kay Dominique 'yong titulo ng pagiging girlfriend ni Marcus?
***
Sabado ng umaga at medyo late na ako nagising dahil nakatambay na naman si Marcus kahapon. Nag-movie marathon lang kami. In fairness,mabait din siya. Hindi tulad ng blue-headed guy na 'yon na isang tingin pa lang, mayabang na ang aura. Why am I thinking of him, anyway?
Pumunta agad ako sa sala at nakita na may bisita si Dominique. Is it just me o talagang kulay asul ang buhok ng kausap ni Bebs? Kulay asul? Napamulagat ako at agad na sinilip kung sino iyon.
No way!
"Good morning, Bebs! Kumain ka na," masayang bati ni Dominique. Saglit akong sinulyapan ni Gatorade saka nanood ulit ng telebisyon.
"Nakipag-transact ka rin sa BFC?!" I frantically asked. Tumango siya at dumikit pa kay Gatorade. Oh no! This is not good.
Unfrotunately, boyfriend na nga ni Dominique si Gatorade. Medyo nagkagalit pa kami kasi hindi niya sinabi sa akin. Bestfriend niya ako. At hindi naman ako ang kumuha kay Marcus! Blame it on Papa.
On the contrary, I can say that Marcus is nice and a gentleman. Naka-apat na date na yata kami. Bihira ko lang siya payagan pero mapilit talaga. Hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ako pumapayag. Ultimo pagpunta ko sa mall, sinasamahan niya. Minsan nag-aaya pa siya na magsimba. Akala ko puro kalokohan lang siya. Okay, I was wrong.
It's my third week with Marcus. Kasabay ko na naman siyang pumasok. As usual, pinagtitinginan na naman kami. Hindi ko na lang pinansin, maiinis lang ako. Si Bebs hindi pa umaalis ng bahay dahil wala pa ang boyfriend niya. May kutob talaga ako na maling desisyon ang pagpili ni Dom kay Gatorade.
He holds my hand. Medyo nabawasan na ang ilangan namin. We stop in front of my classroom. Hinalikan niya ang noo ko at sinabihan na mag-ingat ako. Hindi ko mapigilang mamula sa pagiging sweet niya.
"I love you."
I glare at him. "Sabi ko sa'yo huwag mo 'kong sabihan niyan! Kasi hindi mo 'ko gusto! You're ruining the true meaning of that word!" reklamo ko. Ayaw kasing makinig!
"Oo na," natatawang sabi niya. He hugs me tightly. Umirap ako. PDA. "Masusunod po. Hindi ko na sasabihin 'yon." Pinakawalan niya ako. "Pumasok ka na, susunduin kita mamaya." Tumango lang ako saka siya umalis.
Nang matapos ang klase ko, nakakapagtakang wala pa si Marcus bagkus ay si Gatorade ang sumundo sa akin. Nakasandal siya sa dingding-looking hot effortlessly. Kaya nagkakandabali ang leeg ng mga babae. Ang suwerte ni Dominique sa kaniya-Wait, what? No!
"'Asan si Marcus?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa room pa, nagku-quiz. Nag-cut siya no'ng isang araw," bored na sabi niya.
Napakunot ang noo ko. Alam ko, niyaya niya akong mag-mall no'n. Naku! Malalagot talaga siya sa'kin! Sabi niya wala na siyang klase! Tumango lang ako.
"Si Dom?"
"Nasa cafeteria."
"Blue-guy." Huminto siya sa pagtawag ko. "Gusto mo ba si Dominique?"
"Ayon sa kontrata, siya ang girlfriend ko," he answers. To me it sounds defensive.
"Scratch the contract, 'yong galing sa puso mo."
"Bakit kailangan mong malaman?"
"Kasi ayokong masaktan si Dom. Sobra na 'yong nasaktan ko siya." Nang si Marcus ang naging boyfriend ko.
"Ikaw pala may kasalanan, huwag mong ipasa sa'kin." Tinalikuran niya ako at naunang maglakad. Ugh! Bastos!
***
Naging madalang ang pagkikita namin ni Marcus. Hindi ko na nga rin maintindihan. Wala tuloy akong choice kundi sumama palagi kay Bebs at Gatorade at maging third wheel.
Sabado ngayon at gusto kong matulog maghapon kaso kanina pa nag-iingay si Dominique sa hindi malaman na dahilan.
"Baby! Sama ka na, please!" Narinig ko ang boses ni Dominique.
Sa inis ay nilabas ko na sila. "Ano ba 'yan, Bebs? Ang ingay mo!" iritado kong sabi.
"Niyaya kasi ako ng blockmates kong manood ng sine. Kaso ayaw sumama ni Eley." She pouted. Kinailabutan ako. Ganiyan ba 'pag may boyfriend? Nakaupo sa sofa si Gatorade at nanonood ng TV.
"Bebs, naman! Kaya mo namang manood ng sine mag-isa. Ikaw na lang," ani ko.
Mas lalo siyang sumimangot. "Sige na nga. Dovee, hintayin mo 'ko rito, a? Kiss ko?" Ngumuso siya sa boyfriend niya. Napangiwi ako nang halikan siya nito sa pisngi. "Ba-bye! Do'n na 'ko magla-lunch!" paalam niya sa akin. Tango lang ang isinagot ni Gatorade.
"Maghihintay ka talaga dito?" tanong ko kay Gatorade. Tamad niya akong tiningnan at nagkibit-balikat. Tumabi ako sa kaniya. Kumakain pala siya ng french fries kaya nakikuha ako. "Bakit ang weird mo?" untag ko. Paano 'to natatagalan ni Bebs?
"Nagsalita ang hindi weird."
Sinimangutan ko siya. "Kamusta kayo ni Dom?"
"Okay lang."
"Tsk. Suplado," bulong ko.
Sobrang boring dahil nanood lang kami. Nawala 'yong antok ko sa ingay ni Bebs. Sisingilin ko talaga 'yon pag-uwi niya.
"Ayoko nito." Tumayo si Gatorade. "Tara mag-date."
"Ano?"
Ginulo niya ang buhok ko. "Sabi ko, marunong ka mag-basketball?"
Ngumiti ako. "Tara."
Matagal na 'yong huling laro ko ng bola. Si Papa ang nagturo sa'kin no'n. Ayaw kasi ni Mama. Sobrang paranoid niya lang sa paglaki ko.
Nakarating kami malapit sa likod ng school. Umalis siya saglit at bumalik na hawak ang bola. "Let's play," aniya at kinurot ang pisngi ko. Masakit! Sa inis ko ay inagaw ko bigla ang bola at sh-in-oot sa ring. One point for Alexa!
"Not fair!"
"Walang rules." Dinilaan ko siya. Tumakbo siya at inagaw ang bola. Bago ko pa mahawakan ay nakatakbo na siya palayo at nag-shoot. He's good.
"1-1," he said proudly. I run after him and snatch the ball. He protests but I smirk and shoot the ball.
"2-1." Ngumisi ako.
"Bring it on, Miss Delos Reyes."
Naglaro kami sa ilalim ng init ng araw. Sa huli ay pareho kaming pawisan at may iskor na 15-15. Hawak niya ang bola. Mabilis ko itong tinapik at kinuha. Pero niyakap niya ako at inikot palikod. Then he points. "15-16. I win!" mayabang niyang sabi.
"You ain't fair!"
"So are you," he told me nonchalantly.
Umuwi na kami dahil pawis na pawis kami. Agad akong nagbihis. Paglabas ko ng kuwarto ko ay nagpusod ako at nagtungong kusina. Lagpas alas dose na pero hindi pa ako kumakain. Magluluto sana ako ng carbonara nang sabihin ni Gatorade na gusto niyang magnood. Naiilang ako habang nakatitig siya. Nang matapos ay namangha siya sa akin. Nakakahiya dahil ready-made na sauce naman ang ginamit ko kaya hindi masyadong matrabaho. Nakangiti siya habang kumakain. Ugh! Can't he smile?
***
Two more days passed and still no Marcus. Saan ba nagpupunta 'yon? Hinahatatid niya lang ako sa school at ipapasundo kay Gatorade kapag uwian. Hindi na siya nagsi-stay sa bahay. Nakaka-miss 'yong kakulitan niya.
Lunch break at mas pinili kong mag-isa kaysa maging third wheel na naman ng bestfriend ko at ng boyfriend niya. Kumakain ako pero nakaramdam ako ng palad sa mga mata ko.
"Sino 'to?"
"Guess."
"M-Marcus?" hula ko. Nawala ang kamay kaya lumingon ako. But it's Gatorade. Nawala tuloy ang ngiti ko. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Bakit ka nandito? 'Asan si Bebs?"
Pumalatak siya. "Kailangan bang lagi ko siyang kasama?" iritable niyang sagot.
Tumaas ang kilay ko. "Girlfriend mo kaya siya."
Inirapan niya ako. "Sumama ka na nga lang!" Hinatak niya ako kaya naiwan ko ang pagkain ko.
"Saan mo ba 'ko dadalhin?" Pumiglas ako pero hindi niya ako sinasagot. Nang makalabas kami ng campus, saka niya ako pinakawalan.
"Wait here," utos niya at umalis.
Biglang tumugtog ang Candy Store ng Faber Drive at naalala ko si Marcus. Lagi niyang sinasabi na ako ang candy ng buhay niya na sobrang baduy. May sumayaw sa saliw ng kanta at nakaka-enjoy silang panoorin. Nang matapos ay nilapitan at iginiya nila ako paalis. Huminto kami sa isang cafe saka ako iniwan. Paborito ko ang lugar dahil masarap ang kape nila. May nag-serve sa akin ng coffee jelly kahit hindi ako nag-order. May note itong kasama.
Punta ka sa park
-Love
Dala ang kape ko ay nagpunta ako sa park at naglakad. Suddenly, a man told me where to go. When I reach what he said, a guy tells me where to go again. Now, I'm in the middle of the park where there's a fountain. Pero wala pa rin.
An unfamiliar song plays. Tumingin ako para malaman kung saan nanggaling 'yon. Baka naman may nangti-trip sa akin dito, a! Masasapak talaga ako! Nagpatuloy ang kanta at nahawi ang mga tao. Papalapit sa akin si Marcus na siyang kumakanta at may hawak na bulaklak.
I feel a teardrop falling down may face. I rarely cry, pero na-appreciate ko talaga ng ginawa ni Marcus. Pero para saan?
Nang makalapit siya sa akin ay niyakap ko siya at tinanggap ang bulaklak. "Happy First Monthsary," bulong niya sa'kin. Mas maraming luha ang bumagsak. Isang buwan na pala kami. Ang bilis ng panahon.
"Pero hindi mo kailangang gawin 'to!" alma ko. Tumawa lang siya.
"Anything for My Love."
Marami ang nakapanood sa ginawa ng boyfriend ko at kinilig. Maraming nagsabi ng pagbati. Siguro nga... malapit ko nang magustuhan ang ginawa ni Papa.
Napatawad ko na si Marcus sa pagiging AWOL niya nang ilang araw. Pinaghandaan niya raw talaga 'to kaya kinailangan niyang hindi magpakita para may sense of suprisement. Nabatukan ko nga siya. Pagdating sa bahay ay napansin ko na nakatayo sa labas ang taong kanina ko pa hinahanap. Mukhang hinatid niya si Bebs.
"Gatorade!" Kinawayan ko siya. Nagpaalam muna ako kay Marcus saka hinila si Gatorade para makausap.
"Bakit?"
"Salamat sa pagtulong kay Marcus. At salamat dahil lagi kang nandiyan nang wala siya. May mga ganito pala kayong pakulo, hindi niyo sinasabi."
"Boyfriend mo may gusto no'n."
"Alam ko," masaya kong sabi.
"Alexa." Mukha siyang seryoso. "Gusto mo na ba si Marcus?"
"Huh?" Anong sinasabi niya?
"Do you already love him?"
"What?... No!" sagot ko agad. "Ano bang problema mo?"
"'Cause I like you."
Tila huminto ang mundo. Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto niya ako? Pero... I have Marcus at boyfriend siya ni Dominique. At si Papa.
Tumawa ako nang pagak. "Nagpapatawa ka. Sige mauna na ako," paalam ko pero napatigil sa salita niya.
"Alexa, seryoso ako." I glance at him and he's not smiling. Nakatingin siya nang diretso sa mata ko.
"You can't be serious Gatorade." Umiling ako. "You like me... but you're Dom's. And I have Marcus," I whispered more to myself.
"I know. That's why I'm restraining my feelings." May himig ng lungkot ang boses... maging ang mata niya,
Then he turns his back and walk away.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro